You are on page 1of 2

1. Ano ang dahilan ng CHED sa pagtanggal ng Filipino sa kanilang plano para sa kolehiyo?

Ayon sa CHED hindi naman daw lubusang tinanggal ang Filipino sa kolehiyo sapagkat ang
36 units ng general education curriculum ay maari pa rin naming ituro gamit ang wikang
Filipino depende sa desisyon ng mga Higher Education Institutions. Hindi na subject-
required ang Filipino dahil sa K-12 curriculum na kung saan ang ibang mga general
subjects na itinuturo kabilang ng ang Filipino ay ibinaba na sa senior high.

2. Ano ang pagkakaiba ng paggamit ng Filipino bilang wikang panturo sa mga kurso ng General
Educationat sa pagkakaroon ng sariling kurso tungkol sa Filipino?
Dahil hindi na magiging subject-required ang kurso ng wikang Filipino, hindi na ito malay
na magagamit sa mga unibersidad kaya’t sa halip na nagkakaroon o nagsasagawa ng mga
matataas na antas ng pananaliksik gamit ang wika natin, ginagamit na lamang ang wikang
Filipino sa pagtatalakay at pagpapaliwanag ng ibang mga kurso na nagdudulot upang
mahadlangan ang intelektuwalisayon ng wika o ang proseso ng mabisang paggamit nito
sa mga malalawak na sopistikadong larangan.

3. Ayon kay Dr. Ramon Guillermo, ano-ano ang mga dahilang pang-ekonomiya at pampolitika sa
likod ng edukasyong K-12? Bakit hindi raw katanggap-tanggap ang mga ito?
Ipinatupad ang pagdadagdag ng dalawang taon sa basic education o ang K-12 curriculum
upang ating marating ang international standards dahil sagabal daw sa labor mobility ng
Pilipinas ang kakulangan natin ng taon at hinahabol din ng ating bansa ang
“harmonization” o ang pakikipag sabayan sa iba’t-ibang bansa at para maari nang
mgkaroon agad ng mga trabaho ang mga Pilipino pagkatapos magtapos sa hayskul.
Ngunit hindi naman problema sa ating bansa ang labor mobility dahil ang Pilipinas ang
pangalawa sa pinakamaraming ineeksport na mga trabahoador sa iba’t-ibang bansa.
Sinabi rin ni Dr. Guillermo na sa pagpapatupad ng K-12 curriculum, maari lamang mabanat
o mas lumala ang mga nauna ang problema sa edukasyon ng ating bansa, sa Southeast
Asia kabilang tayo sa mayroong mga pinakamalaking drop-out rate sa elementarya at
maaring dahil sa K-12 ay mas marami na ang hindi magtapos sa basic education. Dahil din
sa K-12 ay nagsimulang magkaroon ng “streaming” o ang paglalabas ng mga nagtapos sa
mga kursong technical vocation. Mas bumababa ang posibilidad ng tertiary education
dahil ditto at sinabi ni Dr. Guillermo na parang sinasabi sa mga estudyante na hindi na sila
dapat maghangad ng masyadong mataas at makuntento sa mga trabahong mumurahin
lalo na sa mga naghihintay sa mga ibang bansa.
4. Anoang mga epekto ng CHED Memo 20 Series 2013 sa mga guro, at sa akademikong disiplinang
Filipino?
Dahil sa CHED Memo 20 Series 2013, unti-unting mawawala, malulusaw, o magsasara ang
mga departamento ng Filipino sa kolehiyo at sa mga unibersidad. Marami ang mga guro
ang mawawalang ng trabaho at ang mga kontraktwal ay maaring hindi na muling
tanggapin o maulit ang mga kontrata. Ang akademikong disiplinang Filipino ay unti-
unting matatabunan at mababalewala dahl mawawalan ito ng halaga sa kolehiyo.

5. Bakit kailangan ilaban ang patuloy na paggamit ng Filipino sa mataas na edukasyon?


Kailangan ilaban ang patuloy na paggamit ng Filipino sa mataas na edukasyon upang
hindi mawasak at maglaho ang pesensya nito sa academia bilang isang lehitimong wika
ng pananaliksik at gawaing intelektuwal. Ang ating wika ay ang ating simbolong
Pambansa, ngunit hindi dapat ito manatili na hanggang ditto nala ngunit patuloy na
gamitin din sa pagpapalawak ng ating kaalaman. Hindi dapat hayaang mawala ng tuluyan
ang Filipino kaya’t dapat labanan ang kolonyal na Sistema ng edukasyon o
“internationalization”.

6. Batay sa iyong napanood, ipaliwanag ang kaugnayan ng pag-aaral ng Filipino sa kolehiyo bilang
pag-aaral din ng kalagayan ng edukasyon at ekonomiya ng bansa?
Ang pag-aaral sa ng Filipino sa kolehiyo ay makikitang may malaking kaugnayan sap ag-
aaral din ng edukasyon at ekonomiya ng bansa. Ang pagpapasa ng CHED Memo ay
nagpakita ng mga mararaming butas sa ating Sistema. Unti-unting isinusulong ang Ingles
at napapabayaan ang Filipino dahil pinainiwalaan ng nakararami na mas ikauunlad ng
bansa ang paggamit ng Ingles. Binibigyang prayoridad ng gobyerno ang paglalabas ng
mga Pilipinong may angkop na mga kakayahan para sa mga trabaho sa ibang bansa tulad
ng business process outsourcing, call center, at iba pa kung kaya’t ang curriculum na
kanilang hinuhubog ay binabagay sa pangangailangan ng mga ibang bansa kaysa sa
pangangailangan ng mas nakakaraming mga Pilipino.

You might also like