You are on page 1of 12

7 sa 10 UPCAT passers,

nagmula sa NCR, Luzon


BALITA
page 2

Kilalanin ang mga


kandidato
ELEKSYON
page 5 - 7

Beyond the line

The challenges of the UPD


USC 2014-2015
LATHALAIN
page 8

Dibuho ni Patricia Ramos

BALITA

Huwebes 23 Abril 2015

7 sa 10 UPCAT passers, nagmula sa NCR, Luzon


Hans Christian Marin
NAGMULA
SA
NATIONAL
Capital Region at iba pang bahagi
ng Luzon ang halos 70 porsyento o
10,343 estudyante na nakapasa sa UP
College Admission Test (UPCAT)
ngayong taon, batay sa datos ng UP
Office of Admissions.
Humigit-kumulang 18 porsyento
naman ang galing sa Visayas, at 12
porsyento mula sa Mindanao at iba
pang bansadistribusyon ng mga
pumasa sa UPCAT simula noong
2011 (sumangguni sa sidebar 1).
Mula sa 87,000 estudyante na
kumuha ng UPCAT noong Agosto
ng nakaraang taon, 14,988 ang bilang
ng mga nakapasa, kung saan halos 30
porsyento ang nakapasa sa UP Diliman
(UPD). Mas mataas ito ng 1,960 o 13
porsyento kumpara noong 2013.
Taun-taon, humigit-kumulang
80,000 estudyante sa buong bansa
ang kumukuha ng UPCAT subalit
halos 15 porsyento o 12,000 lamang
ang pumapasa sa apat na oras na
pagsusulit na pangunahing batayan
ng admisyon sa UP.
Sa kabila ng pagtaas ng bilang ng
mga pumapasa ng UPCAT, hindi pa rin
nabibigyan ng pagkakataon ang mga
estudyante mula sa ibat ibang antas ng
lipunan na makapag-aral sa unibersidad,
ani UP University Student Council
(USC) Councilor Menchani Tilendo.

Pantay na representasyon
Pabor ang UPCAT sa mga magaaral na galing sa mga mayayamang
pamilya, ayon sa isang study group
na binuo ni UP President Alfredo
Pascual noong 2013 upang pag-aralan
ang palisiya ng admisyon sa UP.
Lumalabas din sa nasabing pagaaral na sa kabila ng paggamit ng

administrasyon ng UPCAT upang


tiyakin ang pagkakaroon ng pantay
na representasyon ng mga mag-aaral
mula sa ibat ibang rehiyon, kakaunti
pa rin ang bilang ng mga nakapapasok
sa unibersidad mula sa Visayas at
Mindanao dahil sa kakulangan ng
mga kumukuha at pumapasa.
In reality, most of the high school
students who [pass] the UPCAT
were at least, still the privileged
ones among their batch. Being able
to study and graduate from a science
high school is also another case to
consider, ani Tilendo.
Simula taong 2011, nanggagaling
sa mga pampublikong paaralan ang
halos 51 porsyento ng kabuuang
bilang ng mga pumapasa sa UPCAT
kung
saan
humigit-kumulang
kalahati ay mula sa mga science high
school samantalaa 48 porsyento
naman ang mula sa mga pribadong
paaralan (sumangguni sa sidebar 2).
Nananatili pa ring mataas ang
bilang ng mga pumapasa sa mga
kursong nakatuon sa science and
technology kumpara sa mga kursong
humanidades at agham-pampanitikan.
Sa Departamento ng Filipino
at Panitikan ng Pilipinas sa UP
Diliman, apat lamang ang nakapasa
sa BA Malikhaing Pagsulat, habang
walang naitalang pumasa sa kursong
BA Filipino at BA Araling Filipino.
Marami naman ang pumapasa
sa mga kursong kagaya ng BS
Mathematics at BS Civil Engineering
kung saan mahigit 100 na mga magaaral ang bilang ng mga mag-aaral na
pumapasa mula 2011 hanggang 2015.
Science and technology courses
are deemed to be more profitable
than humanities and social sciences
courses. This is in line with the
current educational system of the

country that pushes the students to


be slaves of corporations, ani USC
Councilor Carl Santos.

Balakid na mga bayarin


Simula 2007, dalawa lamang
sa bawat tatlong pumapasa sa
UPD ang tumutuloy na mag-aral
sa unibersidad. Sa katunayan, 69
porsyento lamang ng mga pumasa
sa UPD ang tumuloy noong 2013.
Ngunit hindi lamang UPCAT ang
balakid upang maging bukas ang
UP para sa lahat, kundi maging ang
mahal na matrikula sa unibersidad,
ayon sa study group.
Isa si CJ Mende sa nakapasa sa
UPCAT ngayong taon ng Degree
Program with Available Slot sa UPD.
Nais umano niyang maging Iskolar
ng Bayan sa kolehiyo, subalit nagalangan siyang tumuloy sa UP dahil
sa takot na baka mahirapan siyang
bayaran ang mataas na matrikula sa
unibersidad. Aniya, kukulangin pa
ang kikitain niya sakaling magtrabaho
siya habang nag-aaral para lamang
mabayaran ang kasalukuyang halaga
ng matrikula sa unibersidad.
Nakabatay ang kasalukuyang
Socialized Tuition System ng
unibersidad sa kakayahang magbayad
ng mga mag-aaral. Kinakailangang
patunayan na hindi kumikita ang
pamilya ng mahigit P1.3 milyon kada
taon upang mabigyan ng tuition
discount mula sa pinakamataas na
tuition rate na P1,500 kada unit.
High cost of tuition, redundant
and exorbitant fees and even the
existence of tuition fee are the
factors that hold the students back
from enrolling in what they believed
as a state university, a university of
the people, ani Tilendo.

Unity in action. University Student Council elections candidates teamed up with other members of opposing parties
in various activities held during the Kape o USC Dorm Forum at the Yakal Residence Hall on April 16. The groups were
challenged to work well together despite their party affiliations | Kenneth Gutlay

Sidebar 1 Bilang ng mga nakapasa sa UPCAT sa bawat rehiyon

Luzon
Visayas
Mindanao
NCR
Foreign

2015
5,778
2,708
1,799
4,565
138

2014
4,816
2,558
1,653
3,877
124

2013
5,024
2,455
1,507
3,659
87

2012
5,256
2,539
1,553
3,496
92

2011
5,402
2,330
1,481
3,660
71

Total 14,988 13,028 12,732 12,936 12,944


Sidebar 2 Bilang ng mga nakapasa sa UPCAT sa bawat klase ng high school

2015
Public 7,661
Private 7,189
Foreign 138

2014
6,540
6,364
124

2013
6,605
6,040
87

2012
6,510
6,334
92

2011
6,450
6,423
71

Total 14,988 13,028 12,732 12,936 12,944

Testigo, nanindigan sa mga


akusasyon laban kay Palparan
Arra B. Francia
MULING NANINDIGAN ANG
isa sa mga testigo laban kay
Ret.
Maj
General
Jovito
Palparan
sa
pagkakasangkot
nito sa pagkawala ng dalawang
estudyante ng UP na sina Karen
Empeno at Sherlyn Cadapan
noong 2006.
Sa
isinagawang
cross
examination sa Malolos Regional
Trial Court noong Abril 13, iginiit
ng pangunahing testigo na si
Raymond Manalo na nakita niya si
Palparan na kasama sina Empeo
at Cadapan sa isang van sa Camp
Tecson, Bulacan kung saan din
sila dinakip.
Nauna nang naglabas ng
testimonya si Manalo noong 2012
kung saan dinala umano sila nina
Palparan at ng 7th Infantry Brigade
na pinamumunuan ng dating
heneral sa ibat ibang base militar
sa bansa.
Aniya pa, ginawa umanong
utusan ng mga sundalo at paulitulit na ginahasa at ibinitin nang
patiwarik
habang
pinapaso
ng sigarilyo ang ibat ibang
bahagi ng katawan ng dalawang
estudyante.
Gayunman,
pilit
namang
pinabubulaanan ng abogado ni
Palparan na si Diosab Formilleza
ang mga naging pahayag ni
Manalo. Sa halip, binibigyan ni
Formilleza ng maling konteksto
ang affidavit ng testigo, ayon kay
Karapatan
Secretary-General
Cristina Palabay.
Such court antics of Palparan
and his lawyer indicate their
failure to destroy the credibility
of Manalo and other witnesses in
the Cadapan-Empeno case. Once
again, Palparans accountability
on the disappearance and torture
of the two students is firmly
established, ani Palabay.

Humingi rin si Formilleza


ng mga litrato at ng mas maayos
na timeline kung kailan at
saan niya nakita at nakasama
ang retiradong heneral upang
mapatunayan ni Manalo ang
kaniyang mga akusasyon.
Wala nang maitanong ang
abogado ni Palparan dahil totoo
ang mga sinasabi ni Raymond at
consistent siya sa kaniyang mga
sagot. Gusto na lamang niyang
lituhin at hanapan ng butas ang
mga testimonya ni Raymond,
ani Connie Empeno, nanay
ni Karen.
Isa ang magsasakang si
Manalo sa nakasama nina Karen
at Sherlyn sa kulungan sa Camp
Tecson, Bulacan. Dinukot siya
ng grupo ng sundalo ni Palparan
kasama ang kaniyang kapatid na si
Reynaldo sa kanilang bahay sa San
Ildefonso noong Pebrero 2006.
Nakatakas si Manalo matapos
ang 18 buwang pagkakadakip,
habang naiwan naman sina
Empeo at Cadapan sa isang safe
house sa Zambales.
Walang duda namang tinukoy
ni Manalo si Lt. Col. Felipe
Anotado, na nakita niya nang
tatlong beses sa isang tagong
kampo sa Limay, Bataan kasama
ang dalawang estudyante, ayon
kay Palabay.
Kasalukuyang nahaharap ang
puganteng heneral, S/Sgt Edgar
Osorio at Anotado sa mga kaso
ng kidnapping at serious illegal
detention na isinampa laban sa
kanila noong 2011.
Nakatakda ang susunod na
pagdinig sa nasabing kaso sa
Abril 23 kung saan haharap ang
ikalawang testigo na si Oscar
Leuterio na ikinulong sa Fort
Magsaysay kasama ang dalawang
estudyante at ilan pang mga
biktima ni Palparan.

BALITA

Huwebes 23 Abril 2015

Peasant groups slam


bogus sugarcane act
Arra B. Francia
FARMER GROUPS CONDEMN
the passage of a new law that
would supposedly allocate funds
intended for farmers to landowners,
following
President
Benigno Aquino IIIs signing of an
act allowing for the maximization
of sugar cane production in the
country on March 27.
The peasant group Unyon ng
mga Manggagawa sa Agrikultura
(UMA) pointed out provisions in the
act that would allegedly facilitate
land-grabbing and would further the
interests of foreign corporations over
the needs of farmers.
Republic Act (RA) 10659 or An
Act Promoting And Supporting
The Competitiveness Of The
Sugarcane Industry And For Other
Purposes took effect on April 16,
two weeks after its signing. The
act aims to provide the sugarcane

industry with needed infrastructure


projects, research initiatives, human
resources, and financial assistance to
small farmers.
Under this new law, promotion
and support for the sugar industry is
focused heavily to benefit sugar barons
who have long monopolized sugar
lands and production, according to
UMA Media Officer Gi Estella.
Section 3 of the act contains the
Block Farm Program, pertaining
to 30 to 50-hectare lots managed
by landlords together with the
Department of Agrarian Reform.
This supposedly denigrates the
status of farmers to mere co-owners
of each block of land, effectively
splitting the profit between the
landlord and the farm worker.
RA 10659 would also oversee
the institutionalization of the
Agribusiness Ventures Agreement

Continued on page 11

Lively crowd. Students react to the speeches of this years candidates of the University Student Council elections
during the annual mudslinging debate held at the Palma Hall on April 21. The event, organized by the UP Solidaridad,
engages student council hopefuls in an intense discussion of principles and issues. | Dylan Reyes

Kontraktwalisasyon ng
UP admin, tinutulan ng
mga manggagawa
Josiah Eleazer V. Antonio
ISINUSULONG NG MGA UNYON
ng manggagawa sa UP Diliman
at UP Los Banos na ibalik ang
mga
ibinasurang
probisyon
mula sa UP Personnel Services
Itemization Plantilla of Personnel
(PSIPOP)
na
magpapalawig
ng kontraktwalisasyon ng mga
manggagawa sa loob ng pamantasan.
Tinanggal ng administrasyon ni
Pangulong Alfredo Pascual ang 334
probisyon mula sa PSIPOP noong
Enero 27 nang walang konsultasyon
na isinagawa sa mga kinatawan
ng All UP Workers Union, All UP
Workers Alliance, All UP Academic
Employees Union (AUPAEU), at
All Contractual Employees in UP
(ACE-UP).
Lolobo ang dami ng mga
kontraktuwal sa pamantasan dahil
sa pagbabasura ng 334 [probisyon
na ito] at maghuhudyat ng pagiging
kontraktwal ng mga papasok na
mga manggagawa sa pamantasan,
ani tagapagsalita ng ACE-UP
Steph Andaya.
Tinatayang aabot sa 1,500 ang
kontraktawal at non-UP kontraktwal
sa buong UP System, kung saan 400
ay nakabase sa UPD, ayon sa pagaaral na ginawa ng ACE-UP.
Bagaman may mga benepisyo at
bonus kagaya ng isang regular na
empleyado ang mga kontraktwal,
mula anim na buwan hanggang

isang taon lamang ang kanilang


kontrata. Nakadepende naman sa
pondo ng opisina ang matatanggap
ng mga non-UP kontraktwal.
Bukod dito, may mga kinukuha
ding kontraktwal na empleyado
mula sa mga pribadong ahensya
ang unibersidad, tulad ng mga
guwardiya at janitor.
Mabigat
ang
trabahong
ginagawa ng mga kontraktwal ngunit
hindi naman ito natutumbasan ng
sapat na sahod at benepisyo, ani Abe
Golondrina ng ACE-UP.
Iginiit ng mga unyon ang
pagsasawalang-bahala
ng
administrasyon
sa
kanilang
Collective Negotiation Agreement
(CNA), kung saan nakasaad ang
mga karapatan ng mga manggagawa
sa maayos na konsultasyon bago
magbaba ang administrasyon ng
isang desisyon.
Bukod dito, inilatag din ng mga
unyon ang sa Artikulo XIII, Seksyon
3 ng Konstitusyon ng Pilipinas
na nagsasabing Employees have
the right to participate in policy
and decision-making affecting
their rights[employees] have
the right to security of tenure,
humane conditions of work and a
living wage.
Subalit sa isang diyalogo kasama
ang mga unyon ng manggagawa
noong Enero 27, sinabi ni Pascual
na legal ang pagbabasura sa 334
probisyon batay sa Republic

Act (RA) 7430 o Attrition Law.


Nakasaad sa nasabing panukala ito
ang pagbabawas ng mga empleyado
batay sa kanyang boluntaryong pagalis sa trabaho, pagretiro, pagkaalis
sa trabaho, paglipat sa ibang
posisyon, o pagkamatay.
Ayon sa mga unyon, nilabag pa
rin umano ng administrasyon ang
RA 7430 dahil sa pagpapadali nito
ng pagtanggal ng mga empleyadong
may mahahalagang trabaho upang
mapanatili ang pagpapatakbo ng
isang ahensiya.
Nananatili ang pang-aabuso at
maging diskriminasyon sa aming
hanay sa ngalan ng multi-tasking
at iba't ibang dagdag na gawain
para mapunan ang kakulangan ng
mgs tauhan para mapatakbo ang
opisina, ani Golondrina.
Kasabay
ng
pagtutol
ng
mga
unyon
sa
malawakang
kontraktwalisasyon
ng
mga
manggagawa
sa
unibersidad,
pinalawig din nila ang kampanya
para sa regularisasyon ng mga
empleyado.
Patuloy naming igigiit ang
panawagang
regularisasyon,
hindi kontraktwalisasyon [sa]
patuloy na pagkilos, pagbibigayaral at pagpapayaman ng kaisipan
at sa sama-samang pagkilos, may
tagumpay na inaasam ang aming
laban, ani Golondrina.

SUMATOTAL

Mga katiwalian sa kaban ng bayan


Hans Christian Marin
Arra B. Francia

1
2
3
4
5
6
7

Hininging badyet ng UP: P 25.497 bilyon


Inaprubahang badyet ng gobyerno para sa UP: P 12.612 bilyon
Matrikula at iba pang bayarin ng mga mag-aaral: P575 milyon
Lupain ng UP at mga income generating projects: P836.3 milyon
Kabuuang badyet na nakalaan para sa mga trahedya: P14 bilyon
Tinatayang halaga ng nasalantang ari-arian ng bagyong Yolanda noong 2013:
P 35.5 bilyon
Badyet para sa mga biktima ng Yolanda: P 10.6 bilyon
Inihandang badyet para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (PPPP):
P 62.3 bilyon
Kabuuang populasyon ng Pilipinas: 101.8 milyon
Kailangang badyet ng isang pamilya para magkaroon disenteng
pamumuhay: P31,530
Bilang ng benepisyaryong pamilya: 4.3 milyon
Badyet na inilaan ng gobyerno sa edukasyon: P319.2 bilyon
Badyet pambili ng lupang pagtatayuan ng mga gusali sa paaralan:
P200 million
Badyet pambili ng mga bagong aklat sa mga paaralan: P3 bilyon
Badyet pambili ng mga bagong armas, gusali, at lupain ng Sandatahang
Lakas ng Pilipinas: P10 bilyon
Kabuuang halaga ng Metro Rail Transit (MRT): P 56 bilyon
Badyet na inilaan ng gobyerno para sa MRT: P 15.6 bilyon
Kinaltas na badyet ng gobyerno para sa MRT noong nakaraang taon:
P 12 bilyon
Arawang kita ng MRT matapos magpataw ng P15 hanggang P28 dagdagpasahe: P 6 milyon hanggang P 1.12 bilyon
Badyet na inilaan ng gobyerno para sa Metro Manila Development Authority:
P 2.2 bilyon
Badyet na inilaan para sa pagsasaayos ng mga basura: P994 milyon
Badyet ng parking building sa Makati: P2.7 bilyon.
Badyet na inilaan ng gobyerno para sa Commission on Elections (Comelec):
P16.8 bilyon
Badyet na inilaan ng Comelec para sa precinct count optical scanner (PCOS)
machines: P7 bilyon
Badyet para sa mga proyekto ng lokal na pamahalaan na maaaring gamitin
ng mga politiko sa eleksyon: P31.1 bilyon
Sanggunian:
GENERAL APPROPRIATIONS ACT FY 2015 VOLUME II. (2015, Januray 26). Retrieved August 17, 2014,
from http://www.dbm.gov.ph/wpcontent/uploads/GAA/GAA2015/GAA%202015%20Volume%201%20
with%20UACS/49%20SUMMARY.pdf

6-7

Tanong:
Kung sabaw
ka, anong
mga sangkap
nito ang
maglalarawan
sa iyong
plataporma?
Ibang kandidato sa pagkakonsehal*

KAISA-UP
Tricia de Luna
Po Santiago
STAND UP
Carol Marie Macalalia
Rainier Rivera
*Hindi nakarating ang mga
kandidato sa itinakdang panayam ng
Philippine Collegian.

COUNC

ALYANSA
Jeronimo Nemo Ascue
4th Year, BA Speech Communication

Siguro kung sabaw ako, masasabi


kong sabaw ako ng sinigang. Apart from
being one of the most recognized Filipino
dishes in the country, nire-rerepresent
nito yung culture natin sa Pilipinas. At ako,
bilang sa College of Arts and Letters, bilang
chairperson ng Council na to, masasabi ko na iyon talaga
ang personal advocacy ko, na ilapit yung sining at kultura
sa mga Pilipino at sa mga estudyante ng UP Diliman. As
for the specific na sangkap, kung ano ang magde-describe
sa plataporma ko with that advocacy, masasabi ko na
iyon yung laman, yung mismong karne at taba. Iyon ang
mismong pagkukuhanan ng sustansya ng mga estudyante.
Ito yung kakainin nila, yung mararamdaman talaga nila, at
siguradong may makukuha sila.

Jofer Jofer Asilum


3rd Year, BA Philosophy

Kung sabaw ako, ito ay sabaw ng


adobo. Kasi minsan naaalala ko ang
adobo na niluluto ng mama ko. Minsan
matamis, minsan maalat, tapos minsan
may patatas, minsan may pinya. So maraming
version. At gusto ko iyon na sa plataporma namin
paiba-ibang version pero may iisang lasa na sigurado
namang maibibigay talaga sa mga estudyante para sa
kabutihan nila. Balanse at para sa lahat.

Vince Renzo Vince


Liban
4th Year, BA Political Science)
Kung sabaw man ang plataporma
ko, maihahantulad ko ito sa sabaw ng
cup noodles kasi makikita natin dito na
it all comes in different forms and sizes.
Merong beef, merong chicken, may iba't
ibang flavors. Para siyang gender. Kailangan
natin i-recognize that gender has different forms.
Lalo na itong cup noodles nilalagyan pa nga natin
siya ng mainit na tubig. Ito yung gusto natin i-hain
sa platforms namin about gender. Gusto natin i-break
ang mga tao with the idea that gender is fluid. Ito ang
mainit na pagtanggap natin sa ideya na maraming
expressions ang gender, na kailangan natin i-recognize.
Hindi lang ito para sa LGBT, o para sa kababaihan, kundi
kasama na rin ang kalalakihan.

Allan Allan
Pangilinan
4th Year, BA Philosophy
Kung sabaw ang aking plataporma,
ito siguro yung sinigang sa baboy pero
hindi lang basta sinigang, sinigang sa
baboy na may pinya. Kasi sa sinigang sa
baboy, masarap na siya pero dahil sa pinya,
may isasarap pa. At nakita naman natin sa
Bagong USC na marami na tayong nasimulan, at lahat
ng iyan ay hihigitan natin sa Sulong UP.

Marlina Lou
Marlina C

4th year, BA Commu

Kung sabaw ako


na nasa sabaw ko na
sa plataporma ko ay
sa sinigang lang m
may after taste na matam
nakakagising siya, 'di ba? 'Yon
hinihingi natin sa mga estudyante ng
makisama, mamulat, lumahok, at lum
karapatan ng hindi lang mga estudyan
ng bansa. Ngayon, may after taste na
'yon nga, na pag nagising ka na, nakila
makukuha 'yung pagbabago na ninana
Iskolar ng Bayan.

Kristian Mic
Martinez

3rd year, BS Econom

Ang mga sangk


sabaw ay ang karne
isang mabuting pagb
ng isang tunay na serbis
bayan, at ang mga sah
ng tunay na pagmamahal s
pamantasan.

Eleanor "El
Franzine Baba
Foronda
4th Year, BS Business Economics
Kung sabaw ako, ako'y lugaw kasi,
ano bang mga kasangkapan ng lugaw?
May kanin, may chicharon, may gulay,
at minsan, may kalamansi. Makikita natin
na samu't sari talaga ang sangkap ng lugaw.
At iyon yung plataporma ko. It's a balance of
campaigns, activities and services. Balanse tayo so may
mga services tayong makakatulong sa mga estudyante,
nariyan ang USC Grievance desk, consultations regarding
STS, at dorm tours. May events din tayo like Pride
Week, and other than that, we have other campaigns
like increased Transparency and Accountability in the
government, and not just in the government, but also here
in the UP Community.

Viktor Viko Fumar


2nd Year, Juris Doctor

Kung sabaw ako, iniisip ko talagang


sinigang na sabaw kasi may asin, may
sili, may kamatis - marami siyang iba't
ibang sangkap, tapos buong-buo ang lasa.
Kasi yung plataporma natin sa ALYANSA,
marami siyang tinutugunan na mga bagay para
sa isang unified na nation. Pangalawa, ang sinigang di
ba maraming ibat ibang paraan ng pagluto nito may
nilalagyan ng bayabas, yung iba may kamyas, yung iba
wala. Sa tingin ko, yung platform natin very flexible sa
kung ano yung mga pangangailangan ng mga estudyante
next year sa USC.

Magnolia Angela
Magnolia Del Rosario
2nd Year, BS HRIM
Kung magiging sabaw ako, siguro
sinanglaw kasi galing akong Baguio at
Ilokano ako. Ang sinanglaw ay sinabawan
na mga laman-loob. Tapos maasim siya,
para siyang sinigang. Meron ding itong
intestines ng baboy tapos dugo na pinatuyo. So
kung magiging sabaw nga ako, magiging Sinanglaw ako
kasi gusto ko na ang plataporma ay galing talaga sa loob.
Gusto ko genuine siya at tsaka, syempre, bilang maasim
siya, nakakakilig.

Beatrice Miranda
Bea Reyno
3rd Year, BS Social Work
Kung sabaw ako, bulalo kasi
malaman dahil ang GPOA ng UP
ALYANSA ngayong taon, malaman
na malaman. Coming from the Bagong
USC, gusto natin ipagpatuloy yung mga
proyekto na nasimulan natin katulad ng UP
the Budget campaign na grassroots ang pagtingin
sa budget process ng UP. From the colleges, orgs and
council, doon ipo-propose natin yung budget natin at
ibibigay natin sa admin para talagang grassroots ang
approach. Nandiyan din ang Magna Carta on Students
na magiging binding siya this year kung ALYANSA ang
ma-elect kasi, not only will it come from the students,
talagang ibibigay natin siya sa BOR at sa admin para
maging binding siya para pag may naging transgression
against students' rights, meron siya agad na remedy.

Jullian Tolits
Tanaka
3rd Year, BFA Industrial Design
Kung sabaw ako, tingin ko, ako'y
isang bulalo. And yung magiging
sangkap na nagpapakita ng plataporma
ko ay yung bone marrow na tingin ko ito
ang pinakamasarap na parte ng bulalo lalo na
kapag malamig ang panahon. Kasi naniniwala
ako na sa pinakaloob dapat manggaling lahat ng hugot
natin sa pagfo-forward ng advocacies natin. Siyempre, ito
yung pag-aalaga sa mga karapatan ng mga atleta natin.
Naging isang atleta rin ako, and gusto kong manggaling sa
kanila mismo yung panggagalingan ko sa plataporma ko.

Mark Jonathan
Marjon Abut

2nd year, BA Comm

Kung isa akong


nasa loob 'yung pla
magiging laman niya
noodles 'yung pans
I believe, I think na every
[has] eaten pansit from inst
UP. That's where I want to go from the
matches, to make people be aware o
and to also be able to publicize even
tayo ng awareness. So in that way, I w
on people and have an impact to these

Jeremi Elaij
Mimi Bar

4th year, BA Politica

Kung isa ako


magiging sangkap ko
mga gulay kasi will a
welfare of the students
welfare nga ng student
natin, makakatulong ang mg
makapag-isip ang mga estudyante at
ang approach nila sa mga bagay-baga

IN

Mark Navata

4th Year, BS Comput

4th Year, BS Materials Engineering


Kung sabaw ang plataporma ko,
sabaw siya ng sinigang kasi maasim,
nakakakilig, tagos hanggang buto at
masarap.

Kung sangkap ak
natin ng tubig, sibuyas
matapang, at hindi tako
natin ng hindi natatakot. O
sa University Student Counc
pagbabago. Kailangan natin ng sili

CILORS

Huwebes 23 Abril 2015

KAISA

STAND UP

uise
Carlos

unication Research

o, ang mga sangkap


a maihahambing ko
y sampalok. Parang
maasim-asim, tapos
mis. So maasim, so
naman talaga 'yung
gayon na magising,
maban para sa mga
nte pero pati sa labas
a masarap, matamis,
ahok ka, ay doon mo
ais natin bilang mga

chael "KM"

Leandro Anton
LA Castro

Isabelle Gloria Sab


Villena

2nd year, BA Journalism

3rd year, BA Anthropology

Kung sabaw ako, marahil gusto


kong maging isang sopas. Kasi ang
sopas mayroong noodles, mayroong
chicken, mayroong carrots, cabbage, at
gatas. Kaya ko gustong maging sopas ay kasi
gano'n nga yung mga sangkap. Kasi gusto ko,
'yong aking plataporma, gusto kong makapag-engage
ng iba't ibang mga estudyante, at makapag-provide ng
holistic development sa kanila. Gaya ng sopas mayroon
itong source of protein, yung chicken, and carbohydrates,
nandyan yung noodles, may mga gulay carrots, cabbage
dahil 'yong plataporma ko, gusto kong mag-provide ng
holistic development and training opportunities para sa
iba't ibang mga estudyante at iba't ibang mga organization
sa UP. Una, mas mabisa tayong makapagbigay tindig sa
mga isyu at makalahok sa mga isyu ng university at ng
bansa.

li" Ganiston

Beata Regina Beata


Carolino
4th Year BA Journalism
Sili. Kasi maanghang, palaban,
kahit haluan mo ng tubig o kahit kasama
niya ay tubig, nangingibabaw yung lasa.
Parang yung plataporma natin dito sa
STAND-UP, mapanghamon at mapagpalaya.

5th Year BS Electronics and


Communications Engineering
Kung ako ay isang sabaw, ang mga
sangkap na magre-represent sa aking
plataporma ay mga sangkap ng sabaw ng
adobo. Ito ay toyo, bawang, suka at kaunting
asukal. Toyo, para sa alat, dahil ang plataporma
namin ay para ipaalam o imulat ang mga kapwa
estudyante sa mga hirap na pinagdadaanan ng mamamayang
Pilipino. Alat, ito yung pagpapamulat sa alat na nae-experience
ng ordinaryong mamamayang Pilipino. Asim naman para sa pagcriticize namin sa mga polisiya ng ating gobyerno na against sa
ating mga Pilipino. Tapos, bawang. Ang bawang naman ay isa sa
mga produkto na talagang naipo-produce. Ito yung kumakatawan
sa suporta natin sa Pilipinas.

Ma. Krizzia Abigail


Raine Calucag
2nd Year, MA International Studies

mics

kap ko bilang isang


e ng pagbabago
babago. Ang gulay
syong para sa ating
hog na magbibigay
sa bayan at ating

Kung sabaw ako, isa akong sweet


and sour na sabaw. Sour kasi mapait
ang hirap na dinadanas para magkaroon
ng kapayapaan, which is yung sweet na
part.

Katrina Claire
Kat Hernandez

Dulfo Dulfo

3rd year, BA Journalism


Kung isa akong sabaw, ang mga
sangkap na ibubudbod ko doon sa sabaw
na iyon ay, una syempre ang karne, kasi
yun yung meat ng plataporma ko. Kasi ako,
I want to be the committee head of the Basic
Social Services committee na tututok din sa mga
PWDs. Kasi recently, nakarinig ako sa PJRC and 'yung
nanalong case doon is about PWDs and iyon yung naginspire sa akin for that. And siyempre, magic sarap para
mag-empower tayo ng mga estudyante. And of course,
mga rekado, kasi inklusibo tayo sa KAISA.

munication Research

sabaw at 'yung mga


ataporma ko, 'yung
ay 'yung sa instant
sit na nandoon. Kasi
yone at some point
tant noodles here in
e UP Calendar that it
of what's happening,
nts na magkakaroon
wanted to wish these
e people. Thank you.

Anthony John AJ
Santos
4th year, BS Electrical Engineering
Kung ako ay isang sabaw, ang mga
sangkap na nasa akin ay ang AJ-nomoto
at ang AJ-ginisa. Ang mga sangkap na ito
ang maglalabas ng linamnam at nanunuot
na sarap at sustansiya ng aking plataporma.

jah
rretto

al Science

ong sabaw, ang


o ay mga gulay. Ang
always push for the
s at siyempre, since
ts yung pinu-push
ga gulay upang mas
mas maging kritikal
ay.

NDEPENDENT

ta

ter Science

ko, ano ang maglalarawan sa aking mga plataporma, of course kailangan


s, bawang, at ang gusto kong i-emphasize dito ay sili. Kailangan natin ay
ot sa USC. Ako, bilang ang plataporma ko ay electoral reforms, kailangan
Of course, magalit na ang magagalit. Kailangan nating ibalik ang students
cil. Bahala sila. Basta ako, kailangan ko ng pagbabago. Hangad ko ang
sa USC.

Karl Bruno Bruno


Abenojar
3rd Year, B Secondary Education
Kung sabaw ako, yung rekadong
magre-resemble
sa
magiging
plataporma ko ay yung mga gulay
yung sitaw, ampalaya, at kalabasa. Kasi
gusto natin na hindi lamang yung sektor ng
estudyante yung sine-serve natin kundi yung
buong sambayanan, kasama niya yung ibat ibang sektor
sa UP community at pati na ang lahat ng nasa labas
ng pamantasan. Siyempre sa atin, ang pananaw natin,
kailangan natin ng isang Environmental Committee na
tinitingnan, hindi lamang yung environmental aspect ng
disaster implication, kundi pati na rin yung social impact.
Hindi lamang yung hayop, puno at halaman kundi yung
kapakanan ng buong lipunan.

Christian Bryle
BryleLeao
4th year BS Chemical Engineering
Kung ako ay isang sabaw, ako ay
sabaw ng paksiw. Gusto ko munang
sabihin kung ano ang aking mga
plataporma. Bilang inyong susunod na USC
Councilor, ipagpapatuloy ko ang nasimulang
laban sa pagja-junk ng STS at Other School Fees,
at siyempre ang pagpapanawagan sa pagpapababa sa
ating matrikula. Ito ay ilan lamang sa aking plataporma na
masasabi ko o maihahalintulad ko sa dalawang sangkap.
Una ang umami dahil ito ay ang pambansang lasa na
madaling nagugustuhan ng maraming Pilipino. At siyempre
ang pangalawa ay toyo, ang pambansang sangkap sa
lahat ng mga pagkain ng mga Pilipino. Toyo, dahil ito ay
ang pinakamakamasa, pinakamakabayan na sangkap. Ito
ay sangkap din ng ating paboritong pagkain, katulad na
lamang ng adobo. Bilang inyong susunod na USC Councilor,
katulad ng toyo at umami, sisiguraduhin natin na itong mga
plataporma natin ay hindi lamang magsisilbi doon sa panlasa
ng ating mga Iskolar ng Bayan kundi sa panlasa ng malawak
na hanay ng mamamayan.

Ma. Shari Nina


SHARI Oliquino
2nd year BA Broadcast Communication
Siguro kung sabaw ako, paano
ko ilalarawan yung plataporma ko,
pangunahing sangkap siguro dyan ay
kamatis. Bakit? Una sa lahat, pula ito,
nangangahulugan na pulang prinsipyo talaga
ang pinaninidigan nito. At nangangahulugan na
ito ay para sa mga mag-aaral, para sa mga mamamayan,
para sa ating unibersidad at para sa buong bayan. Tapos
paborito ko rin kasi talaga yung kamatis kapag nasa sabaw.
Kaya yun talaga yung sinagot ko kasi para sa akin ito yung
nagbabalanse ng mga bagay-bagay. Kumbaga kung binigyan
tayo ng isang isyu na kailangan natin i-address, yung ating
plataporma agaran mo siyang magagamit bilang sagot doon
sa mga isyu na yun. At bilang resulta, ibabalanse niya ngayon
yung mga bagay para sa ating mga Iskolar ng Bayan. Maliban
siguro sa kamatis bilang mga sangkap naman ang sinabi,
idadagdag ko lang yung mga gulay. Bakit? Masustansiya ito
at siyempre ano ba ang ating goal? Ano ba ang nakasaad sa
plataporma natin? Gusto natin mapangalagaan ang overall
welfare ng mga mag-aaral natin sa unibersidad at yun din
ang prinsipyo na dadalhin ng STAND UP sa konseho.

Kung sabaw ako, it would be lemon


grass chicken soup and the ingredient would
be lemon grass dahil Lemon-na, grassroots
approach tayo sa STAND UP. We want radical
change that will completely solve the root causes
of the problems experienced by our students. And
this said, we want projects that will have proper discussions and
dialogues with our students and administrations. One simple and
concrete plan would be the standardization of the tambayans of
organizations and masters students. We will ask kung ano ba
talaga yung kailangan nila sockets, tables, chairs, and aircons
maybe, and we will exhaust all efforts and concerns but never
compromise our principles.

Kali Kali Navea-Huff


2nd year B Sports Science, Councilor

So if our platform is a bowl of soup, I would


say it will be corn chowder. I dont particularly like
soup but I like corn chowder, especially the corn.
Were raw, were candid and that would be the
corn, obviously. We make sure we speak our minds
and our passions. Our principles are first and foremost,
and you know when we get hot and we get passionate. Were going
to make sure that the corn stalk stands tall. Were gonna pop up and
were gonna stand tall for everyones rights. Were gonna make sure
that we fight for the principles of our party and make sure that it is in
line with the student council. Corn chowder sometimes is bland, so
youre gonna add the spices. The spices are different things that we
each bring to the soup, so I would be, lets say, pepper. I make sure that
I have my own say on everything. I want to make sure that Ill be that
taste in your mouth because thats definitely Kali Huff. Someone that
really wants to leave a mark on, particularly the development of sports
and the development of facilities for the use of all students, especially
organizations. Scrapping the rental fees for the Sunken Garden, for
the Track and Field Oval, for the use of all tambayans, thats what
I want to bring particularly to the student council, thats my pepper.
I know for a fact that every single one of my slatemates are gonna
bring something and each have the opportunity to spice. So were not
bland, were STAND.

Ross Alexis ROSS


Olalia
2nd year Non Major
Kung sabaw ako, yung gusto kong
ingredients yung natural at hindi artipisyal.
Parang sa STAND UP lang na gusto natin na
yung ilalatag natin, genuine na pamumuno at
hindi yung repormang puro porma.

Jeanne Paula
Dadang Alfonso

3rd Year, BA Philippine Studies


Kung ako ay isang sabaw, ang ilalagay
ko siguro doon ay isang sibuyas. Bukod sa
purple siya kasi Gabriela Youth ako, makikita
natin dito kapag hinihiwa mo siya di ba naiiyak
ka? Kasi kapag hinihiwa tayo ng mga isyu, ng mga
ibat ibang uri ng diskriminasyon, di ba nakakaiyak?
Tapos yung mga hinihiwa doon ay yung mga women, kabataan
or LGBT Community. Pero kapag pinagsama-sama natin sila,
kasi hindi naman nahihiwalay yung isyu nila sa isyu ng lipunan,
magkakaroon ng sama-samang pagkilos sa loob ng sabaw.
Kaya kapag tinikman mo siya, malalasahan mo yung sarap at
mapagpalayang lasa sa lipunan.

LATHALAIN

Huwebes 23 Abril 2015

Beyond the line

The challenges of the UPD USC 2014-2015


Andrea Joyce Lucas
THE BEGINNING OF THIS
academic year was marked by a
drastic turn due to the calendar shift,
starting in August instead of June.
But even so, the current University
Student Council (USC) already
began council work from as early as
March 2014, serving in their posts
longer than past terms.
A new, bold and united USC was
envisioned by this current term in
order to bring together the members
of the council coming from different
political parties and affiliations, says
incumbent USC Chairperson Arjay
Mercado. Yet even with their goal
of establishing a united front to face
issues that plagued the university
and the country, it has been a
challenge for the USC to prove itself
in its mandate of serving the students
and the people.

New actions
Several projects and campaigns
highlighted this years USC,
including the University Freshie
Month that attracted more than
2,000 attendees. Naging successful
ito, at nakapagsingit rin ng mga
campaigns para sa pagsali ng
freshmen sa mga organizations, says
Mercado.
Early during the term, the student
body has also released their stand
opposing the academic calendar
shift and the anti-student provisions
in the Code of Student Conduct.
The USC has also participated in
mobilizations, for instance during
Labor Day in 2014 where the
members of the council have been in
full attendance.
In July, the USC joined in the
Freedom of Information (FOI)
Youth Congress held in UP Diliman.
The council actively shows its
commitment to the cause by being
transparent and accountable in their
surveys with the students, Mercado
says.
Yung natutunan namin [sa
congress] ay na-apply namin doon
sa [nakaambang laboratory fee]
sa College of Engineering [noong
Oktubre]. Humingi tayo ng mga datos
sa mga department para magkaroon
ng balanseng pagtingin ang mga
estudyante sa pagde-desisyon sa
mahalagang isyu na ito, he added
The USC was already faced with
several issues even during the start
of their term the most compelling
of these was the implementation of
the Socialized Tuition (ST) system,
the new tuition scheme replacing
the Socialized Tuition and Financial
Assistance Program that determines
the tuition discount based on the
family income of students.

ng administrasyon, said Parinas.


Essentially, the student body has
veered away from its mandate of
defending and promoting the rights
and welfare of the people.

Mercado
stressed
that
formulating a stand for a crucial
issue is no quick matter and should
involve comprehensive study, as it is
a mechanism to get the pulse of the
students. [So] we moved forward
with our comprehensive survey
and then collated the information
to make our STS policy proposal
to address the students' many
concerns, said Jamie Bawalan,
incumbent USC councilor.
The council has only released
their stand on ST System this April, a
clear manifestation for some student
leaders that the council lacked action
regarding the issue. "Hindi na serve
the people, survey the people [na]
ang nangyari," said Ana Alexandra
Castro, former USC Chairperson.

Standing united

Bold front

While even within the USC, there


has also been a struggle to unite its
council members, it has also been a
struggle to unite the university as a
whole on issues that concerned the
students welfare.
Some members [of the council]
took being in active service as
an option, said Bawalan. In the
projects that the USC initiated this
year, there was a constant need of
manpower but unfortunately, she
further noted, not all of the council
members could be relied on to
deliver. Hindi [kasi] pantay-pantay
ang effort [na ibinibigay] ng mga
councilors, said Mercado.
Yet service in the council moves
far beyond participating in projects.
Clearly, the body has fell short
when it came to pulling the students
together for collective action.
[Unity] was not fully achieved
because the USC failed to make
decision-making accessible enough
to the student body, said Carl
Santos, incumbent USC Councilor.
Additionally, the USC failed
to sufficiently bring to light the
students pertinent local and
national issues at hand that needs
concrete actions. [The USC] needs
to show students that it stands for
them, so that they will be willing to
participate in its actions, Santos
added.
With the ever-changing
academic landscape in the
university fueled by anti-student
policies of the UP administration,
it is now a challenge for the next
student body to be united and firm in
their stand towards issues, and living
up to the historical role of the USC
of fighting for the welfare of the
students.

The council this term has been


slack in formulating stands and
initiating actions regarding crucial
issues, as pointed out by leaders
coming from different sectors of the
university.
President of the All UP Workers
Union Felix Parinas emphasized that
the USC has not been able to stand
in solidarity with the workers in UP
in their struggle for tenure, as well
as with the vendors as they were
threatened to be displaced.
The workers union has also
felt that the USC had failed in
coordinating with them. Hindi
man lang sila lumapit o nakipagugnayan sa anumang isyu, kahit na
sa mga simpleng relief operations
lamang na para bang nagsasarili sila,
samantalang nagsasagawa rin naman
ng [relief operations] ang union,
said Parinas.
Furthermore, the USC clearly has
not been bold enough in facing the
issues that came its way, especially
spearheading on national issues
that shook the country such as the
unconstitutional
Disbursement
Acceleration Program of the
Aquino administration, and the
Mamasapano incident.
[Tila] tulog ang USC [ngayon],
said Castro. [Naging] lax ito sa mga
[pagkilos] at hindi decisive. Kung
tutuusin, parang nagpatianod lang
sila sa kung ano yung kapasyahan

ero

ig

es

e
nK

oh

yJ
nb

ati
str

Illu

th

e
nn

Za

ed
ag
P
ata

yJ
nb

aro
ag
T
e

GRAPIX

Huwebes 23 Abril 2015

Lupang Tinubuan
Ang araw-araw na pakikipagsapalaran ng mga katutubong Aeta sa Sitio Tarukan

Chester Higuit

Taong 1991 nang hinarap ng mga katutubong Aeta ang nagbabagang abo at grabang
bumalot sa kalangitan ng Bulkang Pinatubo. Sa pagbalik nila sa lupang kinalakihan
ay bumungad sa kanila ang malawak na lahar na lumamon sa kanilang tirahan at
kabuhayan. Sa paglipas ng mga taon, bagamat nawala na ang abong tumatalukbong
sa langit at ang panginginig ng lupa ay umusbong naman ang mga panibagong hamon
na dala ng makabagong kultura at panahon.

Ang mga nakasanayang bahag na kasuotan ng mga katutubong Aeta ay napalitan na ng damit, shorts at
pantalon. Sa pagusbong ng turismo sa Pinatubo, binuksan ng mga Aeta ang Sitio Tarukan sa mga dayo.
Naging mistulang tanawin ang kanilang grupo na ginagawang negosyo ng mga namumuhunan sa turismo.

Sa ilalim ng matinding sikat ng araw, nakakahapo ang paglalakbay ng mga


Aeta paakyat at panaog sa kabundukan patungong karatig na mga bayan.
Ang lakbaying ito ang larawan ng landasin ng mga katutubong Aeta
tungo sa pag-unlad - mahirap, malayo mabagal. Ngunit gaya ng pagputok
noon ng Pinatubo, maglalakbay sila hanggang sa luminaw ang kalangitan.
Sa kabila ng init ng araw, galit ng kalikasan, at nagbabagong kapaligiran.

Nananatilli pa rin ang kultura ng maagang pag-aasawa ng ilang magkapares. Tipikal na para sa isang babaeng Aeta
ang magpakasal sa edad na 15 taong gulang.

Sa edad na trese, maagang namulat si John Paul sa paghahanapbuhay.


Pangarap niyang makapagtapos ng pag-aaral ngunit hadlang ang kakulangan
sa pera at layo ng paaralan sa kanilang lugar. Katulad ni John Paul marami sa
mga kabataan sa tarukan ang nakapagtatapos lang ng elementarya dahil sa
kawalan ng sekundaryang paaralan malapit sa Tarukan.

10

OPINYON

Huwebes 23 Abril 2015

PASAKALYE

Ekstra-ordinaryong Krimen
Ron Cuera
ARAW-ARAW AY NAKIKIPAGPATINTERO
tayo sa karahasan.
Noong nakaraang Biyernes,
Abril 17,
pumunta kami sa opisina ng National Union
of Peoples Lawyers
(NUPL).
Sinamahan
namin
ang
ilang
miyembro ng Student
Alliance
for
the
Advancement
of
Democratic Rights in
De La Salle Araneta
University
(STAND
DLSAU) para magasikaso ng verified
complaint laban sa
administrasyon. Iligal na
ipinatutupad ng DLSAU
ang academic calendar
shift, trimestral scheme at tuition increase
kahit na hindi pa ito aprubado ng Commission
on Higher Education (CHED). Kasama sa
ibinubuwis ng DLSAU ang akademikong
integridad ng mga kurso nito tulad ng Veterinary
Medicine na dapat ay anim na taon ngunit
gagawing apat na taon na lamang, hindi para
sa akademikong dahilan kundi para sa pera.
Isinampa rin ng STAND DLSAU ang kaso sa
CHED nang araw na iyon, at noong Abril 22,
nagsagawa sila ng kilos-protesta sa harap ng
kanilang eskwelahan. Maraming estudyante ang
dumalo.
Hindi lang karahasan ng edukasyon ang
kasong nilalabanan.
Sa katunayan, siksik-liglig ang opisina ng
NUPL nang araw na iyon. Naabutan naming
nagsasalaysay sa isang kuwarto ang kapatid

at nanay ni Mary Jane Veloso, 30 taong


gulang single mother na tubong Nueva
Ecija, ang tanging Pilipina na nasa deathrow
sa Indonesia. Dapat pigilan at itigil ang
pagpapataw
ng
death penalty kay
Mary Jane. Walang
due process. Hindi
natiyak ng gobyerno
ng Pilipinas noong
2010, sa panahon ng
mabilis na anim-nabuwang
paglilitis
sa Indonesia, na
mabigyan
siya
ng mahusay na
abogado, tagasalin,
at patas na paglilitis.
Nakapagtataka ring
hindi isinaalang-alang ng gobyerno ng
Indonesia ang non-punishment clause
ng Law on the Eradication of the Criminal
Act on Trafficking in Persons sa kaso ni
Mary Jane, na biktima ng human trafficking.
Masyadong marahas at di-makatao ang death
penalty para sa isang tao na kuwestiyonable
at minimal ang partisipasyon sa krimen.
Biktima
si
Mary
Jane
ng
eskstraordinaryong
karahasan
ng
gobyerno.
Sa napakaraming antas, isinangkalan
ng pamahalaan ang mga tulad ni Mary
Jane: hindi nakapagtapos ng pag-aaral,
napilitang makipagsapalaran sa Indonesia
at iwan ang dalawang anak, biktima ng
human trafficking, walang kamalay-malay
na pinagbitbit ng maletang siniksikan pala

Araw-araw,
ang karahasan
ng pamahalaan
ay karahasang
nilalabanan

ng iligal na droga. Sa isang dayuhang bayang


itinuturing ang mga kaso ng iligal na droga
bilang ekstraordinaryong krimen, ang marahas
at sistematikong kahirapan sa Pilipinas at ang
iresponsableng gobyerno at naghaharing iilan
ang mga esktraordinaryong kriminal, at hindi si
Mary Jane.
Napakasimple
ng
aritmetik
ng
sistematikong pang-aabuso ng gobyerno at
naghaharing iilan.
1. Huwag maglaan ng sapat na pondo para
sa panlipunang serbisyo tulad ng edukasyon,
kalusugan at pabahay, 2. Panatilihin silang busabos
at hindi makaangat sa buhay, 3. Huwag magbigay
ng makataong trabaho at makatarungang sahod,
at 4. Pilitin silang mangibang-bansa upang maging
alipin ng dayuhan.
Araw-araw ay napakaraming kaso ng
paglabag sa karapatan ng mga estudyante,
migrante, mamamayan. Araw-araw, ang
karahasan ng edukasyon sa bansa ay testimonya
ng karahasan ng pamahalaan. Araw-araw,
ang karahasan ng pamahalaan ay karahasang
nilalabanan.
Araw-araw ay nakikipagpatintero tayo sa
karahasan, na mismong gobyerno ang lumikha.
Binabalense ng maliliit at kalyado nating mga
palad ang mundong nilikha ng kawalangkatarungan. Sinasabihan tayong maging
ekstraordinaryo sa pag-aaral, pero higante sa
laki at bigat ang matrikulat bayarin. Lumalaki
tayo na ang mga nanay natin ay nagiging nanay
ng mga anak ng dayuhan. Araw-araw, ang
karahasan ay dapat nating labanan. At dahil
sistematiko ang karahasan, imperatibo na
sistematiko at ekstraordinaryong kolektibo ang
paglaban estudyante at mamamayan.

Talk Dirty to Me*


Patricia Ramos
BAKA DAHIL LANG SA KAWALAN NG
kaalaman ko sa pulitika, o sa kakulangan ng
mga kaibigang bahagi ng konseho, kaya ito
ang unang pagkakataon na napansin kong
sadyang madumi ang daloy ng University
Student Council elections ngayong taon.
Nabanggit dati ng isa kong propesor
na di naiiba sa pambansang halalan ang
eleksyon sa unibersidad. Ayaw ko pa itong
paniwalaan noong freshie pa lang ako,
gusto kong maniwala na iba ang kalidad ng
mga kapwa isko at iska na kumakandidato.
Tutal, galing naman tayo sa isang
institusyong naninindigan sa dangal at
tunay na serbisyo sa bayan.
Ngunit ngayon, napagtanto ko na tama
ang propesor ko.
Sa halip na ipamalas ang katapatan
ng mga kandidatong tumatakbo, tila
alitan ang nangingibabaw sa bawat
debateng dinadaluhan ko. Kaya sa bawat
makamandag na salitang ibinabato nila, tila
lumalabnaw ang mga pangako ng bawat
kandidato. Nagmumukha tuloy sabungan
ang UP kung saan pipili ka ng manok mo
sa pula, sa asul, o sa dilaw.
Wala akong tinutukoy na partikular na
kandidato o partido. Sakaling may tamaan
isa lang ang masasabi ko, Bato-bato sa
langit, ang tamaan wag iboto. Joke. Pero
sa totoo lang, hayaan niyo nang sabihin
ko to bilang isang botante, bilang kawani
ng pahayagang ito, at bilang mag-aaral na
pagsisilbihan ng konseho.
Kunikundena ko ang mga taong nais

aspaltuhan ang sariling tuwid na


daan na alam kong sukang-suka na
tayo, ayon sa karanasan. Sinisisi ko ang
mga nais mamuno na wala pa man,
lumalabas na ang tunay na kulay kaiba
sa kulay na daladala
niya
sa
panahon ng pangangampanya.
Para
sa
mga
k a n d i d a t o
na
bahagi
ng
m a d u m i n g
kampanya, lalong
nangingibabaw
ang
mga
pagkakamali niyo
sa mga pangako at
mensaheng kasing
gasgas at hangal ng
mga tagline niyo,
gayong wala pang
natutupad sa mga
ito.
Para sa mga kapwa kong botante
na paulit-ulit na nangungutya sa
mga estudyanteng bumoboto sa mga
kandidato ayon sa mga mabababaw
at maling rason aminin natin na
minsan, kasalanan din natin ang
pagboto dahil lang siyay kaibigan
o kakilala at hindi dahil sa kapanipakinabang ang kanyang plataporma.
Kung ako ang tatanungin, boboto pa
rin naman ako kahit nabigo na ako sa

kampanya pa lamang ng ating susunod na


konseho. Inaasahan ko na lamang na may
boboto din kahit papano (at hindi abstain
lang), at pipiliin ng mga kapwa ko iskolar
ang kanilang mga kandidato base sa mga
kung sino sa tingin
nila ang karapatdapat
mamuno
maging mapanuri at
maging listo.
Tila kumalawit
na sa loob ng ating
unibersidad
ang
uri ng pulitikang
kinasasadlakan
ng
mga Pilipino sa labas
ng
pamantasan.
Habang lumalakas
ang
nakasusuklam
na
halimaw
na
to, hindi natin ito
pwedeng
hayaang
mahasik ng anumang
virus sa pamantasan. Kaya kailangan
natin ay ang mga mandirigmang hindi
natatakot lumaban at handang ipaglaban
at paglingkuran ang kanilang kapwa laban
sa halimaw na
Humahalo ang buntong-hininga ko
sa ugong ng kompyuter. Minsan pay
mapapabuntong-hininga
na
lamang
ako lalo na sa pinakahuling bastusan na
naganap sa kampanya, at iisipin ko nalang
sa sarili: Heto na. Halalan na naman.
*pasintabi kay Jason Derulo

Gusto kong maniwala


na iba ang kalidad ng
mga kapwa isko at iska
na kumakandidato.
Tutal, galing
naman tayo sa
isang institusyong
naninindigan sa
dangal at tunay na
serbisyo sa bayan

Galawang breezy
Dessa Arissa P. de Dios
SABI NILA MAHIRAP DAW PUMILI KAPAG
marami kang pinagpipilian.
Paglabas ko kanina mula sa klase ko, sinalubong ako ng
mga estudyanteng nakakulay dilaw, pula at asul. Eleksyon
na nga pala. Tanda rin ito ng nalalapit na pagtatapos ng
madugong semestre.
Sa pagsisimula ng kampanya, hindi na ako nagulat sa mga
naging kaklase ko dati na hindi ko kadalasang nakakausap na
biglang nakikipagkamay o di kaya namay ngingitian ka sa
tuwing makakasalubong mo sa daan.
Naglakad ako papuntang sakayan, at mas marami pang
papel ang nakuha ko mula sa mga kandidatolaman ng
mumunting mga flyers ang mga proyekto at kung ano-ano
pang programa na gagawin nila sakali mang maluklok sa
pwesto.
Sinusubukan kong basahin ang ilang papel na hawak ko
nang may biglang tumapik sa akin. Si Cherry, kaklase ko dati
sa isang GE class. Naka-asul siyang pormal na polo. Inalahad
niya ang palad niya sabay sabi ng kamusta? Sabi ko, Ayos
lang. Ikaw? Ngumiti siya sabay abot ng panibago na namang
papel.
Ngumiti na lang din ako nang abutin ko ang papel. Tuloy
ang lakad, dahil totoo namang mahabang lakaran mula sa
huling gusali ng klase ko hanggang sa sakayan ng jeep. Sa
daan marami pa akong nakita at nakasalubong.
Kapag sinuswerte ka nga naman, yung crush ko sa
isang major class nung nakaraang semestre tumakbo din
pala ngayong taon. Kung asul ang kanina, nakapula naman
ang kakilalang nakita ko. Dahil perks ng eleksyon ang
pakikipagkamay, pumihit ako pakanan para magkasalubong
kami. Marahan akong nagbilang ng five meters away, four,
three, two..and boom! Tagumpay!
Tagumpay ang galawang breezy ko. Nakamayan ko sa
unang pagkakataon ang crush ko. Jackpot, sa isip-isip ko.
Katulad nung kay Cherry, binigyan din niya ako ng maliit na
papel.
Nakasakay na akot lahat-lahat sa jeep iniisip ko pa rin ang
nangyaring kamayan kanina. Iboboto ko yun panigurado.
Pero yun na nga lang ba ang magiging batayan ko sa pagboto?
Naisip ko tuloy, sino nga ba ang dapat kong iboto? Pwede
ko kasi talaga siyang iboto dahil totoo namang may hitsura
siya, o di kaya yung kaibigan kong si Cherry, o yung isang
kandidato na nag-RTR kanina sa klase. Naantig kasi ako sa
kwento ng buhay niya, tipong pangMaalaala Mo Kayamga
kwento ng tagumpay, kabiguan at marami pang iba.
Bigla kong naalala ang mudslinging ng UP Solidaridad at
iba pang debate na napuntahan ko. Saka ko pa lang naisip na
disedido na akong bomoto.
Iboboto ko yung mga kandidatong swak ang argumento
sa tanong na hinihingi ng mga estudyante. Yung may sariling
tindig na pinanghahawakan at may tunguhing pangalagaan
at isulong ang kapakanan ng mga iskolar ng bayan at maging
sa labas ng pamantasan.

OPINYON

Huwebes 23 Abril 2015

Peasant groups slam bogus sugarcane act

TEXTBACK

Mula sa pahina 3
(AVA), which would place foreign
companies on the priorities of the
government in approving related
projects in the sugarcane industry.
Farmers claim the AVA to
be a restructured version of the
stock distribution option (SDO)
that
hindered
farmers
from
receiving their own land under the
Comprehensive Agrarian Reform
Program (CARP) in 1988. Under the
SDO, farmworkers are allowed to
own shares of the company instead
of acquiring their own land.
The Supreme Court junked
the SDO in 2012, deciding in favor
of the farmers right to own land
instead of stocks. Despite the
decision, more than 4,000 hectares
of land in Hacienda Luisita has yet
to be distributed to 6,212 farmerbeneficiaries.
AVAs allow for a rather
sophisticated mode of land grabbing,

practically swindling unknowing


farmer-beneficiaries to be at the
mercy of destructive neo-liberal
economic policies, said Estella.
Meanwhile, the Department of
Budget and Management has been
mandated to allot two billion pesos
worth of funds for the sugarcane act.
RA 10659 practically legalizes
presidential lumpsum allocations,
standing akin to the Disbursement
Acceleration Program (DAP) from
which the Filipinos have already lost
millions, said Estella.
A program to speed up the
distribution of funds for public
projects, parts of the DAP were
declared unconstitutional by the
Supreme Court last year.
[The administration] is merely
recycling worn-out modes of the
failed CARP, the farm workersfight
for land and justice is definitely not
over, according to UMA.

WWW.PHILIPPINE
COLLEGIAN.ORG

Kung tatakbo ka, anong


partido ang tatakbuhan mo
at bakit?
Ang partido ni Mark.ang saya kasi
niya siguro.Gusto ko malaman kung
pano maging feeling ng isang nuisiance
candidate. 2013 mark mema navatta
BA Journ
ako sa alyansa kasi gusto ko
malaman kung san galeng mga random
stands nila 2012-1***2 BOOM cswcd
Stand UP kasi may stand sila 201429__ yow BS Math
Sa KAISA kasi ang pogi talga forevs
ni LA. Asawahin mo ako oks lang. 20121234 BS CS

NEXT WEEKS QUESTIONS:

1
2

Ano ang palagay mo sa naging


resulta ng halalan?
Kung ikaw si Princess Sarah,
kaninong patatas ang babalatan
mo at bakit?

Ipadala ang inyong mga sagot, opinyon


at komento sa Kule! Itype ang KULE
<space> STUDENT NUMBER <space>
PANGALAN at kurso at ipadala sa

0917 375 9821


CONTACT US!
Write to us via snail mail or submit
a soft copy to Rm. 401, Vinzons
Hall, UP Diliman, Quezon City.
Email us at kule1415@gmail.
com. Save Word attachments in
Rich Text Format, with INBOX,
NEWSCAN or CONTRIB in the
subject. Always include your full
name, address and contact details.

Get free publicity! Send us your


press release, invitations, etc. DONT
TYPE IN ALL CAPS. And go easy on
thepunc - tuations?! dOnt uSe tXt
LanGuage pLs. Provide a short title.
100 words max. Email us at kule1415@
gmail.com

Get updates from the


Philippine Collegian
philippinecollegian
kule1415
philippinecollegian
Philippine Collegian
issuu.com/
philippinecollegian

11

EKSENANG
PEYUPS

The i-Lichon Edition


HELLO
MGA
BESH!
Kalurkey itong nagdaang linggo!
Sobrang Jinit Jackson kaya basangbasa pati ang singit at cleavage
ko, juskodiday! Wapush! Wapak!
Sumabay pa itong erection season,
este, election season, lalong uminit
ang panahon dahil sa bangayan ng
ating three major parties: ang Pulong
UP, Missing UP, at Palaban Isko. Yak
ang corny, I know. Anyway, bilang
may explanatory award ako nung
high school Pulong UP kasi we
just discovered paiba-iba kayo ng
sinasabi, pagpulungan niyo muna
wahaha! Missing UP kasi nasaan
kayo noong kelangan namin kayo?
Charot lang! At Palaban Isko kasi
parang makikipagjombagan parati
mga kandidato niyo offline and
online, Im looking at you Joma
Rison na super busy mga teh!
PULONG UP. Sinetch itey na
parang nagpatakbo ng lamay nitong
nagdaang erection season? Jusko besh,
anek sa tarp with your face? Sponsor ba
ang St. Peters Plan? Sana pala pinadala
mo yan sa Kape or USC event, saktong
may pakape ka na at bingo ka pa sa
wiz khalifa mong pagsagot sa issues.
Kalurkey! Nabaliw ako nang sobra upon
seeing your big tarp sa mudslinging!
Muntik na nga akong dalhin sa mental
ward. Hmmm Theres actually a word
for a mental institution. Gets mo besh?
Wahaha chika!
MISSING UP. This is just to
say hi sa nipples ni pseudo macho
candidate from our friends in the
yellow submarine. Besh nag-hello
kasi jutongis mo when you removed
your polo when our sweaty arms
made contact to each other during
an event in our home college. Jusko,
muntik na akong mapakanta ng
Bachtung Baby dahil sayo besh. Sa
susunod isusumbong kita sa dalwang
Tulfo brothers. Mehehe
PALABAN ISKO. Anyare puh
sa ilang niyong kahanay? Mukhang
napasama sa Missing UP ah. Super
MIA nitong nagdaang campaign! Ano
sila, display? I did not even see em
during the heavy rain sa mudslinging,
they did not even make sabat sa ilang
mga issues. Nganga. Buti na lang
meron kayong batang may laban.
Jusko huh, wag na ulitin next year!
Who will lead this years USC
kaya? I hope its someone who will
keri the struggle of us iskos, iskas, and
iskeys. Coz you know, theres too much
black propaganda happening lately
and its not maganda anymore. Lets
put the ganda back in propaganda
okay? Good luck mga besh! And lets
practice our right to vote even if it is
mainit and we become lechon this
election season!

NEWSCAN

UP Reps KARITAS AT DAMASO x


ISANG MAGSASAKA
TURN UP THE HEAT
SUMMER WITH UP REP!

THIS

Brace yourselves for a summer to


remember as the UP Repertory
Company brings you the twinbill
production KARITAS AT DAMASO
by U Z Eliserio and ISANG
MAGSASAKA by Reuel Aguila. With
fresh beats by hot up-and-coming
DJs, fabulous performances, sizzling
hot girls and guys gone wild plus
a handful of surprises, this is the
summer party youll #NeverForget!
Partys at The Club BTS on the following
dates: April 24 & April 26 (7pm), April
25, 27 & May 1 (3pm & 7pm).
For tickets, just contact MARA at
09178528950.
This 2015, the former organizers
of the University Job Fair officially
introduce the biggest UP Career Fair,
bridging over a hundred companies
to thousands of graduating students
each year through award-winning
creative executions.
Together with partner UP institutions,
organizations and corporate sponsors
we bring the largest and widest
career and internship market for the
UP Diliman graduating and junior
students. Our Four-day Career Fair
is integrated in the University-wide
Student Career Discovery Week,
ensuring maximum attention and
participation from all units.
We are inviting you to live your passion.
This coming May 5-8, 2015.
UP Vargas Museum, together with
Alpha Phi Beta Fraternity, presents
L. De Guzmns fifth solo show titled
UP Naming Mahal. It opens on
May 5, 6pm at the 3F Galleries of the
museum.
This exhibit is Alpha Phi Beta fraternitys
and the artists tribute to the University
as this serves as the accumulated
memories collected by the fraternity
over its 75 years of existence. Alpha
Phi Beta celebrated its 75th Founding
Anniversary last October 2014.
The exhibit runs through June 6.
For more information, please contact
Vargas Museum at (+632) 928-1927
(direct line), (+632) 981-8500 loc.
4024 (UP trunkline), (+632) 9281925 (fax) or send an e-mail to
vargasmuseum@gmail.com.
You
may also check our website at http://
vargasmuseum.upd.edu.ph or like
us at http://www.facebook.com/
vargasmuseum.upd and follow us @
UPVargasMuseum for updates.

EDITORYAL

12

Huwebes 23 Abril 2015

Panahon ng pagpili at pagtindig


Code of Student Conduct, paggigiit
ng karapatan sa paninirahan ng
mga komunidad na nahaharap
sa demolisyon.
Ang
kasaysayan
ng
lahat
ng konseho ng mga mag-aaral
ay kasaysayan ng kolektibong
pagkilos. Kasaysayan ito ng hindi
pananahimik sa mga isyu at hindi
napapagod na pagtindig para sa
tunay na pagbabago, karapatan,
at katarungan.
Ngunit nitong nagdaang mga
taon, hinahanap ng mga magaaral ang pagtindig ng USC para
sa kalakhan ng mga iskolar ng
bayan at ang tradisyon ng malakas
na pagsalungat sa mga kontra
mag-aaral at komunidad na mga
isyu tulad ng ST System, pagsikil
sa UP Manininda at Academic
Calendar Shift.
Hindi lang eleksyon ang USC
elections, panahon ito ng pagtimbang
ng mga politikal na partido at
kandidato, at ang kanilang politikal
na paninindigan at kamulatan sa
bawat iskolar ng bayan. Boboto ba
tayo dahil kaibigan natin ang mga
kandidato, o dahil ipinagtatanggol
nila ang karapatan natin. Ang USC
ay hindi kailanman simpleng opisina
lang. Hindi ito prestihiyo o gawad.
Ang tradisyon ng USC ay tradisyon
ng pagtindig para sa estudyante
at bayan, laban sa mapang-api at
dayuhang mandarambong, laban sa
tiwali at hungkag.
Kailangan natin ng isang konseho
na magpapatuloy ng militante at
progresibong kasaysayan ng USC
na mapangahas at sumusuong sa
laban para sa karapatan ng bawat
iskolar ng bayan. Isang konseho ng
mga estudyanteng maninindigan
na ang edukasyon ay karapatan
ng mamamayan, na ang UP ay
Pamantasan ng Bayan, at na ang mga
mag-aaral ay Iskolar ng Bayan.
Kaya
naman
higit
nating

Philippine Collegian
Mary Joy Capistrano
Punong Patnugot

Gloiza Rufina Plamenco


Kapatnugot

Emmanuel Jerome Tagaro


Patnugot sa Leyawt

Ysa Calinawan

Patnugot sa Grapix

John Keithley Difuntorum


Patnugot sa Litrato

Kawani Patricia Ramos


Pinansiya Amelyn Daga Tagapamahala Sa Sirkulasyon Paul John Alix
Sirkulasyon Gary Gabales, Amelito Jaena, Glenario Ommamalin
Mga Katuwang Na Kawani Trinidad Gabales, Gina Villas Kasapi UP
Systemwide Alliance of Student Publications and Writers
Organizations (Solidaridad), College Editors Guild of the Philippines
(CEGP) Pamuhatan Silid 401 Bulwagang Vinzons, Unibersidad ng
Pilipinas, Diliman, Lungsod Quezon Telefax 981-8500 lokal 4522
Online kule1415@gmail.com, www.philippinecollegian.org,
fb.com/philippinecollegian, twitter.com/kule1415

kailangan ng mga lider-estudyante


na may malinaw na tindig laban sa
korapsyon o tiwaling opisyal. Hindi
maikakaila na naging mapanghamon
ang taong ito para sa mga estudyante
ng unibersidad at ng mamamayang
Pilipino. Nariyan ang isyu ng
korapsyon ng itinuturing na Pork
Barrel King BS Aquino III at Sec.
Butch Abad. Nariyan ang walang
habas na pagtaas ng pamasahe sa
MRT at LRT.
Kasabay nito ang hamong
harapin ang mga isyu sa sektor ng
edukasyon tulad ng deregulasyon ng
edukasyon, tuition and other school
fees increases, academic calendar
shift, socialized tuition system, K
to 12 at Roadmap to Public Higher
Education Reforms (RPHER).
Idagdag pa rito ang mga
kampanya ng manininda laban sa
komersyalisayon,
manggagawa
laban
sa
kontraktwalisasyon,

Ang kasaysayan ng
lahat ng konseho
ng mga mag-aaral
ay kasaysayan ng
kolektibong pagkilos.
Kasaysayan ito ng
hindi pananahimik
sa mga isyu at hindi
napapagod na
pagtindig para sa
tunay na pagbabago,
karapatan, at
katarungan

magsasaka laban sa CARPER, at


iba pang sektor. Hamon sa atin
ngayon bilang mga iskolar ng
bayan na harapin at manindigan sa
hamon ng pagpili ng kandidatong
pasok sa pamantanyan ng liderestudyante na lagit laging may
pagkiling sa kapwa, makatarungan,
prinsipyado,
progresibo
at
may paninindigan.
Ngayon,
higit
kailanman,
kailangan natin ng USC at College
SCs na hindi isasangkalan ang
karapatan
at
kapakanan
ng
mga iskolar ng bayan at ng mga
mamamayan. Dahil ang eleksyon ay
hindi lamang panahon ng pagpili.
Itoy matamang pagsusuri at
marubdob na pakikilahok sa mga
kampanya at isyu ng mga mag-aaral
at mamamayan. Itoy panahon ng
pagharap at pagtindig.

SIPAT
Sa ika-92 taon ng Philippine Collegian, maglalathala ang pahayagan ng mga larawang
sasalamin sa tunay na kalagayan ng mga mamamayan sa isang marahas na lipunan.

Hamon ng Panahon

Mahirap maging babae,


pero kaya, kakayanin,
hanggang tagumpay.
Mga kababaihan ng Brgy.
Patungan, Maragondon, Cavite
*nanganganib mapaalis ang mga residente
ng Brgy. Patungansa Hacienda Looc dahil
sa militarisasyon at mga korporasyon na
nais gawing resort ang nasabing lugar

PANAHON NA ULIT NG PAGPILI.


Hamon sa bawat iskolar ng
bayan na tugunan ang panawagang
maging kritikal sa pagpili ng mga
kandidatong iluluklok sa konseho.
Bilang pangunahing kinatawan
ng mga mag-aaral, inaasahan
ang University Student Council
(USC) na manguna sa pagsusulong
ng karapatan hindi lamang ng
mga estudyante kundi maging
ng komunidad sa loob at labas
ng pamantasan.
Ngayong eleksyon, muli nating
masasaksihan sa pamantasan ang
pamumukadkad ng ibat ibang
kulayasul, dilaw, pula. Katumbas
nito ang ibat ibang tindig ng mga
partido hinggil sa isyu ng mga magaaral, kabataan at bayan.
Hindi lamang patungkol sa
pagpili ng mga kandidato ang
eleksyon. Binubuksan din nito
ang diskurso hinggil sa mga isyu
tulad ng mataas na matrikula,
mga polisiya ng administrasyong
kontra-estudyante at mga bogus
na reporma tulad na lamang ng
Socialized Tuition System na higit
na nagpapalala sa kalagayan ng mga
mag-aaral sa unibersidad.
Katulad
sa
pambansang
eleksyon, kung ang iniluluklok sa
posisyon ay pansariling interes
lamang ang isinusulong, nawawala
ang tunguhin ng konseho ng mga
mag-aaral na katawanin ang laban
ng mga estudyante at komunidad.
Saksi
ang
bawat
pahina
ng Collegian sa masaganang
kasaysayan ng pakikibaka ng USC
para sa pagpapatalsik sa dating
pangulong Joseph Estrada noong
2001, pakikibaka laban sa hindi
makatarungang 300 porsyentong
pagtaas ng matrikula noong 2006,
mga serye ng kilos-protesta laban
sa budget cut noong 2010 at 2011.
Hindi rin nagpatinag noon ang
konseho ng mga mag-aaral sa isyu ng

You might also like