You are on page 1of 2

Parayaoan, Ashley Mae B.

ARP 101
BSAR-1B

PAGSUSURI NG CAMPAIGN ADS

Ang Pilipinas ay isang demokratikong bansa kung saan malaya ang mga mamamayan na piliin
at iboto ang sa tingin nila ay tutulong sa pagpapaunlad ng Pilipinas. Hindi rin bago ang Political
Dynasty sa Pilipinas kung saan pagkakapareho ng dugo lamang ang nagkakaroon ng tiyansa
na makaupo. Isa sa malaking labanan sa loob ng pulitika ay ang dami ng mga sumusuporta sa
kanila. Ang iba sa kanila ay popular dahil sa kanilang dalang pangalan, mga nagawa o
naisakatuparan na nakatulong sa mamamayan o kaya naman ay sa pamamagitan ng ads na sa
tingin nila ay pupukaw sa atensyon at aantig sa puso ng mga mamamayan. Halimbawa ng
aking nabanggit ay ang nakapaloob na Campaign ads ni Villar at Roxas. Makikita dito kung
paano ginamit ng dalawa ang mga mamamayang Pilipino, partikular ang mahihirap, upang
ipakita na sila ay kaisa sa paghihirap ng mga Pilipino. Ginagamit nila ang mga ganitong klaseng
ads upang ipakita na mayroon sila malasakit at na kaya nilang makinig sa daing ng mga walang
boses at nasa laylayan ng lipunan. Ito ay isang maduming taktika kung saan ginamit ang mga
Pilipino at ang kanilang sitwasyon upang sila ay umangat. Sa paraang ito ay makalalamang sila
sapagkat lalabas na sila ay maasahan at matutulungan. Ang ganitong sensitibong usapin
bagaman nakakabahala ay kinagigiliwan pa rin ng kanilang mga taga-suporta partikular ang
mga nakakatanda.

Dahil sa paulit-ulit na paggamit ng mga ganitong klaseng Campaign Ads, ang mga pilipino ay
nasasanay na hanggang sa ito ay nagiging tanggap na sa lipunan. Dahil rin sa “catchy” nitong
mga tono, naging popular ito sa mga taong makakapanood ng telebisyon. Naaalala ko rin na sa
tuwing papalapit ang eleksyon at may mga ganitong uri ng Campaign Ads na susulpot,
naimpluwensyahan maging ang mga bata sa kalye at paulit-ulit na kinakanta ito. Hindi man
maging maganda ang pagsikat ng mga ganitong Campaign Ads ngunit sa ganoong paraan ay
naging kilala ang kanta o bidyo na pumapatungkol sa kanila, isa mga dahilan kung bakit naging
popular ang mga pangalan nila.

Ang ganitong klase ng kulturang popular ay nagpapakita lamang ng emotional appeal sa mga
mamamayan. Dahil din dito kaya hindi na gaano naniniwala ang ilan sa Pilipino kapag
gumagawa ng ganitong klaseng Campaign Ads dahil sa isipan nila ay ginagamit lamang nila
ang ganitong klaseng taktika upang magpaantig sa puso nila. Sa ganito rin na klase ng
pangangampanya, hindi nasasagot ang tunay at nais talaga nilang mangyari kung sila man ang
manalo. Ipinapakita lamang dito ang kanilang kakayahang umunawa at ang kanilang pagiging
mulat sa problema ng Pilipinas ngunit hindi kasama dito ang kanilang kakayahan at kaalaman
na wakasan ito.

Pag-mamanipula kung aking tatawagin ang ganitong klase ng pangangampanya sapagkat


ipinapakita nila ang mga kabaliktaran ng kanilang nararanasan. Imposibleng ang mga
bilyonaryo o milyonaryong pamilya na katulad nila ay talagang nakaranas ng totoong hirap.
Hindi man nakikita ng karamihan ngunit ito ay pangmamaliit sa problema at kahirapan na
nararanasan ng nasa laylayan ng lipunan.

You might also like