You are on page 1of 11

PULITIKA SHOWBIZ SPORTS SCANDAL TSISMIS

Vol. I No. 188


ISSN-2244-0593

No.1
www.pssst.com.ph

Back off noon ... MILKY B. back channel RIGONAN ngayon Regalong kotse hindi raw binawi ni Derek
BYLINES
SHOWBIZ PAHINA 7

OPINION PAHINA 4

MARTES SETYEMBRE 25, 2012


Lotto Results 6/55 GRANDLOTTO

#1 in News and Journalism (Aug. 19, 2012) -- Top Blogs Philippines

TODAYS WEATHER Cloudy early, scattered thunderstorms developing later in the day chance of rain 40% 26-31C

Derek Ramsay

12 17 23 44 51 25

6/45 MEGALOTTO

13 35 17 22 03 10

1$ = P41.699

TESDA SEC. JOEL VILLANUEVA

GABINETE NI PNOY PINAATRAS SA ELEKSYON!


NEWS PAHINA 2
NEWS
PAHINA 2

TRILLANES HINDI PATITIBAG LOREN, GRACE POE KUMAMPI SA UNA 13 SUGATAN SA DEMOLISYON SA MAKATI MAS MAGIGING AGRESIBO SI PACMAN
NEWS
PAHINA 3

METRO NEWS
PAHINA 12

SPORTS
PAHINA 9

NEWS

www.pssst.com.ph

MARTES SETYEMBRE 25, 2012

Kinuwestyon ng Senadora ang pagkakakaladkad ng pangalan ng misis ni PDEA chief Dir. Gen. Jose Gutierrez, kai-

GINISA ni Senadora Miriam Defensor-Santiago si dating PDEA Deputy Dir. Gen. Carlos Gadapan kahapon sa pagdinig ng Senate committee on public order and dangerous drugs ukol sa pagalma nito sa pagkakasibak sa kanya sa pwesto.

Sinibak na PDEA offl lalong nadikdik


ringan ni Gadapan, ay pinuna rin ni Santiago. Ayon kay Gadapan, lulong umano sa sugal ang misis ni Gutierrez at ginagamit umano ang posisyon ng kanyang asawa. Sinabi ni Santiago na wala namang ebidensiya si Gadapan na may kinalaman ang pondo ng PDEA sa pribadong buhay ni Ginang Gutierrez. Sinagot naman ito ni Gadapan at sinabing handa siyang iharap ang kanyang impormante. Sa pagdinig, nabatid na nakikita umano si Gadapan sa casino base sa mga lumabas na video. Depensa ni Gadapan na sa casino niya kinikita ang kanyang mga impormante at itinangging nagsusugal siya. Tinanong din ng senadora ang nasibak na opisyal kung bakit ngayon lamang ito nagsalita ukol sa mga umanoy anomalya sa PDEA gayong tatlong taon na ito sa ahensya. Salag naman ni Gadapan, nire-report umano niya sa kanyang mga superior kahit hindi siya nagsusumite ng reklamo.

PSSST NEWS BITS

MAAGANG tinapos ni TESDA director-general Joel Villanueva ang ambisyon nito para sa mas mataas na posisyon sa gobyerno matapos itong umatras sa karera sa pagka-senador, ilang linggo na lamang ang nalalabi bago ang itinakdang petsa ng paghahain ng kandidatura.
Sa isang press conference sa TESDA kahapon ay inanunsyo ni Villanueva na hindi na siya tatakbo sa darating na 2013 senatorial elections. Ayon kay Sec. Villanueva, nakumbinsi siya ni Pangulong Benigno PNoy Aquino III na manatili na lamang sa gabinete sa halip na subukang tumakbong senador sa 2013 elections. I was convinced by the President Id be more effective if I remained in the Cabinet. I will no longer seek a senate seat, wika pa ni Sec. Villanueva. Sinabi umano ng Pangulo sa kanya na mas kailangan siya sa gobyerno kaya pinili nitong manatili siya sa gabinete kaysa subukan ang pagtakbo sa 2013 senatorial race. Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, nanghihinayang umano ang Pangulo sa mga nagawa ni Sec. Villanueva sa TESDA kaya nais nitong makasama na lamang ito sa gabinete. Napatunayan din umano ng Pangulo na competent si Villanueva sa kanyang trabaho dahil dumami pa ang mga iskolar ng TESDA at nakapasok sa magagandang trabaho. Kasabay nito, binigyangdiin ni Sec. Villanueva na hindi ang resulta ng surveys kung saan ay malayong-malayo ito sa top 12 ang nag-udyok sa kanya upang hindi na tumuloy sa pagtakbo. Ang lubos kong pasasalamat sa lahat ng mga naniniwala at nagmamahal sa akin. Parang nanalo na rin po ako sa halalan dahil sa suportang ipinapakita nyo sa akin ngayon. Umaasa po ako na magpapatuloy ito saan man ako dalhin ng kapalaran ngayon at sa susunod pang mga taon. For now, lets not say its game over, its game on!, wika pa ni Villanueva. Patricia Oamil

Gabinete ni PNoy pinaatras sa eleksyon!

Umalma lamang siya nang masibak sa PDEA dahil hindi umano siya nabigyan ng tiyansa na masagot ang mga isyu laban sa kanya. Sa pagdinig sinabi naman ni Gutierrez na sinipa si Gadapan sa PDEA dahil kinukuryente umano nito ang operasyon ng ahensya laban sa mga drug syndicate. Gadapan provided secret intelligence information his disclosure made him a security risk, wika ni Gutierrez. Honey Rodriguez /Rogine Rogelio

Trillanes pinagpapaliwanag
MISMONG si Senator Antonio Trillanes ang pinagpapaliwanag ng Malacaang kung saan nito kinuha ang ginastos sa unang biyahe sa China bago siya kinuhang backdoor negotiator ni Pangulong Benigno PNoy Aquino III. Matatandaang una nang sinabi ni Trillanes na may basbas umano ni PNoy sa kanyang pakikipag-usap sa mga Chinese officials sa loob at labas ng bansa. Pero ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, hindi pa nila ma-account kung galing sa Office of the President (OP) ang ginastos ni Trillanes. Kasabay nito ay iginiit ng Palasyo na hayaan na ang taongbayan ang humusga kay Trillanes pagdating ng 2013 elections. Ayon kay Lacierda, re-electionist si Trillanes kaya dito na lamang hahatulan ng mamamayan kung karapat-dapat pa itong manatili sa gobyerno. Ira Corvera

Loren, Grace Poe Kumampi sa UNA


OPISYAL nang kinumpirma ng United Nationalist Coalition (UNA) kahapon ang pagkakasali sa kanilang line-up sa mga kandidato sa pagka-senador sa eleksyon sa susunod na taon nina Senator Loren Legarda at Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) chair Grace Poe Llamanzares. Ang pagkakasama sa talaan ng mga kandidato nina Legarda at Llamanzares ay inanunsyo ng UNO sa ginanap na presscon ng partido sa Coconut Palace kahapon. Ang UNA ay koalisyon nina Vice President Jejomar Binay ng Partido Demokratikong Pilipino-Laban (PDP-Laban) at dating Pangulong Joseph Estradas Pwersa ng Masang Pilipino (PMP). Bukod kina Legarda at Llamanzares ay kabilang rin sa kandidato ng UNA ay sina Senator Gregorio Honasan; dating senador Ernesto Maceda, Richard Gordon, at Juan Miguel Zubiri; San Juan City Rep. Joseph Victor JV Ejercito; Cagayan Rep. Jack Enrile; Zambales Rep. Mitos Magsaysay; at NBNZTE whistleblower Joey de Venecia. Si Cebu Governor Gwen Garcia na dapat ay kasama sa line-up ay nagdesisyong umatras at tatakbo na lamang sa congressional post. Rogine Rogelio

NAG-RALLY ang mga miyembro ng Kadamay sa harapan ng tanggapan ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa lungsod Quezon kahapon upang igiit sa bagong talaga si DILG Secretary Mar Roxas ng aksyunan ang mga marahas na demolisyon sa bansa kung saan lalong nagiging kaawa-awa ang mga biktima ng demolisyon. Dingdong Riviera

Anti-cybercrime Law isulong


NANAWAGAN ang isang obispo ng Simbahang Katoliko sa publiko na bigyan ng pagkakataon ang Cyber Crime Prevention Act of 2012 (Republic Act 10175) o mas kilala sa tawag na Anti-Cybercrime Law. Itoy matapos na umani ng batikos ang naturang bagong batas mula sa ibat ibang sektor dahil sa umanoy paglilimita nito sa malayang pamamahayag. Ayon kay Legaspi Bishop Joel Baylon, ang right to access information at malayang pamamahayag, ay hindi absolute. Ipinaliwanag ng obispo na ang lahat ng karapatan at kalayaan ay may kaakibat na tungkulin at responsibilidad. Lets give it a chance. After all, freedom has its consequent duty and responsibility, ayon pa kay Baylon, na siyang chairman ng Episcopal Commission on Youth (ECY) ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP). Honey Rodriguez

MARTES SETYEMBRE 25, 2012

TILA hindi patitibag si Sen. Antonio Trillanes IV matapos nitong sabihin na hindi bibitawan ang hawak nitong tatlong komite bilang tugon sa panawagan ni Senate President Juan Ponce Enrile na kusang iwanan ang mga lupon na kanyang hinahawakan dahil wala na siya sa mayorya.
Sa isang panayam sa radyo sinabi ni Trillanes na kung pipilitin muli ni Enrile na kunin sa kanya ang tatlong komite, kailangan pagbotohan ito sa plenaryo na siyang tamang proseso sa pagtatanggal ng committee chairmanships. Bakit ko bibitawan eh I am entitled to that, so kung tatanggalin nila ako, dapat pagbotohan nila sa plenary, ayon kay Trillanes. Dahil dito, hinamon niya si Enrile na sa pagbubukas ng sesyon ng Senado sa Oktubre 8, bilang miyembro ng minorya ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano, kailangan ihain sa plenaryo ang pagtatanggal sa kanya sa mga komiteng hawak nito. Doon natin malalaman sa pagbubukas ng sesyon at pag-uusapan namin sa partido kung ano ang entitled to the party, for us, giit niya. Kung babrasuhin niya, eh pagbotohan sa plenary para tanggalin ako, dagdag ng senador. Sa ngayon, hinahawakan ni Trillanes ang maliliit na komite na halos walang kumukuha dahil puro trabaho sa lupon kabilang ang Senate committee on civil service and government reorganization, amateur sports competitiveness at oversight committee on special government procurement. Miyembreo din siya ng makapangyarihang Senate Electoral Tribunal (SET). Actually ganito ang sistema dyan, may committee na magaganda, at may committee na working committee lang, pinag-aagawan lamang dyan ang komite na magaganda, aniya. Ngunit, ayon kay Trillanes na wala din naman siyang pakialam kung tatanggalan siya ng committee chairmanship dahil miyembro na siya ng minorya dahil may kapangyarihan ang mayorya sa pamumuno ni Enrile na tanggalan ng komite ang sinumang mambabatas. I dont mind, trabaho naman iyon. It is really up to them, aniya. Hinggil naman sa SET, sinabi ni Trillanes na ikokonsulta niya ang hinaing kay Sen. Manny Villar na siyang presidente ng Nacionalista Party kung dapat magkaroon ng isang miyembro ng kanilang partido sa SET.

Trillanes hindi patitibag

www.pssst.com.ph

NEWS

The seat in SET is for the majority, but now, since I am with the minority, I would like to consult this to Senator Villar, of what are our entitlement since we, the Nacionalista Party, is the biggest bloc in the Senate, aniya. Nauna nang hinamon ni Enrile si Trillanes na bitiwan ang mga komiteng hawak nito kabilang ang SET dahil nakalaan lamang ang membership nito para sa mayorya. Honey Rodriguez

Miriam binanatan si Enrile sa Brady Notes Testimonya ni Gadapan pinagdududahan


HINDI kinampihan ng mga senador ang nasibak na Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Deputy Director General Carlos Cadapan matapos pagduduhan ang testimonya nito sa Senado kahapon.
Nauna nang sinabi ni Gadapan na masama ang kanyang loob dahil hindi umano niya alam ang dahilan ng kanyang pagkasibak sa kanyang posisyon sa PDEA. Hindi rin nagustuhan ni Senadora Miriam Defensor-Santiago ang pag-iikot sa meida ni Gadapan para ireklamo ang pagsibak sa kanya. Nagalit ka lang talaga dahil tinanggal ka. Ngayon nakakabigla yan dahil pag tinanggal ang tao hindi siya dapat magrereklamo kung siya ay presidential appointee, you were serving at the pleasure of the President, sabi ni Santiago kay Gadapan. Kinuwestiyon din ni Santiago si Gadapan hinggil pagkaladkad sa media ng misis ni Gutierrez kaugnay na umanoy pagkakalulong nito sa sugal. Lets just assume that she has a bad gambling habit, yun naman ay pribado sa kanila. There is no national interest involved kaya lang pilit mo tinatieup sa PDEA, sambit pa ni Santiago. Candido C.

HINDI umano dapat ibinunyag ni Senate President Juan Ponce Enrile ang nilalaman ng paguusap nina Senador Antonio Trillanes IV at Philippine Ambassador to China Sonia Brady hinggil sa ginawa nitong pagbackchannel sa China.
Ayon kay Santiago, pribado umano ang pag-uusap na iyon nina Trillanes at Brady kayat hindi niya dapat isa-

publiko ni Enrile ang nilalaman nito. The question is, why did the senate president obtain a copy of that report which is not meant for him and how did he manage to do that? That must never be revealed!, reaksiyon ni Santiago kahapon sa paglabas ni Enrile sa Brady notes sa sesyon ng Senado noong isang linggo. We must never tell our antagonist or the other country which is having a diffe-

rence with us on any matter of foreign policy. These are basic principles on international relations, dagdag pa nito. Dahil confidential umano ang nasabing pag-uusap, tanging ang kalihim lang ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang puwedeng makaalam niyon. They are always confidential. They are only written for the eyes of the secretary of foreign affairs through his discretion, can report them to

the president or not, sabi pa ni Santiago. Matatandan na ibinuking ni Enrile ang Brady notes noong Miyerkules sa Senado matapos siyang akusahan ni Trillanes nang pagratsada sa panukalang paghahati ng lalawigan ng Camarines Sur. Nakasaad sa Brady note ang ginawang pag-backchannel ni Trillanes para mapahupa ang tensiyon sa West Philippine Sea. Candido C.

Sa pagdinig Senate committee on public order and illegal drugs, hindi kumbisido ang mga senador sa paliwanag ni Gadapan hinggil sa dahilan ng kanyang pagkasibak sa puwesto sa PDEA. Ayon kay Senador Gregorio Honasan, chairman ng komite, wala umanong karapatan si Gadapan na kuwestiyunin ang pagkakatanggal sa kanyang posisyon dahil prerogative umano ito ni Pangulong Benigno Aquino III. Ang mahalaga rito ay yung presidential prerogative. You are appointed by the President, you are removed by the President, and he does not have to explain to you, pahayag ni Honasan matapos ang pagdinig.

NAUWI SA GULO ang demolisyon sa Guatemala Street sa Barangay San Isidro, Makati City kahapon. Halos hindi nakaporma ang Makati Engineering Department matapos magbarikada ang mga residente at magpaulan ng malalaking bato, bote, dumi ng tao at molotov bomb. Dingdong Riviera

OPINYON
PAGUSAPAN NATIN
VIC SOMINTAC
MARAMI ang nagtaas ng kilay nang lumutang ang balitang back channel negotiator si Senador Antonio Trillanes IV sa problema ng Pilipinas sa China sa mga pinagtatalunang teritoryo sa West Philippine Sea. Lalong uminit ang isyu ng magkasagutan sa plenaryo ng mataas na kapulungan ng Kongreso sina Trillanes at Senate President Juan Ponce Enrile. Kinuwestiyon ang otoridad at kakayanan ni Trillanes sa diplomatic negotiation kung saan ang nakataya ay ang interes ng bansa. Bagamat inaamin ng Malacaang na alam ni Pangulong Benigno Aquino III ang

www.pssst.com.ph

MARTES SETYEMBRE 25, 2012

Trillanes diplomacy
pakikipagnegosasyon ni Trillanes sa China hindi naman talaga inatasan ang senador para sa binabanggit na gampanin.

Ayon sa Palasyo nasa China na si Trillanes nang tumawag kay Pangulong Aquino para humingi ng pahintulot na gusto niyang makatulong sa gusot ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea partikular sa usapin sa Scarborough Shoal.
Sa pagtatalo nina Trillanes at Enrile, pilit na inaalam ng Senate President kung

paano ikinumpromiso ng batang senador ang Pilipinas sa China. Mayroong hawak na transcript ng note ni Philippine Ambassador to China Sonia Brady si Enrile kung saan nakasaad ang posisyon ni Trillanes sa Scarborough Shoal na salungat sa paninindigan ng gobyerno ng Pilipinas sa ginagawang negosasyon na pinangungunahan ni Department of Foriegn Affairs Secretary Albert del Rosario.

kanyang nagawa dahil nabawasan umano ang tensiyon sa Scarborough Shoal matapos na umalis ang mga barko ng China dahil sa kanyang ginawang back channel negotiation.

Inakusahan ni Enrile si Trillanes ng pagtataksil sa bayan dahil tila ibinenta nito ang teritoryo ng bansa sa China.
Ipinagmamalaki naman ni Trillanes ang

Kaya ang tanong ngayon ng mga kritiko, ano ang Trillanes diplomacy? Talaga bang nakatulong ito sa problema ng Pilipinas sa China?
Ang mahirap lang kay Trillanes, napupuna ng kanyang mga kritiko na tila lumalaki ang kanyang ulo at nagiging mayabang. Para sa inyong reaksyon at impormasyon, mag-email sa vicsomintac@yahoo.com.

Back off noon ... Back channel ngayon


BYLINES
MILKY B. RIGONAN
NOONG panahon ng Arroyo administration, nauso ang salitang back off! Ito ay nang imbestigahan ng Senado ang NBN-ZTE deal. Sa testimonya ni Joey de Venecia, inakusahan nito si dating First Gentleman Mike Arroyo na nakialam sa NBN-ZTE deal at pinagsabihan siyang mag-backoff o huwag makialam sa naturang multi-milyong dolyar na proyekto. Fast forward luma na ang back off back channel naman ngayon ang uso. Patuloy ang bangayan ngayon nina Senate President Juan Ponce Enrile at Senator Antonio Trillanes matapos italaga ng Malacaang ang nakababatang Senador bilang back channel negotiator sa China.

indikasyon na may basbas ang Palasyo sa inasal nito na posibleng mauwi sa tuluyang pagpapatalsik dito bilang Senate President.
Mabilis naman itong itinanggi ng Palasyo at sa katunayan, paulit-ulit na naglabas ng statement si Presidential spokesman Edwin Lacierda at tinitiyak nito na suportado ng Malacaang ang liderato ni Enrile. Sa isyu naman ng paghahati ng lalawigan ng Camarines Sur kung saan inakusahan ni Trillanes si Enrile na bully dahil gustong madaliin ang pagpapatibay ng naturang batas para ma-accommodate daw ang mga dating pulitiko doon, isa ito sa mga nabitin na bill nang mag-recess ang Senado noong Huwebes. Pero sa mga nagmamasid sa mga political intramurals sa Senado, hindi maiiwasan na sabihin na mas maraming dapat ipaliwanag ang Palasyo sa kontrobersiya o gulo na nilikha ni Trillanes. Una, nang i-offer ni Trillanes ang kanyang serbisyo bilang back channel negotiator, aktibo pa noon si Philippine Ambassador

to China Sonia Brady at hindi pa siya nakaranas muli ng stroke. Hindi na bago kay Brady ang mga isyu ng Pilipinas sa China. Hinarap at nilutas na rin niya ito dahil siya ang sugo ng bansa sa China noong panahon ni dating Pangulong Gloria Arroyo. Bakit kailangan niya ng back channel negotiator? Pangalawa, beterano at nirerespeto sa international community si Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario. Ano ang naisip ng Malacaang at tinanggap ang alok ni Trillanes na makipag-usap din sa ilang mga opisyal ng China?

Normal lang ang bangayan pero sana hindi lantaran na pinagtatawanan na tayo ng China. Ang ginawa sana ni Pangulong Noynoy Aquino, sa halip na tinanggap ang alok na serbisyo ni Trillanes, naghanap na siya ng permanenteng maitatalaga bilang bagong sugo ng Pilipinas sa China dahil alam naman ng Palasyo na hindi na kaya ng kalusugan ni Brady para ipagpatuloy ang kanyang trabaho.

May ilang sektor na naniniwala na ang lakas ng loob ni Trillanes na banggain si Enrile ay

Sa gulo na ito, malinaw na nanalo ang China dahil lalo lamang natin pinakita kung gaano kahina ang posisyon natin sa mga inaangkin na isla sa binansagan ngayong West Philippine Sea.
MANUEL TRIA AUN

Dahil sa mga sensitibong usapin na kinakaharap ng Pilipinas sa China, kailangan ang full time na kakatawan sa ating bansa doon, hindi ang pagtatalaga ng special envoy o di naman kaya ay senador, kundi isang tunay na nakakaalam sa salitang diplomacy.
TRU-BREW MEDIA, INC.
259 15th Avenue, Cubao, Quezon City Tel: 7107416 e-mail: pssstreact@gmail.com

ATTY. TRIXIE CRUZ-ANGELES


Publisher

Managing Editor

Disclaimer: Ang mga opinyon o artikulo sa pahayagang ito ay personal na pananaw o ginawa ng mga may akda at hindi inaaako ng PSSST editorial team, publisher o managers. Hindi kinakatawan ng PSSST board ang mga nakasulat at hindi gumagarantiya sa pinagmulan ng mga balita at kawastuhan nito kabilang ang mga pahayag, balita, pitak, komentaryo, litrato, cartoons, payo, at iba pang impormasyon.

MARTES SETYEMBRE 25, 2012

www.pssst.com.ph

SHOWBIZ

Richard Gomez, PSSSTmisan tatakbong mayor ng Ormoc City LARA ISAGANI KC, niresbakan ang mga bumabatikos kay Mega
MAGANDA ang takbo ng showbiz career ngayon ni Richard Gomez pero nakahanda siyang talikuran ito para sa kanyang kandidatura bilang mayor ng Ormoc City kung saan nagmula ang kanyang magandang misis na si Congresswoman Lucy Torres-Gomez. Kasama si Goma sa top-rating teleserye ng Kapamilya Network, ang Walang Hanggan opposite ex-girlfriend Dawn Zulueta at Julia Montes at Coco Martin na magwawakas na this month. Sabi ni Richard, hindi pa rin nawawala ang passion nya na makapaglingkod sa mga tao kahit ilang beses siyang nabigo sa pulitika. Masasabi kong calling ko ito, yung desire to serve the people, ewan ko ba, gusto ko talagang maglingkod kahit maganda naman ang kita ko sa showbiz, ibang klaseng fulfillment ang ibinibigay nito sa akin, paliwanag ni Goma. Si Goma ang laging kasama ng misis na congresswo-man sa paglilibot nito sa nasasakupang 4th district ng Leyte at nakikita at nalalaman niya ang mga totoong pangangailangan ng mga tao. Meanwhile, suportado ni Lucy ang hangarin ng asawa na tumakbong mayor sa kanilang lygar. This was bound to happen really. Hes always had this calling to serve, so its really just a matter of time, sabi ni Torres sa isang iinterview sa kanya ng ABS-CBN News. Sabi ni Lucy, pinaghahandaan ng kanyang asaw ang kanyang balakin sa kabila ng busy sked nito sa kanyang mga showbiz commitments. Lahat naman ay bigyan ng oras kung gugustuhin talaga, nasa tamang time management lang para maisakatuparan ng isng tao ang kanyang mga balakin, paliwanag ni Lucy. There is a time for everything, so for now its showbiz, and then theres a time to serve. Its really just a matter of finding time for what you choose to have in your life. You make time for what you want and choose to happen in your life, Nauna ng na-disqualify si Richard sa kanyang kandidatura para sa congressional race sa Leyte noong 2010 elections dahil daw sa kakulangan ng period of residency. Suportado rin ng kanyang mga kaibigan ang plano ni Richard at nakahanda raw silang tulungan ito at magtungo pa sa Ormoc para ikampanya ang actor. Samantala, back to politics din ang kaibigan ni Goma na si Joey Marquez dahil tuloy ang plano nitong pagtakbo bilang kongresista sa second district ng Paranaque. ---------oOo--------NERESBAKAN ni TV host/ actress na si KC Concepcion ang mga panibagong bumabatikos sa kanyang nanay na si Sharon Cuneta. Sa pamamagitan ng kanyang twitter, umalma si KC sa mga kritiko ng Mega Star. Nag-ugnay ang gulo sa pahayag ni Showie na paborito niya ang French suitor ni KC dahil lalaking-lalaki ito. Binigyan ito ng malisya ng mga fans ni Piolo Pascual, dahil tila may pasaring umano ang Mega Star sa kanilang idolo na tila kinukwestyun ang tunay na kasarian. Sa pahayag na iyon ni Sharon, maraming fans ni Piolo ang rumesbak sa kanya sa pamamagitan ng networking sites, bagay na hindi nagustuhan ni KC. Sinabi ng Megastar daughter, walang karapatan ang sinuman na awayin ang kanyang ina dahil si Sharon lang ang may alam sa lahat ng kanyang pinagdaanang sakit sa nakaraan at ito ang nilalaman ng kanyang twitter. My mom KNOWS EVERYTHING that happened to me last year. THE BASHERS DONT. So they cannot blame my mother for being pissed. @sharon_cuneta12, wika ni KC. I may be happier now, but so much has been done. It hurts to see them getting away w/it. It will always hurt. I can forgive, but not forget. Narito naman ang bahagi ng controversial statement ni Cuneta: I cleared it up exactly because I was avoiding controversy kasi nagtawanan ang mga nakapaligid sa akin pati ang nagtanong, so alam ko na iniisip nila. Thats why I said not a woman. Sinundan ko pa ng hindi tomboy ang ibig ko sabihin. Guess its damned if you do & damned if you dont. Thats so sad.. May I just ask: Why is this such a big deal if no one is guilty of something? Bakit may affected? Yun lang. ---------oOo--------TWELVE years din si Glaiza De Castro sa kandili ng kanyang manager na si Manny Valera. May tsismis ngayon na naghahanap siya ng bagong manager at bagong pugad pagkatapos mag-expire ang kanyang kontrata. Ayaw pang kumpirmahin ito ni Glaiza nang makita namin siya sa 20th anniversary at birthday party ng owner ng Erase Plantcenta na si Sir Louie Gamboa. Mas palaban ngayon si Glaiza sa bago niyang serye na kasama sina Marian Rivera , Dennis Trillo at Rafael Rosell. Super daring daw siya ngayon. Kung gaano kalayo ang hinihingi ng eksena. Pero hindi talaga ako ano, ayoko naman nung makaka-offend ako or makikita ng mga tao na bastos or malaswa. Its more of dapat nilang maramdaman kung ano yung kailangang iparamdam ng eksena, deklara ni Glaiza. Yun na!

Richard Gutierrez at Lucy Torres-Gomez

Glaiza De Castro

Photo by: Edward Dela Cuesta pkapamilyanewsngayon.blogspot.com KC Concepcion neta

eSharon Cu-

www.pssst.com.ph

Hollywood Bitz
Flo Rida
we have a lot of other things. Cobie [Smulders] has got The Avengers that just made a billion dollars, Jason [Segel] makes a ton of movies, Im anxious to move east and Josh [Radnor] is directing and acting in movies as well. So, we all are anxious to move forward, ang pahyag ni Harris. Sinabi pa ni Harris na gagawin lang nila ang season 9 kung tataasan sila ng sweldo. Niliwanag din niyang walang namamagitang tension sa mga kasama niya sa sitcom kaya matatapos na ito. SA report ng Radar Online, nagkakahalaga ng $1,040,777.45 ang utang ng 32-year-old rapper na si Flo Rida o Tramar Dillard sa totoong buhay sa Internal Revenue Service (IRS). Ayon sa legal documents na naka-file sa Miami-Dade County Court noong September 7 ay hindi na nakakabayad ng tax ang Low singer simula 2009, na mismong taon rin kung saan siya bumili ng 2.3 acre property na nagkakahalaga ng $1.6 million. Bukod diyan ay isa pang kaso ang hinaharap ng rapper dahil sa pagkakautang sa kumpanyang ADT na nagkabit ng mga

MARTES SETYEMBRE 25, 2012

SHOWBIZ
Nina MARA at CLARA

MARTES SETYEMBRE 25, 2012

www.pssst.com.ph

DEADLINE
JANINE BARRIOS

TV series ni Neil Patrick Harris, matsutsugi na ba?


KINUMPIRMA mismo ni Neil Patrick Harris na hindi pa nagrerenew ng kontrata ang tv series niyang How I Met Your Mother ayon sa report ng Examiner. Malakas ang feeling ni Harris na tatapusin na lamang nila ang season 8 ng CBS sitcom pero hinahanda rin ng kanilang writers ang script para sa season 9 kung sakaling irenew ng CBS ang kanilang show. Our contracts end at season eight, so its one of those, you know, if they wanna do nine, theyre welcome to, but

Rapper na si Flo Rida, tax evader din

Kanye West

Neil Patrick Haris

Kanye West may sex tape

dose-dosenang sensors, smoke detectors at 27 security cameras sa kanyang bahay noon pang 2009. Ayon sa ADT, nagbayad naman ng $19, 366.66 si Flo Rida para sa initial deposit ngunit ang balance na $38, 733 ay hindi pa nase-settle hanggang ngayon. Pinagbabayad si Flo Rida ng $47,134.40 ng ADT kasama na ang interest. Matatandaang ang singer na si Lauryn Hill ay nakulong pa ng tatlong taon dahil sa $1.8 million na utang sa tax. Gayundin ang aktor na si Nicolas Cage na may utang na $14 million at kalahati pa lang nag nababayaran.

HINDI lang pala ang reality star na si Kim Kardashian ang may sex tape kundi pati ang boyfriend niyang si Kanye West ay nagbida rin sa isang sex tape base sa report ng Radar Online. Sa 20 minutes na intimate video ng rapper sa kuwarto ng isang hotel ay sinabi ng kasamang niyang babae na 18 years old lamang siya at may asawa. My husband and I dont have sex anymore thats why Im here! ang dagdag pa ng babae. At Si West pa mismo ang naset-up ng camera.

Ayon pa sa report, nangyari ang sex tape bago pa man makipagdate ang rapper kay Kim Kardashian kayat takot itong lumabas ang nasabing video. Sinabi ng isang insider na umiyak si West nang malamang niyang kumakalat na ngayon ang kanyang sex video. Ilan sa mga nakapanood ng video ang nagsabing mas magaling ang performance ni West kaysa kay Kim at ang 18-year-old na babae sa video ay kamukhang-kamukha ni Kim pati hubog ng katawan.

HINDI man nya tuwirang aminin, may himig ng pagkairita ang boses ni Derek Ramsay habang itinatanggi ang intrigang binawi raw niya sa exgirlfriend na si Angelica Panganiban ang mini cooper na iniregalo niya rito ilang taon na ang nakararaan. Ano na naman bang tsismis yan? Saan na naman nanggaling ang intrigang yan?Hindi ko binawi kay Angel (tawag nya sa ex-gf) ang mini cooper, sa kanya na yun eh, siya ang may-ari nun, siya ang may karapatan kung ano ang gusto nyang gawin dun. Pero sana, huwag nyang ipamigay kasi syempre masasaktan din naman ako kahit na paano, paliwanag ni Derek. May intriga kasing binenta ng akres ang regalong sasakyan ni Derek para wala na itong maging souvenir sa kanya na makapagpapa-alala ng kanilang naging relasyon. Isa pa, balewala na raw sa Kapamilya actress ang mga bagay na nagmula kay Derek, kasama rito ang mamahaling sasakyan na iniregalo sa kanya ng hunk actor noong 2009, dahil ang baby naman nito ngayon ay ang Merecedez Benz na bigay naman daw ng rumored boyfriend nitong si John Lloyd Cruz. Itinanggi na ito ng kampo ng dalaga kasabay ng pagdiin na kumikita rin naman si Angel para makabili ng sasakyan at hindi iaasa sa mga nagiging boyfriend ang gagamitin nyang kotse. Samantala, nakiusap si Derek na lubayan na siya ng mga intrigero at intrigera dahil nakapag move-on na siya at happy siya ngayon kahit single. Sinabi pa ni Derek na kahit break na sila, hindi naman daw sila estranged sa isat-isa. We dont communicate as much, but theres still communication there, the mom texted me the other day; I replied. So theres no bad blood, idinagdag pa ni Derek na busy ngayon sa shooting ng kanyang reunion movie with Anne Curtis, now officially titled A Secret Affair. Inamin nya na hindi madaling burahin ang anm na taon nilang pagsasama ni Angel as a couple. I dont want to love someone one day, and the next day forget all about that and you hate them. Thats not true. Theres no hate, dagdag nito. You never replace. We had six years, tumatak na yan sa puso ko. Its there, its tucked away. But you never replace, you never compare, dagdag nito. Tapos na raw ang mga crying days and nights nya kaya ngayon ay totally healed na siya at pursigidong makapag-trabaho uli, this time sa Kapatid Network siderek. -------------oOo-------------MARAMI ang nakapansin na mas bumait si Barbie Forteza nung iba na ang ka-loveteam niya. Nawawala yung maldita image. Mukhang nahawa siya ng magandang pr ng leading man niyang si Derrick Monasterio na makakasama niya ulit sa bagong show ng GMA na Mariposa. Basta ang alam ko po may pakpak po uli ako. Excited nga po ako sa Mariposa. Kasama ko po uli si Derrick, sey niya. Pero itinatanggi ni Barbie na lumalalim na ang relasyon nila ni Derrick. Si Derrick? Naku, iyon?! Iinumin na nga lang hindi pa siya sure kung ano, love pa kaya?! Parang older brother raw ang turing niya kay Derrick. Puwede kuya pero hindi pa rin kuya kasi parang bata pa sa akin ang isip, sey pa ni Barbie. Ano naman ang reaksyon niya sa sinabi ni Kristoffer na

Barbie Forteza, nabura ang maldita image dahil kay Derrick?


crush nito si Barbie Si Kristoffer, hindi rin talaga. Bestfriend ko po si Joyce Ching, kaibigan ko po yang dalawang yan, bulalas niya. Kumusta naman ang dati niyang ka-loveteam na si Joshua Dionisio? Nag-aaral po si Joshua ngayon, gusto raw po niyang maging doctor. All-out po ang suporta ko kay Joshua. Mukhang Masaya po siya sa studies niya. Pero magkasama raw sila kamakailan sa Maynila taping. Sobrang na-miss ko po yung loveteam namin. Sana, sana, JoshBie naman uli sa next soap ng GMA. Sana, sana Kaya sa tanong, kung papipiliin siya kina Joshua, Kristoffer at Derrick Joshua ! ! ! Ay tablado si Derrick!
Derek Ramsay Barbie Forteza

Regalong kotse hindi raw binawi ni Derek

Derrick Monasterio

Bea Binene

Paris Hilton

PA G K ATA P O S lumabas ng controversial comments ni Paris Hilton tungkol sa mga gay ay naglabas kaagad ito ng sulat para sa GLAAD upang humingi ng paumanhin at maipaliwanag ang kan-

Paris Hilton, humingi na ng tawad sa gay community


yang side ayon sa report ng TMZ. I am so sorry and so upset that I caused pain to my gay friends, fans and their families with the comments heard this morning. It is the last thing that I would ever want to do and I cannot put into words how much I wish I could take back every word, ang paliwanag ng hotel heiress. Gay people are the strongest and most inspiring people I know ... Again, I am so sorry from the bottom of my heart and I feel absolutely horrible. I hope that everyone can accept my apology and know that it is not who I am or how I feel in any way, dugtong pa ni Hilton sa lumabas na statement. Matatandaang habang naka-

Angelica Panganiban

John Lloyd Cruz

sakay ng taxi si Hilton ay kausap nito ang kanyang kaibigan sa cellphone at nairecord ng taxi driver ang sinabi niyang: Gay guys are the horniest people in the world. Theyre disgus-ting. Dude, most of them probably have AIDS... I would be so scared if I were a gay guy. Youll like, die of AIDS.

SHOWBIZ

www.pssst.com.ph

MARTES SETYEMBRE 25, 2012

Relasyon kay Bea Binene tinapos na ni Atty. Topacio Hiwalayang Nadine at non-showbiz BF, kumpirmado Ker Mo ba?
ROLDAN CASTRO
Hindi na raw talaga kayang i-save ang relasyon nila kaya taping araw-araw ang inaatupag ni Nadine. For good na talaga. Di na nila kayang isalba. Pinilit niya, wala rin. Work muna siya, sey ng aming source. Balitang si Derek Ramsay ang makakasama niya sa bagong serye ng TV5 titled Kidlat at kasama rin siya sa Lola Basyang movie. Tuwing Linggo napapanood din siya sa Game N Go. -----------oOo----------NGAYON pa lang ay nalulungkot na ang buong cast ng Lorenzos Time dahil sa nalalapit na pagtatapos nito. Parang matagal na kasi silang magkakakilala at kahit amoy ng utot nila ay mami-miss ng isat isa. Matuk mo, inuututan ni Zaijan Jaranilla si Carmina Villarroel. Pag may nauutot , wala nang pasabi-sabi, maamoy na lang nila kasi komportable na sila . Walang paistaran. Para raw silang isang pamilya Ngayong magwawakas na ang Lorenzos Time, mas tumitindi ang excitement ng TV viewers hindi lamang sa kahihinatnan ng relasyon ng magkapatid na Enzo at Archie (James Blanco), kundi maging sa lalaking makakatuluyan ni KatKat (Carmina). Paano palalalain ni Mildred (Amy Austria-Ventura) ang pagkakalabuan nina Enzo at Jonas? Eere ang final episode ng Lorenzos Time sa Oktubre 5. Bahagi rin cast ng Lorenzos Time sina Ms. Gina Pareo, Joel Torre, Alfred Vargas, James Blanco, Rommel Padilla, Tess Antonio, Kakai Bautista, Gerard Acao, Vino Martinez, at ang child actress na si Belle Mariano. Ito ay sa ilalim ng direksyon nina Jerome Chavez Pobocan at Tots Mariscal Sanchez. Tsuk! -----------oOo----------PANAHON talaga ni Daniel Padilla. Karamihan sa mga bagets gusto siyang makita. Nung magprodyus kami sa Zirkoh ng Daniel show nung September 14, isang batang babae, na mga 7 years old ay gustong-gusto na mapanood si Daniel at makita nang personal. Pinagbigyan siya ng kanyang butihing ina. Pero ang nakakalungkot, maghihintay na lang sa labas yung nanay dahil kulang ang pambili ng ticket. Pinagsabihan lang ang anak na wag magulo sa loob ng Zirkoh. Na-touch kami sa nanay na gustong ibigay ang kaligayahan ng anak kaya napagkasunduan na lang namin ( ang aming kasosyo na sina Vinia Vivar at Maricris Nicasio) na papasukin na rin ang nanay ng libre para mabantayan niya ang kanyang anak. Si Daniel din ang special request ni Mary Joyce na maging bisita sa kanyang 14th birthday celebration sa Palacio De Maynila nung Wednesday night. Paborito niya si Daniel kaya ginawa ng lahat ng kanyang ina si Ate Pheng Santiago at ng kanyang lola na si Mama Tess Palado na maibigay at maging kumpleto ang selebrasyon ni Mary Joyce.

TINAPOS na pala ni Atty. Ferdinand Topacio ang maganda niyang ugnayan kay Bea Binene. Nasa stage ngayon ang sikat na lawyer na nadedepress pero siguradong makaka-move-on din. Noon pa natsitsismis ang nasabing abogado sa young star pero pagkatapos niyang tumulong ay siya pa ang napapasama ngayon. Ayon sa tsika, tinawagan diumano ng young actress at nanay nito ang nasabing lawyer dahil nagwawala raw ang isang DJ na malapit din kay Bea at diumanoy binabantaan. Inistorbo nila ang naturang abogado na kung saan ay nilusong ang baha mapuntahan lang sila sa Tomas Morato isang gabi. Panahon daw yun ng habagat. Sinamahan pa ito na magpa-blotter sa CIDG dahil nagkaroon ng psychological abuse diumano sa young actress dahil sa pangungulit nito. Ngayon ay umaalma raw ang mag-ina na wala naman daw silang balak magdemanda sa DJ bakit daw itinutuloy pa ng lawyer at nagsampa diumano ng child abuse? Ang naturang reklamo ay binase lang naman ng isang pahayagan sa blotter ng mag-ina. Pinabulaanan din ni Atty. Topacio na sinampahan niya ng child abuse ang naturang DJ. Balitang nagkabati na ang DJ at ang young star kaya nag-iba ang timplada niya. Ang nanay naman ni Bea ay todo tanggi sa balita na may relasyon ang anak niya sa DJ at meron diumanong maselang video o larawan. Friend lang daw at walang malisyosong ganyan. Bata pa e, at laging nasa tabi ko yan. Hindi pa puwedeng ilayo sa tabi ko , sey niya sa isnag interbyu. Tama bata pa ni Bea para masangkot sa ganitong tsika, no? Kawawa naman ang kaloveteam niyang si Jake Vargas kung ganyan ang lumalabas na isyu sa kanya. -----------oOo----------SUMABOG ang balitang may girlfriend si Gerald Anderson na rich from Cebu. Isa raw itong alahera pero itinanggi ng guwapong actor. Buong ningning niyang sinabi na wala siyang syota ngayon at loveless siya. Hindi naman daw siya naghahanap ng nobya ngayon. Hindi raw niya prayoridad, Kusa na lang na darating. Tamaaa!!! -----------oOo----------USO na talaga ang hiwalayan. Kinumpirma ni Nadine Samonte na hiwalay na naman sila ng non-showbiz boyfriend niyang si Emerson Chua.

Nadine Samonte
Kinikilig ako, sey ng dalagita habang kinakantahan siya ni Daniel. Ma, akala ko, wala si Daniel, sambit pa niya sa entablado na nasorpresa talaga at ibinigay talaga ang pangarap ng anak na mangyari sa kaarawan niya. Isang birthday concert ang ginawa ni Mary Joyce para pasayahin ang kanyang mga bisita.Hindi na namin mabilang at napagod na kaming magbilang kung ilang gowns at damit ang isinuot niya sa party niya. Baka isang dosena yun o lampas pa. Sayang nga lang at hindi pa puwedeng magserysoso si Joyce sa showbiz dahil priority ang kanyang pag-aaral. Pero naniniwala kaming magiging magaling na recording artist ito balang araw kung papayagan siya ng kanya parents at Lola Tess na mag-showbiz talaga. Naiyak sa kaligayahan si Mary Joyce dahil sa bonggang-bonggang selebrasyon niya. Katorse anyos pa lang siya ngayon, di lalo na pag debutante siya? Matuk mo, ang daming nag-perform sa kaarawan niya tulad nina Enrique Gil, Matteo Guidicelli, Khalil Ramos, Richard Poon, Mark Bautista, Kris Lawrence, Luke Mijares, Gerald Santos, Take Off, Mark Mabasa, Kris Lawrence, Paula Bianca, Makisig Morales,Michael Pangilinan, Teejay Marquez, Upgrade. May orchestra pa at bonggang set ng stage. Nakita rin naming nakisaya ang Wonder Gays, Gloria Romero,Daisy Roumualdez, Chariz Solomon, Yohan Santos, Jobert Sucaldito, Lito de Guzman, Mahal etc. Kahit mga artista ay nalula sa napakabongga at napakalaking birthday party-concert para pasasayahin lang ang mga bisita. Hitsurang prinsesa si Mary Joyce na nandoon sina Daniel, Enrique at Khalil. Ramdam din namin ang napakalakas na hiyawan kay Daniel kung ikukumpara ang tatlo. Iba talaga ang karisma niya sa tao ngayon. Nilalampaso niya talaga sina Enrique at Khalil pagdating sa tilian. Yun na yun. At kay Mary Joyce, belated happy birthday.

Bea Binene Sharon Cuneta

Mary Joyce at Daniel Padilla

Carmina Villaroel

Zaijan Jaranilla

MARTES SETYEMBRE 25, 2012

www.pssst.com.ph

SPORTS BITZ
SUMAMA si Rasheed Wallace sa basketball workout ng New York Knicks noong Sabado sa kanilang practice facility. Ayon sa ESPN, naglaro si Wallace kasama sina Marcus Camby at Kurt Thomas para sa kanilang training session. Kinukunsidera umano ng Knicks na kunin si Wallace, 38, para sa kanilang team. Huling naglaro si Wallace sa NBA noong 2010 bilang miyembro ng Boston Celtics. Umugong ang tsismis na pipirma siya ng kontrata sa Los Angeles Lakers ngunit hindi ito nangyari. Kung maglalaro si Wallace sa Knicks, lalakas umano ang frontcourt ng Knicks na kasama sina Camby, Thomas, Amare Stoudemire at Tyson Chandler. Babayaran din si Wallace ng minimum salary ng isang veteran player.

Mara at Clara

Nina:

Rasheed Wallace, naglaro kasama ang NY Knicks


Rasheed Wallace

DISMAYADO ang mga fans at inaasahang makakaltasan ng karisma at lakas ang sumisikat na Philippine Football team na Azkals matapos na maetsa-pwera ng Philippine National Football Team ang magkapatid na Phil at James Younghusband sa Peace Cup sa Rizal Memorial Stadium na aarangkada ngayong araw. Pangunahing sinisilip na dahilan ng pagsipa sa dalawang high scorer na football player ay ang hindi pagsipot ng mga ito sa mga itinakdang praktis ng koponan. Malinaw ding pruweba ang pagiging angat ni Phil sa mga kasamahan sa Azkals dahil sa pag-iskor nito ng 26 goals sa 37 laro.

Pagsipa kay Phil at James minus bangis sa Azkals


Dahil sa kawalan ng presensiya ng Loyola forward, inaasahang mararamdaman ang kawalan ng bangis ng Azkals lalo nat wala na rin sa koponan si Angel Guirado na nagtungo na ng India dahil sa kinasangkutang sexual harassment. Maging ang center back na sina Jason Sabio at Rob Gier ay wala sa line-up kayat malaking kabigatan para sa koponan ang haharapin ng Azkals. Upang mapunan ang pagkawala ng mahahalagang player ng koponan, kailangan ng bagong defensive partnership ng grupo. Gayunman, magandang pagkakataon ang insidente dahil tsansa ito para bumuo ng backup plan sakaling hindi lumutang sina Gier o Sabio sa Suzuki Cup. Sa kasalukuyan ang Azkals ang may pinakamataas na ranggo sa kumpetisyon na nasa 150 sa buong mundo, habang ang Chinese Taipei ay nasa pang-176; Guam, 185 at Macau 150. Pero sa tatlong laro, inaasahang ang Philippine Football Peace Cup ang magsisilbing venue para masubok at makabuo ng maraming back-up plans ng Azkals. Rev Hernandez

SPORTS

LUMABAS sina San Antonio Spurs guard Tony Parker at girlfriend Axelle sa isang French magasin na Paris match. Nakilala ni Parker ang kanyang 30-yearold girlfriend noong May 2011 at nanirahan na sila sa Paris mula noon. Pumayag ang couple na magpa-interview at ipakita ang kanilang bahay sa France sa kauna-unahang pagkakataon. Nakatira si Axelle sa Paris at minsan nang tumira sa New York. May karelasyon siya ng 10 taon bago niya makilala si Parker. Hiwalay naman si Parker sa aktres na si Eva Longoria. Sa ngayon, isang web journalist si Axelle at nagsusulat ng artikulo tungkol sa health, fashion, politics at sports.

Tony Parker at GF, nasa French magasin

James at Phil Younghusband

Tony Parker at GF, Axelle

FOR sale ngayon ang isa sa tatlong mansyon na pag-aari ng asawa ni Los Angeles Lakers star Kobe Bryant na si Vanessa. Inaasahan na kikita ng limpak-limpak na salapi si Vanessa kapag nabili ang mansyon sa Newport Beach area. Binigay ni Bryant ang bahay sa halagang $3.75 million noong Enero bilang bahagi ng kanilang divorce agreement. Nabili lamang ng Bryant couple ang bahay sa halagang $2.7 million noong 2003. Nakatira ang nanay ni Vanessa sa 6,000 square foot na mansyon bago ito naisipang ibenta. Hindi pa alam kung lilipat ang nanay sa kanyang anak o sa ibang bahay.

Asawa ni Kobe Bryant, binebenta ang mansyon

TATLONG linggo bago ang laban, puspusan at walang tigil sa pag-eensayo si WB0/ IBF junior featherweight champion Nonito The Filipino Flash Donaire, para sa laban nito sa Oktubre 15. Mismong sa isang gym sa San Carlos City, California nagsasagawa ng training si Donaire. Ayon kay Garcia, trainer ng Filipino Flash, tatlong sparring partners ang nagsasalitan kay Donaire kabilang na ang southpaw at lightweight na si Oscar Diaz. Giit pa ni Garcia better than expected ang nakikita nito ngayon sa kanyang pamosong boksingero. Ipinagmalaki pa ng trainer na too fast, too smart umano si Donaire para sa challenger at natitiyak nitong kaya ng Pinoy fighter na kontrolin ang tempo ng laban. Kaugnay nito ay nagpakitang gilas si Donaire sa harap ng international media at boxing fans sa pamamagitan nang mabilis na pagkilos, foot work at mga power punches.

Donaire too fast, too smart ayon sa trainer


Nonito Donaire

Ipinakita ng Pinoy boxing champ na kundisyon ang kanyang katawan sa oras ng laban. Idedepensa ni Donaire ang korona nito sa current WBC super champion Toshiaki Nishioka ng Japan sa October 15 sa ilalim ng Top Rank Promotions. Ella C. Linde

Kobe and Vanessa Bryant

BALIK- Pilipinas na si eight-division world champion Manny Pacquiao matapos ang pagsasagawa ng three city promotional tour, kaugnay sa nalalapit nilang laban ni Mexican fighter Jaun Manuel Marquez sa December 8, sa MGM Grand Arena, Las Vegas, Nevada. Isinagawa ang tour sa Los Angeles, New York at Mexico kung saan ay pinagkaguluhan ang dalawang boksingero. Ayon sa Pinoy boxing champ, nagkaroon na sila nang pag-uusap ng kanyang coach na si Freddie Roach para sa mga estilo at strategy na kanilang gagawin sa oras ng laban. Ang pagigiging mas agresibo sa laban ang posibleng gawin ng kampo ni Pacman para

Mas magiging agresibo si Pacman

manalo sa Mexican pride na si Marquez. Pansamantala ay aasikasuhin muna ni Pacquiao ang mga trabaho nito sa Kongreso, saan isinasaayos na ang budget para sa 2013. Sa susunod na buwan ay puspusan na ang gagawing ensayo ng Team Pacquiao at malamang na sa Wild Card Gym na ito gawin at hindi na sa Baguio City. Kaugnay nito, 55/45 split sa pustahan ang inialok ng kampo ni Pacquiao kay American undefeated boxer Floyd Mayweather para sa laban nila sa April 2013. Kung hindi pa ito tatanggapin ni Mayweather, matatawag na itong duwag. Ella C. Linde

GLOBAL

Wirdo Balita
ni M & C
birthday invitation si Weusthuis sa Facebook ngunit nakalimutan niyang i-private ang nasabing okasyon. Isang simple at maliit na salo-salo lamang ang inaasahan ni Weusthuis sa mismong araw ng birthday celebration. Ngunit laking gulat niya nang dumagsa ang halos 3,000 na mga party-goers sa kanilang lugar. Hindi lang party ang habol dahil nagvandalized pa ng mga tindahan at nagsunog ng isang sasakyan. 600 na pulis ang sumugod sa lugar at balitang anim na katao ang nasaktan, tatlo ang sugatan at 20 ang inaresto. Samantala, hindi na sinabi kung paano nagcelebrate ng birthday si Weusthuis.

www.pssst.com.ph

10

MARTES SETYEMBRE 25, 2012

3,000 katao sumugod sa birthday party


ISANG 16 na taong gulang na si Merthe Weusthuis ang dinumog ng halos 3,000 katao sa kanyang birthday party ayon sa report ng UPI.com. Base sa report, nagpost ng kanyang

ni Rommel Valle
ISANG memorandum ang ipinalabas kahapon ng United Arab Emirates (UAE) Ministry of Foreign Affairs mula sa Department of Foreign Affairs (DFA) sa Pilipinas kaugnay sa mga turista galing UAE at magtutungo sa bansa na dapat ay mayroong return tickets ang mga ito para maging epektibo ang free visa sa loob ng 21-araw. Sa ulat, sinabi ni Ahmed Al Dhahiri, Director ng Consular Services sa Ministry of

PINOY

Turista galing UAE hinigpitan

Foreign Affairs sa UAE na binigyang-diin ng DFA na ang mga biyaherong walang return tickets ay mahahara sa administrative punishment alinsunod sa Philippine Immigration Law. Dahil sa nasabing direktiba ay nanawagan ang opisyal ng UAE sa mga mamamayan na sundin ang naturang direktiba para matiyak ang seguridad at makaiwas sa deportasyon.

ISANG German police ang masigasig na mahuli kung sino ang nagnanakaw ng mga toilet papers sa kanilang comfort room. Ayon sa Digital Spy, hindi naging successful ang pulis na makita sa sarili nilang hanay ang taong hinahanap. Kaya naglagay pa ng high-tech na hidden camera ang pulis para lang makita kung sino talaga ang kumukuha ng toilet papers. Base sa report, simula pa 2010 nangyayari ito. Ngunit kahit nagkabit ng high-tech equipment ay bigo pa rin silang mahuli o makita ang magnanakaw ng toilet papers.

Magnanakaw ng toilet paper hindi mahuli

TULUY-TULOY na ang pagsasara ng Philippine Consulate General at Philippine Overseas Labor Office/Overseas Workers Welfare Administration sa Saipan sa katapusan ng Oktubre, taong kasalukuyan. Bilang bahagi ng pagsasara ay ibebenta na ang mga office property ng konsulado. Nabatid na nag-isyu na ang consulate at POLO/OWWA ng invitation to bid para sa mga interesadong bumili ng office equipment ng naturang mga tanggapan. Kabilang sa mga ibebenta ang office fur-

Pagkandado sa konsulado ng Saipan sa Oktubre na

niture , computers, printers, at mga home appliances. Matatandaan na kabilang ang konsulado ng Saipan sa mga ipasasarang tanggapan ng PH post sa abroad bilang bahagi ng pagtitipid ng gobyerno ng Pilipinas para magkaroon ng karagdagang pondo ang mga tanggapan sa ibang bansa na higit na nangangailangan ng tulong para sa mga kababayan. Ang PH post sa Guam ang babalikat sa responsibilidad na iiwan ng konsulado sa Saipan.

Nagwala dahil sa KFC bucket


Nag-amok ang 50 anyos na si Hugh Brown sa loob ng KFC nang hindi siya makabili ng KFC bucket of chicken ayon sa Huffington Post report. Kakasara pa lang ng KFC kayat hindi na napagbigyan ng mga staff si Brown sa binibili niyang bucket meal. Dahil sa galit, kumuha ng 20-foot na poste si Brown at pumasok sa KFC at sinubukan saktan ang mga empleyado. Pagkatapos ay lumabas ng KFC si Brown at sumakay ng kotse at binangga ang mga sasakyan ng pulis. Habang inaaresto si Brown ay sinisigawan niya ang mga pulis na may Hepatitis C siya at duduraan sila. Hinatulan siya ng 7 taong pagkakabilanggo.

NABUHAY muli ang tensyon sa pagitan ng Japan at China dahil sa territorial dispute dahil pumasok umano sa pinag-aagawan mga isla sa East China Sea ang dalawang surveillance ships ng Beijing. Iniulat ng Chinese State Oceanic Administration na nagsasagawa ng rights defense patrol ang kanilang barko sa isla na tinatawag na Senkaku ng Japan at Diaoyu naman sa China. Sinabi pa ng state news agency na Xinhua na nitong mga nakaraang araw umano ay gumawa ng probokasyon ang Tokyo na lumabag sa kanilang soberenya. Ayon sa China, ang pagpapatrolya sa isla

Girian ng Japan at China muling sumiklab

ay pagpapakita lang daw ng kanilang hurisdiksyon sa pinag-aagawang teritoryo. Kaagad naman iniutos ng Japanese Coast Guard sa Chinese vessels na lisanin ang isla pero hindi raw tumalima ang mga barko ng Beijing. Bukod sa dalawang barko, may siyam pang Chinese fishery patrol ships malapit sa isla pero nasa labas na ng itinuturing ng Japan na territorial waters nito. Sumiklab ang tensyon sa pagitan ng dalawang Asian powers nang inanunsyo ng Japan na bibilhin ang nasabing isla mula sa pribadong may-ari.

GOOD news para sa mga dayuhang domestic helper sa Hong Kong kabilang na ang mga Pinay dahil makakatanggap ang mga ito ng dagdag na HK$180 o katumbas ng P967.33 sa kanilang buwanang suweldo. Bunsod nito, papalo na sa HK$3,920 o katumbas ng P21,066.21 ang monthly salary ng mga atsay lalo na ang nakapaloob sa bagong kontrata. Sa ulat ng isang lokal na pahayagan sa HK, umaabot sa 4.8 porsiyento ang itinaas sa suweldo ng mga DH na maikukunsiderang pinakamalaki sa mga nagdaang taon. Sa datos nitong Agosto 2012 ay nasa kabuuang 309,896 ang bilang ng mga foreign domestic helper sa Hong Kong. Kapag hindi umano nagbibigay ng libreng pagkain ang isang employer ay dapat

Salary hike sa DH

nitong bigyan ng HK$875 (P4,702.28) na cash allowance para sa pagkain ang kasambahay. Mas mataas ito ng HK$100 (P537.40) o 12.9 porsiyento mula sa dating mandated food allowance. In June last year, the Hong Kong government raised the foreign helpers minimum allowable wage by 4.5 percent, from HK$3,580 (P19,239.04) in 2008 to HK$3,740 (P20,098.88), ayon pa sa ulat. Epektibo na simula nitong Huwebes, Setyembre 20 ang bagong patakaran sa pasahod ng mga dayuhang tsimay. Para sa mga atsay na pipirma sa bagong kontrata ay makakatanggap ang mga ito ng buwanang sahod na HK$3,740 bukod pa sa food allowance.

MARTES SETYEMBRE 25, 2012

Senador pikon, nanita ng reporter dahil sa isinulat na blind item


KUNG ang ilang mambabatas ay pinapalagpas lang ang mga nababasang blind items sa kanila, ibahin mo itong isang mambabatas na nagagalit kapag siya ay na-blind item sa diyaryo.
Sa kwento ni Bugzie, last week ay hindi na naitago ng isang solon na ito ang pagkainis sa isang reporter ng Senado nang sitahin niya ito tungkol sa sinulat niyang blind item tungkol sa kanya. Malayo pa lang daw ang reporter ay dinuro na ito ng nasabing solon at pinalapit nito sa kanya. Paglapit sa kanya, kinompronta ng solon ang reporter at tinanong nito ano na naman itong blind item mo sa akin. Hindi naman sumagot ang reporter at ngumiti lang. Pero ang solon nainis at pinagsabihan ang una na ayusin ang kanyang pagsusulat at hindi iyong puro intriga lang ang ginagawa niya sa kanyang diyaryo. Medyo napahiya raw ang reporter dahil napagtaasan ito ng boses ng nasabing senador at sa harap pa ito ng kasama niyang media. Kaya naman napa-walkout ang reporter sa ginawang paninita ng pikuning solon. Nabatid pa ni Bugzie na plano raw ng solon na kausapin ang may-ari ng diyaryo para i-reprimand ang nasabing reporter na nagsulat ng walang katuturan daw na blind item tungkol sa kanya. Pero sabi ng reporter, hindi naman daw ang senador na iyon ang tinutukoy niya sa kanyang blind item kundi ibang mambabatas kayat nagtataka siya kung bakit siya nanggagalaite sa inis sa kanya. Sino siya? Clue: Mahilig mag-alaga ng reporter ang senador na ito na madalas rin niyang isinasama sa mga trip outside of the country. May letrang R ito sa kanyang apelyido. Candido C.

11

www.pssst.com.ph

TSISMIS

KAPIT-BAHAY MO, I-BLIND ITEM MO!

Bilyaran ang tambayan, di library


HI to all. Im Mitch, a college student. Gusto ko lang pong i-blind item itong cousin kong si Jerome kasi hindi po studies ang inaatupag kundi ang bisyo niya. Naaawa po ako sa kanya at ganoon din sa parents niya na nasa abroad. Panay ho kasi ang padala ng pera sa kanya tapos itong si Jerome ginagamit lang niya sa kabulastugan. Madalas ho inom, tambay sa bilyaran. Minsan pa ho nagka-casino siya kasama iyong mga barkada niya. Solong anak po kasi Jerome, sina Tito Mon and Auntie Lyn, nasa Doha, Qatar doon nagwo-work. Si Jerome ang kasama niya sa bahay ang lola lang niya, si Lola Lumen. Ang alam ng parents niya, maayos ang pag-aaral niya, ganoon din ang lola niya. Pero hindi ho, kasi madalas pa siyang tumambay sa bilyaran kesa sa school. Papasok lang siyang kapag nagustuhan niya. Kapag may assignment nga siya, may tagagawa rin siya. Pati mga project niya sa school may tagagawa rin. Binabayaran lang niya sa mga kaklase niya. Dami kasing pera eh. Alagang-alaga sa sustento ng parents niya. Ang kwento nga po, nakikipag-pustahan pa si Jerome sa bilyaran. At kung magpatalo siya minsan P5000. Kapag naubos na

Anak sa Egoy minamaltrato ni Inay


dalas niyang sinasaktan ito kapag may maling ginagawa. Minsan nga di na makapasok ang bata dahil laging umiiyak sa madalas na pananakit sa kanya

HELLO po to all readers of PSSST. Im Sonny of Angeles City, Pampanga. Gusto ko lang itsismis itong kapitbahay kong si Veronica na isang salbaheng ina. Bakit ko nasabing salbahe siya? Eh kasi sobra kung maltratuhin niya ang kanyang anak na Amerisian, anak ho niya sa isang American negro. Parang hindi ho anak ang turing niya sa anak na si Jane. Dati ho kasing GRO sa Fields Avenue dito malapit sa Clark itong si Veronica. Ang pagkakaalam ko na-rape siya noon ng isang negrong Amerikano, si Smith. Nabuntis siya. Akala niya ang pera niya, hihirit na naman sa parents ang ex-boyfriend niya na Ilocano ang nakabuntis niya sa abroad, tapos yun magpapadala nasa kanya pero di pala, yung pala iyong negrong man sa kanya. Ang dahilan ni Jerome, para Amerikano ang ama ng kanyang anak. raw sa projects. Eto na, lumabas na ang bata, siyempre negra. Next month, finals na mukhang walang Ang nagpalaki sa bata ang nanay ni Veron. At haalam itong si Jerome. At malamang na bang lumalaki ang bata, hindi niya ito minahal. bumagsak siya sa first semester. Hindi talaga Parang wala lang. Hindi niya inaasikaso. siya nag-aaral kasi sa bahay. Madalas kasi Nang mamatay ang nanay ni Veron, wala pag nasa bahay computer games magdamag. siyang choice kundi alagaan ang anak niyang Gusto ko nga siyang isumbong sa pasi Jane. Pero sa halip na alarents niya kaya lang baka malaman niya na ako ang Kung kayo ay may kakaiba, na- gaan, minaltrato niya. Ginawa niyang alipin. nagsumbong. Bahala siya kakagulat at nakakaawang kwento At dahil hindi niya sa buhay niya, siya rin ang ng inyong kapit-bahay i-share dito matanggap na mayroon simagiging kawawa. Thanks sa Kapit-bahay Mo, I-Blind Item Mo at i-email sa pssst.blind@yahoo. yang anak na negra, lagi PSSST. More power! niyang pinapagalitan, minuMitch of Sta. Cruz, com at manalo ng mga sorpresang mura ang kanyang anak. Mapapremyo. Manila

ng nanay niyang si Veronica. Pinapangalandakan pa nga niya na bad ang tatay niya dahil sinabi niya na ni-rape daw siya ng ama nitong Amerikano. Pero ang kwento ng mga kasama niya sa trabaho, hindi naman daw siya ni-rape, kusa siyang nagpagamit at binayaran pa nga raw siya ng P10,000 noon. Kapag di siya tumigil, isusumbong ko na sa pulis ang ginagawang pagmaltrato ni Veronica sa anak niya. Humanda siya, di ako nagbibiro. Hanggang dito na lang po. Thanks PSSST. Sonny of Pampanga

METRO NEWS

MARTES SETYEMBRE 25, 2012

NAGING magulo at madugo ang naganap na demolisyon sa Makati nang mag-iwan ito ng labintatlong kataong sugatan kabilang ang anim na pulis at isang miyembro ng media kahapon.
Nagliparang bote, bato at dumi ng tao ang mga umanoy itinapat ng mga tagaGuatemala St., Brgy. San Isidro sa mga tauhan ng city engineering office ng Makati City Government. Nakatakda umano ang paggiba sa 30 bahay sa nabanggit na lugar. Una nang sinabi ng Makati-LGU na noong nakaraang linggo pa umano ang deadline para mga residente na boluntaryong lisanin ang compound. Sa kabila nito, binigyan umano ng tatlong opsyon ang mga apektadong pamilya, kabilang ang resettlement area sa Calauan, Laguna, financial assistance at libreng pasahe para sa mga gustong umuwi na ng kanilang probinsiya. Matatandaang ibinasura kamakailan ng Makati Regional Trial Court ang kahilingan ng mga residente para sa preliminary injunction, dahilan para matuloy kahapon ang demolisyon. PSSSTnewswires

13 sugatan sa demolisyon sa Makati

www.pssst.com.ph

NAGTUNGO ang ilang grupo ng mga Muslim sa tanggapan ng Korte Suprema sa Taft avenue kahapon upang hilingin na ipagbawal ang pagpapalabas ng Innocence of Muslims sa bansa. Ang hakbanging ito ng mga Muslim ay upang magkaroon ng legal na kautusan mula sa kataas-taasang hukuman hinggil sa nasabing palabas. Ito ay sa gitna na rin ang nangyayari pa ring kaguluhan sa Benghazi, Libya na ikinasawi ni US Ambassador Chris-

Pagpigil sa anti-Islam film inilapit saSC

topher Stevens at iba pa niyang kasamahan. Ayon naman kay Atty.Henry Roque, professor ng University of the Philippines, ang kaguluhan na nangyayari sa ibang bansa ay malayong mangyari sa Pilipinas. Kaugnay nito, nanawagan naman ang grupo ng mga Muslim sa bansa na maging mahinahon ay huwag daanin sa dahas ang pagkondena sa nasabing pelikula. Honey Rodriguez

ANO BA YAN?

HATAW ANG EPAL


ILANG araw na lang ay filing na ng certificate of candidacy (COC). Kaugnay ng usapang pulitika ay hataw pa rin ang mga epal tarpaulin sa kung saan-saan tulad ng mga naka-display na mukhang ito. PSSSTphotowires

Para sa inyong reklamo sa ibat ibang ahensya ng gobyerno at mga abusadong opisyal o tauhan ng gobyerno, i-email lamang ang inyong reklamo na may kasamang larawan sa www.pssstph@gmail.com

You might also like