You are on page 1of 3

AKTIBISMO:

Kapag Namulat Ka Sa Katotohanan

Ni Jumer N. Palacio

Kapag namulat ka sa katotohanan, kasalanan na ang pumikit.

Naging tanyag man ang litrato ng estudyanteng ibinabandera ang plakard na naglalaman ng mga katagang ito sa

social media, iba’t ibang saloobin naman ang ipinakita ng mga netizens dahil sa pakikiisa ng kabataang ito sa isang kilos-

protesta at sa aktibismo sa kabuuan.

Ayon sa mga komento, kaakibat ng pagsasaad ng damdamin ng kabataan ay ang katapangan at pagmamahal sa

bayan ngunit sa kabilang banda ang ipinapakita nito ay ang pagbuo ng oposisyon, rebelyon, kawalan ng utang na loob at

pagsira sa kanilang kinabukasan.

Ngunit sa isang bansang demokratiko, saan lulugar ang isang aktibista ngayong napakabilis na mangalap ng

impormasyon at madali ng magpahayag ng damdamin sa internet? Dahil sa ating iba’t ibang pananaw, bago tumuloy,

lawakan ang iyong pang-unawa kung ayaw mong magkasala.

PAG-USBONG NG AKTIBISMO

Ang salitang activism ay unang ginamit at naidagdag sa diksyunaryo noong 1915, kung saan isang kilusang

pampulitika sa Sweden ang nagrekomenda na iabandona ang kanilang estadong pagiging neutral sa World War I at

magbigay ng suporta sa Central Powers. Ayon sa Merriam-Webster, ang kahulugan ng salita sa wikang Ingles: “(noun) a

doctrine or practice that emphasizes direct vigorous action especially in support of or opposition to one side of a

controversial issue.”

Sa madaling salita, ayon sa isang manunulat, kahit anong pagkilos ay maaaring matawag na aktibismo. Kahit sino

ay puwedeng matawag na aktibista. Pero, paano nga ba umusbong ang aktibismo rito sa Pilipinas?

Kolonyalismo ang itinuturo ng ating kasaysayan. Sa ilang dekadang pagsakop ng mga espanyol, hapon at

amerikano, iba’t ibang paraan ang ating ginamit upang ipadama ang masidhing kagustuhang makamit ang ating kalayaan.

Noong 1896, sa pagpunit ng ng mga Katipuneros sa pangunguna ni Andres Bonifacio sa kanilang mga cedula,

tinuring silang mga kalaban ng espanyol at nagpasimula ito sa pag-aaklas ng mga Pilipino. Samantalang, panitikan naman

ang ginamit ni Jose Rizal matapos niyang mailathala ang ilan sa mga aklat nito katulad ng Noli Me Tangere at El

Filibusterismo na nagpapakita ng katiwalian sa pamamahala ng espanyol.

Isinagawa naman noong 1986 ang bloodless revolution o EDSA People Power’s Revolution na nag-ani ng papuri

mula sa buong mundo dahil sa mapayapa at matagumpay na pagpapahayag ng saloobin at pagtuligsa sa diktaturyang
pamumuno ni Ferdinand Marcos. Samantala, noong 2001, ni-recreate ito bilang EDSA Dos upang patalsikin si dating

pangulong Joseph Estrada dahil sa korapsyon.

Hanggang ngayon, mayroon pa ring isinasagawang kilos-protesta sa pangunguna ng mga aktibista sa iba’t ibang

partido na sinasamahan ng mga malalaking unibersidad katulad ng Unibersidad ng Pilipinas. Kadalasang ipinaglalaban

nila ang karapatang pantao, gender equality, tamang pagtrato sa mga empleyado, at pagtutuligsa sa mga opisyal ng

gobyerno dahil sa korapsyon.

AKTIBISMO SA ‘GAPO

“It was considered blasphemous for anybody from Olongapo na maging anti-Americans, kasi dino-Diyos ng

masang Pilipino ang mga Amerikano dati.”

Ito ang pahayag ni Dr. Edgar Geniza, college president ng Mondriaan Aura College, na naging aktibista sa mga

panahong naririto sa Subic Bay ang United States (US) Naval Base.

“At my time when I was in Olongapo City National High School, we pioneered the school paper, Ang buklod, a

Filipino newspaper, na kung saan associate editor lang ako kasi I was also the president of the Students Council. The

newspaper at its first issue was adjudged as the best Filipino newspaper in National Secondary Schools Press Conference

(NSSPC) and was filled with anti-American imperialism articles as well as nationalism with underlying communism

which was very popular or very fashionable in the Filipinos,” sabi ni Geniza, na nagtamo rin ng mga parangal sa pagsulat

ng mga artikulo na nagpapakita ng aktibismo.

“Kasi noon ang mukha ng aktibismo ay “to dismatle the US Naval Base” habang nag-ride on ang China and

sinulsulan kami na labanan ang imperyalismong Amerikano, habang ang China naman ipinaglalaban ang komunismo,”

dagdag pa ni Geniza.

Ayon sa kaniya, isa sa mga dahilan ng kanilang pagsali sa mga kilos protesta ay ang mga multinational

corporations na naging sanhi kaya naubos ang natural resources ng bansa, habang kaniyang pinaliwanag ang Laurel-

Langley treaty kung saan isinasaad ang pagbibigay ng bansang Pilipinas ng 100% authority sa mga Amerikano upang

gamitin ang ating likas yaman.

“Ang paninidigan ko noon ay anti-imperyalismong Amerikano talaga. Inubos ng US ang resources natin in the

guise of benevolent assimilation, they push to control the mind and ang ginawa nila nagbigay sila ng edukasyon,” ani

Geniza.

Samantala, ibinahagi ni Geniza ang kaniyang naging karanasan bilang isang aktibista at kasapi ng Samahang

Demokratiko ng Kabataang Pilipino (SDK) at Kabataang Makabayan ng Olongapo (KAMAO).


“Nakakatakot noon kasi hanggang 1986 nasa surveillance list ako. Sa Manila naman nakikipaghabulan kami

kapag nagrarally, and minsan nahuli ako at tinungkab ung buhok ko kasi mahaba and bawal noon ang mga mahahabang

buhok. And at that time na namumuno si Marcos, abusado ang mga militar,” saad ni Geniza.

MODERNONG AKTIBISMO

“The new platform for activism is the social media,” sabi ni Geniza ngunit binigyang-diin niya na ang ganitong

pamamaraan ng aktibismo ay hindi na fashionable.

Ayon sa kaniya, ang tingin sa mga aktibista noon ay matapang sapagkat gustong-gusto nilang gumawa ng bawal

kahit sakal na sakal na sila. Sikilin mo man ay lalo silang lalaban, samantalang ang mga aktibista ngayon ay mayroon ng

social media na madaling i-access para mag-post ng kanilang saloobin at hindi na kailangan pang mag-rally para ipahayag

ang damdamin o tuligsain ang oposisyon.

“Kasi there’s an avenue for them or may outlet sila. At kapag may outlet ka, buga ka ng buga kaya hindi naiipon

ang angst at ang tendency nito, ang aktibismo ay mababang-mababa hindi tulad noon na meron talagang movement,

malaki ang pagkilos noon,” sabi ni Geniza.

“In short, in psychology, we call that displacement, maraming displacement strategies ngayon and displacement

platforms kung saan pwede mong ilabas ang saloobin mo,” dagdag pa ni Geniza habang tinutukoy na ang isa sa mga

magagandang bagay na ibinigay ng internet ay ang social media dahil dito nabuksan ang isipan ng mga Pilipino at

nagkaroon na sila ng impormasyon sa mga kasalukuyang nangyayari sa bansa at sa buong mundo.

You might also like