You are on page 1of 2

Bernardo, Lerie Jade M.

BSA 1C August 15, 2018

Sulong Wikang Filipino: Edukasyong Pilipino, Para Kanino?

1. Ano ang damdaming nasa likod ng dokumentaryo? Ipaliwanag ang kahulugan ng


pamagat.
Ang damdaming nasa likod ng dokumentaryo ay seryoso. Bakit? Ito ay sa kadahilanang
ang paksa ng nasabing dokumentaryo ay tungkol sa kurikulum ng edukasyon ngayon na
ipinatupad ng CHED sa kanilang CMO 20-2013. Seryoso ang damdamin sa likod ng
dokumentyo dahil din sa paksa nitong tungkol sa pagtanggal ng mga Filipino subjects sa
kolehiyo.
“Sulong Wikang Filipino: Edukasyong Pilipino, Para Kanino?” ang pamagat ng
dokumentaryo. “Sulong Wikang Filipino” ang nasa unahaan ng pamagat sa kadahilanang ang
paksa ng dokumentaryo ay tungkol sa pagtanggal ng mga paksang Filipino sa pag-aaral sa basic
education. Kung sakaling tatanggalin man ang mga paksang Filipino, maaaring ang mga susunod
na mga kabataang mag-aaral sa kolehiyo ay hindi na makakapag-aral ng wikang Filipino. Ayon
din sa dokumentaryo, marami nang nababalitaan na magsasara ang mga departamento ng
Filipino sa mga pribadong paaralan. Maraming mga guro ang mawawalan ng trabaho dahil saw
ala naman silang ituturo. Dahil dito, manganganib ang wikang Filipino. “Edukasyong Pilipino,
Para Kanino” naman ang nasa hulihan. Maraming mga guro ang nagtuturo ng wikang Filipino at
Filipino subjects simula pa noon. Sila ay nag-aral para makapag –bahagi sa mga mag-aaral ng
kanilang mga napag-aralan. Kung dahil sa CMO 20-2013 kung saan ipapatanggal ang Filipino
subjects para sa mga mag-aaral ng kolehiyo, kanino ibabahagi ng mga guro ang kanilang mga
kaalaman tungkol sa wikang Filipino.
2. Itala ang kahalagahan ng wikang pambansa bilang mabisang wika sa
kontektwalisadong komunikasyon sa mga komunidad at buong bansa.
 Ang wikang pambansa ay nagsisilbing instrumento upang magkaintindihan at malayang
makapag-usap ang mga tao sa isang komunidad o isang bansa.
 Ang wikang pambansa ay nagsisilbi ring boses ng isang bansa. Sapagkat ito ay ginagamit
ng isang tao sa isang bansa upang makipag-palitan ng ideya sa ibang tao.
 Ito ay ginagamit sa pakikipagkalakalan ng isang komunidad sa iba pang kumunidad sa
isang bansa.
 Ito rin ay nagagamit sa pakikipagkomunika sa ating mga mahal sa buhay na nasa ibang
bansa. Dito natin naipapa-realize sa kanila na dapat ay huwag nilang kalimutan ang
kanilang wikang pambansa.
 Ang wikang pambansa ay nagsisilbing invisible tattoo ng isang tao. Sapagkat, ang tattoo
ay isang tatak sa isang tao kaya’t ang ating wikang pambansa ay ang nakatatak na sa atin
kahit saan mang lupalop tayo mapunta.
Bernardo, Lerie Jade M. BSA 1C August 15, 2018

3. Sino si Dr. Patricia Licuanan?


Si Dr. Paticia Licuanan ay isang social psychologist, educator at women’s rights and
empowerment activist. Siya ang naging speaker sa naganap na Public Consultation noong Hulyo
2014. Siya rin ang kasalukuyang chairperson ng CHED.
4. Ano ang acronym na CHED at CMO? Ipaliwanag.
Ang CHED ay nangangahulugang Commision on Higher Education. Ito ay isang ahensya
ng gobyerno na may kaugnayan sa Office of the President of the Philippines para sa mga
administratibong dahilan. Sakop ng CHED ang mga public and private higher education
instituions kasali na rin ang mga degree-granting programs sa lahat ng secondary educational
instituions ditto sa bansa.
Ang CMO naman ay ang CHED Memorandum Orders. Ito ay mga patakaran, pamantayan
at mga alituntuning dapat sunding mga mga mag-aaral sa iba’t ibang larangang kanilang napili sa
kolehiyo.
5. Anong CHED memo ang itinuturing na Anti-Filipino at bakit?
Ang CHED memo na itinuturing na Anti-Filipino ay ang CMO 20-2013. Dito isinasaad na
ang mga Filipino subjects na tatalakayin sa kolehiyo ay mapapunta na sa Senior High School.
Imbes na 63 units ang matatalakay sa buong kolehiyo ay magigising 36 na lamang. Ang CHED
memo na ito ay matidni ang epekto lalo na sa mga kolehiyo subalit wala itong Filipino subject
required. Hindi na masiyadong magiging madalas ang kaalaman ng mga kolehiyo sa wilang
Filipino. Ang mga guro rin sa Filipino na nagtuturo sa kolehiyo ay mawawalan ng trabaho
subalit wala na silang ituturo. Wala na ring magpapatuloy na mga higher level na pananaliksik sa
Filipino ayon sa CHED Memo na ito. Sa madaling salita, ang CHED memo na ito ay itinuturing
na Anti-Filipino dahil tinatanggal niya ang mga pagkakataong makapag-aral ng Filipino ang mga
mag-aaral sa kolehiyo.

You might also like