You are on page 1of 8

KOMUNIKASYON AT WIKANG

FILIPINO: MAGKATAHING PUWERSA


NG PAG-UUGNAYAN,
PAKAKAUNAWAAN, AT KAUNLARAN
kasiglahan dumalaw makipag-usap

Ano ang
ipinapahiwatig na
maraming gawaing
pangkomunikasyon
ang mga Pilipino>

makisama makiisa makwento


BUKAS TAYO SA
IBA.
ANO ANG MABABALANGKAS NA
KAHULUGAN NATIN NG WIKA?
Salita ng Taon: TOKHANG
Halaw sa pinagtiyap na mga salitang Binisaya na toktok (“katok”)
at hangyo (“pakiusap”), Tokhang ang mukha ng giyera kontra-
droga ng rehimeng Duterte.
Ang Oplan Tokhang ay isa sa dalawang kampanyang inilunsad ni
Ronald “Bato” dela Rosa habang nagsisilbi bilang pinuno ng Davao
City Police Office mula Enero 2012 hanggang Hunyo 2016.
Gaya ng kaniyang banta, pinalawak ni dela Rosa sa pambansang
saklaw ang kampanya nang maupo bilang Hepe ng Pambansang
Pulisya ng Pilipinas (Philippine National Police o PNP).
Kasama ni dela Rosa ang sampung miyembro ng tinaguriang
“Davao Boys” na itinalaga sa Station 6, o Batasan Station, ang
estasyon ng pulis sa Quezon City Police District na naging sentro
ng patayan, ayon sa ulat ng Reuters noong Disyembre 2017.
Tunay nga, mahigit 2,500 drug suspects na ang napatay sa unang bugso
ng Oplan Tokhang noong 2016. Kasama sa mga napatay ang 54 menor-de-
edad. Ilang linggo matapos patayin sina Kian Loyd delos Santos, Carl
Angelo Arnaiz, at Reynaldo de Guzman, na dagdag sa dose-dosena pang
mga pinaslang, pinahinto ang operasyon noong Oktubre 2017 at ipinasa
ang kampanya kontra-droga sa Philippine Drug Enforcement Agency
(PDEA).
Kasingkahulugan ng tokhang ang “pagpatay.” Sinabi mismo ni Direktor
Heneral Aaron Aquino, hepe ng PDEA, noong Disyembre 2017, na “ang
connotation ng Tokhang sa karamihan ng masa is killing. ‘Gusto mong ma-
Tokhang ka?’ Ano ba ang ibig sabihin no’n? ‘Gusto mong mamatay ka?’”
Hiniling ni Aquino na tanggalin na ang katagang “Tokhang” sa kanilang
mga operasyon kontra-droga. Ngunit ipinagkibit-balikat lamang ito ni dela
Rosa. Nang ibalik niya ang Oplan Tokhang noong Enero 2018, ipinasok
niya ang katagang tokhangers bilang bansag sa mga pulis na kasapi ng
mga tokhang team, kasabay ng pangakong hindi na gaanong magiging
madugo ang mga operasyon.
Gayunman, nagpatuloy ang karahasan sa anino ng tokhang.
Ang sino mang nasa drugs watchlist na natokhang ay hindi
binisita para pakiusapang sumuko, kundi pinatay sa buy-
bust operation man o summary execution. Sa ngalan ng
Oplan Tokhang, nagpatuloy ang mga pagpatay sa mga
operasyong “One-Time, Big-Time” sa ilalim ng Oplan
Lambat-Sibat ng PNP. Lumutang ang katagang palit-
ulo. Ang EJK (extra-judicial killings) ay hindi na lamang
para sa mga kaso ng pagpaslang sa mga aktibista, opisyal
ng lokal na gobyerno, at mga alagad ng midya, kundi
maging sa mga biktima ng Oplan Tokhang. Noong
Disyembre 2017, pinuna ni Metropolitan Manila
Development Authority (MMDA) Assistant General
Manager Jojo Garcia ang mga reporter na naglalabas ng
negatibong balita patungkol sa ahensiya. “Nasaan na ‘yung
45 ko? Ipa-tokhang natin ‘yan,” bitaw niya.
Higit pang naging normatibo ang turing sa Tokhang. Tokhangable
ang bansag sa mga taong payat na payat, kahit hindi gumagamit ng
droga. Noong isang taon, sinabi ng isang senador na tokhang-free
ang 2018 national budget.
Noong nakaraang buwan, binansagang Oplan DogHang ang
pagpapasuko ng mga askal sa Barangay Capri, Novaliches, Quezon
City. Sa kanilang campaign poster, mababasa ang babalang “Oplan
‘Dog’Hang! Wag nang manlaban, isuko na ang alagang hayop! Upang
hindi na makapinsala at makadumi sa kapaligiran.”
Sa ngalan ng Tokhang, ang walang habas na pagpapawalang-saysay
sa karapatan ng taong mabuhay ay naipasa na sa pakikitungo sa mga
hayop.
Mark Angeles

You might also like