You are on page 1of 3

Miriam Defensor-Santiago: Ang Iron

Lady ng Pinas
I am not afraid of death threats, but I am appalled that so
manypeople are capable of so much wrong spelling and
fractured grammar!
Ina.Ilongga.Senadora.Mambabatas.Guro.Hurado.Babae.Iskolar.Miriam.
Kilalang matapang na pulitiko. Kritiko at lumalaban sa korapsyon ng gobyerno. Makapangyarihang babae sa
mundo, ang Margaret Thatcher ng Pilipinas. AngMost Outstanding Senator.
Mula pa sa panahon ni Marcos hanggang sa kasalukuyang Aquino, naipamalas na ng butihing maybahay ni
Narciso Santiago ang tunay na kulay ng pulitika. Sabihin na nating traditional politician,malaki naman ang
naiambag nya sa pulitika ng bansa. Si Miriam, ang pinakamatagumpay na naging senadora, nakapag-akda ng
napakaraming batas at pinagkakatiwalaan ng madla pagdating sa tunay napublic service. Minsan nang
sinubok ang pagkapangulo ng Pilipinas, ngunit napigilan ng isang Fidel Valdez Ramos sa masasabing isa sa
mga dayaang eleksyon ng kasaysayan. Lamang ng milya-milya sa unang limang araw ng bilangan ng boto
noong 1992 presidential elections ngunit biglang natalo at nalaglag dahil sa nangyaring nationwide
blackout. Naulit pa ang pagtatangka noong 1998 nang tumakbo muli sa ilalim ng Peoples Reporm
Party at natalo laban kay Joseph Ejercito Estrada.
Ngunit sino ba ang nag-ambisyong si Miriam? Ano ang ambag nya sa lipunan? Sino ang matapang na
senadorang ang bunganga ay laging bumabatingaw? Ang Ramon Magsaysay awardee, 69th Most
Powerful Woman of the World at TOYM awardee Senadora Miriam Santiago.
Valedictorian.MagnaCumLaude.Editor-in-chief.Scholar.PoliticalScience.Law.Miriam.
Nagtapos
sa
La
Paz Elementary School
at
Iloilo
Provincial
National
High
School
bilang Valedictorian.Naging editor-in-chief ng eskwelahan sa loob ng apat na taon at nanguna sa National
College Entrance Examinations sa buong Western Visayan region. Nagtapos sa UP Visayas
bilang magna cum laude sa markang 1.1. sa kursong AB Political Science at napiling Rotary Award
for Most Outstanding Graduate.
Lumipat ng Maynila para mag-aral ng abugasya sa UP Diliman at nagtapos bilang cum laude. Siya ang
kauna-unahang babaeng editor-in-chief sa kasaysayan ng UPs Philippine Collegian. Siya rin ang may
pinaka-maraming bilang ng college scholarship sa UP. Kauna-unahang babaeng tinanghal na Best
Debaterat kauna-unahang nakatanggap ng dalawang beses na Vinzons Achievement Award for
excellence in student leadership at tumanggap ng UP Ten Outstanding Coeds.
Sa dunong, husay at talino, inabot ni Miriam ang mundo. Sa markang A, natapos nya ang bachelor of law
degree sa University of Michigan. At matapos ang anim na buwan, natapos nya ang Masters of
Lawat doctoral degree of Science of Jurisprudence. Pinasok na rin ni Miriam ang mga summer
programs at post-doctoral studies sa Harvard Law School, Oxford University, Cambridge
University, Stanford University, University of California, Southern Methodist
University, Hague Academy of Public International Law, Tokyos Sophia
University at Maryhill School of Theology.
Propesor.Judge.Writer.Senadora.Commisioner.Gabinete.Miriam.
Matapos mag-aral ng sangkaterbang batas, nagpatuloy ang buhay nya bilang isang propesor at huwes.
Nagturo sa Trinity College of QC ng Political Science; propesor sa law sa University of the
Philippines, University of Santo Tomas, Colegio San Juan de Letran at University of Perpetual Help
System DALTA. Nagingspecial assistant to the DOJ secretary at speechwriter noong panahon ni

Marcos , miyembro ng Board of Censors for Motion Pictures. Naluklok bilang legal officer sa
makapangyarihang UN High Comissioner for Refugees at sa Philippine embassy to the Washington
DC. Umupo din bilang huwes sa sala ng QC Regional Trial Court.
Naging isa sa pinakamakangyarihang huwes at ang pinakamaraming natapos na kaso na inihain sa
kanyang sala. Lalot higit ay mga kaso noong panahon ng Martial Law. Walang ibang huwes ang naglakas
loob na buwagin ang batas militar na pinairal na Marcos sa halip ay Saligang Batas ang ipinairal kahit na
buhay at katungkulan ang nakataya. Sa mga desisyon ni Miriam, due process of law ang kanyang
pinaibabaw. Pinagtanggol nya ang karapatan ng mga kabataan at etudyante at pinanindigan ang kalayaan ng
hudikatura noong panahong Marcos. Siya ay bayaning matatawag ng lahat ng mga estudyante sa unibersidad
at nirespeto pati na mga martial law administrators.
Naging commisioner si Miriam ng Bureau of Immigration and Deportation. Siya ang nagpatupad para
habulin ang mga sindikatong gumagawa ng mga pekeng pasaporte at siya ang nagkaso sa foreign
criminals sa talamak na industriya ng pedopilya, illegal aliens at prostitutes, smuggling activities,
importations and exportations of firearms at mga droga at pati na rin ang pagpapatigil ng
operasyongyakuza.
Naging kalihim din sya ng Agrarian Reform at pinagtibay ang kontrobersyal na Comprehensive Agrarian
Reform Law. Ang isa sa di-matatawarang hakbang ni Santago ay pag-inhibit nya sa kaso ng Hacienda
Luisita sa deliberasyon sa stock distribution nito. Si Cory Aquino ang chairperson samantalang si Miriam
ang vice-chairperson. Nilipat ng DAR ang land acquisition thrust mula sa voluntary offer-tosell (VOS)scheme sa compulsory acquisition of lands para mapabilis ang proseso ng CARP.
Dahil sa angking katalinuhan at katatagan at matapos ang nightmare ng 1992 presidential
elections,nanalo siya sa pagkasenador noong 1995 local elections. At mula 1995 hanggang sa
kasalukuyan, kasaysayan na ang makakapagsabing, sino si Miriam Defensor Santiago, ang
pinakamaraming bills sa Senado na naipasa at naging batas sa kasalukuyan. Maraming exposes ang
kanyang ginawa. Siya ang may pinaka-impressive sa larangan ng pakikipag-debate sa plenaryo, mga
metikulosong paghahanda sainterpellations at rebuttals. At dahil sa husay, pati mga miyembro ng Senado
ay saludo sa katatagan ni Miriam, sa panig man ng oposisyon at administrasyon. Si Miriam ang kaunaunahang tumanggi sa pork barrel sa kadahilanang ito ay hadlang sa konstitusyon dahil walang probisyon
hinggil sa appropriation law.
Tumakbo si Miriam nuong 2001 sa pagkasenador ngunit natalo dahil buhay pa sa ala-ala ng mga tao ang
makasaysayang EDSA 2. Nagsilbing senator-judge sa impeachment trial ni Estrada. Naniniwala siyang
dapat bigyan si Erap ng due process of law ngunit sa halip na matapos ang pag-uusig, napalitan ito ng isang
ekonomistang si Gloria Macapagal Arroyo. Noong 2004, tumakbo syang muli bilang senador at nanalo
sa ticket ni Gloria. Siya dapat ang vice-presidential candidate sa ilalim ni FPJ ngunit hindi sya pumyag
kung magiging kasapi nya ang kapwa senadora, ang crying lady ng impeachment trial ni Erap na si Loren
Legarda. Muling tumakbo noong 2010, at siya ay nanalo, pumangatlo sa hanay na may labing-limang milyong
boto sa likod ng dalawang aktor, Bong Revilla at Jinggoy Estrada. Ngayon, napabilang na naman siya
nilang senator-judge sa impeachment trial laban kay Chief Justice Renato Corona. At sana bumuto rin sya
ayon sa batas at hindi sa dikta ng kong sino.
Napakaraming batas na ang naiambag ng senadora, at isa sa mga inisusulong nya sa kasalukuyang panahon
(mula November 2011) ay ang Reproductive Health Bill, Foreign Language Education
Partnership Act, False Complaints Against Public Officials as an Aggravating
Circumstances of Perjury, Pollutant Release and Transfer Registry Act, Stay Clean and
Sober Act, Fire Arms Law, An Act Criminalizing Necrophilia, Ending Corporal

Punishment in Schools Act of 2011, Philippine HIV and AIDS Plan Act of 2011, AntiJustice Evasion through Travel Act of 2011, Preventive Imprisonment, Limitation on
Recall in Local Government Code, Incandescent Light Bulb Ban Act, Philippine Act on
Crimes against International Humanitarian Law, Genocide and other crimes Against
Humanity, Revised Penal Code (Incriminating Innocent Person), Anti-Money
Laundering Act, Special Education Act, Total Plastic Ban Act of 2011, Coastal Tourism
Planning A
Isang pagsubok kay Miriam ay ang bagong katungkulan, ang maging isang judge sa International Criminal
Court sa Hague, Netherlands. Ang korteng ito ay nagpaparusa sa mga taong sangkot sagenocide,
crimes against humanity, war crimes at crime of aggression. Hindi lamang Pilipinas, kundi kaso ng
buong mundo ang haharapin ni Miriam. Hindi man sya napabilang sa International Court of
Justice ngUnited Nations, heto syang nahirang bilang huwes ng katas-taasang korte ng ICC.
Ang hamon kay Miriam ay malaki dahil nakasalalay sa mga kamay nya ang hustisya at katarungan na dinaraing
ng mundo hinggil sa mass genocides at iba pang krimeng lumalapastangan sa karapatang-pantao. Paano na
ang RH bill na kanyang sinusulong? Paano na ang senado kung wala na ang matapang at matalino sa batas?
Paano na ang pagpapatupad ng due pocess of law? Paano na ang bansa na sa tingin ko, hindi kompleto ang
senado kung wala ang kapangyarihan ni Miriam Defensor-Santiago. Kahit na kumakain sya ng deaththreats sa umaga, magduwelo at mag-suicide para ituwid ang mali at magtatalak sa senado, si Miriam ay
minahal ng madla kahit na sa tingin ng iba ay may pagka-tuliling ang utak sa mga desisyon at salitang
binibitawan.
Sa papasuking bagong karera ni Miriam, sana andyan pa rin ang sambayanang Pilipino na naniniwala sa
kanyang kakayahan. Ang iskolar ng bayan, talino ang puhunan. Siya ngang palaban.
Saludo kami sa iyo, senadora Miriam Defensor-Santiago!

You might also like