You are on page 1of 2

Gumawa ng balita batay sa mga datos sa ibaba

1. Gen. Roland Baso dela Rosa


- PNP chief director
- 899 na ang kaso ng summary execution dahil sa droga ang iniimbestigahan
- 665 ang nasawi sa lehitimong operasyon ng PNP
-sinabi ito ni dela Rosa kahapon sa unang pagdinig ng Senate Committee on Public
Order and Dangerous Drugs
- ang bilang ng summary executions ay kagagawan ng mga armadong kalalakihan
at hindi sa lehitimong operasyon ng mga operatiba ng pulisya
-sinabi rin ni dela Rosa na sa bilang ng mga napapatay 22 kaso pa lamang ang
naisasampa sa korte
-pahayag ni dela Rosa
. Your honor, as of July 1-August 15 we have a total number of deaths under
investigation, 899
2. Senator Panfilo Ping Lacson
-chairman ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs
- pinamunuan ang pagdinig sa panukalang bumuo ng ng Presidential Anti-Drug
Authority, pagbibigay ng murang rehabilitation treatment sa ilalim ng PhilHealth;
Comprehensive Dangerous Drugs Act; at imbestigasyon sa drug prevention at
intervention para sa mga kabataan.
3. Senator Grace Poe
-tinanong si dela Rosa kung ilan na ang kabuuuang bilang ng napapatay dahil sa
kampanya sa illegal na droga
-tinanong rin si dela Rosa kung hindi kasama ang 665 sa 899 kaso ng summary
executions

899 drug killings binubusisi ng PNP


Ni Malou Escudero, Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) | Updated August 19, 2016 - 12:00am
0

0 googleplus0

MANILA, Philippines - Umaabot na sa 899 ang kaso ng summary executions dahil sa droga ang
iniimbestigahan habang 665 ang nasawi sa lehitimong operasyon ang naitala ng Philippine National Police
(PNP).
Ito ang isiniwalat kahapon ni PNP chief Director General Ronald Bato dela Rosa sa unang pagdinig ng
Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs na pinamumunuan ni Senator Panfilo Ping Lacson
tungkol sa panukalang pagbuo ng Presidential Anti-Drug Authority; pagbibigay ng murang rehabilitation
treatment sa ilalim ng PhilHealth; Comprehensive Dangerous Drugs Act; at imbestigasyon sa drug prevention
at intervention para sa mga kabataan.
Sa tanong ni Senator Grace Poe kay Dela Rosa kung ilan na ang kabuuang bilang ng mga napapatay dahil sa
kampanya laban sa ilegal na droga sumagot si Dela Rosa na may 665 na ang napatay sa legitimate
operations.
Pero nang tanungin ni Poe kung hindi kasama sa nasabing bilang ang napaslang ng mga sinasabing
vigilantes, sinabi ni Dela Rosa na 899 ang kanilang iniimbestigahang kaso. Your honor, as of July 1-August 15
we have a total number of deaths under investigation, 899, pahayag ni Dela Rosa.
Ayon kay De la Rosa, ang nasabing bilang ng mga pinaslang ay kagagawan ng mga armadong kalalakihan at
hindi sa lehitimong operasyon ng mga operatiba ng pulisya. Inihayag rin ni Dela Rosa na sa bilang ng mga
napapatay, 22 kaso pa llan dito ang naiisampa sa korte.

You might also like