You are on page 1of 2

CABANTIAN NATIONAL HIGH SCHOOL

Country Homes, Cabantian, Davao City


FILIPINO Ika-pitong Baitang
Ikalawang Markahan

Pamantayang Pangnilalaman: Naipamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang


pampanitikan ng Kabisayaan.
Layunin: 1. Nahihinuha ang kaligirang pangkasaysayan ng binasang alamat
ng kabisayaan
Paksa: Kaligirang Pangkasaysayan ng Alamat

ANG KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG ALAMAT

Likhang kuwento na nagpapaliwanag ng pinagmulan ng isang bagay ang payak na


pagpapakahulugan sa alamat. Karaniwan itong nagtataglay ng mga kababalaghan o mga hindi
pangkaraniwang pangyayari. Ang karaniwang paksa ng mga alamat ay ang ating katutubong kultura, mga
kaugalian, at kapaligiran. Taglay nito ang magagandang katangian tulad ng kalinisan ng kalooban,
katapatan, at katapangan, subalit tinatalakay rin sa mga alamat ang hindi mabubuting katangian tulad ng
kasakiman, katamaran. kalupitan,paghihiganti, pagsumpa, at iba pa. Karaniwan itong kapupulutan ng
aral at nagpapakitang ang kabutihan ay laging nananaig laban sa kasamaan.
Ang alamat ay bahagi na ng kasaysayan ng Pilipinas. Nag-ugat ito sa pandarayuhan ng ating mga
ninuno sa iba’t ibang lupain ng Asya. Gayunpaman, hindi nagawang mailathala ang mga alamat sa
panahong ito dahil sa kawalan ng sistema ng pamamahala at edukasyon.
Pasalin-dila ang naging paraan ng ating mga ninuno noon sa paglalahad ng alamat na nakatuon
sa paniniwala at pagsamba sa mga anito at Dakilang Lumikha.
Sa pagdating ng mga dayuhan sa ating bansa, nagkaroon ng pagbabago sa paglalahad at paksain
ng mga alamat. Ang ilan sa mga ito ay naiukit sa bato, balat ng punongkahoy, at kinalaunan ay
napalimbag. Pinalaganap ng Espanyol ang pananampalatayang katolisismo kaya’t sa panahong ito ay
saglit napigil ang paglaganap ng katutubong karunungang bayan at panitikang katulad ng alamat.
Sinasabing ipinapasunog ng mga prayleng Espanyol ang mga naisulat na panitikan ng ating mga ninuno.
Ang iba ay ipinaanod sa ilog sapagkat ayon sa kanila ito ay gawa ng demonyo.
Ang alamat o legend ay nagmula sa wikang Latin na legenda. Ito’y nangunguhulugang “upang
mabasa.” Ang mga alamat at iba pang panitikan ay nagpasalindila o nagpasalin-salin lamang sa bibig ng
mga taumbayan ay hindi nila masira dahil na rin sa tagal ng pamamayani ng mga ito sa ating kultura.
Ang layunin ng alamat ay magpaliwanag ng pinagmulan ng mga bagay sa iba’t ibang paraan.
Maaaring ang pinagmilan ng tema ng alamat ay sa pagsasama-sama ng pangalan ng tauhan sa akda at
mga salitang paulit-ulit na binabanggit ng tauhan na kinalauna’y nagkaroon ng kaunting pagbabago sa
baybay nito.
Hindi man makatotohanan ang mga alamat, naging instrumento ito ng pagtuturo ng wastong
asal, paghahanap ng katotohanan, at pagpapayabong ng kultura ng ating mga ninuno hanggang sa
kasalukuyang panahon.

Sanggunian: Ilaw: Pinagsanib ng Wika at


Panitikan Baitang 7, Leonora
dela-Cruz Oracion,Innovative
Educational Materials INC. 2012
Mga Gawain:

A. Basahin at unawain ang bawat bilang. Isulat ang letra ng tamang sagot sa kwaderno.

1. Ano ang pangunahing paksa noon ng alamat?


a. ating kultura’t kaugalian c. mga hayop
b. mga bayani d. mga likas na yaman
2. Ano ang pangunahing layunin ng isang alamat
a. magbigay ng impormasyon c. magpaliwanag ng kasaysayn ng Pilipinas
b. magbigay aliw d. magpaliwanag ng pinagmulan ng bagay-bagay
3. Sa anong wika nagmula ang salitang “legenda”?
a. Espanyol c. Ingles
b. Griyego d. Latin
4. Ano ang kahulugan ng salitang “legenda”?
a. upang mabasa c. upang malaman
b. upang maikuwento d. upang maisulat
5. Sa anong paraan lumaganap ang mga alamat?
a. pagsusulat sa bato c. pasalin-dila/pakuwento
b. pag-uukit sa kahoy d. pasayaw o pagdiriwang
6. Bakit pansamantalang napigil ang paglaganap ng alamat at iba pang mga panitikan?
a. dahil pinigil ng mga amerikano c. dahil sinunog ng mga espanyol
b. dahil nag-aklas ang mga Pilipino d. dahil sa pagkamatay ng mga bayani
7. Bakit sinunog at itinapon sa ilog ang mga alamat at ib pang akdang pampanitikan ng ating bansa noon
sa pananakop ng Espanyol?
a. dahil ito raw ay malas c. dahil ito raw ay labag sa batas
b. dahil ito raw ay gawa ng demonyo d. dahil mas sumisikat ang ating panitikan

`
B. Isa-isahin ang mga mabubuting kaugalian na nagsisilbing aral sa alamat.

C. Tumatalakay rin ba ito sa mga di mabubuting Kaugalian? Kung mayroon, ano-ano ang mga iyon?

D. Makatotohanan ba ang Alamat? Oo o Hindi at Bakit?

You might also like