You are on page 1of 1

“K-12”

Ang Republic Act No. 10533 o Enhanced Basic Education Act of 2013 ay isang
batas na ipinatupad noong 2012 na ang layunin ay dagdagan ng dalawang taon ang
sampung taon na pag-aaral ng mga Pilipino upang mapantayan ang pandaigdigang
pamantayan ng edukasyon. Bilang isang mag-aaral, wala pa akong opinyon hinggil sa
paglagay ng gobyerno ng karagdagang dalawang taon sa kurikulum ng Pilipinas.

Nang ipatupad ang RA 10533, nakasalubong nito ang malupit na pagpuna at mga
protesta mula sa iba’t-ibang panig ngunit hindi ibig sabihin nito ay walang
kapakinabangang naibigay ang K-12. Ang isang madalas na nasasabing benepisyo ng
K-12 ay ang pagiging pantay ng Pilipinas sa kurikulum ng ibang bansa. Kapag K-12,
nagiging kaparehas natin ang ibang bansa sa taon na nagugugol sa pag-aaral.

Gayon pa man, may katanggap-tanggap na rason naman kung bakit nagpoprotesta ang
mga tao. Dahil sa dagdag na dalawang taon, madadagdagan din ang gastos at oras na
kailangang ilaan bago makatapak sa kolehiyo. Isang katwiran ng mga tao ay ang
hinahanap din naman ng mga kumpanya o job provider ay college graduates kaya
sayang lang ang dalawang taon na nasa kolehiyo ka na dapat.

Matapos manaliksik at maghanap ng impormasyon ukol sa K-12, masasabi ko na bilang


mag-aaral na kontra ako sa K-12. Bukod sa dagdag pa ito sa gastos, sayang lang ang
dalawang taon. Kung gusto talagang mapantayan ng Pilipinas ang edukasyon ng ibang
bansa, dapat nating ituon ang ating pansin sa kalidad ng edukasyon, hindi sa haba.

You might also like