You are on page 1of 2

Bakit di mapapaunlad ng K-to-12 ang

edukasyon sa Pilipinas
by Pher Pasion
June 8, 2015

Isang siksikang klasrum sa Batasan National High School sa Quezon City sa pagbubukas ng klase. Pher Pasion
Kaakibat ng tungkulin ng gobyerno na magbigay ng
edukasyon sa mga mamamayan nito ang masigurong napapaunlad ang kalidad ng
edukasyong ito batay sa pangangailangan at mithiin ng bansa.

Bilang hakbang sa pagpapaunlad ng edukasyon sa Pilipinas, pilit na itinulak ng


administrasyong Aquino ang Enhanced Basic Education Act of 2013 o ang
programang K-to-12 na nagpabago sa sistema ng edukasyon sa bansa. Mula dating
sampung taon sa basic education curriculum, dinagdagan ito ng dalawang taon.

Sa K-to-12 program, magiging mandatory ang kindergarten, anim na taon sa


elementarya (Grade 1 hanggang 6), apat na taon sa junior high school (Grade 7
hanggang 10), at dalawang taon sa senior high school (Grade 11 hanggang 12).

Pero para sa mga kritiko ng K-to-12, hindi ang nasabing programa ang magpapaunlad
sa pangkalahatang kalagayan ng edukasyon sa Pilipinas.

You might also like