You are on page 1of 5

Edukasyon ng special children sa

bansa, walang nakalaan na pondo


sa ilalim ng NEP — DepEd
 
 September 14, 2022
 
Balita, National / Metro

Walang nakalaang pondo sa edukasyon ng special children sa ilalim ng 2023 National Expenditure
Program (NEP) na alokasyon ng Department of Education (DepEd).
Ito ang inihayag nitong Miyerkules, Setyembre 14 ni DepEd Undersecretary Ernesto Gaviola sa pagdinig
ng budget ng ahensya sa harap ng House Committee on Appropriations.
Itinanong ni Independent minority solon Albay 1st district Rep. Edcel Lagman ang DepEd sa kanyang
interpellation sa P709-bilyong budget ng ahensya kung magkano ang pondong inilaan sa susunod na
taon para sa edukasyon ng special children.
“Nag-request kami ng P560 milyon (para sa 2023) pero sa NEP zero budget,” ani Gaviola.
Ang NEP ay ang pasimula ng General Appropriations Bill (GAB), o ang panukalang badyet na magmumula
sa House of Representatives.
Aniya, hangga’t ang mga programa ng DepEd para sa pagtuturo sa mga learners with disabilities (LWDs)
ay nakorner, wala silang natanggap na pondo kaya’t “ginagamit ang anumang magagamit na pondo para
sa 2022”.
Ang pinagtibay na badyet ng DepEd para sa 2022 ay P631 bilyon.
“The special children are those who need special attention and special necessities compared to other
children,” ani Lagman nang mapakinggan ang tugon ni Gaviola.
“That is very important because I understand we have an increasing number of special children in the
Philippines,” anang mambabatas.
Ellson Quismorio

Mahigit 5K na mga benepisyaryo,


nakatanggap na ng educational
assistance
Published on: September 07, 2022
By Jimmyley Guzman
LUNGSOD PASIG, (PIA) -- Magandang balita! Umabot na sa mahigit 5,000
ang nakatanggap ng educational assistance mula sa Department of Social
Welfare and Development (DSWD).

Ayon sa ulat ng DSWD National Capital Region nitong Setyembre 3,


nakapagtala ng 5,527 benepisyaryo ang nabigyan ng tulong pang-edukasyon
at may kabuuang halaga na P13,509,000 mula Agosto 20 hanggang
Setyembre 3, 2022.

Ang naturang educational assistance ay sa ilalim ng programang Assistance


to Individuals in Crisis Situation (AICS) kung saan ang mga kwalipikadong
mag-aaral mula elementarya hanggang kolehiyo ay maaaring makatanggap
ng tulong bilang tugon ng pamahalaan para sa mga mag-aaral na nais
ipagpatuloy ang kanilang edukasyon.

Samantala, paalala ng DSWD na siguraduhing nakatanggap ng text


confirmation bago magtungo  sa lugar kung saan gaganapin ang pagbibigay
ng educational assistance.

Ang pagbibigay ng educational assistance ay hanggang sa Setyembre 24.

Para sa updates, tumutok sa DSWD NCR Facebook


page https://www.facebook.com/dswdfoncr. (DSWD NCR/PIA-NCR)

ACT Teachers rep., gustong


ipabalik ang pag-aaral ng
kasaysayan ng Pilipinas sa hayskul

 by Richard de Leon
 
 July 5, 2022
 
in Balita, National, National / Metro
 0
ACT Teachers at Department of Education logo (Larawan mula sa Manila Bulletin)

Share on FacebookShare on Twitter

ADVERTISEMENT

Iginiit ng ACT Teachers representative na si France Castro na kailangan na talagang ibalik ang
pag-aaral ng kasaysayan ng Pilipinas sa hayskul, kaugnay ng isyung kinasangkutan ng pahayag
ni Ella Cruz tungkol sa kasaysayan, na inihalintulad niya sa “tsismis”.

“History is like chismis. It is filtered and dagdag na rin, so, hindi natin alam what is the real
history. Andoon na iyong idea, pero may mga bias talaga… As long as we’re here alive at may
kanya-kanyang opinion, I respect everyone’s opinion,” saad ng actress-dancer sa kung ano ang
natutuhan niya habang ginagawa ang pelikulang ‘Maid in Malacañang’.

Naging trending sa Twitter ang pangalan ni Ella Cruz dahil sa kaliwa’t kanang batikos na
natanggap niya dahil dito. Nagbigay na rin ng saloobin dito ang mga historyador at kapwa
celebrities.

ADVERTISEMENT

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/02/history-is-like-tsismis-ella-cruz-ibinahagi-ang-
natutuhan-bilang-irene-marcos-sa-maid-in-malacanang/
Ayon sa panayam kay Castro, “Kailangang-kailangan talaga na ibalik ang Philippine History
bilang asignatura sa high school dahil ngayon, itinuturing na lamang itong ‘tsismis’ ng iilan.”

Nawawala umano ang fundamentals na pag-ibahin ang kasaysayan na bahagi ng Social Science
sa simpleng ‘tsismis’ o pagmamarites.

“Hindi ‘kuwentong barbero’ ang pag-aaral ng kasaysayan dahil ito ay may siyentipikong paraan
ng pagpapatunay,” dagdag pa ni Castro.

Matatandaang bago pa umusbong ang kontrobersiyal na pahayag ni Ella CRuz tungkol sa


kasaysayan, nauna nang pinag-usapan at naging sanhi ng mga debate at argumento ang
‘MAJOHA’ sa katatapos lamang na reality show na “Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10
Teen Edition.

Sinisi ng mga netizen ang Department of Education o DepEd dahil inalis umano sa mga mag-
aaral ng hayskul ang pag-aaral ng kasaysayan ng Pilipinas, sa asignaturang Araling Panlipunan.

Sa Junior High School kasi, hindi na kabilang ang paksang kasaysayan ng Pilipinas sa mga dapat
ituro sa bawat baitang. Asian history (Grade 7), World history (Grade 8), Economics (Grade 9),
at Contemporary issues (Grade 10).

Sa Senior High School naman, mas nakatuon na ito sa mga usaping politikal.

Kaya naman, umaasam ang mga netizen na muling rebyuhin ang K to 12 curriculum sa pag-upo
ni Vice President at bagong DepEd Secretary Sara Duterte.

Bukod sa ACT Teachers, nagbigay na rin ng kanilang saloobin tungkol dito ang Kabataan party-
list.

“Ella Cruz, kagalang-galang at mahirap ang ginagawa ng historians. Hindi sila nakikipag-
tsismisan o nagme-memorize lang ng dates,” saad ni Kabataan partylist rep. Raoul Manuel sa
kaniyang tweet noong Hulyo 2, 2022.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/04/kabataan-partylist-rep-kay-ella-cruz-sana-may-oras-ka-
para-makausap-ng-kapwa-kabataan-re-ph-history/
Nagbigay na rin ng kanilang reaksiyon ang Gabriela party-list.

“It is unfortunate that Gabriela Annjane “Ella” Cruz has likened history to “tsismis” or gossip,
despite her being a namesake of the Filipina revolutionary Gabriela Silang. While the choice of
playing the role of Irene Marcos in a historical revionism film project was hers, we need to call
out the further trivialization of history by such statements,” anang Gabriela.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/04/gabriela

You might also like