You are on page 1of 4

Buhay para sa Katotohanan: Ang Peligro sa Larangan ng Pamamahayag

Matagal na tayong nakikipaglaban para sa malayang pamamahayag. Ilang daang


taon na rin ang lumipas noong ang buong bansa’y pinagkaitan ng boses upang ibahagi ang ating
hinaing at opinyon, at maraming bayaning Pilipino na ang nagbuwis ng buhay upang makamtan
natin ang kalayaang tinatamasa natin ngayon. Halimbawa na lamang ay noong ginamit ni Dr.
Jose Rizal ang kaniyang utak, papel, at pluma at sumulat ng libro upang isiwalat ang katotohanan
sa kolonyalismong Espanyol. Itinatag ni Gat Graciano Lopez Jaena ang pahayagang La
Solidaridad, na ipinagpatuloy naman ni Marcelo H. Del Pilar. Ang pahayagang ito ang naging
tinig ng Kilusang Propaganda, upang ipaabot sa gobyernong España ang masaklap na kalagayan
ng mga Pilipino sa ilalim ng malupit na pamamahala ng mga prayle. Ang mga underground press
at guerilla press na nagsilbing boses ng mga mamamayan noong ang mass media sa panahon ng
rehimeng Marcos ay ipinatigil. Ang mga pahayagang ito ang kanilang naging sandata upang
ipaglaban ang karapatan at kaligtasan ng mga mamamayang Pilipino at ng bansang Pilipinas
kahit na ang buhay pa nila ang nakasalalay dito.

Dahil sa kagila-gilalas na katapangan ng ating mga bayani na walang takot na naghayag


at nakipaglaban gamit ang utak at mga salita ay nabuksan at yumabong ang pampolitakang
kaisipan at kamalayan ng mga Pilipino. Naging tulay ito upang matutong lumaban ang mga
naaapi at mga pilit na itinatali ang kamay at tinatakpan ang bibig upang hindi makapagpahayag
ng kanilang hinaing. Dahil sa mga nangyari sa nakaraan ay natuto tayong lumaban at nag-ani
tayo ngayon ng mga matatapang na mamamahayag na inilalahad ang katotohanan para ang
libo-libong Pilipino’y hindi maging mangmang at bulag sa totoong mga pangyayari sa ating
bansa ngayon. Subalit, hindi maitatanggi ang panganib sa trabahong kanilang pinili dahil
kadalasang ang gobyerno, pamahalaan, mga politiko, at mga mayayamang-pamilya/personalidad
ang kanilang nakakalaban. Ang malayang pagpapahayag na ipinaglaban ng mga Pilipino noon ay
patuloy nating ipinaglalaban ngayon dahil patuloy pa rin tayong sinusubukang patahimikin ng
mga mapagsamantalang nais itago ang katotohanan para sa kanilang kapakinabangan at sariling
kapakanan. Magbubulag-bulagan na lang ba tayo sa harap-harapan at di maikakailangang
paglabag sa karapatan hindi lang ng mga mamamahayag kundi pati na rin ng lahat ng
mamamayan para sa kalayaan natin at sa pamamahayag?

Ayon sa Reporters Sans Frontières (RSF), ang Pilipinas ay isa sa mga pinaka
delikadong bansa para sa mga mamamahayag. Binigyang halimbawa nito ang nangyari noong
taong 2009 kung saan tatlumpu’t dalawang (32) mamamahayag ang pinatay na mas kilala bilang
Maguindanao Massacre. Mula din sa kanilang press freedom index na nagraranggo ng kalagayan
ng press freedom sa bawat bansa, ngayong taong 2022, sa 180 na bansa ang Pilipinas ay nasa
ika-147 na ranggo. Nagpapatunay na malubha ang kalagayan ng ating bansa sa usapin sa
kalayaan sa pagpapahayag at kaligtasan ng mga mamamahayag. Base sa datos na ibinigay ng
National Union of Journalists of the Philippines, simula 1986 ay isang daan at siyam na pu’t pito
(197) na ang mga Pilipinong mamamahayag ang pinatay sa Pilipinas. Ang isang daan at tatlo
(103) sa bilang na ito ay namatay sa ilalim ng administrasyong Arroyo kabilang dito ang
Maguindanao Massacre na may pinakamataas na bilang ng pagpatay sa taong 2009. Nakakalula
ang bilang ng mga taong namatay dahil lamang sa kanilang propesyon na maglingkod para sa
bayan at isa ito sa dahilan kung bakit nararapat nating pag-usapan pa ang isyung panlipunang ito
at bigyang solusyon. Dahil sa pagpapatahimik sa mga mamamahayag nagsisimula ang
pagpapatahimik sa tinig ng bawat mamamayan.

Ayon sa obserbasyon ng UNESCO sa kalagayan ng mga kasong pagpatay sa mga


mamamahayag simula 2006 hanggang 2022, 81.7 porsyento ang patuloy at di pa rin
nareresolbang kaso, tanging 10.8 porsyento lamang ang naresolba, 3.2 porsyento ang hindi na
ipinagpatuloy, at 4.3 porsyento ang bagong kasong nadagdag ngayong taong 2022. Nakababahala
ang bilang ng mga kasong hindi pa nareresolba hanggang ngayon at hindi pa rin nabibigyan ng
hustisya ang mga namatay. Nakababahala rin na kahit na tayo ay mayroong “freedom of
speech/press” ay wala pa ring kasiguraduhan ang kaligtasan ng mga mamamahayag sa ating
bansa. Isa sa pinaka bagong kaso ay ang insidenteng nangyari sa Las Piñas City noong ika-tatlo
ng Oktubre taong 2022, kung saan binaril si Percival Mabasa o kilala bilang Percy Lapid, ayon
sa Philippine National Police (PNP). Ayon sa mga nakasaksi ng pangyayaring pagpatay, ang
mamamahayag ay nasa loob ng kaniyang sasakyan nang siya ay barilin ng nakamotorsiklong
hitman. Si Mabasa ang pangalawang radio broadcaster na pinatay sa ilalim ng administrasyong
Marcos Jr. Noong ika-18 ng Setyembre ay naganap ang pagkamatay sa saksak ng isang radio
broadcaster na si Rey Blanco. Ang Pilipinas ay nasa ika-pitong ranggo sa 2021 Impunity Index
ng Committee to Protect Journalists, organisasyong sumusukat ng bilang ng mga di pa
nareresolbang kaso sa pagpatay sa mga mamamahayag sa bawat bansa sa buong mundo.
Nakakahiyang malaman na sa dinami-rami ng bansa ay isa ang bansa natin sa napangalanan at
malayo pa ang posibilidad na matanggal dito sapagkat hindi ginagawan ng sapat na aksyon ang
mga pangyayaring nakagigimbal sa mamamayan at kalayaan.

Ang ating bansa ay isa sa mga kinukonsiderang may pinakamalayang karapatan


sa pamamahayag subalit hindi ba’t maparikala na kahit na tayo’y may freedom of speech/press ay
kabilang pa rin ang ating bansa sa pinaka delikadong bansa para sa mga mamamahayag? Ang
kakulangan sa proteksyon ng mga mamamahayag ang isa sa mga dahilan kung bakit mapanganib
pa rin ang kanilang propesyon ngunit patuloy pa rin silang lumalaban. Nararapat na bigyang
aksyon ng mga nakatataas ang kakulangan sa batas na pumoprotekta sa mga mamamahayag,
maglaan ng organisasyon o investigative unit na mag-iimbestiga at magreresolba sa mga kasong
hindi pa rin nabibigyan ng hustisya at mga karahasan laban sa mga mamamahayag, at
magkaroon ng tanggapan na makapagbibigay ng sapat na proteksyon sa mga mamamahayag na
nakatatanggap ng death threats at di makatarungang represyon sa pagpapahayag. Halimbawa
nito ay ang ginawa ng Latin America, kung saan nag-implementa ang mga bansa ng mga
mekanismong makakapagprotekta sa kanilang press kabilang na ang ilan sa mga programang
aking nabanggit. Magagawa lamang ang mga ito kung tunay na may malasakit ang mga
nakatataas sa kaligtasan ng mga mamamahayag at hindi mapagbalat-kayong nilalang na
nagsasabing kinokondena nila ang karahasan laban sa mga mamamahayag subalit palihim na
nakikisama sa respresyon sa kalayaan sa pagpapahayag.
Simula sa pananakop ng mga Espanyol, Hapon, at Amerikano, pati na rin ang sapilitang
pagsasarado ng mga pahayagan noong rehimeng Marcos, mga pagpatay sa mga mamamahayag,
at patuloy na represyon. Ilang beses na tayong tinanggalan ng boses, binawian ng karapatan na
magsalita para sa sarili, ilang publikasyon, pahayagan, at mamamahayag na rin ang nawala
subalit kahit na ilang beses pa tayong subukang ikulong at takpan ang bibig ay tayo’y patuloy na
lalaban para sa totoong kalayaan. Ilang beses mang padapain, hindi magtatagal ay tayo’y
babangon muli. Dahil ito ang natutunan natin at tayo ang bunga ng katapangang ipinamalas ng
mga bayani, manunulat, at mamamahayag na nagbuwis ng buhay para sa kalayaang ating
ipinaglalaban na dapat at patuloy nating paigtingin at palawakin. Magkakaroon pa ba ng
pagbabago sa mga susunod na panahon lalo na't napag-alaman nang mas rumarami ang
Pilipinong mulat sa mga dapat nating gawin at protektahan kagaya ng ating freedom of speech at
ang ating mga mamamahayag?

CITATION

Bolledo, J. (2022, October 8). In numbers: Filipino journalists killed since 1986. RAPPLER.
Retrieved December 12, 2022, from
https://www.rappler.com/nation/numbers-filipino-journalists-killed-since-1986/

Conde, C. H. (2022, November 14). Philippines swiftly investigates journalist's killing.


Human Rights Watch. Retrieved December 12, 2022, from
https://www.hrw.org/news/2022/11/10/philippines-swiftly-investigates-journalists-killing#:~:t
ext=Since%201986%2C%20more%20than%20200,let%20alone%20been%20successfull
y%20prosecuted.

Lime Flavour, Berlin. (2016, December 21). Ang Kasaysayan at Ang Media sa Pilipinas.
Media Ownership Monitor. Retrieved December 12, 2022, from
https://philippines.mom-rsf.org/fil/konteksto/kasaysayan/

Malay, C. S. (2006, December 27). Heroes of press freedom: The Underground Press in
the time of Marcos. CMFR. Retrieved December 12, 2022, from
https://cmfr-phil.org/media-ethics-responsibility/ethics/heroes-of-press-freedom-the-underg
round-press-in-the-time-of-marcos/

Morales, N. J. (2022, October 4). Philippine media groups demand protection after
journalist's murder. Reuters. Retrieved December 12, 2022, from
https://www.reuters.com/world/asia-pacific/philippine-media-groups-demand-protection-aft
er-journalists-murder-2022-10-04/

Olea, R. V., & Underground Press Manila « The Underground Librarian. (2012, September
28). Underground press during martial law: Piercing the veil of darkness imposed by the
dictatorship. Bulatlat. Retrieved December 12, 2022, from
https://www.bulatlat.com/2012/09/28/underground-press-during-martial-law-piercing-the-ve
il-of-darkness-imposed-by-the-dictatorship/
Rogers, T. (n.d.). Ano Ang mga Isyu ng mga Mamamahayag Sa Harapin Ngayon? Mga
Isyu at Kontrobersiya sa Pamamahayag. Retrieved December 12, 2022, from
https://tl.eferrit.com/ano-ang-mga-isyu-ng-mga-mamamahayag-sa-harapin-ngayon/

Ybiernas, V. (2022, November 18). To kill a journalist. The Manila Times. Retrieved
December 12, 2022, from
https://www.manilatimes.net/2022/11/18/opinion/columns/to-kill-a-journalist/1866782

Arao, D. A., Arao, D. A., Camroux, D., Editors, E. A. F., Chew, I., Jr, S. S. F. R.,
Darmawan, A. R., Tsuya, N., Cook, A. D. B., Park, J., Dalton, E., Godfrey, G., & Arao, D.
(2021, November 7). Press freedom is no joke in the Philippines. East Asia Forum.
Retrieved December 12, 2022, from
https://www.eastasiaforum.org/2021/11/07/press-freedom-is-no-joke-in-the-philippines/

Conde, C. H. (2022, October 5). Killing of radio journalist in Philippines adds to Grim Toll.
Human Rights Watch. Retrieved December 12, 2022, from
https://www.hrw.org/news/2022/10/05/killing-radio-journalist-philippines-adds-grim-toll#:~:t
ext=The%20NUJP%20said%20that%20197,Manila%2C%20the%20National%20Capital%
20Region.

Dunham, J. (2021, November 5). Killers of Journalists still get away with murder.
Committee to Protect Journalists. Retrieved December 12, 2022, from
https://cpj.org/reports/2021/10/killers-of-journalists-still-get-away-with-murder/

Percival Mabasa Killed. Committee to Protect Journalists. (2022, October 31). Retrieved
December 12, 2022, from https://cpj.org/data/people/percival-mabasa/

Philippines: On the radio, under the gun. Committee to Protect Journalists. (2009, July 1).
Retrieved December 12, 2022, from https://cpj.org/reports/2005/08/phil-05/

Strangio, S. (2022, October 5). Philippine radio commentator and Marcos Critic shot dead.
– The Diplomat. Retrieved December 12, 2022, from
https://thediplomat.com/2022/10/philippine-radio-commentator-and-marcos-critic-shot-dea
d/

Verzola, J. (2021, September 20). Lessons from the underground press of the Martial Law
Era. Kodao Productions. Retrieved December 12, 2022, from
https://kodao.org/lessons-from-the-underground-press-of-the-martial-law-era/

You might also like