You are on page 1of 1

Pagbabago sa Ilalim ng Pamumuno ni Rodrigo

Buod:
Nitong nakaraang Hunyo 30, nanumpa na ang ating bago at ika-16 na pangulo na si Rodrigo
Duterte na kilala rin bilang si Digong. Ipinanganak ito noong ika-28 ng Marso, taong 1945. Siya
ay hinahangaan dahil sa kaniyang magandang pamamalakad sa lungsod ng Davao na kung saan
siya’y naging alkalde sa loob ng 7 termino o 22 taon. Siya rin ay naging vice-mayor at
congressman ng naturang lungsod. Sa tagal ng kaniyang paglilingkod dito, nabura niya ang
imahe ng lungsod na “murder capital of the Philippines” tungo sa “the most peaceful city in
southeast Asia” at “the world’s fourth safest place.” Noong una’y wala talagang balak na
tumakbo sa pagka-pangulo si Digong pero dahil mismong bayan na ang nagsabing tumakbo siya,
sinubukan niya. Nitong nakaraang eleksyon, nakakuha siya ng kabuuang 16,601,997 boto.
“Change is coming,” ay isa na marahil sa pinakatumatak sa mga Pilipino noong pangangapanya
niya. Ngayon na siya’y halal na pangulo na, inaasahan ng lahat na ang tunay na pagbabago sa
ating bansa ay makakamit na.
Reaksyon:
Marami ang natuwa sa pagkapanalo ni Rodrigo Duterte. Tuwing mayroong debate ang mga
kandidato ay palagi akong nanunuod. Alam ko, hindi pa ako isang botante ngunit mayroon akong
pakialam sa kung sino ang mamumuno sa bansang tinitirahan ko. Noon, ako ay sang-ayon sa
pagkapanalo niya ngunit may mga bagay akong natutunan. Siya ay binabatikos dahil sa
pagpapapatay ng mga kriminal. Sino ba dapat patayin? Iyong mga inosente? Iyong mga walang
kalaban-laban? Sabi nga niya, “I don’t care if I go to hell as long as the people I serve will live
in paradise.” Maganda ang kanyang layunin na mapabuti ang bansa, may parte rin sa akin na
sang-ayon sa death penalty, ngunit sa Sistema ng hustisya sa ating bansa, mas maraming inosente
ang nadadamay at ang mga malalaki ay napoprotektahan.

You might also like