You are on page 1of 1

K-12

Sang-ayon sa Batas Republika Blg. 10533, o mas kilala bilang “Batas sa


Pinabuting Batayang Edukasyon ng 2013” Ito ay programang ipanatupad ng
pamahalaan at ng kagawaran ng edukasyon na naglalayong tulungan ang
kabataan at ang pantayan ng edukasyon sa buong mundo.
Ayon sa kalihim ng edukasyon napanahon ni Aquino na si Bro. Armin
Luistro, ang layunin ng pagdaragdag ng grades 11 at 12 ay upang maihanda
ang mga mag-aaral pagkatapos ng high school, kung pipiliin nilang
magtrabaho at hindi muna tutuloy sa kolehiyo dahil sa nakaraan
kinakailangang magtapos muna ang mga kabataan ng kolehiyo bago pa
makahanap ng trabaho. Gayundin, K+12 ay nagbibigay ng mga basic
competencies na kinakailangan ng kabataan upang makaptrabaho. Dahil sa
junior high pa lamang, pwede ng makakuha ng certificate of competency kapag
naka pasa sa mga kinakailangan o pamantayan ng Tesda. Ang nasabing
kurikulum ay nagsisilbe ding Training Ground para sa mga kabataan bago pa
sila pagpatuloy sa kolehiyo.
Sa kabilang dako, sa paningin din ng nakararami ang K+12 ay sagabal
lamang sa edukasyon at nagdudulot karagdagang gastusin para sa mga
magulang. Pero sa palagay ko ito ay nakatutulong sa mga estudyanteng kapos
pera na hindi kayang magpatuloy sa kolehiyo. Ito ay nagbibigay na ng
pagkakataon para sa kanila na makapagtrabaho, at nakakatulong din sa
ekonomiya ng ating bansa sapagkat mababawasan na ang suliranin ng walang
hanapbuhay sa bansa.

You might also like