You are on page 1of 2

REAKSIYONG PAPEL

SULONG WIKANG FILIPINO: EDUKASYONGPILIPINO, PARA KANINO?


Pangalan: Justine Mae B. Bumalay
Baitang at Seksyon: 1 BSABE-1

Ang dokumentaryo na nag ngangalang SULONG WIKANG FILIPINO:


EDUKASYONG PILIPINO, PARA KANINO? Ito ay tungkol sa pag tanggal ng CHED
o Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon sa asignaturang Filipino sa antas
tersiyarya at sa pag basura sa K12 basic education. Sinabi rito ni Ramon Guillermo
isang Ph.D. ng Philippine Studies ng Departamento ng Filipino at Panitikan ng
Pilipinas ng UP na ang basic education ng Pilipinas na umaabot lamang ng sampung
taon ay hindi pasok sa international standards ng ibang bansa na labin dalawang taon
ng basic education. Sagabal daw ito sa paghahanap ng trabaho ng mga Pilipino sa
ibang bansa. Kaya’t ginawang hanggang labindalawang taon ang basic education ng
Pilipinas at para na rin maabot natin ang educational standards or international
standards sa ibang bansa sa pag hahanap ng gagawin nilang empleyado galing sa
Pilipinas. Ang pangunahing layunin nito ay para mapadali o mapabilis ang pag
hahanap ng trabaho ng mga mang gagawang Pilipino sa ibang bansa. Pero
pinapababa nito ang Tertiary level ng bansa, sinasabi o pinapamukha nito na wag na
tayong mag hanggad ng mas mataas at tayo’y makuntento sa mga trabahong
mumurahin at iexport natin sa iba ibang bansa. Pero ang totong layunin talaga nito ay
makakuha ng 100% ng ating mga kabatan na makatapos ng basic education dahil ito
talaga ang hinihingi upang umunlad ang isang bansa.
Ayon naman kay Patricia Licuanan dating chairperson ng Komisyon sa Lalong
Mataas na Edukasyon o CHED, hindi naman daw binura ang Filipino sa General
Education Curriculum o GEC ng kolehiyo. Sapagkat, ang Filipino raw ay nasa
baitang 11 at 12 ng basic education at ang buong 36 units ng general education
ay pwedeng ituro sa Ingles o Filipino. Ilan lang ang mga ito ang itinalakay sa
dokumentaryo.
Ukol sa paksa sa K12 basic education, para sa akin bilang isa sa mga nag
tapos ng K12 basic education, sang-ayon ako sa pag dagdag ng dalawa pang
taon sa sampung taon nating basic education noon. Sapagkat, naniniwala ako na
mas mapapadali ang pag-access sa trabaho kung nakapag aral ka ng dalawa pang
taon. At kung balak mo pang mag aral ng kolehiyo madadalian ka sapagkat
karamihang asignatura dito maaaring naituro na sa iyo noong ikaw ay nasa K-12 or
Senior High School program ka pa. Ang K12 din ay nag bibigay ng oportunidad na
makapag trabaho kahit hindi nakapag tapos ng kolehiyo. Maraming nag sasabi na ang
pag dadagdag ng dalawa pang taon sa pag-aaral ay dagdag gastusin lang. Para sa
akin, maraming mga instutusiyon ang nag bibigay ng libreng pampa-aral o yung mga
scholarships at sa ngayon, may bagong batas na ipinatupad ni President Rodrigo
Duterte at yun ang libreng pag papa-aral sa mga estyudante ng mga state universities
at colleges. Ang layunin ng batas na ito ay mabigyan ng access ang mga estyudante
na kapos sa pera para makapag-aral at makapag tapos sa kursong gusto nila. At
maging isang propesyonal sa kanilang propesyong minsan na nilang hinangad
Ukol naman sa sinabi ni Antonio Tinio, representative ng ACT Party List na,
ang Pilipinas ay nag bibigay ng mga serbisyo para sa pangangailangan ng mga
dayuhan na bansa. Para sa akin, sumasang-ayon ako diyan na ang Pilipinas ang
nag bibigay ng mga serbisyo sa ibang bansa imbes na dapat mag bigay tayo
ng serbisyo para sa ikauunlad ng ating bansa. At ang curriculum ng edukasyon natin
ay ibinabagay sa mga pangangailangan ng ibang bansa imbes na sa sariling atin. Ang
resulta, mas mabilis na lumalago ang ekonomiya ng ibang bansa kaysa sa atin.
Karamihan sa mga Pilipino ay matatalino ngunit ang talion nila ay ang ibang bansa
ang nakikinabang imbis ang kanyang sariling bansa sa kadahilanang bumababa ang
ekonomiya ng pilipinas. Mababa ang pasweldo sa mga empleyado pero patuloy
naming tumataas ang presyo ng mga bilihin. Hindi lang mga raw materials ang
ineexport ng Pilipinas sa ibang bansa kundi pati mamamayan nito, na imbis ang
Pilipinas ang makinabang hindi dahil gobyerno na mismo ang gumagawa ng paraan
upang mangibangbansa ang mga mamamayan nito.

You might also like