You are on page 1of 1

Apat na taon na ang lumipas mula nang iimplementa ang K-12 kurikulum sa Pilipinas at

samutsaring isyu pa din ang patuloy na umuusbong mula sa iba't ibang boses ng tao. Ito ay
sumasakop sa labing-dalwang taong pag-aaral na isinabatas ng Republic Act No. 10533, na
kilala sa titulong  “Enhanced Basic Education Act of 2013”, na isinabatas ni dating
Pangulong Aquino noong taong 2013. Layunin nitong mabigyan ng sapat na pag-aaral ang
mga Pilipino na gaya sa ibang bansa, kung saan may matibay na kompetensiya at
kakayahan sa trabaho na pinanghahawakan.             Bilang isang Senior High School na
mag-aaral, sang-ayon ako sa pag-iimplementa ng "Enhanced Basic Education Act of 2013"
o K-12 Curriculum. Sa pagpapatupad nito, mas nagiging handa ang mga estudyante sa
pagsabak sa trabaho o sa reyalidad ng buhay. Lingid sa kaalaman ng lahat, ang isang mag-
aaral ng Senior High School ay puno ng mga gawaing hindi lamang sa pang-intelektwal
bagkos ay maging sa emosyonal at kakayahang hinuhubog ng mga aktibidad na iginagawad
ng departyamento ng edukasyon. Isang haliimbawa nito ay ang pagkakaroon ng "Working
Immersion" na isa sa mga requirements bago magtapos. Dagdag pa sa kagandahan ng
programang ito ay ang pagkakaroon ng trabaho pagkatapos ng K-12 dahil isinaad ng DEPED
na ang kurikulum na ito ay isang mataas na pribelehiyo ng edukasyon kahit na
mapaibayong-dagat pa man.          Marami man ang nagsasabi na pabigat lamang ang K-12
dahil sa dagdag na dalawang taon nito.Ayon kay ANAKBAYAN UP LOS BANOS (2012), na
nakakukuha pa rin ng mataas na marka ang mga bansa na may 10 taon na batayang
edukasyon, ang K-12 din daw ay disenyo upang mapagsilbihan ang mga dayuhang
mamumuhunan sa bansa at hinihikayat nito ang mga kabataan na mangibang bansa imbis
na maglingkod sa sariling bayan. Ayon din dito na kulang ang DepEd sa preparasyon sa
pagpatutupad nito. 
       Sa kabila nito, sasabihin ko naman kung paanong inilalabas at hinuhulma ng K-12 ang
kakayahan ng isang estudyante. Tunay na ito ay paghahanda sa reyalidad ng buhay, dahil
sabi nga ang K-12 ay hatid para sa magandang kinabukasan.  
       Ngunit gaano pa man kaganda ang ibinibigay ng kurikulum na ito sa buhay ng
estudyante kung hindi naman sasamahan ng tiyaga at pagsusumikap ay wala ring
mangyayari.

You might also like