You are on page 1of 1

Isang politiko at dating Senador ng Pilipinas.

Siya ay isang abogado, dating hukom, at guro ng


saligatang batas at batas internasyonal. Naglingkod siya bilang komisyonado ng Kawanihan ng
Pandarayuhan at Deportasyon ng Pilipinas noong 1988 at dati narin siyang naging kalihim ng
Kagawaran ng Repormang Pansakahan mula 1989 hanggang 1991. Nakatanggap siya ng
Gawad Magsaysay (Magsaysay Award) nang siya ay komisyonado ng Kawanihan ng
Pandarayuhan at Deportasyon.

Tumakbo bílang Pangulo ng Pilipinas si Miriam Santiago noong 1992; nanguna siya sa
pambansang bilangan ng mga boto noong unang mga araw ng bilangan, subalit natalo lamang
nang ilang daang libong mga boto. Napaulat na nagkaroon ng malawakang dayaan sa halalan,
lalo na ang madalas na pagkawala ng kuryente noong unang limang araw. Nagsampa siya ng
protesta, na pinawalang-saysay noong 1995 nang tumakbo siyang muli bílang senador at
nagwagi.

You might also like