You are on page 1of 1

Tekstong Argumentatitbo na tungkol sa "Enhanced Education Act of 2012''

1. Pabor sa K-12 : Dapat lamang na ipatupad ang programang K-12 dahil ang Pilipinas na lang ang
tanging bansa sa Asya na 10 taon lamang ang taon ng pag-aaral ng basic education.

2. Hindi Pabor sa K-12: Sa kabila ng pagiging praktikal ng programang K-12, hindi pa rin ito dapat
ipatupad dahil kulang ang pamahalaan sa paghahanda.

• Critique:

Sarili: Ang K-12 Program ay isang mahalagang hakbang tungo sa pagpapabuti ng sistema ng edukasyon
sa ating bansa. Sa pamamagitan ng pagdagdag ng dalawang taon sa curriculum, nabibigyan ang mga
estudyanteng kagaya ko ng sapat na oras at pagkakataon upang matuto at maunawaan ang mga
mahahalagang konsepto at kasanayan. Ito ay magbibigay-daan sa aming mga studyante upang maging
mas handa sa kolehiyo o sa mga trabahong kanilang papasukin pagkatapos ng high school.

Pamilya: Sa aspeto ng pamilya, ang Enhanced Basic Education Act ay nagbibigay ng mas malaking
responsibilidad sa mga magulang na tiyakin ang regular na pag-aaral ng kanilang mga anak. Mas pabor
ang asking pamilya na ipagpatuloy ang k-12 kurikulum dahil ito ay nagbibigay-daan sa mga magulang na
maging mas aktibo sa edukasyon ang kanilang mga anak at magkaroon ng mas malalim na kaalaman sa
mga bagong aralin na itinuturo sa paaralan.

Komunidad: Sa komunidad, ang Enhanced Basic Education Act ay naglalayong magkaroon ng mas
malawak at malalim na kaalaman ang mga mamamayan. Ito ay nakitaan na ito'y may kakahayang
magpapalakas ng ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng paghahanda ng mga estudyante para sa mga
trabaho at oportunidad sa hinaharap.

You might also like