You are on page 1of 3

SA paglulunsad ng giyera kontra droga ni Pangulong Rodrigo Duterte nang magsimula siyang manungkulan bilang

Pangulo ng Pilipinas, ang Philippine National Police (PNP) ang nagpatupad ng anti illegal drug operation. Sa
pangunguna ni PNP Chief Director General Ronald “Bato” de la Rosa, inilunsad niya ang “Oplan Tokhang”. Ito’y ang
pagkatok sa pinto ng bahay ng pinaghihinalaang mga drug user at pusher.
Pangunahing layunin ng Oplan Tokhang ay dakpin ang nasabing mga suspek na sangkot sa ilegal drug. Ngunit hindi
ito natupad sapagkat nauwi sa pagpatay at pagtimbuwang ng mga suspek sa droga. Araw-araw ay umaangat ang
bilang ng mga napatay. Kapansin-pansin na ang mga tumimbuwang sa loob ng bahay, sa kalsada at iba pang lugar
ay pawang naka-tsinelas at marumi ang sakong. Mahihirap. Paliwanag at litanya ng mga police operative,
NANLABAN kaya napatay.

Nang magsawa ng survey ang Social Weather Station (SWS) noong Hunyo 23-26, 2017, lumbas sa survey na mahigit
sa kalahati ng mga Pilipino ay naniniwalang hindi totoong NANLABAN ang mga napatay sa police operation sa
giyera kontra droga. Halos kalahati o 49 porsiyento ng populasyon ang naniniwalang karamihan sa mga napatay ng
mga pulis sa drug operation ay hindi totoong tulak ng droga.Nanindigan naman ang PNP na nanlaban ang mga
napatay. Iginiit pa ng tambolero ng PNP na nanganib ang buhay ng mga pulis sa pagpapatupad ng naturang
kampanya.
At nang palakasin pa ang kampanya kontra droga ng “Oplan Tokhang Double Barrel” ng PNP, arawaraw ay patuloy
na nadaragdagan ang bilang ng mga napatay at tumimbuwang na sangkot sa droga. Mabibilang sa daliri ng kamay
ang napatay na mga narco-politician at drug lord. Mababanggit ang mayor ng Albuera, Leyte. Napatay sa loob ng
kulungan noong madaling-araw ng Nobyembre 5, 2017. Nanlaban umano ang mayor nang isilbi ang search
warrant. Nasabi tuloy ng iba nating kababayan, ginagago at niloloko ang taumbayan ng mga pulis. Nasa kulungan
ang mayor ay nakipagbarilan. Madaling-araw, magsisilbi ng search warrant ang mga pulis. Sumunod na napatay na
narco-politician suspect ay ang mayor ng Osamiz City. Kasama rin sa napatay ang misis ng mayor at mga tauhan
nito.

Sa bawat napatay at tumimbuwang na mga suspek na drug pusher at user, walang magawa ang mga magulang at
kamag-anak ng mga biktima kundi ang manangis, sumigaw at humingi ng katarungan. Ngunit ang kanilang
pagsigaw at paghingi ng katarungan ay sabunot sa panot at suntok lamang sa buwan.
Ang giyera kontra droga ay umani ng batikos mula sa mga nagpapahalaga sa buhay ng tao, human rights advocate,
mga Obispo ng Simbahan at ng mga taga-ibang bansa. Ang naging sagot dito ng Pangulo ay ang kanyang
pagmumura at pagsasabing magpapatuloy ang giyera kontra droga hanggang sa siya ang Pangulo ng bansa.
Natigil sandali ang Oplan Tokhang ng PNP sapagkat nagamit ito sa kalokohan ng ibang mga bugok na tauhan ng
PNP. Ginamit sa kanilang Oplan Tokhang for Ransom. At nang itumba ng mga pulis ang tatlong teenager na
umano’y sangkot sa illegal drugs, natigil ang anti illegal drug operation dahil nagalit ang marami nating kababayan
na humantong sa mga kilos-protesta at panawagan na itigil ang giyera kontra droga.
Sa nasabing pangyayari, inilipat ni Pangulong Duterte ang operasyon ng giyera kontra droga sa PDEA ( Philippine
Drug Enforcement Agency). Ang PNP ay tutulong na lamang sa PDEA. Kumbaga sa pelikula, PDEA na ang bida at
supporting actor lamang ang PNP. Hindi naging madugo ang operation ng PDEA. Maraming nakumpiskang droga at
marami rin ang nadakip at sumuko.

Ang Oplan Tokhang ngayong 2018 ay ibabalik. Batay ito sa bahagi ng pahayag ni PNP Chief Director General Ronald
“Bato” de la Rosa nang maging panauhing tagapagsalita siya sa
turnover ng 60 police mobile at K-9 unit sa Valenzuela City Police nitong Enero 12, 2018. Ayon sa PNP Chief: “My
instruction to police officials during my command conferebnce is to bring back Tokhangh but in the true spirit of
Tokhang not the other Tokhang whwrein the policemen has a list ofdrug personalities in tha barangay anad they
tell them tahat they are included in the list, give us money and your name will be deleted. That’s what we want to
eradicate”. May nagsabing kung masusunod ang ipinahayag ng PNP chief, magiging matagumpay ang layunin ng
Oplan Tokhang. At sa pagbabalik ng bagong Oplan Tokhang, marami ang nagdarasal at naghahangad na hindi na
sana ito maging madugo. Pairalin ang batas sa giyera kontra droga at bigyan ng pagkakataon na magbagong buhay
ang mga pinaghahanalaang user. Ipasok sa mga rehabilitation center at tulungang magbagong-buhay.

https://www.pressreader.com/philippines/balita/20180115/281749859759515
Sa mahabang panahon, pangunahing kanser ng lipunan ang ilegal na droga na hindi lang sumira ng buhay ng isang
tao ngunit nagwasak sa maraming pamilya. Ilang administrasyon sa pamahalaan ang lumipas at maraming
programa kontra droga ang ipinatupad ngunit nanatili itong hindi masugpong problema na nanuot na hindi lang sa
mga pamilya ngunit maging sa halos lahat ng institusyong panglipunan. Sa pagpasok ng admi-nistrasyong Duterte,
“battle cry” nito ang pagsugpo sa ilegal na droga ng tatlo hanggang anim na buwan.  Nakapaloob sa programa ang
“Oplan Tokhang” na unang ipinatupad niya sa lungsod ng Davao noong alkalde siya nito.   Ano nga ba ang Oplan
Tokhang? Ang salitang Tokhang ay kinuha sa salitang Bisaya na “Toktok” (katok) at “Hangyo” (makiusap). Nanga-
ngahulugan ito ng pagkatok ng mga awtoridad sa bahay ng mga pinaghihinalaang sangkot sa ilegal na droga at
makiusap na sumuko na at magbagong-buhay na sila. Agad na ipinatupad ang Oplan Tokhang noong Hulyo
2016. Nakapaloob sa programa ang pagtukoy ng mga opisyal ng barangay sa mga hinihinalang drug personalities sa
kanilang nasasakupan. 

Kasabay ng pagkatok sa mga bahay, sunud-sunod din ang pagbulagta ng mga drug personalities sa mga police
operations dahil sa umano’y panlalaban ng mga suspek habang marami rin ang napatay ng mga lalaking naka-
bonnet at sakay ng mga motorsiklong walang plaka na tila mga alagad ni Kamatayan tuwing gabi.   Ilan pang isyu
ang pagkatok sa mga bahay na wala naman sa listahan at pagpasok sa mga ekslusibong subdibisyon. Iginiit naman
ng PNP na walang namatay sa aktuwal na “Tokhang” o pagkatok sa mga bahay ngunit ang mga napapaslang ay
resulta ng hiwalay na ‘anti-drug operations’. Giit naman ng kaanak ng mga biktima, kapag kinatok ang isang drug
suspek sa ilalim ng Tokhang, malaki ang posibilidad na ito ang susunod na mapapaslang. Ayon sa iba’t ibang gru-
pong tumutuligsa sa Oplan Tokhang, higit sa 7,000 katao ang napaslang kabilang ang mga nakatok.   Sa opisyal na
datos ng PNP mula Mayo 2016-Pebrero 2018, nasa 4,416 katao ang napaslang na may kaugnayan sa ilegal na
droga.  Sa naturang datos, nasa 2,546 ang napaslang sa mga police operations, nasa 1,618 naman ang pinatay ng
mga hindi nakikilalang salarin, at 252 ang mga bangkay na natagpuan malayo sa lugar ng krimen o mga “found dead
bodies”. Ngunit hindi kinaya na wakasan ang problema sa ilegal na droga sa loob ng anim na buwan at humingi ng
ekstensyon ang Pangulong Duterte. Kasabay ng pagdanak ng dugo at pagtaas ng “body count” ang pagtuligsa sa
programa ni Pangulong Duterte mula sa Commission on Human Rights (CHR), mga international human rights
group, lokal at maging internasyunal na media.  Sa huli, itinigil ang Oplan Tokhang nitong Oktubre 2017 at ibinalik
sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang pangunahing obligasyon sa pagsugpo sa ilegal na droga. Pero
dahil sa may higit 1,700 tauhan lamang ang PDEA, naging kapos ang paglaban nito sa iligal na droga kaya
minabuting ibalik ang Oplan Tokhang ng PNP nitong Enero 29, 2018.  Upang maiwasan ang batikos, nagtakda ng
mga bagong  panuntunan ang PNP sa implementasyon nito. 

Kabilang dito ang: Paglimita sa pagbisita sa bahay ng mga suspek mula Lunes-Bi-yernes at tuwing araw lamang;
ang mga kakatukin ay base lamang sa berepikadong intelligence report at opisyal na listahan; nasa tamang uniporme
ang mga pulis na magsusuot na rin ng body cameras, at pagsama sa mga kinatawan ng barangay, human rights group
at simbahan sa mga Tokhang operations.  Magpapatupad ng “one strike policy” ang PNP sa mga opisyal kung may
hindi masusunod na panuntunan sa bagong Oplan Tokhang. Dalawang linggo matapos ang bagong Oplan Tokhang,
ipinagmalaki ng PNP na walang napaslang sa kanilang mga operasyon habang nasa 6,253 drug personalities agad
ang nadakip sa ikinasang 4,058 operasyon. Ayon sa PNP, nasa 3,456 Tokhang operations ang kanilang ginawa sa 17
rehiyon sa bansa na nagresulta sa pagsuko ng may 1,573 drug personalities.  Maging ang CHR ay napansin ang
malaking pagbabago.  Sinabi ni Jackie De Guia, tagapagsalita ng CHR na nagkaroon na ng magandang pagbabago
sa Oplan Tokhang ngunit patuloy pa rin umano silang nagbabantay sa mga pag-abuso lalo na sa ibang operasyon na
parte ng ‘anti-illegal drugs operation’ ng PNP. “But tinitingnan nating mabuti kung paano napapatupad ‘yung Oplan
Tokhang. Of course, that’s just one component of the campaign against drugs. Marami pa ring operasyon na
nangyayari araw-araw. Pare-parehong sinusuri natin ‘yan,” ani De Guia. Matapos nito, naglabas ang PNP ng datos
na 88 drug suspect ang napatay 5,636 operasyon mula nang tumulong sila sa PDEA sa anti-drug campaign mula
Disyembre 5, 2017 hanggang Pebrero 24, 2018.  May average ito na higit isang drug suspek na napa-patay kada
araw.  Hindi talaga maiiwasan ang patayan lalo na’t multi-bilyong industriya ang iligal na droga. Habang nakatutok
ang bansa sa operasyon ng PNP kontra iligal na droga, unti-unti namang tumutulong ang mga lokal na pamahalaan,
mga non-government organizations at ang simbahan sa aspeto ng pagbabagong-buhay ng mga drug personality na
sumuko sa Oplan Tokhang sa pamamagitan ng rehabilitasyon.  Naniniwala ang ibang stakeholders na patuloy
lamang na magi-ging problema ang adiksyon sa iligal na droga kung hindi mababago ang buhay ng mga sugapa na
umano’y biktima rin ng palpak na sistema ng lipunan.
 Sa kabila ng mga batikos, pagkakaiba ng paniniwala, at pagkontra sa pamamaraan, patuloy namang sinusuportahan
ng maraming Pilipino ang pagsugpo sa iligal na droga at pagpapanumbalik ng katiwasayan sa bansa.

https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2018/03/17/1797609/oplan-tokhang-ang-
pagbabalik

You might also like