You are on page 1of 3

K-12

Pagpapatupad ng K-12 program o RA 10533: Enhanced Basic Education Act


of 2013

KOMUNIKASYON SA FILIPINO
Miyembro ng Pangkat:
Bryan Bacalso
Christopher Fernandez
Cecilia Mitra
Reika Nakahata
Pauline Tan
Jodel Velarde

Pagpapatupad ng K-12 program o RA 10533: Enhanced Basic Education Act


of 2013

Noong nakaraang ika-30 ng Enero 2013, ang K-12 program o ang “RA 10533:
Enhanced Basic Education Act of 2013” ay naaprubahan ng gobyerno ng Pilipinas.
Ito ang kaukulang magkakaroon ng kinder at labindalawang taon ng simpleng
edukasyon (anim na taong panimulang edukasyon), apat na taong bilang “junior”
sa mataas na paaralan, at dalawang taon bilang “senior” rin sa mataas na paaralan.
Kasama rin sa naturang batas ang pagpapatupad ng “Mother Tongue-Based
Multilingual Education” na pinahihintulutan ang mga guro na ituro ang kurikulam
sa pangunahing lenggwahe ng mag-aaral. Ang K-12 program ay naaprubahan ng
ating gobyerno upang mabigyan ng sapat na oras para sa karunungan ng mga
konsepto at mga kasanayan, bumuo ng “life-long learners”, ihanda ang mga
nagtapos sa kolehiyo, “middle-level skills development” at pagtatrabaho ang mag-
aaral ng Pilipinas.

Ibinasura ng Korte Suprema (SC) ang mga petisyon ng mga paaralan, guro, at mga
mambabatas laban sa pagpapatupad ng K to 12 program sa Pilipinas.
Sa desisyon na isinulat ni Associate Justice Benjamin Caguioa at inilabas noong
Nobyembre 9, sinabi ng Korte Suprema na "constitutional" o hindi labag sa
Saligang Batas ang Republic Act 10533 o ang Enhanced Basic Education Act of
2013 at ang RA 10157 o Kindergarten Education Act.
Ibinasura rin ang mga paratang na lumabag sa Saligang Batas ang programa nang
gawing "sapilitan" ang pagpasok sa mga estudyante sa kindergarten at senior high
school, at magdaragdag pa umano ng obligasyon sa mga magulang at estudyante.
Pinalawig ng programa ang basic education program sa required na Kindergarten
at 12 taon, mula 10 taon, na basic education cycle.
“The enactment of education laws, including the K to 12 Law and the Kindergarten
Education Act, their respective implementing rules and regulations, and the
issuances of government agencies are an exercise of the State’s police power. The
State has an interest in prescribing regulations to promote the education and the
general welfare of the people,” ayon sa korte.
Paliwanag pa ng korte, bilang isang batas ay may "presumption of
constitutionality" ang K to 12 program at ipahihinto lamang ito kung
mapatutunayang ilegal o nagkaroon ng grave abuse of discretion sa panig ng mga
gumawa.
Hindi rin anila napatunayan ng mga petitioners na may abusong naganap sa pag-
arangkada ng programa.
Hindi lamang tungkol sa pagdaragdag ng dalawang taon ng Senior High School
(SHS) sa unang sampung taon ng edukasyon ang K – 12, kundi panahon upang
lalong makapaghanda ang bawat mag-aaral na harapin ang kolehiyo at maging mas
produktibong manggagawa sa hinaharap.
Sa pamamagitan ng dagdag na dalawang taon sa Senior High School (SHS),
malalaman ng mag-aaral ang interes, kasanayan at espesiyalisasyon na
makatutulong upang makapasok sa kalidad at tiyak na kurso sa kolehiyo.
Masisiguro rin ang pagbaba ng bilang ng “job-mismatch” na siyang nagpapababa
sa kalidad ng trabaho ng lakas paggawa. Isang hakbang ang programang K-12
upang maisabay ang kasanayan ng mga manggagawang Pilipino sa lakas paggawa
ng karatig bansa sa pamamagitan ng paghasa sa mga mag-aaral upang maging
globally competitive. Bukod sa nabanggit, marami pang mga kahalagahang hatid
ng K-12. Sa pamamagitan nito, ang mga mag-aaral na walang sapat na pambayad
sa tuition fees ay maaari ng magpatuloy ng libre hanggang makatapos ng Baitang
12 o yung tinatawag na Senior High School. At kapag nakapagtapos ng Baitang 12,
maaari na silang magpatuloy pa sa Kolehiyo o maghanap ng mapapasukang
trabaho ng walang kahaharaping diskriminasyon sapagkat ang dagdag na dalawang
taon ay magsisilbing sapat na educational experience upang makahanap ng
disenteng trabaho.

You might also like