You are on page 1of 10

EDITORYAL — Modernization ng jeepney, ituloy

Pilipino Star Ngayon


October 17, 2023 | 12:00am
NATULOY kahapon ang tigil pasada ng mga jeepney pero hindi tuluyang naparalisa ang
transportasyon dahil isang grupo lamang ang nagsagawa nito. Marami pa ring jeepney ang
pumasada. Hindi rin naapektuhan ang mga estudyante sapagkat sinuspende ang klase ng mga
paaralan sa Metro Manila.

Layunin ng grupong Manibela sa pagdaraos ng tigil pasada na suspendihin ang jeepney


modernization na ang deadline ay sa Disyembre 31, 2023. Noon pa dapat nakaraang Marso 31,
2023 ang orihinal na deadline ng modernization pero ipinagpaliban sa Disyembre para
makapaghanda ang mga operator sa modernisasyon. Ayon sa LTFRB na 60 porsiyento pa
lamang ang nakakasunod sa jeepney modernization.

Noong nakaraang linggo, isang “whistle blower” ang lumantad at sinabing may nangyayaring
korapsiyon sa LTFRB kaugnay sa pagbibigay ng prankisa at ruta. Ayon kay Jeff Tombado,
humihingi ng P5 milyon si LTFRB chairman Teofilo Guadiz III sa operators. Si Tombado ay
dating tauhan ni Guadiz. Makalipas ang dalawang araw, binawi ni Tombado ang akusasyon kay
Guadiz. Sinuspende naman ni Pres. Ferdinand Marcos Jr. si Guadiz.

Sinabi naman ni Senator Grace Poe, na dapat ipagpaliban muna ang jeepney modernization
dahil sa sumingaw na katiwalian. Hindi raw makatwiran na mawawalan ng ikabubuhay ang mga
driver na maaapektuhan ng modernization. Dapat maimbestigahan ang sumingaw na katiwalian
sa LTFRB.

Hindi nararapat ipagpaliban ang pagpapatupad ng jeepney modernization dahil may lumutang
na katiwalian. Maari namang imbestigahan ito pero ituloy ang planong modernisasyon.

Para madaling makasunod o makatugon ang operators sa modernization, tulungan ang mga ito
ng pamahalaan na makabili ng mga modernong jeepney na abot kaya ang halaga. Kung maaari
panatilihin ang anyo ng mga jeepney na naging tatak na sa Pilipinas. Sa kasalukuyan, ang
modern jeepneys ay nagkakahalaga ng P700,000 hanggang P1-milyon. Hindi ito kakayanin ng
operators kaya dapat tulungan ng pamahalaan.

Kung matutulungan ng pamahalaan na makabili ng modern jeepney ang mga operator,


matutuloy ang modernization. Bakit hindi kunin ang tulong ng mga sikat na jeepney makers na
gaya ng Sarao Motors, Francisco Motors, Malaguena Motors at iba pa. Maaring may maiambag
sila. Subukan ito ng pamahalaan at baka ito ang susi para magtagumpay ang
jeepney modernization.
EDITORYAL - 6 na taong nauhaw sa
laya’t hustisya
Pilipino Star Ngayon
November 16, 2023 | 12:00am

Mahigit anim na taon ang binuno ni dating senador Leila de Lima sa kanyang
detention cell sa Camp Crame bago pinayagang makapagpiyansa. Ga-
yunman, pansamantala pa rin ang kanyang paglaya sapagkat may isa pang
kaso pa siyang didinggin. Sa kabila nito, masayang-masaya si De Lima sa
pagkakalaya niya. Bakas sa kanyang mukha ang matinding kagalakan. Ayon
sa dating senadora, sa loob ng anim na taon na pagkakakulong wala siyang
inasam kundi ang makalaya at makakamit ng hustisya. Napakasakit umano
na makulong na walang kasalanan. Umiiyak umano siya na dinggin ang
kanyang panalangin. Wala umanong tigil ang kanyang pagdarasal.

Inakusahan si De Lima na kinunsinti at pinabayaan na mamayani sa New


Bilibid Prisons ang illegal na droga mula 2013 hanggang 2015 habang siya
ang nanunungkulang DOJ secretary. Inakusahan din siya na tumatanggap ng
drug money mula sa mga bigtime drug lord sa NBP. Itinanggi ni De Lima ang
mga akusasyon at sinabing biktima siya persecution noon ni dating President
Rodrigo Duterte.

Bukod kay De Lima, pinayagan din ng Muntinlupa City Regional Trial Court na
makapagpiyansa sina dating Bureau of Corrections (BuCor) chief Franklin
Bucayu, ex-aide ni De lima na si Ronnie Dayan, Joenel Sanchez at Jad Dera.
Nag-post sila ng P300,000 bail.

Makaraang makalaya si De Lima, maraming nagsabi na buhay na buhay ang


justice system sa bansa. Hindi raw natutulog ang batas sa kaso ni De
Lima. Ang katotohanan ang laging mangingibabaw.

Maaring totoo pero hindi mapapasubalian na mabagal ang paggulong ng


batas sa bansa. Ang mahigit anim na taon na pagkakakulong ni De Lima ay
maikli pa kung maikukumpara sa mga nakakulong na napagbintangan lang.
Hanggang ngayon, marami ang nakakulong na wala namang kasalanan.
Nagdurusa sila sa kabila na wala namang kasalanan.
Masuwerte si De Lima at nakalaya na sa kabila na nagdusa na siya ng anim
na taon. Hindi tumigil si De Lima sa paglaban dahil may abogado siya. Paano
ang mga walang abogado at nakapagsilbi na ng 10, 15 o 20 taon sa kulungan
na wala naman pala silang kasalanan? Napagbintangan lang sila at ang
nakalaban ay makapangyarihan at maimpluwensiya.

Sabi ni De Lima, ayaw daw niyang mangyari sa iba ang nangyari sa kanya na
nakulong na wala namang kasalanan. Sa himig ng pananalita ng dating
senadora, magsisilbi siya sa iba, magiging tagapagtanggol sa mga itinapon sa
kulungan kahit walang kasalanan. Gawin sana ito ng senadora dahil
maraming uhaw sa hustisya.

EDITORYAL - Sagipin ang mga bata


Pilipino Star Ngayon
September 30, 2023 | 12:00am

Kahindik-hindik ang nabulgar sa Senate hearing sa Socorro Bayanihan


Services Inc. (SBSI) noong Huwebes na mayroong 1,587 na mga bata ang
nasa bundok na tinatawag na “Kapihan” at hindi pinapayagang makapag-aral.
Napag-alaman na ang mga bata na may edad 12 ay hindi marunong sumulat
at bumasa. Ang mga bata na umano’y kasama ng kanilang mga magulang na
tumira sa bundok ay dumaranas ng mga pagpapahirap kasama na ang
pagpapakasal nang maaga sa mga lalaking hindi nila kilala. Ang
pinakamasama, ginagahasa pa umano ang mga menor-de-edad ng pinuno ng
SBSI na nagngangalang Jey Rence Quilario, alyas Senior Agila.

Ang dinaranas ng mga bata sa umano’y “kulto” ay ibinunyag ng dating


miyembro ng SBSI na si Alyas Jane. Ayon kay Jane, noong nakaraang taon
na siya ay sumapit sa ika-14 na taong gulang, sapilitan siyang ipinakasal sa
kapwa niya miyembro na 18 taong gulang subalit hindi niya ito kilala. Bukod
sa kanya, marami pa umanong batang babae at lalaki ang pinapares ng lider
ng kulto at sapilitang ikinakasal. Inuutusan din umano ang mga lalaki na
gahasain ang kanilang mga asawa sa loob ng tatlong araw matapos ikasal.

Nabunyag din sa hearing na sapilitang pinagsusundalo ang mga kabataang


lalaki para makabilang sa tinatawag na “Soldiers of God”. Ang mga ayaw
sumunod ay pinarurusahan gaya nang paglangoy sa balon na may dumi at ihi
ng tao.

Napag-alaman na maraming miyembro ang nagbenta ng kanilang ari-arian at


ang pinagbilhan ay binibigay umano kay Quilario o Senior Agila. May mga
guro at pulis na umalis ng kanilang trabaho at sumama kay Senior Agila sa
bundok na tinatawag na “Kapihan”.

Nabulgar ang “kulto” nang ang mga tumakas na miyembro ay humingi ng


tulong kay Senator Risa Hontiveros. Nag-privilege speech si Hontiveros at
ibinunyag ang ginagawa ng SBSI. Nagkaroon ng hearing sa pamumuno ni
Sen. Ronald dela Rosa. Sa hearing, sinabi ni Dela Rosa na nagsisinungaling
si Quilario at iba pang lider ng SBSI kaya ikinulong sila sa Senado. Taliwas
umano ang mga ipinahayag ni Quilario at iba pa sa sinabi ng mga witness.
Ipagpapatuloy sa isang linggo ang hearing.

Mga bata ang labis na kawawa sa ginagawa ng umano’y “kulto” kaya


nararapat na malaman ang katotohanan at isakdal ang pinuno at mga
kasamahan. Labag sa karapatang pantao ang kanilang ginagawa na pati mga
bata ay puwersahang pinagagawa ng laban sa kalooban. Hindi dapat
mangibabaw ang ganito kasamang gawain. Dapat maparusahan ang mga
sangkot.

MAY MALINIS PA BANG HALALAN?


NOVEMBER 4, 2023 EDITORIAL

Bumalik ang Pilipinas sa eleksiyon noong Lunes, Oktubre 30, upang pumili ng mga bagong
lider sa barangay. Ito ang kauna-unahang halalan sa barangay at sangguniang kabataan sa
limang taon, matapos kapuwa at magkahiwalay na inaprubahan ni dating Pangulong
Rodrigo Duterte at kasalukuyang Pangulo Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang
pagpapaliban ng eleksiyon na naunang nakatakda noong 2020 at 2022. Ang barangay ay
siyang pinakamaliit na bahagi ng gobyerno at ito rin ang pangunahing tagapagpatupad ng
mga polisiya ng gobyerno.
May kabuuang 1.41 milyon tao ang nagpila ng kanilang kandidatura upang punan ang
672,432 posisyon para sa halalan ngayong taon. Sa pagtatapos ng BSKE 2023 ay
ipinagmalaki ni Comelec Chairman George Garcia na naging matagumpay, maayos, at
walang failure of elections ito ay sa kabila ng maraming insidente ng karahasan na naiulat
sa panahon ng pagboto sa iba’t-ibang presinto sa buong bansa, lalo na sa Bangsamoro
Autonomous Region in Muslim Minadanao (BARMM) at probinsiya ng Abra.

Ayon kay Garcia ay nasa 2,530 electoral members sa BARMM ang umatras bago ang araw
ng eleksiyon dahil sa takot para sa kanilang seguridad samantalang nasa 29 mga guro
naman mula sa Abra ang umatras bago ang araw ng halalan at dalawa pa mula sa
Barangay Lapat Balantay sa Tineg na nais nilang umatras matapos makarinig ng mga
putok sa lugar ng botohan subalit nagdesisyong ipagpatuloy ang kanilang serbisyo sa
panahon ng BSKE. Sa pangkalahatan ayon sa Comelec ay naging maayos ang leksioyn sa
201,786 presinto sa buong bansa maliban sa ilang presinto na naaatala ang pag-uumpisa
dahil sa ilang dahilan gaya ng seguridad.

Ang “failure of elections” ay mangyayari kung mayroong karahasan, banta, intimidasyon,


terorismo, force majeure, o pagkawasak o pagkawala ng election pharaphernalia na
magiging sanhi ng pagiging imposibilidad ng magsagawa ng halalan. Sa pagtatapos ng
BSKE ngayong taon ay inaasahan natin at hinihimok ang mga bagonghalal na opisyal na
gampanan ang aktibong papel sa pagsusulong ng pagkakaisa, kapayapaan at kaunlaran.
Sa pagiging pangunahing yunit ng lokal na gobyerno ay mahalaga ang mga papel ng mga
opisyal ng barangay sa paghahatid ng mga pangunahing serbisyo na malaki ang epekto sa
mga buhay ng bawat-isa sa kanilang mga nasasakupan.

Sa mga opisyal naman ng Sangguniang Kabataan ay importante rin ang kanilang papel sa
pangunguna sa mga kabataang Pilipino at kailangang kilalanin din ang kanilang papel na
magsilbi bilang mahusay na huwaran sa bawat kabataan na pangungunahan sila tungo sa
daan ng payapa
at humuhubog sa bansa na tinatanglawan ng pag-ibig sa sariling bansa. Malaki at
mahalaga rin ang gampanin ng mga opsiyal ng barangay at SK sa aktibong paglahok sa
pagtukoy ng sanhing-ugat ng panlipunan at pang-ekonomiyang mga isyu at paghahanap ng
mga solusyon sa mga problemang nakakaapekto sa mga komunidad, lalo na mga
lalawigan.
Ang bawat halalan ay mahalaga na kinakailangang lahukan ng mga may karapatang
mamamayan sa pagpili ng mga manunungkulang lider mula sa barangay hanggang sa
buong bansa. Ang karapatang bumoto at lumahok sa pagboto ng mga lider ay isang paraan
sa pagbibigay ng direksiyon ang isang lugar na nagsisimulas sa mga barangay hanggang
sa munsipiyo, lungsod, probinsiya at sa bong bansa. Laging minimithi sa bawat halalan ang
malinis at mapayapang pagdaraos nito, ngunit, sa buong kasaysayan ng proseso ay hindi
man lang tayo makalapit sa nais na ito.

Walang ni isang pagdaraos ang malinis lagging may mga insidente ng karahasan,
pagpatay, paninindak at ang hindi maampat na pagbili at pagbenta ng mga boto – ito ay
dahil na rin sa kasakiman ng mga gustong umupo. Maaaring may pag-asa pa na makamit
natin ang mithiing malinis at mapayapang halalan kung sa bawat pagpili ay ang mga
karapat-dapat at walang bahid na pansariling interes na mga tao ang ating iluluklok sa
puwesto, dahil tila wala ng silbi ang mga batas dahil hindi na ito iginagalang ng ilan kaya
tamang umpisahan sa pagpili sa mga taong hindi pasasailalim sa kinang ng pera at
mapapayuko sa impluwensiya ng mga ganid at korap na politiko.

Mga nanlilimos dapat maabot

Posted on November 15, 2023 by tirador

Pangkaraniwan na ang mga sumasakay sa mga jeepney na nanlilimos sa mga pasahero. Sila ay mga bata,
babaeng may kargang sanggol at lalaki. Namamahagi pa sila ng envelope o ampao para paglagyan ng
perang ibibigay ng mga pasahero. Ang iba ay may script pa na nagpapakilala sa kanila bilang dukha upang
kaawaan sila at mabigyan ng donasyong pera.

Pangkaraniwan na rin ang istilo ng ibang manlilimos na sumasampa rin sa mga jeepney na magpakita ng
laminated na dokumentong sinasabi nilang medical record o certificate ng kanilang maysakit na kamag-
anak. Ikinukwento nila na kailangan nila ng pera para sa panggagamot ng kanilang maysakit na anak o
magulang.

May mga pasaherong nagbibigay ng barya, mayroon namang hindi nagbibigay. Ang mga tsuper naman ay
pinaaalis ang mga batang namamalimos.

Dating ipinagbawal ng Department of Social Welfare and Development ang pagbigay ng pera sa mga
nanlilimos dahil umano pangungunsinti ito at lalong nang-e-enganyo sa ganoong gawain. Ngunit talamak
pa rin ang panlilimos dahil hindi umubra ang panawagan ng DSWD.
May bagong istratehiya ang bagong kalihim ng DSWD na tumutulong sa mga walang tirahan at natutulog
sa mga bangketa o kariton. Tinaguriang Oplan Pag-Abot, nagbibigay ito ng pansamantalang bubungan at
pagkain sa mga naninirahan sa kalye.

Ang Oplan Pag-Abot ay tulong na rin sa mga nanlilimos na siyang paraan ng mga walang bahay upang
makakalap ng pera na pambili nila ng pagkain sa araw-araw.

Kabilang sa tulong na ibinibigay sa ilalim ng Oplan Pag-Abot ay pagbibigay ng pagkakakitaan o


hanapbuhay sa mga street dwellers na uuwi sa kanilang probinsiya. Mayroon ding tulong medikal,
pagkain, pamasahe, relokasyon, tulong pampamilya at kanlungan.

Mas maigi ang tulong panghanapbuhay kung saan tuturuan ang mga benepisyaryo na makapagtrabaho o
makapagnegosyo upang masustentuhan nila ang mga sarili. Ito ay mas pangmatagalan at mas tiyak na
may kita para pangsustento sa sarili nila.

Kailangang paigtingin ang Oplan Pag-Abot upang abutin ang mga nanlilimos sa mga dyip, pati iyong mga
nagpapakita ng mga medical record or certificate na maaaring hindi totoo at props lamang upang
makapanlinlang. May mga pwesto ang mga ganitong manlilimos na madaling matunton ng mga taga-
DSWD.

Mas maiging mabigyan ng trabaho ang mga nanlilimos upang magkaroon sila ng dignidad at
pangmatagalang lunas sa kanilang kahirapan.

Sa mga batang manlilimos naman na makakanlong ng DSWD, mas makabubuti rin ito para sa kanilang
kaligtasan. Ang pagsampa-sampa at pagtalon-talon pababa ng mga bata sa mga dyip upang manghingi ng
pera ay peligro na maaari nilang ikamatay o ikapinsala.

Sana ay tuunan ng pansin ng DSWD ang mga batang manlilimos na dumarami lalo na ngayong
kapaskuhan.
‘Truth has set me free,’ says Leila de Lima,
‘after 2,454 days of undeserved detention’
BY SONNY COLOMA
Nov 16, 2023 01:44 AM

Free at last!

Former Senator Leila de Lima began reading her prepared statement


following her release from Camp Crame last Monday, Nov. 13: “After six
years, eight months, and 21 days – this is the 2,454th day, I’m free at last!”

“Though it took so long,” she said, “I never lost faith.” Counting all those
years, months, weeks, days, hours, minutes, and seconds – and reckoning all
the important milestones she had missed, it was her faith that sustained her:
“Nanalig, nanalangin ako, darating din ang panahon ng aking paglaya.” (I
believed, I prayed, the day of my freedom would come.)

Every moment was a test, she said, but she was firmly determined: “They
will never take away my humanity.” She resolved that she would focus
“only on things within my control.” She narrated: “Not only did I survive, I
came out stronger. Truth, justice, human rights, rule of law – these are not
just words, these served as my lifelines. Kayo po ang aking ipinaglaban.” (I
fought for all of you.)

She said that throughout her long period of detention, she believed that she
would be vindicated eventually. Her fidelity to the law was evident: She
thanked the Marcos administration for upholding the rule of law and the
independence of the judiciary.

Despite her long ordeal of unjust incarceration, she harbored no ill will.
When asked for her personal message to her known adversary: “God
forgive him, God bless him.”

It may be well at this point to recall the key events that led to her
undeserved detention.

As the chairperson of the Senate committee on justice, she convened public


hearings to inquire into reports that there were “death squads” operating in
Davao City. The allegations coming out of the hearings must have reached a
certain tipping point. On majority vote of her Senate colleagues, she was
removed as committee chair.

On Feb. 24, 2017, she was arrested “for illegal drug charges, including an
alleged agreement between the accused and New Bilibid Prison inmates to
sell and trade illegal drugs to fund her 2016 senatorial bid.” Ranged against
her was a slew of convicted drug traffickers then jailed in the New Bilibid
Prison. Some of her erstwhile direct subordinates were either implicated or
used against her. Two of the three cases were dismissed by the court,
leaving only one case in active litigation – and this is the case in which she
has just been granted bail.

“This is a triumphant moment for me,” she said, “a moment of joy.” No


political discussions for now. Filing cases against those who unjustly
persecuted her remains an option.

She mused on her personal and family life that had been severely and
harshly affected during her nearly seven-year incarceration. Her son passed
the bar examination; she was not allowed to witness his oath-taking. She has
an ailing 91-year-old mother whom she has not seen for more than four
years. Reuniting with her is one of her priorities.

Former Justice Secretary Leila also lamented the loss of her friends, former
President Benigno ‘Noynoy’ Aquino III, and former DSWD Secretary
Corazon ‘Dinky’ Soliman who passed away in June and September 2021,
respectively.

I recall the almost daily meetings we had with President Aquino, who was
keenly mindful that, as Chief Executive, his decisions and actions had to
conform with both the Constitution and the laws of the land. She was the
President’s key legal adviser, along with the executive secretary and the
chief presidential legal counsel. Secretary Leila was always a personable, go-
to legal consultant for her fellow Cabinet members.

When then DILG Secretary Jesse Robredo passed away (he perished from a
plane crash), the President and the Cabinet honored him with a three-day
wake in Malacañang Palace. I recall that Secretary Leila was our star soloist.
Although she professed reticence, she was ready with her own USB for her
minus-one accompaniment and rendered the solo refrain for Betcha By
Golly Wow, one of Jesse’s favorite songs.

She said her more than six years’ unjust detention “was a curse I didn’t
deserve, and a blessing from which I learned much.” She said she became
“more prayerful, closer to the Lord” as she read the Bible daily. She also
learned to appreciate mundane things, including stray cats at the Camp
Crame detention center, whose “presence kept my sanity intact.” All told,
she said, “it was a purifying experience.”

One of the most often-repeated words of consolation offered by well-


meaning friends was: “We know how you feel.” On further reflection, she
realized that truly, they would know how it really feels, only if they have
experienced it themselves, and in real-time, not just vicariously, or through
the prism of another person’s experience.

I, too, had a Camp Crame detention experience. But I was not alone, as she
was – or nearly was. I was with more than a hundred detainees. And we
were detained in the Camp Crame gymnasium, not in a private room or cell
as she was. I was a detainee for only the first 47 days of martial law; she was
detained for 2,454 days – or 52 times longer.

In 1972, what was psychologically challenging was not knowing how it was
like to live under a martial law regime. Leila de Lima had to hang on a
thread of faith, praying daily for her personal safety and eventual
deliverance from those who wished her harm.

She said she looks forward to resuming a routinary daily life outside of a
detention facility. Yes, she would join in efforts to reinvigorate the
opposition, as this is rooted in her personal advocacy of truth, justice, rule
of law, democracy, and national sovereignty.

I thank God for setting free my esteemed friend, Secretary Leila de Lima.
May her tribe increase!

You might also like