You are on page 1of 1

“Sulong Wikang Filipino: Edukasyong Pilipino, Para Kanino?

Mula sa dokumentaryong pinamagatang, “Sulong Wikang Filipino: Edukasyong Pilipino,


Para Kanino?” ipinahayag na ang pagkakaroon ng K+12 ay isang international standard kaya
naman ito ay isinulong ng mga pamahalaan at ng CHED. Nasabing mababa ang kalidad ng
edukasyon sa ating bansa at hindi sapat ang pag-aaral ng sampung taon ng basic education dahil
ito ay sumasagabal sa tinatawag na “labor mobility” ng mga manggawang Pilipino upang mas
mapabilis ang paghahanap ng trabaho sa ibang bansa.

Ngunit sa pagdadagdag ng dalawa pang taon ito ay may kaagapay na negatibong epekto,
mas tataas ang bilang ng dropout rate sa ating bansa at marami ang posibleng hindi
makapagtatapos sa basic education. Nabanggit din na sa K-12 ang pagkakaroon ng technical-
vocational bilang isang track na kung saan pag ito ay natapos na maaari nang makapagtrabaho.

Nabanggit sa dokumentaryo ang tungkol sa CHED memo na kung saan ito ay nagtakda ng
bagong general education curriculum sa lahat ng unibersidad sa ating bansa, mula sa 63 units
ito ay naging 36 units na lamang dahil umano sa pagpapatupad ng K+12. Ayon dito, ang ilang
asignatura na itinuturo sa dating kurikulum sa kolehiyo ay ibababa na sa senior highschool.

Bukod sa pagdadagdag ng dalawang taon, makikita rin sa CHED memo ang pagkawala ng
asignaturang Filipino sa tersaryong edukasyon. Dahil dito malaki ang pangamba na wala nang
magpapatuloy ng higher level na pananaliksik sa Filipino at nabanggit din na pinapatay nito ang
intelektuwalisasyon ng ating sariling wika. Isa pa ang pagsasara ng mga departamento ng
Filipino at libo-libo ang mawawalan ng trabaho kung maisusulong ang pagkawala ng
asignaturang Filipino sa kolehiyo. Ang sarili nating wika na Filipino ay dapat nating ingatan, ito
ay napakahalaga bilang isang asignatura dahil bilang isang Pilipino ito ang pangunahing wika na
ating ginagamit at ito ay hindi kailanman mawawala sa atin.

Bilang isang produkto ng K+12 curriculum, hindi ako sang-ayon sa pahayag ni Dr.
Licuanan dahil base sa aking karanasan hindi sapat ang aking natutunan sa senior highschool
upang makapagtrabaho na. Kung titingnan natin ang realidad, ang mga kompanya o iba pang
mga nasa negosyo, ang pipiliin nilang makuha sa trabaho ay ang may mas mataas na edukasyon
o ang mga nakapagkolehiyo. Mahihirapan makahanap ng trabaho ang mga nakapagtapos lamang
sa K+12 o kaya naman makahahanap sila ng trabaho kaya lamang hindi ganoon kaganda ang
sahod o mga benepisyo. Ngunit para sa akin, kung larangan ng pagnenegosyo ang titignan
maaari ng makapagtayo ng isang negosyo ang isang nagtapos sa K+12.

Ang aking saloobin sa naging plano ng CHED na alisin na ang Filipino bilang asignatura sa
kolehiyo ay masasabi kong hindi ako sang-ayos sa planong ito. Matapos kong panoorin ang
dokumentaryo, isa sa tumatak sa aking isip na ang pagkakaroon ng dalawa pang taon sa basic
education ay tila isang basta paraan na lamang upang makapaghanap ng trabaho sa ibang bansa
at hindi ganoon sinuri ang mga posibleng epekto nito sa nakararami.

You might also like