You are on page 1of 7

Sen.

Bato takot makulong: ‘Di ko


makikita mga apo ko’
Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

January 25, 2024 | 12:00am

Senator Ronald "Bato" Dela Rosa on January 23, 2024.


STAR/Jesse Bustos
MANILA, Philippines — Inamin ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa nitong
Miyerkules na takot siyang makulong dahil sa kanyang mga apo dahil baka
hindi niya makita ang mga ito.
Ginawa ni Dela Rosa ang pahayag sa kabila nang paninindigan na wala
siyang nagawang krimen at walang dahilan para imbestigahan ng
International Criminal Court (ICC) kaugnay sa “war on drugs” noong
panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kung saan siya ang naging
hepe ng Philippine National Police.

Sinabi ni Dela Rosa na mahal niya ang kanyang mga apo at hindi naman
sila makakadalaw sa The Hauge.

“Takot ako na makulong dahil kawawa ang mga apo ko, hindi ko na
makikita. ‘Yun lang ang akin. Buti kung makulong ka lang dito sa Pilipinas.
Ikukulong ka doon sa Hague…Kawawa naman ‘yung mga apo ko. I love
my apos so much,” ani Dela Rosa.

Nauna rito, sinabi ni dating Senador Antonio Trillanes IV dumating sa


bansa ang mga imbestigador ng ICC noong Disyembre at nakapagsagawa
ng mga panayam sa mga kinauukulang indibidwal kaugnay sa mga
namatay sa “war on drugs” ni Duterte.

Tinawag naman ni Dela Rosa si Trillanes na isang “destabilizer” dahil


ginugulo lamang nito ang sitwasyon.

Matatandaan na nanindigan ang gobyerno na hindi papayagan ang ICC na


magsagawa ng imbestigasyon dahil gumagana naman ang justice system
ng bansa.
Pagbalik ng summer break sa Abril,
Mayo pinaboran
Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
January 25, 2024 | 12:00am

Students attend their classes after their holiday break at Araullo High School in Manila on
January 4, 2024.
STAR/ Ernie Penaredondo
MANILA, Philippines — Suportado ni Senador Win Gatchalian ang mga
hakbang ng Department of Education (DepEd) para sa pagbabalik ng
dating school calendar na nagsisimula sa Hunyo at nagtatapos ng Marso o
Abril.
Nauna rito, ipinanawagan ni Gatchalian ang unti-unting pagbabalik sa
dating school calendar na magbibigay sa mga mag-aaral ng pagkakataong
makasama ang kanilang mga pamilya, lalo na’t sa panahon ng tag-init o
summer kung kailan madalas ginaganap ang mga family outing.

Ipinunto rin ni Gatchalian na dahil sa buwan ng Mayo ginaganap ang


halalan, maaaring magbigay ng mas mahabang panahon sa paghahanda
kapag bumalik sa dati ang school calendar.

Sa isang Pulse Asia survey na isinagawa mula Hunyo 19-23, 2023, 80% ng
mga Pilipino ang pabor sa pagbabalik ng summer break sa Abril at Mayo.

Matatandaang naghain si Gatchalian ng Proposed Senate Resolution No.


672 noong nakaraang taon upang suriin ang mga batayan ng school
opening.

Sa isang pagdinig, binigyang diin ng PAGASA na bagama’t hindi kasabay


ng kasalukuyang school calendar ang mga araw na may malakas na ulan
at mas kaunting mga class cancellation dahil sa mga bagyo, kasabay
naman nito ang mga araw na sobrang init. Binigyang diin din ng ahensya
na umakyat na ng 0.75 porsyento ang average na temperatura sa Pilipinas.
Integridad ng lotto draw, ‘intact’! —
Robles
DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon
January 25, 2024 | 12:00am

Para walisin ang bintang na may hokus pokus ang palaro nila na lotto,
inimbitahan ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General
Manager Mel Robles ang mga senador na personal na obserbahan ang
mga proseso sa lotto draws. Bukod d‘yan, para maiwasan ang suspetsang
stage-manage ang lotto draws, hiniling pa ni Robles sa mga senador na
sumugod sila sa PCSO office na walang may nakaaalam at magsagawa ng
kanilang inspection.

Iginiit pa ni Robles na walang itinatago ang PCSO at sinisiguro niya sa mga


miyembro ng Senate Committee on Games and Amusement na
aaksiyunan nila ang kanilang objective conclusion at rekomendasyon.
Mismooooo! Ano sa tingin n’yo mga kosa? Hehehe! Kailangan pa bang i-
memorize ‘yan?

“The PCSO for the past 89 years has kept its integrity beyond question.
And we are committed to following that unsullied reputation,” ani
Robles. “We are committed to openness and accountability in the conduct
of all our lottery activities. We believe that fostering transparency in the
lotto draw process is crucial in maintaining public trust and confidence in
the integrity of our operations,” ang giit pa niya.

Kaya inimbita ni Robles ang mga senador na mismong obserbahan kung


paano ang aktong pagproseso sa lotto draw. Eh di wow! Hehehe! Kanya-
kanyang gimik lang ‘yan!

Sa kanyang sulat na may petsang January 22, ang mga inimbitahan ni


Robles ay sina Committee chairperson Sen. Manuel Lapid, vice
chairperson Sen. Bong Go at Sen. Raffy Tulfo at iba pang committee
members na sina Senators Jose Ejercito Jr., Francis Escudero, Ramon
Revilla Jr, Francis Tolentino at Risa Hontiveros.

Nais ni Robles na obserbahan ng mga senador ang pre-draw preparations


hanggang sa pag-draw mismo ng winning combinations ng samu’t saring
lotto draw “even without prior notice in the interest of transparency.”
Dipugaaaaa! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Inulan ng batikos ang PCSO matapos ilathala sa social media ang isang
winner na ang litrato ay iniba. Ipinaliwanag ni Robles na wala namang daya
rito kundi pinrotektahan lang nila ang totoong pagkakilanlan ng nanalo ng
P43 milyon.

Maraming Marites ang lumutang at may kongresista pa na nanawagan na


magbitiw si Robles sa puwesto dahil sa kawalan ng integridad ng ahensiya
dahil sa litrato. Sal-it!

Subalit malakas ang paniwala ni Robles na ang kanilang proseso sa lahat


ng lotto draw ay “beyond reproach,” at ang magandang paraan para walisin
ang agam-agam dito ay ang inspection ng mga senador. “The best way to
erase any doubts about the integrity of results is for the senators to see for
themselves how the draws are being conducted,” ani Robles.

Kung hindi man puwedeng mag-inspection ang mga senador, maari silang
magpadala ng kanilang representante na armado ng authorization letter.
Tsk tsk tsk! Dapat patulan ng mga senador ang imbitasyon ni Robles para
mawala na ang kung anu-anong haka-haka sa lotto draw. Mismooooo!

Sana itong walang basehang akusasyon sa PCSO ay hindi magiging


hadlang para maging super-milyonaryo ang mga Pinoy. Walang basagan
ng trip! Abangan!

You might also like