You are on page 1of 1

SA paglulunsad ng giyera kontra droga ni Pangulong Rodrigo Duterte nang magsimula siyang

manungkulan bilang Pangulo ng Pilipinas, ang Philippine National Police (PNP) ang nagpatupad ng anti illegal drug
operation. Sa pangunguna ni PNP Chief Director General Ronald “Bato” de la Rosa, inilunsad niya ang “Oplan
Tokhang”. Ito’y ang pagkatok sa pinto ng bahay ng pinaghihinalaang mga drug user at pusher.

Pangunahing layunin ng Oplan Tokhang ay dakpin ang nasabing mga suspek na sangkot sa ilegal drug.
Ngunit hindi ito natupad sapagkat nauwi sa pagpatay at pagtimbuwang ng mga suspek sa droga. Araw-araw ay
umaangat ang bilang ng mga napatay. Kapansin-pansin na ang mga tumimbuwang sa loob ng bahay, sa kalsada at
iba pang lugar ay pawang naka-tsinelas at marumi ang sakong. Mahihirap iPaliwanag at litanya ng mga police
operative, NANLABAN kaya napatay.
Nang magsawa ng survey ang Social Weather Station (SWS) noong Hunyo 23-26, 2017, lumbas sa survey
na mahigit sa kalahati ng mga Pilipino ay naniniwalang hindi totoong NANLABAN ang mga napatay sa giyera kontra
droga. Halos kalahati o 49 porsiyento ng populasyon ang naniniwalang karamihan sa mga napatay ng mga pulis sa
drug operation ay hindi totoong tulak ng droga.Nanindigan naman ang PNP na nanlaban ang mga napatay. Iginiit
pa ng PNP na nanganib ang buhay ng mga pulis sa pagpapatupad ng naturang kampanya.
At nang palakasin pa ang kampanya kontra droga ng “Oplan Tokhang Double Barrel” ng PNP, araw-araw
ay patuloy na nadaragdagan ang bilang ng mga napatay at tumimbuwang na sangkot sa droga. Mabibilang sa daliri
ng kamay ang napatay na mga narco-politician at drug lord. Mababanggit ang mayor ng Albuera, Leyte. Napatay sa
loob ng kulungan noong madaling-araw ng Nobyembre 5, 2017. Nanlaban umano ang mayor nang isilbi ang search
warrant. Nasabi tuloy ng iba nating kababayan, ginagago at niloloko ang taumbayan ng mga pulis. Nasa kulungan
ang mayor ay nakipagbarilan. Madaling-araw, magsisilbi ng search warrant ang mga pulis. Sumunod na napatay na
narco-politician suspect ay ang mayor ng Osamiz City. Kasama rin sa napatay ang misis ng mayor at mga tauhan
nito.
Sa bawat napatay at tumimbuwang na mga suspek na drug pusher at user, walang magawa ang mga
magulang at kamag-anak ng mga biktima kundi ang manangis, sumigaw at humingi ng katarungan. Ngunit ang
kanilang pagsigaw at paghingi ng katarungan ay sabunot sa panot at suntok lamang sa buwan.
Ang giyera kontra droga ay umani ng batikos mula sa mga nagpapahalaga sa buhay ng tao, human rights
advocate, mga Obispo ng Simbahan at ng mga taga-ibang bansa.
Sa nasabing mga pangyayari, inilipat ni Pangulong Duterte ang operasyon ng giyera kontra droga sa PDEA
(Philippine Drug Enforcement Agency). Ang PNP ay tutulong na lamang sa PDEA. Kumbaga sa pelikula, PDEA na ang
bida at supporting actor lamang ang PNP. Hindi naging madugo ang operation ng PDEA. Maraming nakumpiskang
droga at marami rin ang nadakip at sumuko.
Sa kabilang banda kung ating iispin, mapapansin natin na bumaba ang bilang ng mga krimen at bilang ng
mga taong gumagamit ng droga sa mga nakalipas na buwan.
sa pagbabalik ng bagong Oplan Tokhang, marami ang nagdarasal at naghahangad na hindi na sana ito
maging madugo.Pairalin ang batas sa giyera kontra droga at bigyan ng pagkakataon na magbagong buhay ang mga
pinaghahanalaang user. Ipasok sa mga rehabilitation center at tulungang magbagong-buhay.
Bilang isang kristyano naniniwala ako na lahat ng tao ay may karapatang magbago, kailanman ay hindi
solusyon ang pagpatay sapagkat Dyos lamang ang maaaring bumawi ng ating buhay.

You might also like