You are on page 1of 2

“TALUMPATI”

Name: Renz Fhilip C. Gahum G/S: STEM 12-B


Instructor: Bb. Darlene Canoy Subject: Filipino

“Build, Build, Build program, tagumpay o kapahamakan”

Ang Pilipinas ay ang isa sa may pinakamababang ekonomiya sa buong mundo.


Bago paman nagsimula ang Build, Build, Build program ay malaking hamon talaga
ang kahirapan para sa mga Pilipino. TaTong 2020 nang dumating Ang pandemya
nang dumating ang pandemya, nasubok talaga ang katatagan ng bawat
mamamayan. Maraming trahedya ang naganap, trabaho o hanap buhay na nawala,
at iba pang mga balitang labis na ikinalungkot ng marami. Gayunpaman, hindi sila
nawalan ng pag-asa dahil alam nilang isang pagsubok lamang ang mga iyan na
tiyak malalampasan din. Hanggang sa dumating ang administrasyong Duterte na isa
sa nagbigay sa kanilang ng pag-asa. Sapagkat ang administrasyong Duterte ay may
hatid na programa na tiyak makakatulong sa mga mahihirap at makakatulong para
palaguin ang ekonomiya.Ito ang programang Build, Build, Build! na naglalaayong
palaguin ang ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga
imprastraktura. Ang Build, Build, Build ay isang programa ng pangunahing inisyatiba
ng administrasyong Duterte na naglalayong mapabuti ang imprastraktura sa buong
bansa. Ito ay lilikha ng maraming trabaho at makakatulong sa pagsisimula ng
ekonomiya, na isang bagay na ikinatutuwa ng maraming tao. Magbibigay daan din
ang programang ito upang mabansagang “Golden Age of Infrastructure” ang termino
ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Taong 2016, nang maupo bilang pangulo si Duterte ay inilaan ang pinakamataas na
pondo para sa proyektong pang imprastraktura. Kabilang na rito ang ang mga
pagsasaayos ng mga kalsada, daungan, pa­liparan, terminals, evacuation centers,
ospital, paaralan, at iba pang government facilities. Ang mga ito ay higit na
nakakatulong upang palakasin at palaguin ang ekonomiya ng bansa. Base sa
survey na ginawa para sa mga 2022 presidential candidates, Halos lahat ay
sumangayon na Matagumpay ang ginawang Build, Build, Build program ng
administrasyong Duterte dahil unti-unting may pagbabago ang ekonomiya ng bansa
at ngayong administrasyong Marcos na ay tinitiyak parin ni Pangulong Bongbong
Marcos na ipagpatuloy niya parin ang nasimulan ng administrasyong Duterte na
Build Build Build program dahil naniniwala si Pangulong Marcos na mas
mapapasigla pa ang ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng programa na iyan.
Sa pangkalahatan ang Build, Build, Build program ay lubhang nakakatulong sa
ekonomiya ng bansa. Sa pamamagitan ng programa na ito ay magkakaroon ng
maraming trabaho ang mga Pilipino at mapapalakas na ang ekonomiya ng bansa.
Kawalan ng trabaho, Taggutom, at kahirapan ay unti-unting masosolusyanan.
Malaking tulong o bagay ito para sa mga Pilipinong nawalan ng pag-asa dahil sa
kahirapan. Hindi hadlang ang kahirapan para hindi magpatuloy sa buhay. Maraming
mga programa ang nakalaan para sa mga mahihirap na sanay hindi ipagkait sa mga
corrupt na lider. Katulad ng programa na ito na magsisilbing liwanag sa
pangaraw-araw nilang buhay. Build, Build, Build program ang susi para sa mas
masaganang pamumuhay at matatag na ekonomiya.

You might also like