You are on page 1of 2

KRISANNE MITCH V.

SANCHEZ
ODGE01
GAWAIN 8: PARAPREYSING

ORIHINAL NA PAHAYAG #1
[Pangatlo], ang mga pribadong institusyon ay kailangan ding makiambag upang umunlad ang
kultura at sining sa bansa. Ang mga mahahalagang inisyatiba na naglalayong mag-aangat sa
estado ng edukasyong sining biswal ay kailangang suportahan ng mga pribadong institusyon.
Ang ugnayan ng pribado at publikong mga organisasyon tungo sa ikalalakas at ikatatatag ng
sining at kultura ay kinakailangan pag-ibayuhin.

TUWIRANG PAHAYAG
Bilang pagwawakas sa pag-aaral, isinaad ni Amtalao et. al (2019) na “ang mga pribadong
institusyon ay kailangan ding makiambag upang umunlad ang kultura at sining sa bansa. Ang
mga mahahalagang inisyatiba na naglalayong mag-aangat sa estado ng edukasyong sining
biswal ay kailangang suportahan ng mga pribadong institusyon. Ang ugnayan ng pribado at
publikong mga organisasyon tungo sa ikalalakas at ikatatatag ng sining at kultura ay
kinakailangan pag-ibayuhin.”

PARAPREYSING
Malaking papel ang ginagampanan ng mga pribadong institusyon sa pagsulong ng kultura at
sining sa Pilipinas. Makatutulong ang mga programang nakatuon sa pagpapaunlad ng katayuan
ng edukasyong sining biswal sa tulong ng mga mula sa pribadong sektor. Kinakailangan ding
paigtingin ang kooperasyon sa pagitan ng pampribado at pampublikong mga institusyon upang
mapayabong at mapatibay ang sining at kultura ng bansa (Amtalao et. al, 2019).

SANGGUNIAN

Amtalao, J., Anastacio, D. S., Saguinsin, I., & Viray, K. (2019). PINARES-PINAS:
Pananaw AT Pagpapahalaga ng mga Pilipino SA sining biswal. DLSU ResCon
Proceedings. Nakuha Hulyo 28, 2021 mula sa
https://www.academia.edu/40669438/PINARES_PINAS_Pananaw_at_Pagpapah
alaga_ng_mga_Pilipino_sa_Sining_Biswal.

ORIHINAL NA PAHAYAG #2
Malaki ang epekto ng pinansyal. Una sa akses sa sining biswal at ikalawa sa edukasyon. Malaki
ang epekto ng kahirapan sa interes sa pagpasok sa paaralan ng mga estudyante. Malaki rin
ang gampanin ng pamahalaan sa implementasyon at patuloy na paglikha ng mga programang
makakapag-akit sa mga estudyanteng patuloy na pumasok at mga guro na patuloy na linangin
ang kanilang sarili, sa unang banda. Sa kabilang banda, malaki ang responsibilidad ng mga
guro sa kalidad ng edukasyon na maibibigay sa mga estudyante.
KRISANNE MITCH V. SANCHEZ
ODGE01
GAWAIN 8: PARAPREYSING

TUWIRANG PAHAYAG
“Malaki ang epekto ng pinansyal. Una sa akses sa sining biswal at ikalawa sa edukasyon.
Malaki ang epekto ng kahirapan sa interes sa pagpasok sa paaralan ng mga estudyante. Malaki
rin ang gampanin ng pamahalaan sa implementasyon at patuloy na paglikha ng mga
programang makakapag-akit sa mga estudyanteng patuloy na pumasok at mga guro na patuloy
na linangin ang kanilang sarili, sa unang banda. Sa kabilang banda, malaki ang responsibilidad
ng mga guro sa kalidad ng edukasyon na maibibigay sa mga estudyante.” Ito ang mungkahi ni
Viray et. al (2019) hinggil sa kalagayan ng edukasyong pansining biswal sa iilang unibersidad
sa bansa.

PARAPREYSING

Ang kahirapan ay nakakaapekto sa pagkamit sa edukasyon at sining biswal, gayundin sa


interes ng mga mag-aaral sa pag-aaral. Bukod sa pinansyal na kalagayan, ang pamahalaan
naman ay pananagutan din sa estado ng edukasyong pansining biswal sa Pilipinas. Sila ang
may kakayahang lumikha at magpatupad ng mga programang makatutulong pukawin ang
interes ng mga estudyanteng mag-aral at sa mga gurong sanayin ang kanilang mga sarili.
Gayundin, ang mga guro ay may papel na dapat ding gampanan upang masiguro ang mataas
na kalidad ng edukasyon para sa mga mag-aaral (Viray et. al, 2019)

SANGGUNIAN

Viray, J. R., Gutierrez, L., Lumacang-Unabia, C., & Badie, J. Y. (2019). Estado ng
Edukasyong Pansining Biswal sa mga Piling Pamantasan sa Pilipinas . Phil
Archive. Nakuha Hulyo 28, 2021 mula sa https://philarchive.org/archive/VIRENE.

You might also like