You are on page 1of 4

Reyvell D.

Rogado 03/18/19
BSed/Filipino-3C

Basahin ang artikulo ni Tolentino, Kulturang Popular at Pakiwaring Gitnang


Uri. Sagutin ang sumusunod na katanungan.

Kulturang Popular at Pakiwaring Gitnang Uri

Anong uri ng kaalaman ang nakukuha sa pagaaral/pagsusuri mula sa Kulturang


popular? Ano ang katotohanang isinisiwalat nito?

Ang uri ng kaalaman na nakukuha sa pag-aaral o pagsusuri nito ay informal


na kaalaman sapagkat ang mga impormasyon na nakukuha dito ay sa pamamagitan
ng media. Tulad ng telebisyon, radio, sine, DVD, cellphone, internet at iba pang
mga media na pwedeng mapagkunan ng impormasyon sa kung ano nga ba ang
nauuso ngayon. Kung noon ay sa radio at telebisyon lamang maaring malaman
kung ano ang uso at sikat o kung ano ang popular. Ngayon ay napakadali na
lamang malaman nito sa pamamagitan ng paggamit ng internet. Napakadali na
para sa mga tao na makiuso o magpauso sa pamamagitan lamang ng paggamit
nito. Ang kulturang Popular ay masasabi natin na isang paraan ng tao sa
pagtanggap sa kanila ng mga tao at upang masabing “in” sila sa isang grupo o
kaya naman ay kaya nilang sumabay sa kung ano ang nauuso o patok at
napapanahon. Marami satin na tumatangkilik lamang ng isang produkto sapagkat
ito’y sikat o popular. Sila nga ay yung mga taong sumasabay sa uso kahit hindi
naman nila kailangan ito ay patuloy pa rin sila sa pagtangkilik ng mga bagay na
hindi naman talaga kailangan. Dito na pumapasok yung pakiwaring gitnang uri na
sila yung mga taong gumagamit ng mga bagay na popular upang matanggap ng
nakakarami. Ang kulturang popular din ay nagbibigay ng depinisyon sa kung ano
ang maganda at kung ano ang katanggap tanga sa mga tao.

Ipaliwanag ang pahayag na, “ang afinidad ng kulturang popular at formal na


edukasyon ay pareho tayong nagbabayad para sa inaakalang mabibiling
katotohanan tungkol sa pagkatao, rekisito ng pagiging gitnang uring
mamamayan.” Paano nasabing maituturing na bagong uri ng intelektwal na
kapital ang pagkababad sa Kulturang Popular?

Ang ibig sabihin lamang ng pahayag na ito ay sinasabing may pagkakatulad


ang standard ng isang formal na edukasyon sa kulturang popular dahil pareho
itong may binabayarang halaga sa pagkatuto o upang magkaroon tayo ng kaalaman
tungkol dito. Sa pahayag ring ito masasabi natin na sa Kulturang Popular
nangangahulugan itong nabibili natin ang mga bagay o produkto na nais natin
upang maiangkop ang ating sarili sa iba o makibagay sa iba kaya para mapagtakpan
ang tunay nating pagkatao ay bumibili tayo ng mga bagay na hindi naman angkop
sa kung ano ang meron lamang talaga tayo. Dahil nga nakikibagay tayo
nagkukunwari tayong ibang tao makasunod lang sa uso. Sinasabi din na bagong
uring intelektwal dahil ang kulturang popular ay nasa modernisasyon na o
napapanahon tinatangkilik ito lalo sa mgayon ng mga “millenials” kung tawagin na
alam naman natin na isa sila sa nangunguna sa pagtangkilik ng mga ito sa
kadahilanang maraming bagay na gusto nilang maranasan na nararanasan ng nasa
gitnang uri.

Pakiwari ang pangunahing afekto ng kulturang popular dahil nag-aastang


lampas sa historikal na posisyong panguri—pati na rin malamang, lahi at
etnisidad, kasarian at sexualidad—ang afinidad. Magbigay ng halimbawang
sitwasyon na maglalarawan sa astang ito, iugnay ito sa inyong personal na
karanasan.

Isang halimbawa na dito ay kapag nalalaman natin na mayroong sale sa SM


biglang pupunta ka don kasi nga sale o may porsyento silang ibinaba sa ilang
produkto nila na naisip mong afford mo na ito o kaya mo nang bilhin yung ilang
produkto nila dahil sa inaakalang pagbaba ng presyo. Hindi natin naisip na ilang
porsyento lang naman ang ibinaba nito sa mismong orihinal na presyo. Nadala o
napukaw yung interes natin dahil sa mga advertisement o pakulo nila. Nasanay
kasi ang tao na kapag sinabing SALE ay bagsak presyo na agad ang nasa isip pero
ang totoo konting konti lamang ang ibinabawas nila sa orihinal na presyo nito,
naranasan ko ito nung bibili sana ako ng t-shirt sa SM ayun nga nakalagay sale,
ako naman tingin-tingin lang sa mga nakalagay na presyo tulad ng 299php yung
isanng nakita ko, tapos nung tiningnan ko yung orihinal na presyo nito ay 315php
mga ganon na ibig sabihin hindi naman talaga ibinaba yung presyo nito. Pinupukaw
nila yung interes ng tao sa salitang “SALE.”
“Nag-aastang gitnang uri dahil hindi ka naman talaga gitnang uri.”
Naranasan na ba ninyo ang ganitong pakiwari? Saan? Paano?

Naranasan ko na ang ganitong pakiwari noong pumunta kami ng mga


katrabaho ko sa Edsa-Shangrila sa Manila para lang sana mamasyal unang beses ko
noon dito. Pagpasok ko pa lang sa entrance nung mall talaga naman maiiba na
kung ano ka talaga tipong kailangan dapat alam na alam mo yung gagawin o
ikikilos mo dahil mga nakakasalamuha mo doon iba’t ibang uri ng tao na hindi mo
malalaman kung ano ba talaga dahil halos lahat magaganda ang kasuotan. Halos
pati nga paglalakad, pagsasalita biglang naiba noong pumasok kami sa isang kainan
doon na alam naman namin na sobrang mamahal ng pagkain. Pero dahil nga unang
beses sige lang, ‘go’ lang minsan lang naman. Tanda ko pa may natira kaming
pagkain kaso hindi naming pinabalot kasi nakita namin na wala naman nag take-
out na ibang customers sa mga tira nila. Kaya naisip namin na ‘wag na lang din
kasi parang nakakahiya nga ibalot yung natira pa pagkain na kahit nanghihinayang
dahil nga sa mahal ng presyo ay hinayaan na lang upang makibagay sa iba at
upang ipakita na katulad lang din kami ng mga taong naroon na kahit hindi naman
talaga totoo. Isa lang to sa karanasan ko ng pakiwaring gitnang uri.

You might also like