You are on page 1of 5

RODRIGO "RODY" ROA DUTERTE

Si Rodrigo "Rody" Roa Duterte (ipinanganak noong Marso 28, 1945), kilala rin sa
kanyang bansag na Digong, ay isang Pilipinong abogado at pulitiko na kasalakuyang
naninilbihan bilang ika-16 na Pangulo ng Pilipinas. Siya ang unang naging pangulo na mula
sa Mindanao.
Si Duterte ay isa sa mga pinakamatagal na nanilbihang alkalde sa Pilipinas at naging
alkalde ng Lungsod ng Davao, isang "highly urbanized city" sa kapuluan ng Mindanao nang
pitong termino, o mahigit 22 taon. Nagsilbi rin siyang bise-alkalde at kongresista ng lungsod.
Si Duterte ay isinilang noong Marso 28, 1945, sa Maasin (na ngayon ay kabisera ng
Timog Leyte ngunit dati ay bahagi ng insular province ng Leyte sa Komonwelt ng Pilipinas).

Ang ama niya na si Vicente G. Duterte ay isang abogadong Sebwano at ang kaniyang ina na si
Soledad Roa, isang katutubo ng Cabadbaran, Agusan, ay isang guro at civic leader na Maranaw.
Ang ama ni Duterte na si Vicente, bago maging gobernador ng lalawigan ng (na dting hindi
magkakahiwalay) na lalawigan ng Davao, ay naging acting mayor ng Danao, Cebu.
Noong Mayo 30, 2016, hinalal ng ika-16 na Kongreso ng Pilipinas si Duterte blang
President-elect ng Pilipinas matapos nitong manalo sa opisyal na bilangn ng mga boto ng
Kongreso ng Pilipinas noong Mayo 27, 2016, na may 16,601,997 boto, mas mataas nang 6.6
milyon kaysa sa kaniyang pinakamadikit na katunggaling si Mar Roxas.

Miriam DefensorSantiago
Si Miriam Defensor Santiago (Hunyo 15, 1945 Setyembre 29, 2016), ay isang politiko
at Dating Senador ng Pilipinas. Siya ay isang abogado, dting hukom, at guro ng saligatang batas
at batas internasyonal. Naglingkod siya blang komisyonado ng Kawanihan ng Pandarayuhan at
Deportasyon ng Pilipinas noong 1988 at Dati narin syang naging kalihim ng Kagawaran ng
Repormang Pansakahan mula 1989 hanggang 1991. Nakatanggap siya ng Gawad Magsaysay
(Magsaysay Award) nang siya ay komisyonado ng Kawanihan ng Pandarayuhan at Deportasyon.
Tumakbo blang Pangulo ng Pilipinas si Miriam Santiago noong 1992; nanguna siya sa
pambansang bilangn ng mga boto noong unang mga araw ng bilangn, subalit natalo lmang
nang ilang daang libong mga boto. Napaulat na nagkaroon ng malawakang dayaan sa halalan,
lalo na ang madalas na pagkawala ng koryente noong unang limang araw. Nagsampa siya ng
protesta, na pinawalang-saysay noong 1995 nang tumakbo siyang muli blang senador at
nagwagi.
Laging natatampok si Miriam sa pandaigdigang balitaan dahil sa kanyang tahas sa pananalita.
Noong 1997, pinangalanan siya ng Australian Magazine blang isa sa "The 100 Most Powerful
Women in the World."
Si Miriam Santiago ay ipinanganak sa Lungsod ng Iloilo kina District
Judge Benjamin A. Defensor at Dean Dimpna Palma Defensor. Nagtapos siya
ng kanyang elementarya blang valedictorian sa La Paz Elementary School
noong 1957. Taong 1961, nagtapos siya ng high school sa Iloilo National High
School bilang valedictorian. Nag-aral siya ng kolehiyo sa University of the
Philippines sa kursong abogasya.
Sa UP, nakapagtala si Defensor-Santiago ng bagong kasaysayan nang
siya ang naging kauna-unahang babaeng editor-in-chief ng Philippine
Collegian, ang pahayagang pang-estudyante ng kolehiyo. Siya rin ang unang
babaeng nanalo ng parangal blang Best Debater sa U.P. Dalawang beses
ding siyang nakatanggap ng "Vinzons Achievement Award for Excellence in

Leadership". Kinilala din siya ng Rotary blang "most outstanding graduate ng


U.P."
Natapos ni Miriam ang kanyang Bachelor of Arts sa loob lamang ng
tatlo at kalahating taon (3 1/2 years), taliwas sa ordinaryong apat (4) na
taon, sa gradong 1.1 blang average, noong huling semestre. Nagtapos siya
blang magna cum laude noong 1965. Natapos niya ang kanyang Bachelor of
Laws sa U.P blang cum laude.
Kumandidato si Miriam Santiago sa pagka-pangulo ng Pilipinas noong
1992 laban kay Fidel V. Ramos. Nakakuha siya ng malakas na suporta sa
publiko. Di kagaya ng ilang partido na nirerenta lang ang kanilang mga
manonood, ang PRP (People's Reform Party) ni Miriam ay nakahatak ng
napakaraming tao, at minsan, nang siya ay nagtatalumpati sa isang
campaign rally ay bumagsak ang entablado dahil sa di nito nakayanan ang
dami ng tao. Nanguna siya sa bilangn sa loob ng limang araw kasabay ng
mga malawakang brownout, at pagkalipas noon ay naungusan siya ni Fidel
Ramos. Natalo siya sa eleksiyon at si Ramos ang naging pangulo subalit hindi
siya naniwala sa resulta nito. Nagprotesta si Miriam sa electoral tribunal
batay sa diumanong maanomalyang resulta ng eleksiyon, bilang ebidensiya
raw ay ang mga brownout. Noong Enero, 1992, nagkaroon din siya ng kaso
sa korupsiyon at libelo na sinampa sa Sandiganbayan at sa Regional Trial
Court ng Maynila. Ang reklamong ito ay napawalang bisa at maayos na
nalinaw ni Miriam ang mga akusasyong ito laban sa kanya.
Tinuturing siya ng kanyang mga taga-suporta lalo na sa mga kabataan bilang ang
nalalabing Tagapaglaban sa korupsiyon. Bago siya naging kandidato sa pagka-pangulo, nagsilbi
siya bilang immigration commissioner at doon siya nakilala bilang tagapagtanggol ng bayan
laban sa korupsiyon dahil sa kanyang mga ginawang paglilinis sa mga opisyal na corrupt sa
ahensiya na iyon. Nagtamo rin siya ng parangal sa Magsaysay Award dahil sa kanyang mga
nagawa sa Commission on Immigration and Deportation.
Taong 1995, tumakbo at nanalong senador si Miriam. Subalit sa di mabuting kalagayan,
ang kanyang protestang inihain sa electoral tribunal noong 1992 ay napawalang bisa sa
"teknikal"
na
kadahilanang
siya
ay
nanalong
senador.
Ilang-ulit
siyang
pinarangalang Pinakamahusay na senador at binansagang Queen of Expose' dahil sa kanyang
matapang na pagbubulgar ng mga diumano'y ilang maanomalyang proyekto ng pamahalaan,
kung saan nadawit ang dating kalihim ng DILG Ronaldo Puno.

Bilang senador, naging popular siya sa maraming puna nang kabilang siya sa 11 senador
na bumoto laban sa pagbubukas ng Jose Velarde account noong impeachment trial ng dating
pangulong Joseph Estrada na humantong sa EDSA II na siyang nagpaalis kay Estrada.
At ngayong 2016 sya ay namayapa na dahil sa kanyang sakit na lung cancer na ulila niya ang
kanyang asawa na si narciso santiago.

Sa edad na 71, si Santiago ay namatay sa kanyang pagtulog sa eksaktong 08:52 noong


Setyembre 29, 2016 habang siya ay nakakulong sa St. Luke Medical Center sa Taguig mula sa
kanser sa baga; ilang mga ulat binanggit na Santiago ay namatay sa kanyang paninirahan sa La
Vista Subdivision, Quezon City.

You might also like