You are on page 1of 2

Pamula sa taong 1945, ang pamamahayag sa Pilipinas ay maganda, malaya, at

maraming nagsasabing ginintuan. Ito ay matapos ng giyera kung kailan nabaklas na


ang ating tanikala sa mga mananakop. Kinilala pa nga ang Pilipinas bilang
pinaka-malaya sa Asya dahil sa pagiging kritikal at sensitibo ng mga mamamahayag sa
galaw ng gobyerno.

Natuldukan ang kalayaan na ito sa mismong ika-21 ng Setyembre noong 1972.


Nang ipataw ni dating Presidenteng Ferdinand Marcos Sr. ang Martial Law sa 44
milyong mamamayan ng bansa, naging buwis-buhay na ang pagiging mamamahayag.
Iisa ang pinagmumulan ng dyaryo at telebisyon, at gobyerno ang nagmamay-ari ng
iisang istasyon ng radyo na mapapakinggan sa bansa. Mula sa bansang nabansagan
na pinakamalaya sa asya, siyang naging pinaka-delikadong lugar para sa midya at
pamamahayag.

Ayon mismo sa dating pangulo, labis siyang nagalit sa kakulangan ng pagpigil ng


mga mamamahayag sa pagkritisa sa kanya at sa kanyang administrasyon. Hindi umano
ay sinubukan na daw niya lahat bago ipapataw ang nasabing batas. Ginawa niya ito sa
paniniwalang nagpapakalat ng propaganda ng mga komunista ang mga mamamahayag
ng bansa. Ang kalaban, ayon sa kanya, ay gumagamit ng modernong sandata ng
rebolusyon; ang midya, telebisyon, at radyo upang wasakin ang pundasyon ng lipunan.

Ang pagiging mamamahayag sa Pilipinas habang nasa ilalim ng diktaduryang


Marcos ay pagkapit sa patalim at pag-buwis ng buhay. Habang ang mga nangahas na
mga mamamahayag ay hinarass, kinulong, at kinurakot, 31 na mamamahayag ang
pinaslang sa ilalim ng Martial Law. Mahaba, madugo, at masalimuot ang paglalakbay ng
midya sa Pilipinas. Mula sa kasaysayan ng pagsakop sa bansa ng mga Kastila,
Amerikano, at Hapon, sinapit din ng midya ang hagupit ng diktadurya ni Marcos. Ito ay
laban na hindi pa tapos, laban na patuloy na ipinaglalaban ng mga mamamahayag
anumang henerasyon.

Sanggunian:
Rosenberg, D., “Civil Liberties and the Mass Media under Martial Law in the
Philippines”, Pacific Affairs, Vol. 47, No. 4 (Winter, 1974-1975), pp. 472-484
Guimary, R., “The Philippine Press After Marcos: Restored Freedoms and New
Problems”, 1989, pp. 3-14
E. San Juan Jr., “Marcos and the Media”, p. 1
Tuazon, R., “The Print Media: A Tradition of Freedom”, Govph
Karunungan, R., “The history of Philippine Media”, 2020

You might also like