You are on page 1of 4

BALITA

Marcos, ’di bayani! – Robredo

Ni Joy Cantos

“We strongly oppose the decision to bury former President Ferdinand Marcos in the Libingan ng mga
Bayani. How can we allow a hero’s burial for a man who has plundered our country and was responsible
for the death and disappearance of many Filipinos?” tahasang pahayag ni Robredo. Office of the Vice
President/Released

Tahasang sinabi kahapon ni Vice President Leni Robredo na hindi bayani si dating Pangulong Ferdinand
Marcos kaya hindi nararapat na malibing sa Libingan ng mga Bayani ang mga labi nito.

“We strongly oppose the decision to bury former President Ferdinand Marcos in the Libingan ng mga
Bayani. How can we allow a hero’s burial for a man who has plundered our country and was responsible
for the death and disappearance of many Filipinos?” tahasang pahayag ni Robredo.

Binigyang diin ni Robredo na ang mga taong nagkasala sa sambayanan ay hindi dapat binibigyan ng
pagkakataon na mailibing sa Libingan ng mga Bayani at ang desisyon ay hindi magbibigay ng pagkakaisa
sa bansa at lalong magpapalalim sa mga sugat na ‘di pa nagagamot.

Si Robredo ang matinding kalaban sa 2016 vice presidential elections ng anak ni Marcos na si Senator
Bong Bong na nagsampa ng election protest laban sa una.

“Furthermore, his heirs continue to deny that these sins against our people happened. They continue to
have no remorse and still prevent the return of the wealth that they stole,” ani Robredo.

Sa Kamara, pabor sina Capiz Rep. Fredinil Castro, Ilocos Sur 2nd district Rep. Erip Singson, Marikina Rep.
Miro Quimbo at Negros Occidental Rep. Mercedes Alvarez, na malibing sa Libingan ng mga Bayani ang
mga labi ni Marcos. Ito ay base sa Republic Act 289 na ang kuwalipikasyon para mailibing sa lIbingan ng
mga bayani ay ang pagiging isang presidente.
Sa kabila nito, pinaaatras ni Akbayan partylist Rep. Tom Villarin si Pangulong Duterte sa desisyon nito
na ipalibing si dating pangulong Marcos sa Libingan ng mga Bayani dahil magbibigay ng maling senyales
ito at lalabas na hindi talaga seryoso ang pangakong social justice.

Umalma rin ang National Historical Commission of the Philippines (NHCP at sinabi kuwestyunable ang
pagiging sundalo ni Marcos dahil fabricated o peke umano ang kanyang credentials kabilang ang US
medal of honor, order of the purple heart at iba pa. (Angie dela Cruz/Gemma Garcia/Doris Franche-
Borja)

PNP drug war: 550 ‘pushers’ na napatay!

Ni Joy Cantos

Lumobo na sa 550 pinaghihinalaang drug pushers ang napatay ng mga operatiba ng Philippine National
Police (PNP) kaugnay ng pagpapatuloy ng pinalakas na anti-drug campaign sa buong bansa.

Sinabi ni PNP Spokesman P/Sr. Supt. Dionardo Carlos , ang 550 napatay na mga drug pushers ay naitala
simula noong Hulyo 1, 2016 hanggang dakong alas-6 ng umaga kahapon.

Ang operasyon ay alinsunod sa Oplan Double Barrel o ang pinalakas na kampanya kontra droga .

Ayon kay Carlos , nasa kabuuang 7,940 namang drug personalities ang nasakote sa operasyon ng
pulisya. Samantalang aabot sa 284,684 mga bahay ang nabisita sa Oplan Tokhang o pagkatok sa bahay
ng mga drug personality upang kumbinsihin silang sumuko sa batas.

Naitala na 516,430 ang mga sumukong drug users at nasa 34,364 naman ang mga drug pushers.

Sa nasabing bilang, nangunguna ang National Capital Region o Metro Manila na may pinakamataas na
bilang ng mga napatay na drug pusher na umaabot na sa 148 . Nasa 1,251 naman ang mga nasakoteng
drug pushers habang nagsisuko naman ang nasa 25,206 drug users at 2,468 drug pushers. Pumangalawa
ang Police Regional Office (PRO) 3 na nasa 130 ang napatay na drug suspect; 863 ang naaresto habang
nasa 52,304 namang drug users at 2,432 drug pushers ang nagsisuko. Pangatlo ang Police Regional
Office (PRO) 4A na nagtala ng 69 drug pushers ang napatay; 1,402 ang nasakote at nagsisuko ang
36,498 drug users at 5,389 drug pushers.

De Lima, driver ‘gigisahin’ sa Kamara


Ni Gemma Amargo-Garcia

MANILA, Philippines - Ipatatawag ng Kamara de Representantes sina Senator Leila de Lima at


ang kontrobersyal na dating driver-bodyguard nito na si Ronnie Dayan para humarap sa
gagawing imbestigasyon kaugnay sa umano’y pagkalat ng illegal na droga sa National Bilibid
Prison (NBP) sa Muntinlupa City.

Nilinaw naman ni House Appropriations Committee chairman at Davao Rep. Karlo Alexie
Nograles, na ang pagpapatawag kay Dayan ay hindi para isentro ang relasyon nito kay De Lima
kundi para ungkatin ang pagkakasangkot ng driver bodyguard nito sa droga.

Maaari umanong imbitahan ng Kamara ang Senadora subalit nasa diskresyon na nito kung
dadalo o hindi alinsunod na rin sa umiiral na inter-parliamentary courtesy.

Bukod sa dalawa, ayon naman kay Deputy Speaker Sharon Garin, maaari ring ipatawag ang mga
convicted drug lords na nakakapiit sa National Bilibid Prison (NBP) para direktang makuha ang
kanilang paliwanag kaugnay sa drug operations sa loob ng Bilibid. Subalit kailangan pa rin
umanong pag-aralan ang mga proseso at protocols kung dadalhin sila sa Kamara o kung ang mga
kongresista na lamang ang pupunta sa NBP para doon mag-hearing.

Nilinaw naman ni Deputy Speaker Gwen Garcia, na ang gagawing imbestigasyon sa isyu ng
paglaganap ng droga at iba pang illegal na gawain sa NBP noong nasa pamamahala pa ito ni de
Lima ay “in aid of legislation”. Ito ay upang matukoy umano kung ano ang mali sa sistema sa
loob ng NBP, mapalakas ang umiiral na batas at makagawa pa ng panibagong batas kung
kinakailangan.

Bukod sa Senadora at bodyguard nito ay ipatatawag din sa imbestigasyon ang mga nagdaang
mga opisyal ng Bureau of Corrections (Bucor) at NBP.

Matatandaan na naghain ang liderato ng Kamara ng House Resolution 105 para magsagawa ng
imbestigasyon sa pagkalat ng illegal na droga sa NBP noong kalihim pa ng DOJ ang Senadora.
Nauna rito, sinabi ni De Lima na nagtatago na ang kanyang driver-bodyguard dahil sa pangamba
sa kanyang buhay matapos ang pagbubunyag ng Pangulo na siyang nangongolekta umano ng
drug money sa NBP.

Caption-delima

Ipatatawag ng Kamara de Representantes sina Senator Leila de Lima at ang kontrobersyal na dating
driver-bodyguard nito na si Ronnie Dayan para humarap sa gagawing imbestigasyon kaugnay sa
umano’y pagkalat ng illegal na droga sa National Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City. AP Photo/Bullit
Marquez

You might also like