You are on page 1of 1

TALAMBUHAY ni DUTERTE

Si Rodrigo "Rody" Roa Duterte ay ipinanganak noong ika-28 ng Marso taong


1945. Siya ay isang Pilipinong abogado, politiko, at ang ika-16 at kasalukuyang
Presidente ng Pilipinas. Kilala rin siya sa pangalang Digong, Siya ang unang pangulo
mula sa Mindanao at ang pinakamatandang naging presidente sa kasaysayan ng
Pilipinas sa edad na 71 (dating rekord na hawak ni Sergio Osmeña sa edad na 65).

Nag-aral si Duterte ng Political Science sa Lyceum of the Philippines University


at nagtapos noong taong 1968. Tinapos naman niya ang kanyang abogasiya noong
taong 1972 sa San Beda College of Law. Pagkatapos nito ay nagtrabaho siya bilang
abogado at taga-usig ng Davao City, isa sa pinakamalaking lungsod ng Pilipinas. Si
Duterte ay naging bise mayor ng Davao City bago naging alkalde ng lungsod noong
1986. Isa siya sa mga alkalde ng Pilipinas na may pinakamahabang nagugol sa
serbisyo, umabot ito ng pitong termino at higit na 22 na taon.

Noong May 9, 2016, nanalo si Duterte sa halalan bilang pagkapangulo. Nakakuha siya ng 39.01% ng mga boto laban sa
katunggali na si Mar Roxas mula sa Liberal party. Sa kanyang kampanya, ipinangako niyang mababawasan ang krimen sa
pamamagitan ng pagpatay sa libu-libong mga kriminal. Ang kanyang domestic policy ay nakatutok sa paglaban sa iligal na
droga sa pamamagitan ng pagtugis sa mga pinaghihinalaang nagbebenta at gumagamit ng droga. Noong Abril 2017,
tinatayang higit 7,000 katao ang namatay mula sa mga lehitimong operasyon ng pulisya at vigilante-style killings. Si Duterte
na binansagang "The Punisher" ng Time magazine, ay iniuugnay rin ng Amnesty International at Human Rights Watch sa
ekstrahudisyal na pamamaslang sa higit 1,400 na pinaghihinalaang kriminal gamit ang vigilante death squads sa panahong
ito ay alkalde pa ng Davao.

PAGKAPANGULO

Noong Nobyembre 21 taong 2015, sa isang pribadong pagtitipon sa San Beda College of Law, pormal na inihayag ni
Duterte ang kanyang intensiyong tumakbo bilang pangulo sa halalan ng 2016. Tinanggap rin niya ang alok ni Alan Peter
Cayetano na maging running mate sa darating na eleksyon. Sa kanyang kampanya ay sinabi niya na gusto niyang ipatupad
ang isang pederal na parlamentaryong anyo ng pamahalaan. Siya rin ay nangakong papatayin ang libu-libong mga kriminal,
at supilin ang krimen sa loob ng anim na buwan.

Noong ika-30 ng Mayo taong 2016, inihayag ng Ika-16 na Kongreso ng Pilipinas si Duterte bilang bagong halal na Pangulo
ng Pilipinas matapos siyang makakuha ng 16,601,997 na boto, na halos pitong milyong higit pa kaysa sa kanyang
pinakamalapit na kalaban. Si Camarines Sur representative Leni Robredo sa kabilang banda, ay inihayag na Bise Presidente
ng Pilipinas na may 14,418,817 votes.

You might also like