You are on page 1of 5

Pagsusuring Retorika

PRESIDENTIAL SPEECH NI MIRIAM DEFENSOR SANTIAGO

Panimula/Introduksyon

Layunin ng papel na ito ay suriin at bigyan ng iilang kritisismo ang talumpati ni


Miriam Defensor Santiago sa kanyang presidential election. Itinanghal ito nuong 1992, at
kinakatawan niya ang PRP (People’s Reform Party) sa kanilang paniniwala at layunin sa
bansa.

Ang talumpati ni Miriam Defensor para sa kanyang presidential election ay binubuo ng;
buod ng kanyang mga layunin sa kanilang mga plataporma, ang kanyang gantimpala
para sa mga kabataang sumusuporta, ang kanilang kilusan laban sa korapyson, at ang
kanyang mga akusasyon laban sa iba pang kandidato sa pagkapangulo.

Pagsusuri ng Konteksto

Nabuo ang talumpati ni Miriam Defensor upang manghikayat at magkaroon ng


tiwala ang mamayang Pilipino sa kanya. Inilibas ito nuong lahat ng mga kandidato ay
nangangampanya para makakuha ng mga boto.

Inilahad niya ang laban tungo sa korapsyon dahil nuong panahon na ito laganap ang
korapsyon at naranasan ito ng matindi ng mga mamamayang Pilipino mula sa
paganunsyo ni Marcos ng Martial Law hanggang sa pagpapatalsik sa dating presidente
na si Cory Aquino na dahil rin sa korapsyon. Sa gayon, bukas pa ang mga sugat ng mga
mamamayang Pilipino, at iyon ang nagging pangunahing layunin at kabuoan ng
talumpati, ang pagtutol sa korapsyon.
Imbensyon

Sa kanyang pangangampanya, ang kanyang mga pangunahing target audience


ay ang mga batang botante at ang milyun-milyong Pilipino na naghahanap pa rin ng
kanilang hustiya nang akala nila ay nahanap na nila nang mapatalsik and dating
presidente na si Ferdinand Marcos. Marami na siyang nakamit na maaaring magpakita
ng kanyang propesyonalismo at kahusayan, isang malaking halimbawa ay ang unang
hudisyal na desisyon laban sa isang utos ng administrasyong Marcos, kung saan hindi
papayagang magbigay piyansa sa mga detainees (mga estudyanteng nagpoprotesta),
ngunit sumalungait siya sa utos habang ang ibang hukom ay natakot gumalaw, mula sa
kanyang pagsusumikap ay inutusan niya ang militar na bigyan pahintulot upang
makapinyansa ang mga estudyante.

Dahil sa kanyang mga nakamit at walang takot na ugali, ito ang mga pangunahing dahilan
kung bakit siya sinusupportahan, at ang katanyagan niya naman ay isang katibayan ng
galit ng mamamayan sa katiwalian ng pulitika sa Pilipinas.

Malaking bahagi rin ng kanyang talumpati ang paratang niya sa mga ibang kandidato ng;
korapsyon, pagsuhol, nepotismo, pangloloko at pati narin ang pagpapatay. Ngunit kahit
hindi napatunayan, may mga maliliit pa ring ebidensya na nangyari mga ito. Sa
pagbubuod, ibinabahagi niya ang mga taktika ng iba pang mga kandidato at doon ay
gumagamit ng mga ilegal na paraan para lamang sa upuan ng pagkapangulo, bagaman
hindi siya sumusuko kahit na siya ay dehado laban sa kanyang mga kalaban, dahil sa
kanyang limitadong kayamanan, hindi siya pipigil para sa kanyang bansa.

Binigyan diin niya rin ang mga kalaban niya ay malaki ang kanilang kalamangan, ngunit
ito’y matitibag dahil kung ang mga mamamayang Pilipino ay sumunod sa kanyang
patnubay tiyak mapipigilan nila. At dahil sa pagbilang niya na ang mamamayang Pilipino
ang may kakayahan upang matigil ang korapsyon, dito napukaw niya ang mga manonood
at puso ng mga Pilipino.
Pagkakaayos

Ang panimula ng kanyang talumpati ay ang mga pangunahing layunin ng kanyang


mga plataporma, tulad ng anti-graft and corruption, lokal mass housing, etc. Dito inilahad
niya ng simple at maigsi. Pagkatapos ay ang pangangampanya ng kanyang “anti-graft
and corruption campaign.” Ang kanyang kampanya tungo sa anti-graft and corruption,
ay tutol sa ibang mga kandidato, nagbigay siya ng mga halimbawa kung paano siya
dadayain at kung anu-anong insulto sinasabi sa kanya. Sa panahon na ito laganap ang
korapsyon sa pulitika, kaya naman ang kanyang pangangampanya ng anti-graft and
corruption ay naging tanyag sa kanyang mga tagapakinig.

Estilo

Kinikilalang “Iron Lady of Asia,” tanyag ang kanyang matapang na ugali at maslalo
ang kanyang katalinuhan. Kapag nagsasalita si Miriam Santiago madalas malupit at
prangka, hindi siya nahihiyang ilabas ang sarili niyang opinyon. Siya ay parang isang
kilalang celebrity, madaling makaakit ng maraming tao dahil sa kanyang katalinuhan at
pa minsan-minsan na pagpapatawa. Siya ay ang pinaka-hinahangad na panauhing
tagapagsalita ng mga mag-aaral sa unibersidad.

Ang kinaakit-akit ng mga tao sakanya ay ang kaibahan niya sa ibang mga tao sa pulitika.
Hindi siya tulad ng ibang mga nasa pulitika kung saan ang kayamanan at koneksyon sa
mga kilalang tao upang makalamang sa iba. Siya’y hindi yamanin kaya naman madaling
makarelate sa kanya, sa pangangampanya niya siya ay nanghingi ng tulong sa mga
estudyante upang makatakbo siya dahil malaki ang respeto nila kay Miriam Santiago.
Memorya (Paraan ng paglalahad)

Sa kanyang pagbuo ng talumpati, malaking kontribusyon nito ang kanyang pagbuo


ng isang political party na tawag “People’s Reform Party”, dahil sa pagkawalang tiwala
niya sa mga tao sa pulitika siya gumawa ng bago, kung saan siya ay ang presidente.
Nakakamangha ang kanyang pangangampanya dahil halos wala silang mapagkukunan,
hindi tulad ng kanilang katapat. Ngunit nanghingi siya ng tulong sa mga estudyante sa
unibersidad upang makabuo siya ng isang kampanya.

Makikita dito na makatao si Miriam Santiago, malakas ang hatak niya sa mga kabataan
at pati sa mga mamamayan na mahirap dahil sa kanyang katapangan at mapagmalasakit
na saloobin sa mga tao, at maslalo ang kanyang debosyon sa paghahanap ng hustiya sa
kanyang bansa.

Paghatid (Verbal and Non-Verbal communication)

Kinikilalang “Iron Lady of Asia,” tanyag ang kanyang mabangis na dila at ang
kanyang lakas loob. Siya ay kilalang matapat sa hustiya at hindi umaatras sa mga debate,
maslalo sa mga tao sa politika. Ngunit, ang kanyang pananalita ay maaaring ituring na
medyo nakakagulo para sa mga mamamayang Pilipino hindi magaling makaintindi, kung
minsan ay gumagamit siya ng mga salita at parirala na maaaring hindi maintindihan ng
iilang mga mamamayan o maaring kailanganin pang unawanin ng matagal upang
maintidihan kung ano ang kanyang ibig sabihin. Gayunpaman, tinututulan niya ito sa
pamamagitan ng pagpapalit ng diyalekto, sa paggamit niya ng tagalog, gumagamit lang
siya ng mga simpleng pananalita para mas maintindihan ng iba.
Resulta

Naganap ng 1993 ang talumpati ni Miriam Santiago, sa tulong ng mga


mamamayang pilipino na sumusuporta sa kanyang pagtakbo. Kaya naman masasabing
bago pa man siya mag-talumpati ay talagang tanyag na ang pangalan ni Miriam Santiago,
makikita na siya ang pinkamataas sa “Presidential Survey” at pinakahinahangaan ng mga
kabataan. Ngunit, kahit siya ay nang-una sa canvassing ng mga boto sa mga unang araw,
siya ay naabutan ni Fidel Ramos. May malaking supporta si Fidel Ramos sa administrasyon
at sa pamilya ng Aquino, kaya naman napakalaki ng kalamangan niya kay Miriam. Nang
Manalo si Fidel Ramos sa pagiging president, kalat sa media na nagsampa ng electoral
protest si Miriam na binabanggit ang pagkawala ng kuryente bilang ebidensya, at kung
saan nauso ang katagang “Miriam won in the election, but lost in the counting.”

Kahinaan ng Talumpati

- Mabilis na paghambing ng kanyang mga plataporma.


- Wala masyadong pagpapaliwanag kung paano niya isasakatuparan ang kanyang
mga iminungkahing solusyon o kung paano gaganapin.
- Madalas gumagamit ng mga salitang jargon at hindi maintindihan ng ibang mga
mamamayan.
- Masyadong tumagal sa paksang “anti-graft and corruption” at hindi na nagbigay
ng ibang paksa.

You might also like