You are on page 1of 8

www.libre.com.

ph

The best things in life are Libre

VOL. 12 NO. 124 FRIDAY, MAY 17, 2013

6 na muna
Nangunang mga kandidato sa Senado hinirang kagabi
Nina Nikko Dizon at DJ Yap

AGPROKLAMA na kagabi ang Commission on Elections ng anim na nanalo sa karera para sa Senado, tatlong araw matapos ang mabagal na pagbibilang sa dapat sana ay automated na halalan.
Idineklarang panalo sina Grace Poe, Loren Legarda, Francis Escudero, Alan Peter Cayetano, Nancy Binay at Juan Edgardo Angara, na nakakuha ng pinakamaraming boto sa opisyal na pagbibilang ng national board of canvassers (NBOC). Lahat ng naproklama, maliban kay Binay, ay mula sa Team PNoy ng administrasyon. Pinakamalakas ang sigawan nang opisyal nang itanghal na senator-elect si Poe, na sinamahan sa proklamasyon ng inang si Susan Roces. Inialay ni Poe ang tagumpay sa amang si Fernando Poe Jr., ang hari ng pelikulang Pilipino na nabigong manalo sa pagka-pangulo noong 2004. I wish my father were here. But this is for him... I pray that he gives me inspiration to help me continue his work in helping the people who need it, aniya. Agaw-eksena ang kasama ni Escudero: ang aktres at kasintahang si Heart Evangelista. Now I can lie down and be able to sleep, ani Escudero nang kumustahin ng mga reporter. Sinabi ni Legarda na okay lang sa kanya na pumangalawa kahit pa siya ang nanguna sa mga nakaraang halalan noong 1998 at 2007. It feels like the first time, like in 1998. I have a grateful heart. Im thankful I have been given another opportunity to serve. I was No. 1 in 1998, No. 1 in 2007; now, Im No. 2, aniya. Hindi dumating si Binay, at walang paliwanag ang kanyang kampo. May nakabinbing protesta ang kanyang partidong United Nationalist Alliance. Michael Lim Ubac, Christian V . Esguerra

www.libre.com.ph

VOL. 12 NO. 124 FRIDAY, MAY 17, 2013

PANALO. Kinakausap ni Commission on Elections Chair Sixto Brillantes (nakatalikod) ang ilan sa mga unang hinirang na nagwagi sa karera sa pagka-senador na sina (mula kaliwa) Aurora Rep. Sonny Angara, Sen. Alan Peter Cayetano, Sen. Loren Legarda, at dating MTRCB Chair Grace Poe kagabi sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City kung saan dinaraos ang canvassing sa mga boto at siya ring lugar kung saan dinaos ang seremonya ng paghahayag sa unang anim na nagwaging senador sa halalan ng Mayo 13. Hindi nakikita sa larawan si reelectionist Sen. Chiz Escudero at hindi naman dumalo sa paghihirang ang kandidatong si Nancy Binay. Kapwa rin silang hinayag na nanalo kagabi. JOAN BONDOC

Ngitngit ng Taiwan pinaghahandaan


NAGHANDA kahapon ang Maynila sa epekto ng panibagong buhos ng parusa ng Taiwan bunsod ng pagkakapatay ng Coast Guard sa isang mangingisdang Taiwanese na pumasok sa teritoryo ng Pilipinas noong isang Linggo. Hindi tinanggap ng Taiwan ang pormal na paghingi ng paumanhin ni Pangulong Aquino at itinuloy ang pagganti nito sa Pilipinas. Kabilang sa mga bagong ganti ay ang pagbabawal ng Taiwan sa mga mamamayan nito na pumunta sa Pilipinas, ang pagtigil sa ugnayan ng mga mataas na opisyal ng dalawang bansa, ang pagtigil sa pakikipagtulungan ng Taipei at Maynila sa kalakalan, pangingisda, pagsasaliksik, at paglulunsad ng pagsasanay-militar malapit sa karagatan ng Pilipinas. Sinimulan kahapon ang pagsasanay-militar na dinaluhan ng dalawang Lafayette frigates, isang Kidd-class destroyer, dalawang missile boats, at ilang eroplanong pandigma. Hindi kumibo ang Maynila sa mga hakbang ng Taiwan, at sinabing hindi nito alam kung pumapasok ang pwersa ng Taiwan sa karagatan ng Pilipinas. Nitong Miyerkules, itinigil ng Taiwan ang pagkuha ng mga manggagawang Pilipino at iginiit na pormal na humingi ng tawad ang Maynila sa pagkakapatay sa ka-

NEWS

FRIDAY, MAY 17, 2013

nilang mangingisda, ang pagbabayad sa pamilya ng namatay at ang pagsisimula ng pag-uusap tungkol sa pangingisda. Matapos malaman na itinakwil ng Taiwan ang paghingi ng tawad ni Pangulong Aquino, sinabi ng Malacaang na lumakad ito nang extra mile uapng mapahupa ang galit ng Taipei. The President sent a personal representative to extend his apology to the family of Mr. Hung Shih-chen, and we have acted uprightly and decently as a respectable member of the international community, ani Edwin Lacierda, tagapagsalita ng Pangulo. TJB, COA, TQ, NCC, TGS, AP , CP/ANN

Brillantes nagbanta
SINABI kahapon ni Comelec Chair Sixto Brillantes na kakasuhan niya ang mga bumabatikos sa kanya, habang iginigiit na ang halalan noong Lunes ay one of the best elections sa kasaysayan ng bansa. Those people who keep on blabbering but know nothing, they are the ones Im going to charge. All of them, ani Brillantes. Pero sinabi ni dating Comelec Commissioner Gus Lagman, I thought critics were allowed in a d e m o c r a c y. H e doesnt want to be criticized, then he should move to another country, ani Lagman. Or, maybe he should make good on his threat of resigning. PCT, DJY

SA KABILA ng matinding pagresponde ng mga bumbero, tuloy pa rin ang sunog sa Divisoria Mall na nagsimula kahapon ng madaling araw. Nailigtas ang dalawang guwardiyang napinid sa loob. NIO JESUS ORBETA

Divi Mall nasunog


Ni Nancy C. Carvajal

SUMIKLAB ang apoy sa isang mall sa Binondo, Maynila, makalipas ang hatinggabi ng Huwebes.
Kahit mahigit 100 trak ng bumbero mula sa ibat ibang panig ng Metro Manila ang rumesponde upang patayin ang sunog sa Divisoria Mall sa kanto ng Tabora at Comercio, sinabi ng fire marshal ng lungsod na maaaring abutin ng dalawang araw ang pagsugpo sa apoy. Ninety percent of the mall has been burned and damaged, ani Chief Insp. Bonifacio Carta sa INQUIRER sa isang panayam sa telepono kahapon. Habang sinusulat ang balita, patuloy na pinapatay ng mga bumbero ang sunog na nagsimula sa basement ng mall makalipas lang ang hatinggabi ng Huwebes. Bago sumapit ang madaling-araw, nakapagligtas pa sila ng dalawang guwardiyang napinid sa loob ng nasusunog na gusali. Nakalabas ang dalawa, sina Teodoro Enriquez at Franklin Peralta, sa pamamagitan ng pagpapadulas sa lubid. Naiulat na nasa maayos silang kalagayan. Pagdating ng umaga, tinaas ang alarma sa Task Force Charlie kung saan dapat nang papuntahin sa lugar ang lahat ng trak ng bumbero na hindi abala. Ani Carta, hindi makapasok ang mga bumbero dahil sa tin-

di ng init at kapal ng usok sa loob ng gusali. Its very risky to go inside even [when we use our] breathing gear, aniya. Patuloy umanong nagbobomba ang mga bumbero ng tubig sa loob ng gusali upang mapatay ang apoy. Binuksan na rin nila ang isang bahagi ng mall upang maiwasan ang higit na pagtindi ng init sa loob. Nasunog din ang kalapit na Tutuban Mall noong Setyembre, na inabot ng dalawang araw bago naapula.

Editor in Chief

Chito dF. dela Vega


Desk editors

Romel M. Lalata Dennis U. Eroa Armin P . Adina Cenon B. Bibe


Graphic artist

Ritche S. Sabado
INQUIRER LIBRE is published Monday to Friday by the Philippine Daily Inquirer, Inc. with business and editorial offices at Chino Roces Avenue (formerly Pasong Tamo) corner Yague and Mascardo Streets, Makati City or at P .O. Box 2353 Makati Central Post Office, 1263 Makati City, Philippines. You can reach us through the following Telephone No.: (632) 897-8808 connecting all departments Fax No.: (632) 897-4793/897-4794 E-mail: libre_pdi@inquirer.com.ph Advertising: (632) 897-8808 loc. 530/532/534 Website: www.libre.com.ph All rights reserved. Subject to the conditions provided for by law, no article or photograph published by INQUIRER LIBRE may be reprinted or reproduced, in whole or in part, without its prior consent.

RESULTA NG

LOTTO 6/42 EZ2 EZ2

03 07 11 13 22 24
SUERTRES SUERTRES
(In exact order)

P9,455,994.00
(Evening draw)

3 8 6 (Evening draw)

03 25

SIX DIGIT DIGIT SIX LOTTO 6/49

9 8 6 0 8 2
RESULTA NG

04 12 32 40 44 49
P37,247,090.40
Get lotto results/tips on your mobile phone, text ON LOTTO and send to 4467. P2.50/txt

FRIDAY, MAY 17, 2013

Maynila exciting, interestingSJP


Ni Cheche V. Moral

KUNG nabighani ang mga tagahanga kay Carrie Bradshaw sa seryeng Sex and the City, ganoon din nabighani sa Maynila ang aktres na gumanap sa papel ng isang kolumnista sa New York at fashionista sa una niyang pagdalaw sa bansa ngayong linggo.
Nangako si Sarah Jessica Parker na babalik sa Pilipinas, sinabing exciting and interesting ang Maynila. Ive heard about the beautiful beaches, but I love the city, too. Maybe you dont see how interesting it is because youre always here, but I think its exciting, sinabi sa INQUIRER ni Parker, panauhin sa pagbubukas ng SM Aura Premier sa Taguig kahapon. I dont mind the heat because New York is hot, too, though we cannot compete with this.

Sinabi rin niyang nagustuhan niya ang trapik sa Maynila. Sinabi ng aktres, na nakasuot ng itim na bestida, nakahati sa gitna ang buhok, na still as much a fantasy as it was 10, 15 years ago ang pagbibihis para sa mga kaganapang katulad ng pagbubukas ng SM. Borrowing a

beautiful dress, putting it on, isnt tedium to me. I am as delighted today as I was many years ago. Im allowed to wear beautiful clothes, and its a privilege and I honor that, aniya. Hinayag din sa press conference na nagbigay si Parker ng $100,000 para sa maralita sa Taguig.

SHOWBUZZ
ROMEL M. LALATA, Editor

FRIDAY, MAY 17, 2013

Miss Bikini: Maganda maging kayumanggi


Ni Armin Adina

UMAKI siyang naniniwalang hindi siya maganda, dahil parating tinutuksong tikbalang at plywood. Ngunit ngayon, proud na proud na si Janicel Lubina sa pagsuot ng korona at handa nang tumayong kintawan ng bansa sa isang international beauty pageant na gaganapin sa dulo ng taong ito.
maitim, maganda rin pala ako, naalala niyang sinabi niya sa kanyang sarili noon. Nagsilbi ring inspirasyon ang talambuhay ni Venus na, tulad niya, ay lumaki sa kabukiran sa gitna ng kahirapan. Itong panibagong kumpiyansa sa sarili ang nagtulak sa kanyang lumahok sa 2012 Mutya ng Palawan pageant, na ipinanalo niya, at sa kalaunan, sa Miss Scuba Philippines, na nagdala sa kanya sa Bali, Indonesia, para sa Miss Scuba International pageant kung saan pumasok siya sa Top 5. Lalo pa niyang nabigyan ng pagpapahalaga ang kanyang sarili nang makatuntong siya sa Maynila dahil marami ang pumupuri sa kanyang tangkad at kayumangging kutis. Balak ng binibining

matagkadna may sukat na 5 talampakan at 8 1/2 pulgadana mag-aral ng Secondary Education major in English to hone my communication skills. Layunin din niyang sundan ang yapak ng kanyang iniidolong si Venus at magsilbing kinatawan ng bansa sa Miss Universe pageant balang araw. Sa ngayon, abala si Janicel na naghahanda para sa Miss Bikini International pageant na gaganapin sa Tsina ngayong Nobyembre. Isasahimpapawid ang Miss Bikini Philippines coronation night mamayang gabi, 10:30, sa Studio 23.

ANGAT talaga si 2013 Miss Bikini Philippines Janicel Lubina (gitna) habang nasa paligid niya sina 1st Runner up Cheeny Racel (kanan) at 2nd Runner up Rosemary Turner. ARNOLD ALMACEN

When I was in elementary, I was always bullied for being tall and lanky. My classmates called me tikbalang. I was flat-chested when I was in high school, so I was branded plywood by my school mates, pagbabahagi ni Janicel sa INQUIRER matapos siyang hirangin bilang 2013 Miss Bikini Philippines kamakailan. I resented being tall and dark-skinned, I felt I wasnt beautiful, pagtatapat ng 18taong-gulang na tubong Palawan. I grew up in a community where they considered fair-skinned ladies beautiful, like goddesses! Ngunit nagbago ang kanyang pananaw nang masungkit ni Venus Raj ang puwestong fourth runner-up sa 2010 Miss Universe pageant sa Las Vegas. Maganda rin pala ang

Summer hunk
KAPUSO hunk Rocco Nacino obviously likes to keep fit and sweat it out this season of the sun. Lets take advantage of the summer heat. Lets box, ROCO he said on Twitter. He also quipped: Enjoyed my first CrossFit workout Its no joke. But feeling good now. He confessed, too: I dont feel like working. Id rather swim. Bayani San Diego Jr. sea of silly blockbusters. NEW YORKER David Denby observes: Vulgarity designed to win over the young. Opens on Friday.

Bromance (My Brothers Romance)


Directed by Wenn V. Deramas; stars Zanjoe Marudo, Cristine Reyes, Joey Paras, Boom Labrusca, Nikki Valdez, Joy Viado Hunky guy pretends to be his gay twin brother, whos in a coma, to close a multimillion-peso deal with a client. Along the way, siblings pick up life lessons and find true love. Drumbeaters say Marudos wackiness is tested as he plays a dual role tough macho man Brando and flamboyant fashionista Brandy. The big launching movie of Marudo is touted as a gender-bending comedy.

Now showing, now na


Christopher Walken, Julianna Margulies, Vanessa Ferlito Ex-convict reunites with old buddies upon his release from prison after 28 years. ROLLING STONEs Peter Travers notes: Some actors dont need top-shelf material [the cast] turns the insubstantial into solid entertainment.
IKEKECHAN.TUMBLR.COM says: The graphics were mainly great the humor was fine.

Gambit
Directed by Michael Hoffman; stars Colin Firth, Cameron Diaz, Alan Rickman, Cloris Leachman, Stanley Tucci Art curator teams up with a rodeo queen to trick the formers tyrannical boss into buying a fake Monet. OBSERVERs Philip French calls it a flatfooted remake of a mildly amusing 1966 caper.

batch The crew of Enterprise is called home and must confront a relentless evil nemesis. Varietys Scott Foundas hails it as a well-crafted, immensely pleasurable ride. TIME OUTs Dave Calhoun sums it up as a stop-gap thats modest, fun and briefly amusing.

Odd Thomas
Directed by Stephen Sommers; stars Anton Yelchin, Willem Dafoe, Addison Timlin, Melissa Ordway, Patton Oswalt Short-order cook, who happens to be clairvoyant, meets an enigmatic stranger whos dogged by malevolent spirits. MOVIECRITICDAVEBLOGSPOT.COM remarks: Its a weird cross between Beetle Juice and Men in Black. IO9.COM relates that author Dean Koontz is happy with the adaptationdirector does some things that are innovative. GEEKYTYRANT.COM states: It looks [like] ... a decently entertaining film.

Hunter X Hunter: Phantom Rouge


Directed by Yuzo Sato; with the voices of Megumi Han, Mariya Ise, Keiji Fujiwara, Miyuki Sawashiro, Daisuke Namikawa Aspiring hunters go through demanding tests to fulfill their goals. KAWAI-

The Great Gatsby


Directed by Baz Luhrmann; stars Leonardo DiCaprio, Carey Mulligan, Tobey Maguire, Isla Fisher, Amitabh Bachchan Budding writer gets lost in the glittery world of a millionaire and his love. NEW YORK POSTs Lou Lumenick explains: Not great, but certainly stands out like a beacon in a

Star Trek: Into Darkness


Directed by JJ Abrams; stars Chris Pine, Zachary Quinto, Zoe Saldana, Karl Urban, Simon Pegg, Benedict Cumber-

Stand Up Guys
Directed by Fisher Stevens; stars Al Pacino, Alan Arkin,

FEATURES
THE GOLDEN Treasure Skills and Development Program will conduct a seminar on meat and fish processing at the SMX Convention Center, Mezzanine Flr., Rm. 14 and 15, Mall of Asia Complex, Pasay City on M a y 2 5 , S a t u r d a y, from 10 a.m. to 6 p.m. Participants will experience how to make

FRIDAY, MAY 17, 2013

Meat and fish processing seminar set


Chinese peking duck, tocino, longganisa, traditional ham, bacon, burger patties, tapa, embotido, kikiam, Chinese sausage, nuggets, chicken ham, fish ball, daing, tuyo, tinapa, fish burger, Spanish-style sardines, bagoong alamang and bangus deboning. Call 913-6551, 421-1577, 436-7826, 0905-2050110 or 0949-9308487.

HURRY! SOON TO OPEN


BEAT THE HEAT. Nagpapalamig sa swimming pool ng F1 Hotel sa Taguig City ang mga kandidata ng 2013 Miss Philippines-Earth (itaas) sa press presentation noong isang buwan, habang pinamamalas ni Angelee Claudette delos Reyes ng Olongapo ang pamatay niyang kurbada (kaliwa)
PHOTOS BY RICHARD A. REYES

month thru Pag-ibig P1,800 per

Sta. Maria, Bulacan

2013 MISS PHILIPPINES-EARTH

Olongapo liyamado
Ni Armin Adina

Call: Delby Pero

Reservation: P 5,000 Down: 2,000 for 15 months (Estimates only.) Tel. 939-0299 CP: 0917-6969443

ANGUNGUNA si Angelee Claudette delos Reyes ng Olongapo City sa paramihan ng puntos sa 2013 Miss PhilippinesEarth pageant.
Mula sa mga paunang paligsahan ng patimpalak, nakasungkit ang 25-taonggulang na nars ng apat na gintong medalyapara sa Best in Swimsuit, Cooking Challenge, Darling of the Press at Catwalk/Styling Challenge. Pilak naman ang nakuha niya sa Talent Competition, kaya may kabuuang 80 puntos na nakakabit sa kanyang pangalan. Kasunod naman niya na may tig-72 puntos sina Jannie Loudette Alipo-on ng Cabugao, Ilocos Sur (Best in Resorts Wear); Aura Donna Garon ng Mabalacat, Pampanga (Best in Evening Gown); at Lucena Rose Magdadaro ng Sogod, Cebu (Make up Challenge) Ngunit marami rin ang nakamasid kina Kimverlyn Suiza ng Nagcarlan, Laguna; Katherine Dominique Lagrimas ng Iriga at Nancy Leonard ng Zamboanga. Beterana na ng mga patimpalak kagandahan si Claudette. Sumabak na siya sa 2009 Miss PhilippinesEarth pageant kung

saan siya tinanghal na Best in Talent. Bigo naman siyang umusad sa semifinals noon. Hinirang siyang 2007 Binibining Zambales, semifinalist sa 2007 Mutya ng Pilipinas, Best in Swimsuit sa Miss Real Estate Philippines, 2011 Miss Bikini Philippines, semifinalist sa Miss Bikini International, semifinalist at Best in Evening Gown sa 2012 Binibining Pilipinas at semifinalist sa World Super Model. Abangan kung magpapatuloy ang pa-

mamayagpag ni Claudette sa 2013 Miss Philippines-Earth coronation night, na nangangakong gagamit ng hologram effect na hindi pa nakikita sa isang beauty pageant. Idaraos ang finals ng 2013 Miss Philippines-Earth sa Mayo 18, alas-7 ng gabi, sa Mall of Asia Arena, Pasay City. Mapapanood ito sa ABS-CBN, 10:30 ng gabi

topmodel
Saturday, May 18
Sunrise: 5:28 AM Sunset: 6:18 PM Avg. High: 33C Avg. Low: 27C Max. Humidity: (Day)68%
ROMY HOMILLADA

ARNIE Vizmanos, 22, Business Administration student ng University of the East

ENJOY
PUGAD BABOY YY

FRIDAY, MAY 17, 2013

Kapalaran

Tataas water bill sa kadidilig ng halaman

P.M. JUNIOR

PPPP
Ihalo nang maigi ang semento

CAPRICORN

Masisiraan ka lang ng bait sa kanya

YYYY
AQUARIUS

Mag-iwan ka pa rin ng tip kahit wala ka pera

PP
OA sa color coding ang damit mo ha

Mag-iwan ng konting saplot para exciting

YY
PISCES

Huwag mangakong makapagbabayad

PPPP
Masipag ka pa, baguhan ka kasi

Last chance mo na makakuha ng flowers

YY
ARIES


Kahit maliit lang, basta ba may kita

PP PPP
Matutuwa sila pero ikaw pagod na

Tunaw na chocolates pagdating sa yo

Laki mababawas sa May maririnig kang suweldo after ng date boses kahit walang tao

UNGGUTERO

BLADIMER USI

YYYY
TAURUS

Ngayon ninyo celebrate Aba, mukhang tatagal suweldo mo this time Valentines day

YYYY
GEMINI

PPP
Papatayan kayo ng aircon

Magdamag lang kayong pipila, bukas na lang

YY
CANCER

Mamigay ng pagkain kung ayaw mo pera

PPP
Gawin mo kahit ayaw mong gawin talaga

Huwag naman husgahan ang ka-date

YY
LEO


Ikaw naman ang bumili ng merienda

PPP
Kung di mo tatakutin, hindi sila susunod

Kawawa ka naman, text May pera ka nga, eh lang matatanggap mo mahaba naman pila

YYY
VIRGO

PPP
Mag-entrance exam sa maraming university

Makahahalik ka later, kaya mag-toothbrush!

Y
LIBRA

Ibili na ng tablet ang mga pamangkin mo

PPPP
Sisipag ka pag guwapo kasama mo

Yari, ibang pangalan ang mailalagay mo

YY
SCORPIO


Magbigay ka raw ng pera sa bahay
Money:

P
Kahit hindi mo sadya, kasalanan mo pa rin

Makuntento sa barkada Sa Cartimar ka bumili ang mga walang syota ng shoes, mura dun

YYY
SAGITTARIUS

PPP
Mag-half day, hirap umuwi mamaya
Career:

Kahit mag-isa ang puso, titibok pa rin


Love:

CROSSWORD PUZZLE

BY ROY LUARCA
16. 17. 19. 20. 24. 27. 31. 32. 33. 34. 35. 36. 37. 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. 9. Talked impudently Serious Allows President Estrada Entices Football team Pace Dormant Bees lair Posture Smooth Senior Relax 12. Hallucinogenic drug 18. Spirit 21. One who rushes forward 22. Lively 23. Annoys 25. Come in 26. Paid out 27. Golfer Ernie 28. Tardy 29. And others 30. Sell
SOLUTION TO TODAYS PUZZLE

O
BAKA
PEDRO: Nay! Ano po ulam? NANAY: Baka! PEDRO: Wow, baka! Sarap nuon, Nay! NANAY: Baka wala! padala ni Jace Arboleda ng Cavite
ACROSS
1. Computer brand 5. Little monsters 10. Finished 11. React 13. Morsels 14. Modifies 15. Cheese

DOWN
Sun-dried brick Cage Whole Dislike Nerve Connected Performs Foot parts Produce offspring

SPORTS
DENNIS U. EROA, Editor

FRIDAY, MAY 17, 2013

PBA COMMISSIONERS CUP FINALS

Must-win ang Kings M


Ni Musong Castillo

ATAPOS bumigay sa unang laro, no-choice ang Barangay Ginebra Kings kundi talunin ang Alaska Aces sa Game Two ngayon ng best-of-five PBA Commissioners Cup title-series sa Mall of Asia Arena.

Ginulpi ng Aces ang Kings, 87-70, noong nakaraang Miyerkules upang kunin ang 1-0 agwat sa serye. Umabot sa 30 puntos ang agwat ng Aces na gumawa ng bagong marka sa liga matapos limitahan ang Kings sa anim puntos sa pagtatapos ng

first quarter, 28-6. Gagawin ang laro 7:30 p.m. at kailangang makita ng Kings ang butas sa matikas na depensa ng Aces na nakasalalay kina import Robert Dozier at Joachim Thoss. Bagamat napahiya sa harap

ng kanilang mga tagasubaybay, hindi kinakabahan si Mark Caguioa na tuloy-tuloy na ang pag-semplang ng Kings. May dalawang puntos si Caguioa sa simula ng serye sa Big Dome. Ive been with this team 12 years, and I like it when we lose the first game, ani Caguioa.In losing Game One, the sense of urgency steps in. We were 0-4 (in the eliminations) and 0-1, we can still win three straight. Kapanabik-nabik rin ang paghaharap nina LA Tenorio at Alaska guard JV Casio.

NU Lady Bulldogs pwinersa do-or-die


BUHAY ang kampanya ng National University na matikman ang unang biyahe sa Shakeys VLeague finals matapos biguin ang Adamson Lady Falcons, 2025 25-21 24-26 25-21 15-12, kahapon sa Philsports Arena sa Pasig City. Tulad ng Game One ay walang humpay ang patalbugan ng Lady Bulldogs at Lady Falcons na ikinatuwa ng mga nagsisigawang manonood. Bumawi si Dindin Santiago matapos ang matamlay laro sa simula ng best-of-three semifinal series upang talunin ang Lady Falcons. Sinapawan ng 6-foot-1 na si Santiago si Adamson star Angela Benting matapos gumawa ng 27 puntos mula sa 18 atake na pinatamis ng limang butata at apat na service aces. Ginagamit ng Lady Bulldogs ang torneo bilang paghahanda sa darating na UAAP season. Matapos ang maraming taon ng paghihintay ay pumasok sa Final Four ang Lady Bulldogs sa nakaraang UAAP .

LUSOT
NAKAKITA ng puwang si spitfire John Genmar Ylagan ng Perpetual Help laban sa mga depensa nina Jonathan Grey at Ontengco Jr. (kanan) ng College of St. Benilde sa Filoil Flying V Arena sa San Juan. Nakalusot ang CSB,78-74.

Grizzlies, Heat abante sa finals


MIAMI- Nakuha ng Miami Heat ang ikatlong sunod na Eastern Conference final matapos biguin ang Chicago, 94-91, Miyerkules at kunin ang 4-1 panalo sa serye. Hinihintay ng kampeong Heat ang magwawagi sa pagitan ng New York Knicks at Indiana Pacers. Angat ang Indiana, 3-1. Kinuha ng Chicago ang unang laro ng best-of-seven na umaapaw sa pisikal na bakbakan ngunit matindi ang resbak ng Heat sa kasunod na apat na laro. Binitiwan ng Heat ang 18puntos agwat sa first quarter. It was very challenging to be up like we were and then to be down like we were in second half. Mentally, we had to not get too high, not get too low in the whole game, sabi ni Miami superstar LeBron James na gumawa ng 23 puntos. Emotionally, this game took a lot out of both teams, sabi ng Most Valuable Player. Umiskor si Dwyane Wade para sa Heat na nakakuha rin ng magagandang mga laro kina Norris Cole at Shane Battier. Samantala, kinumpleto ng Memphis Grizzlies ang sorpresang serye kontra sa Oklahoma City Thunder. Pumasok ang Grizzlies sa unang Western Conference final matapos patahimikin ang Thunder, 88-84, Miyerkules. Hinihintay ng Grizzlies ang mananalo sa pagitan ng San Antonio Spurs at Golden State Warriors para sa titulo sa West. Lumaban nang husto ang Thunder ngunit bumigay sa bandang huli ng laro. Bumandera si Zach Randolph na may 28 puntos at 14 rebounds para sa Memphis na natalo sa Game One. Inquirer wires

KA RECS
NAMUTIKTIK sa naglalakihang pangalan sa larangan ng pagsusulat at sining ang book launching ni Philippine Daily Inquirer sports columnist Recah Trinidad kamakailan sa Executive Building ng Mandaluyong City Hall Complex sa Boni Avenue. Ang Tales from My Lost River ang ikalawang libro ng sikat at ginagalang na Bare Eye ng PDI na nakilala hindi lamang sa pagbubunyag kundi ang paghahanap ng solusyon sa mga sakit na gumugupo sa Pinoy isports . Umani ng paghanga ang unang libro ni Trinidad na Pacific Storm na paksa si Manny Pacquiao. Makikita si Trinidad habang pinipirmahan ang kanyang libro. Kabilang sa mga dumalo sina (mula kaliwa) Fe Mangahas, Roger Mangahas, Fred dela Rosa at Danny Dalena. Dumalo rin si Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos at ang kabiyak ni Ka Recs na si Fe Lacsamana, mga anak, manugang at mga apo. JOAN BONDOC

AUGUST DELA CRUZ

FEATURES
BINIBINING SANTACRUZAN
THE WINNERS of the 2013 Binibining Pilipinas pageant lead the line up of the much-awaited Araneta Center Grand Santacruzan that reels off on May 18, 4 p.m., from the Gateway Park beside the Araneta Coliseum at the Araneta Center in Quezon City. Joining the queens are the candidates of the recently concluded contest.

FRIDAY, MAY 17, 2013

Wanderland expands to bigger playground


ROUND up this summer with Wanderland, the first outdoor music and arts festival to be staged in the Philippines, on May 18.
Presented by Karpos Multimedia Inc., Wanderland will be the first major concert to be held at Globe Circuit Events Ground in Makati. Due to insistent public demand, Gold section tickets are now sold at P3,000 (exclusive of ticket service charge). For those who have purchased tickets prior to the price change, Gold tickets will automatically be converted to VIP section tickets. Aside from seeing the hottest indie rock and indie pop bands, and live art artists up close, all VIP ticket holders will now have the chance to meet and mingle with some of the festivals featured bands and performers. They will also be entitled to festival freebies and to a free inflatable slide ride. Tickets are available at all TicketNet, TicketWorld and SM Tickets outlets. Gates open at 11 a.m. The line up of performers include Australian group Temper Trap, international performers Colour Coding, Nada Surf, Neon Trees, Tully on Tully and Avalanche City. The roster of local performers include Up Dharma Down, Taken By Cars, Yolanda Moon, Pulso, and Shes Only Sixteen. Thursday Room, Secret Fresh, and Malaysian artist Anjo Bolarda X Martojaks will be present to engage concert goers in a series of on-the-spot art exhibitions and collaborations. Wanderland 2013 is presented by Karpos Multimedia Inc., the group behind The Cranberries Live in Manila, We Are The In Crowd, This Century and Set Your Goals, The Maine Live in Manila among others. Wanderland 2013 is brought to you by Karpos Multimedia, Inc., co-presented by The Philippine Daily Inquirer, Inquirer.net and other companies.

Bigger and better rewards


GLOBE subscribers can now enjoy bigger and better rewards beyond telco services, gadgets, and gift certificates with the launch of a new rewards system that recognizes rewards points as a form of payment. With a straightforward points-to-peso conversion of 1 point=P1, subscribers can now use their rewards points as actual cash to purchase movie passes, goods, and items from partner-merchants Ayala Malls Cinemas, Figaro Coffee Co., Enchanted K i n g d o m , Pe t r o n , Rose Pharmacy, Sunglass Hut, and Wendys. With rewards points good as cash, Globe subscribers have more ways to enjoy their rewards based on their needs and lifestyle. For more informat i o n , v i s i t www.globe.com.ph.

You might also like