You are on page 1of 4

Martin Luther King Mother Teresa

Jesse Robredo Bill Gates


Si Martin Luther King, Jr.  ay ipinanganak noong Enero 15, 1929. Siya ay isa sa mga
pangunahing pinuno ng kilusang para sa mga karapatang sibil ng mga Amerikano. Naging ministro
ng mga Bautista sa pamamagitan ng pagsasanay, si King ay naging aktibista ng karapatang sibil sa
simula ng kanyang karera, na nagpasimuno ng Montgomery Bus Boycott at tumulong sa pagbuo
ng Southern Christian Leadership Conference. Ang kanyang pagpupursige ay nagdulot sa Martsa sa
Washington noong 1963, kung saan ay inihayag niya ang kanyang talumpating Mayroon akong
Pangarap ("I Have a Dream"), na nagpataas sa kamulatan sa kilusang karapatang pangsibil at
nagpakilala kay King bilang isa sa pinakadakilang orador sa kasaysayan ng Amerika. Noong 1964,
si King ay naging pinakabatang taong nakatanggap ng Nobel Peace Prize para sa kanyang
pagpupursige na wakasan ang pagkakahiwalay-hiwalay, at diskriminasyon sa pamamagitan ng hindi
pagsunod sa pamahalaan at mga gawaing mararahas.

Si Madre Teresa, o Teresa ng Kolkata ay ipinanganak noong Agosto 26, 1910. Siya ay isang
madreng Katolikong nakilala bilang isang "buhay na santo" noong nabubuhay pa. Nagturo siya
sa Kolkata, Indiya. Isang gabi, habang nakasakay sa isang tren, narinig niya ang isang tinig na
nagsasabing iwanan niya ang kanyang kinaroroonang kumbento upang tulungan ang mga maralita.
Habang nasa Kolkata, nakasuot siya ng sari at nakatapak sa pinakamahihirap na pook . Noong
1948, pinahintulutan siya ng Simbahang Katoliko na magtatag ng isang bagong samahan ng mga
madre, ang Mga Misyonera ng Kawanggawa (Missionaries of Charity). Sa loob ng 30 mga taon,
kasama ng kanyang mga madre, nakapagsagip si Nanay Teresa o Inay Teresa ng mga sanggol
mula sa mga basurahan, nag-alaga ng mga ketongin, at nag-alaga ng mga may karamdaman at
mga malapit nang mamatay. Pagsapit ng 1979, nagkaroon ang kanyang samahan ng 200 mga
sangay sa buong mundo. Biniyayaan siya ng Gantimpalang Nobel para sa Kapayapaan.

Si Jesse Manalastas Robredo ay ipinanganak noong May 27, 1958. Siya ay isang
politikong Pilipino na naglingkod bilang Kalihim ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang
Lokal (DILG) sa administrasyon ni Pangulong Benigno Aquino III mula 2010 hanggang sa
kanyang kamatayan noong 2012. Dati ring kasapi si Robredo ng Partido Liberal. Simula noong
1988, naglingkod nang anim na taning si Robredo bilang alkalde ng Lungsod ng Naga sa Camarines
Sur, mula 1988 hanggang 1998, at muli mula 2001 hanggang 2010, noong siya'y ipinili ni Pangulong
Aquino bilang Kalihim ng Interyor at Pamahalaang Lokal. Bilang pagkilala sa kaniyang tungkulin
bilang alkalde ng Lungsod ng Naga, ginawaran si Robredo ng Gawad Ramon Magsaysay para sa
Panunungkulan sa Pamahalaan noong 2000, ang unang alkalde mula sa Pilipinas na ginawaran ng
ganitong parangal.

Si William Henry Gates III  ay ipinanganak noong Oktubre 28, 1955, mas kilala bilang Bill
Gates, ay isang Amerikanong negosyante at pangunahing nakagawa ng microcomputer. Kasama
ang iba, sinulat niya ang orihinal na Altair BASIC interpreter para sa Altair 8800 (isang sinaunang
microcomputer). Kasama si Paul Allen, itinatag nila ang Microsoft Corporation, at siya ang
kasalukuyang puno at "Chief Software Architect" nito. Sang-ayon sa magasin na Forbes, si Gates
ang pinakamayamang tao sa buong mundo.
Ban Ki-Moon Barack Obama

Lee Kuan Yew

Si Ban Ki-moon ay ipinanganak noong Hunyo 13, 1944. Siya ay ang


pangwalong Kalihim-Panlahat ng Nagkakaisang mga Bansa. Bago naging
Kalihim-Panlahat, si Ban ay naging diplomat ng Ministry of Foreign
Affairs ng Timog Korea at sa Nagkakaisang Bansa. Tumuloy siya
sa serbisyong diplomatiko sa taon ng kanyang pagtapos sa kolehiyo. Ang
kanyang unang puwesto ay sa New Delhi. Pinamalas niya ang kakayahan
sa pambanyagang minesteryo. Si Ban ang Ministrong
Pambanyaga ng Republika ng Korea mula Enero 2004 hanggang
Nobyembre 2006. Noong Pebrero 2006 ay nagsimula siyang
mangampanya para sa puwesto ng Kalihim-Panlahat. Subalit dahil sa
kanyang pagigiging pambanyagang ministro ng Korea, nagawa niyang
maglakbay sa iba't-ibang mga bansang miyembro ng Konsehong Pang-
seguridad ng Nagkakaisang mga Bansa, isang taktika na tumulong sa
kanyang kampanya. Siya ang pumalit kay Kofi Annan, at nagpasagawa ng
mga mahahalagang reporma sa pananatili ng kapayapaan at mga gawain
sa pagbibigay ng hanapbuhay ng Nagkakaisang mga Bansa.

Si Barack Hussein Obama II ay ipinanganak noong Agosto 4, 1961.


Siya ay ang ika-44 na Pangulo ng Estados Unidos. Kasapi siya
ng Partidong Demokratiko at naging Senador ng Estados Unidos para
sa Illinois. Isa siya sa mga naging kandidato para sa pagkapangulo ng
Amerika kung saan kalaban niya si John McCain ng Partidong
Republikano. Noong 4 Nobyembre 2008, nahalal si Obama bilang ika-44
na Pangulo ng Estados Unidos, at siya ang naging kauna-unahang
Aprikanong-Amerikanong nahalal sa ganitong tungkulin. Nahalal noong
2012 si Obama pa rin bilang Pangulo kung saan nakalaban niya uli si Mitt
Romney, dating gobernador na Masschusetts ng Partidong Republikano.

Si Lee Kuan Yew, ipinanganak noong Setyembre 16, 1923 at kilala rin bilang
ang Ang Ama ng Singapore ay ang unang Punong Ministro ng Republika
ng Singapore simula 1959 hanggang 1990. Siya ang gumawa sa Singapore mula sa
mahirap na bansa tungo sa isang mayamang bansa at tinitingala ng napakaraming
Pinuno sa buong mundo sa husay ng kanyang pamumuno at katalinuhan. Siya ang
kapwa tagapagtatag at Unang Kalihim Heneral ng People's Action Party (PAP).
Kanyang pinamunuan ang kanyang partido sa walong pagkapanalo sa halalan mula
1959 hanggang 1990. Pinamahalaan niya ang paghihiwalay ng Singapore
sa Pederasyon ng Malaysia noong 1965. Siya ang nagbago sa isang hindi maunlad na
Singapore tungo sa isang mayaman at "Unang Daigdig" na Tigre ng Asya.

You might also like