You are on page 1of 16

HULING PAGPUPUGAY. Sama-sama ang mga mag-aaral, mga guro at kawani ng RMTU sa pagbibigay-pugay sa Ama ng Pamantasan na si Cong.

Antonio M. Diaz ng Ikalawang Distrito ng Zambales sa ginanap na Misa ng Pagpaparangal sa St. Williams Parish, Ago. 7

Binawian ng buhay sa edad na 83 ang tinaguriang Ama ng RMTU na si Cong. Antonio M. Diaz ng Ikalawang Distrito ng Zambales dahil sa multi-organ failure na kumplikasyon ng sakit na diabetes sa St. Lukes Medical Cente.r, Quezon City noong Ago. 3. Ang Ramon Magsaysay Technological University (RMTU) ay nagdalamhati sa pagkawala ng kongresista na siyang pangunahing may-akda ng Republic Act 8498 o ang batas na nagtatatadhana ng pag-iisa ng Ramon Magsaysay Polytechnic College (RMPC) sa Iba, Western Luzon Agricultural College (WLAC) sa San Marcelino at Candelaria School of Fisheries (CSF) sa Candelaria upang maging isang pamantasan. Ang nasabing batas, na pinagtibay noong Peb.12, 1998, ang itinuturing na pinakamalaking ambag ni Diaz sa larangan ng edukasyon sa lalawigan. Bilang pagpaparangal sa kanya, idinaos ang isang misa ng pagpupugay at pasasalamat sa St. Williams Parish sa bayan ng San Marcelino noong Ago. 7, na dinagsa ng mga estudyante, guro at kawani ng RMTU San Marcelino at Castillejos Campus. Dumalo rin sa nasabing misa ang ilang matataas na opisyal ng pamahalaan na isa-isang nagpahayag ng pagpupugay sa beteranong kongresista. Ayon kay dating gobernador Vic Magsaysay, na pinsan din ng nasirang representante, masipag mag-aral si Toniaz, mahirap tumabasan ang pagmamahal niya sa Zambales. Kung meron man akong kasalanan sayo, patawarin mo ako, at pinapatawad na rin kita sa mga kasalanan mo, dagdag pa ni Magsaysay na nagpahalakhak sa madla.

NINA JAMES E. ROBISON AT DANILO V. ROGAYAN JR.

Dumalo rin sa nasabing pagpaparangal sina Olongapo City Mayor James Gordon, Jr. at ang may-bahay nito na si Anne, Zambales ViceGovernor Ramon Lacbain, Board Member Pangan at ang mga kamag-anak ni Diaz. Nagbigay rin ng mensahe si Zambales Governor Hermogenes Ebdane kung saan binigyangdiin niya na ang araw na ito ay hindi araw para maging malungkot kundi alalahanin ang mga nagawang tulong ni Cong. Diaz. Ang labi ni Diaz ay isinama sa labi ng kanyang kabiyak alinsunod sa kanyang habilin upang silay magsama muli ng kanyang pinakamamahal na asawa. Hinahangang Mambabatas Nagpaabot rin ng pakikiramay ang matataas na opisyal ng bansa sa pagpanaw ng mambabatas. His demise is a great loss to the people of Zambales, whom he faithfully represented and served during his extensive years of service at the House of Representatives, ayon kay House Speaker Sonny Belmonte. Inilarawan naman ni Manila Bulletin Chairman Dr. Emilio T. Yap si Diaz bilang loyal, dedicated public servant, and a good and faithful friend. Isang necrological service ang isinagawa sa Batasang Pambansa session hall noong Ago. 4 bilang pagpupugay sa mambabatas. Lingkod Publiko Nagsimulang maglingkod si Diaz sa pamahalaan bilang Deputy Customs Commissioner

noong 1963. Nagsilbi rin siyan Tagapangulo sa legal department ng Land Reform Commission mula 1964-1965 at nahalal na vice governor ng Zambales noong 1967. Naging kasapi siya ng 7th Congress mula 1969-1973 kung saan kinatawan niya ang dating nag-iisang distrito ng Zambales at naging assemblyman ng Interim Batasang Pambansa mula 1984-1986. Noong 1992, naging kinatawan si Diaz ng ikalawang distrito ng Zambales hanggang 2001 matapos ang tatlong termino. Makalipas ng tatlong taon, muli siyang nahalal na kongresista mula 2004 hanggang sa siyay bawian ng buhay.

MGA NILALAMAN
BALITA Ramonian, nakasungkit ng tanso Iskolars nakilahok sa prayer rally Espiritu: Tuloy ang laban! EDITORYAL Adios Buenas Diaz! LATHALAIN Ay Em A Pilipino Ghost Leaders PANITIKAN Puti at Itim DEVCOM Green Tea: Nandito Na!

NI JAMES E. ROBISON NI KIMBERLY NICOLE GARCIA

Upang hasain ang kakayahan ng mga pinunong mag-aaral ng RMTU San Marcelino Campus sa pamumuno at paghahanda ng mga dokumentong pansamahan, ginanap ang isang Leadership Training and Writing Workshop sa Research, Extension and Training (RET) Center, Ago. 20. Isinagawa ang nasabing pagsasanay sa pangunguna ng Supreme Student Government (SSG) na dinaluhan ng mga pangulo, kalihim at ingatyaman ng bawat samahang pang-mag-aaral ng pamantasan. Naging tagapagsalita sa gawaing ito si Danilo V. Rogayan Jr., ang dating kalihim ng SSG at dating patnugot ng TECHNOSCRIBE. Hinubog ni Rogayan ang mga delegado sa tunay na kahulugan ng pamumuno na nakabase sa prinsipyo ng servant leadership. Sinanay rin ng UNAP Outstanding Youth Leader ang 50 pinunong mag-aaral sa paghahanda ng mahahalagang dokumentong pansamahan tulad ng pagsulat ng pormal na liham, paghahanda ng katitikan ng pagpupulong, paggawa ng mga resolusyon, pagbabalangkas ng action plan at paghahanda ng pahayag pampinansiyal. Matapos ng halos apat na oras na pagsasanay, iginawad kay Rogayan ang katibayan ng pasasalamat na pinangunahan ni Christian G.Awilan, pangulo ng SSG. Natapos ang programa sa paggagawad ng mga katibayan ng pakikiisa sa lahat ng mga nagsidalo.

Alinsunod sa Proklamasyon Bilang 1041, muling idinaos ang Buwan ng Wikang Filipino sa Ramon Magsaysay Technological University (RMTU) San Marcelino na ginanap sa Campus Covered Court, Ago. 19. Sa pangunguna ng SIKAT Filipino, Supreme Student Government (SSG), at sa pakikipagtulungan ng TECHNOSCRIBE, naging tampok sa pagdiriwang ang ibat ibang patimpalak na nilahukan ng mga mag-aaral mula hayskul at kolehiyo. Inilunsad muli sa ikatlong pagkakataon ang Tekno sa Filipino na nanguna naman sa mga patimpalak sa pagsulat. Tampok rin sa kulminasyon ng pagdiriwang ang mensahe ng naging pangunahing pandangal. Nagsilbing tagapagsalita sa taunang pagdiriwang na ito si Gng. Estrellita F.Torno, bagong guro sa Filipino ng kampus. Ang wikang Filipino ay saplot ng kaalaman na dapat ay pagyamanin at gamitin upang matahak natin ang tuwid na landas, hamon ni

Torno. Ang talumpati ng panauhin ay batay sa tema ng pagdiriwang, Ang Wikang Filipino ay Wikang Panlahat, Ilaw at Lakas sa Tuwid na Landas. Matapos ng kanyang pananalita, iginawad kay Torno ang sertipiko ng pagkilala nina Dr. Emma C. Ventura, Chancellor, at ni Dr. Beverly I. Agustin, Campus Registrar at Director for Instruction. Tampok rin sa pagdiriwang ang pagtatanghal ng Sining Folkloric Group (SFG) na nagpamalas ng mga sayawing kultural, sa ilalim ng pagsasanay ni G. Jim Barry Ordillas, Cultural and Literary Affairs (CLA) Director. Itinananghal rin sa kulminasyon ang mga lakan at lakambini mula sa ibat ibang departamento suot ang mga kasuotang Filipiniana kung saan iginawad ang G. Lakan kay Resty Susano Jr., at ang Bb. Lakambini kay Karen Dagtiquis. Ginawaran din ng sertipiko ng pakilala at cash award ang mga mag-aaral na nagwagi sa ibat ibang patimpalak.

LAKAN AT LAKAMBINI. Ang mga kandidato ng Lakan at Lakambini 2011 sa ginanap na pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa sa RMTU San Marcelino Campus, Ago. 19. (James Tabiolo) NI BRYAN JESTER S. BALMEO

Nahabol ni Reynaldo Orpia, BEED 4 student ang titulong fastest runner of RMTU ng maunahan nito ang iba pang kalahok na sumali sa naganap na Fun Run noong Oct. 17, sa Brgy. Nagbunga, San Marcelino, Zambales. Napataob ni Orpia ang 109 pang kalahok na nagmula sa ibat ibang kolehiyo sa pamantasan, na karamihan ay mag-aaral ng P.E. Ang tatlong kilometrong karera ay nagsimula sa Brgy. Nagbunga Plaza at natapos sa RMTU San Marcelino Covered Court. Bukod kay Orpia, kinilala rin ang galing nina Dustin Fabregas ng DAT I na pumangalawa na sinundan naman ni Michael Cortez ng DAT I na nalaglag sa ikatlong pwesto. Bukod sa kabutihan sa kalusugan na dulot ng pagtakbo, ang naganap na aktibidad ay isinagawa upang makalikom ng pondo na gagamitin para sa pagbili ng mga bagong sport equipment at iba pang kagamitan sa cultural affairs. Dahil dito, ang bawat kalahok ay nagbayad ng halagang 5o pesos bilang registration fee. Labis-labis ang pasasalamat ni Ordillas sa lahat ng mga tumulong upang maging matagumpay ang nasabing gawain.

Nakapagtala ang RMTU San Marcelino Campus ng 13.1% na pagtaas ng populasyon nito sa pagbubukas ng taong panuruang 2011 2012 na umabot sa kabuuang 683 na mag-aaral mula sa dating 604. Ayon kay Dr. Beverly Agustin, campus registrar, ang paglaki ng populasyon ng kampus ay bunsod ng patuloy na pagbibigay ng mga scholarship grants ng ibat ibang ahensya. Nabanggit rin ni Agustin na malaking tulong ang ginagawang career guidance na isinasagawa sa mga paaralang pansekundarya ng lalawigan. Base sa opisyal na buod ng populasyon, ang College of Education, Arts and Sciences (CEAS) ang nanguna sa mga dalubhasaan ng kampus na nakapagtala ng 384 na mag-

NINA IULUS RODOLFO P. FLORES II AT JOCELYN R. RACOMA

aaral, 299 sa teacher education program at 85 sa computer science program. Nakapagtala ng 109 kumpara sa 91 noong nakaraang taon ang kursong Bachelor of Secondary Education (BSEd). Tumaas naman ng 7 ang nagpatala sa Bachelor of Elementary Education (BEEd) mula 83 na mag-aaral noong nakaraang taon. Ang mga mag-aarala ng Associate in Computer Science (ACS) ay tumaas ng 89 mula sa dating 65. Pumangalawa naman ang College of Agriculture and Veterinary Medicine (CAVM) sa mga dalubhasaan ng kampus na may pinakamalaking populasyon. Nananatili pa rin ang Di-

ploma of Agricultural Technology (DAT) sa mga programa ng CAVM na may pinakamataas na bilang ng mag-aaral na umabot ng 84 mula sa bilang na 61. Tumaas naman sa kabuuang 24 na mag-aaral mula sa dating 7 ang kumuha ng BSA samantalang nagtala ng tig-16 na mag-aaral ang mga kursong Bachelor of Science in Animal Husbandry (BSAH) at Bachelor of Agricultural Technology (BAT). Ang College of Hotel and Restaurant Management (CHRM) ay nakapagtala ng 60 na mag-aaral sa kurso nitong Bachelor of Science in Hotel and Restaurant Management (BSHRM). Samantala, ang RMTU SM LHS ay nakapag-ambag ng 195 mula sa dating 194 na bilang ng mag-aaral.

NI DANILO V. ROGAYAN JR. NI EDJOHN HAROLD F. TOMBOC

CARAMOAN, Camarines Sur Muling pinatunayan ng Ramon Magsaysay Technological University (RMTU) ang kakayahan nitong makipagtagisan sa mga primyadong pamantasan at dalubhasaan sa bansa, matapos makuha ng mag-aaral mula sa RMTU San Marcelino Campus ang ikatlong puwesto sa National Environment Essay Writing Contest na ginanap rito, Abr. 30. Nasungkit ni Danilo V. Rogayan Jr., BSED IV, ang tansong medalya sa pagsulat ng sanaysay na nakatuon sa usaping pangkalikasan. Ang nasabing patimpalak-pagsulat ay isa sa mga gawain na inilunsad ng Students Actions Vital to the Environment and Mother Earth (SAVE ME) Movement kaugnay ng 6th National Kampo Kalikasan. Sa paksang, The Challenge of Environmental Degradation: Towards a Common Cause in Preserving Life on Earth, tinalakay ni Ro-

gayan sa kanyang sanaysay ang ibat ibang uri ng pagkasira ng kalikasan at kung paano ito matutugunan tungo sa pagpapanatili ng buhay sa mundo sa tulong ng nagkakaisang adhikain ng mga tao. Ang Tagapangasiwang Patnugot ng TECHNOSCRIBE ay tumanggap ng katibayan ng pagkilala sa ginanap na Gawad Parangal noong Mayo 1. Nagsilbing tagasanay ni Rogayan si Engr. Jerry S. Cristobal. Matatandaan na si Rogayan ay nakapag-uwi rin ng karangalan sa pamantasan nito lamang Disyembre 2010 matapos magwagi ng ikatlong puwesto sa National Rizal Essay Writing Contest na inorganisa naman ng Order of the Knights of Rizal na ginanap sa Baguio City. Ang karangalang ito ay hindi lamang para sa akin kundi para rin sa RMTU. At sanay maging inspirasyon ito ng mga kapwa ko magaaral , sabi ni Rogayan.

Hindi ako tuluyang mawawala. Sapagkat magsisilbi ninyo pa rin akong boses upang maiparinig natin ang ating mga saloobin nang walang takot at walang inuurungan. Ito ang mariing sinabi ng dating pangulo ng Supreme Student Government (SSG) na si Bryan Jester S. Balmeo sa kanyang talumpati ng pamamaalam sa ginanap na Induction Ceremonies and Acquaintance Party ng RMTU San Marcelino, Hul. 15. Nagsilbi ng dalawang taon bilang pangulo ng SSG si Balmeo mula noong 2009-2010 hanggang 2010 2011 . Alam ko, ipinagmamalaki ko, na akoy mamamaalam sa gabing ito. Sapagkat pinatunayan ko ang asal ng isang

NI DANILO V. ROGAYAN JR.

tunay na lider. Ang tanggapin ang salitang tama na, ang tanggapin ang katapusan ng paglilingkod. Hindi lahat ng lider kayang gawin yan, dagdag pa ni Balmeo. Biningyang-diin din niya ang mahalagang gampanin ng mga mag-aaral sa pag-unlad ng pamantasan at hinikayat silang huwag maging palaasa at matutong kumilos. Let us roll our sleeves and support the new administration. The new set of SSG officers badly need the support coming from all of you. Hindi nila kayo bibiguin, pero wag nyo rin silang biguin, hamon ni Balmeo. Pinasalamatan din nya ang lahat ng mga taong tumulong

KABATAANG PANGARAP NI RIZAL. Tumanggap ang BSED IV ng katibayan ng pasasalamat mula kay CEAS Dean Dr. Nestor Z. Rondina sa ginanap na Rizal Festival: Pepe at 150, Hun. 17.

sa kanya sa dalawang taon niyang pakikibaka. Nanumpa bilang bagong pangulo ng SSG si Christian G. Awilan, BSED III, na dating Pangalawang Ingat-Yaman ng samahan. Sa talumpati ng pagtanggap ni Awilan, ipinangako niya na gagawin nila ang lahat ng kanilang makakaya upang mapaglingkuran ang lahat ng mga mag-aaral. Samantala, naging tagapagsalita sa Induction Ceremonies si Jesus Vicente Jobo H. Masaysay na ikinatawan ni Rowena Quejada. Sa talumpati ni Quejada, binigyan diin niya ang kahalagahan ng pakikinig ng isang lider upang maging matagumpay ang isang samahan. Binanggit din ng tagapagsalita ang mga naging mahahalagang proyekto ni Congw. Mitos Magsaysay na nagbigayinspirasyon sa mga tagapakinig. Si Quejada ang tumayong tagpagpanumpa sa humigitkumulang 150 pinunong magaaral ng pamantasan. Matapos ng maramihang panunumpa, sinundan ito ng Acquaintance Party na kinatampukan ng Search for Mr. and Ms. Face of the Night. Nakuha nina Rowell Ico, BSHRM I, at Jenelyn Canlas, BSED III, ang nasabing titulo.

Sa ikatlong pagkakataon, muli na namang nagbigay ng nominasyon ang RMTU para sa Ayala Young Leaders Congress (AYLC) kung saan ang pangulo ng Supreme Student Government (SSG) ng RMTU San AWILAN Marcelino Campus ay kabilang sa mga opisyal na nominado. Si Christian G. Awilan, pangulo ng SSG, ay isa sa mga opisyal na kinatawan ng RMTU sa pristihiyosong search para sa pinakamahuhusay na lider sa bansa. Ang AYLC ay programa ng Ayala Group of Companies na patuloy na kumikilala sa mga pinunong mag-aaral sa bansa na nagpapamalas ng mga kahusayan sa pamumuno, may huwarang katangian at may malasakit sa pagbabago ng lipunan. Kasama ni Awilan sa nasabing nominasyon sina Rhaian M. Corpuz ng RMTU Sta. Cruz; Joel Ebalan, Tamy Oraya, Phil Collins Nequinto at Jorald Mangohig ng RMTU Masinloc; John dela Cruz ng RMTU Candelaria at Norvin de Ocampo ng RMTU Iba. Mula sa tigsasampung nominado ng 150 pamantasan at dalubhasaan sa buong Pilipnas, magkakaroon ng dalawang proseso ng pagpili hanggat masala ang Top 150 na pinakamahuhusay na lider. Ang 150 na napiling ito ay aanyayahan ng AYLC Secretariat para sa isang panayam na magaganap sa darating na Nobyembre sa Tower One, Makati City. Mula sa mga kinapanayam, ay pipili ng Top 80 na siyang dadalo sa 14th AYLC na gaganapin sa darating na Pebrero ng susunod na taon sa Alfonso, Cavite.
NI MANUEL Q. GARCIA JR.

I would like to say three things to all of you Thank you, congratulations and good luck! Thank you for choosing RMTU - San Marcelino Campus as your school. Congratulations for investing your future in this institution. And good luck to your stay here. Ito ang pahayag ni Prof. Luz N. Corpuz, Direktor ng Office of the Student Affairs (OSA) sa kanyang pangwakas na pananalita sa ginanap na Welcome and Orientation Program para sa mga bagong magaaral at transferees ng Ramon Magsaysay Technological University (RMTU) San Marcelino Campus, Hun. 14. Ipinakilala ni Dr. Beverly I. Agustin ang ibat ibang dekano at dekana ng mga dalubhasaan sa campus. Ang ikalawang bahagi ng programa ay ang pagpapaliwanag sa mga mag-aaral ng ibat ibang serbisyo na ibinibigay ng pamantasan. Katuwang sa pag-oorganisa ng nasabing programa si Prof. Ma. Milmor M. More, guidance counselor ng kampus. Natapos ang kalahating araw na programa sa pangwakas na pananalita ng direktor ng OSA.

Sa gulang na 83, natapos ang ilang dekadang pagbibigay ng serbisyo publiko ng itinuturing na ama ng RMTU na si Cong. Antonio Diaz matapos nitong bawian ng buhay sa sakit na multiorgan failure noong Agosto 3 sa St. Lukes Medical Center, sa siyudad ng Quezon. Si Diaz ay tinawag na ama ng pamantasan matapos nitong isabatas ang Republic Act No. 8498 na nagtatatag sa RMTU bilang isang pamantasan. Bukod pa rito, patuloy na nagbigay ng tulong ang butihing kongresista sa mga mag-aaral ng RMTU at sa iba pang kabataang nag-aaral sa pamamagitan ng pagbibigay ng iskolarship na naging malaking tulong lalo na sa mga estudyanteng hirap tumawid sa pag-aaral. Bilang Ramonian, kinikilala ng publikasyon ang natatanging kontribusyon ni Diaz sa pamantasang patuloy na naglalabas ng mga produktibong mamamayan ng lalawigan ng Zambales, maging ng buong bansa. Ang buong buhay ng kongresista

ay inilaan niya sa pagtulong sa iba, hindi lamang sa ikalawang distrito ng lalawigan kung hindi sa lahat ng kabataang naabot ng kanyang pagtulong. Sa natitira niyang sandali sa piling ng mga mahal niya sa buhay, patuloy siyang nagbigay ng suporta sa kanyang mga nasasakupan, katunayan ng kanyang pagpanaw habang kasalukuyang nakaupo bilang representante ng ikalawang distrito ng lalawigan. Sa ngalan ng kanyang mga anak sa RMTU, pinapahatid namin ang lubos naming pakikiramay sa pagpanaw ng isa sa tinitingalang tagapaglingkod sa bansa. Para sa lahat ng kanyang natulungan, lubos pusong pasasalamat na lamang ang kayang isukli sa kabutihan ng nag-iisang Cong. Antonio Diaz. At para sa lahat ng mag-aaral ng pamantasang itinuring siyang ama, pagluluksa at pagbibigay-pugay ang natatanging hakbang na kaya nilang ialay. Adios Buenas Diaz! Salamat, ama!

Sa ngalan ng kanyang mga anak sa RMTU, pinapahatid namin ang lubos naming pakikiramay sa pagpanaw ng isa sa tinitingalang tagapaglingkod sa bansa - Cong. Antonio M. Diaz.

BRYAN JESTER S. BALMEO

silentwarrior_14@yahoo.com

Buhay ko na ang Tekno, pero minsan, kailangan mong isakrispisyo ang sarili mong buhay para mabuhay ang iba Alam mo ba yung feeling na sobra kang nagulat sa isang bagay na nalaman mo tapos parang natulala ka na lang bigla at nanginig ang tuhod mo na parang hindi ka nakakain ng dalawang buwan? Yan, yang pakiramdam na yan ang nadama ko ng umalis si Maam Lorz, ang aming dating adviser, sa tekno. Nakakabaliw. Hindi kapani-paniwala. Nakakasira ng utak. Bakit ba maraming ayaw sa tekno? Hindi naman kami nakikipag-away. Kung puwede nga lang gumawa ng isang dyaryo na puno ng magagandang balita sa kampus ang laman ginawa na namin para masaya. Pero hindi BROCHURE ang TECHNOSCRIBE. Sumasalamin lang kami sa katotohanan. Kapag may nagcomment sa Tinig Tekno na nirereklamo ka sa isang bagay na ginawa mo naman talaga, kahit ka pa presidente o sekyu, wala kaming magagawa dahil opinyon yun ng estudyante, hindi namin. Kapag may nabalita sa dyaryo tungkol sa

extension ni University President, wala kaming kontrol dun, dahil sinasabi lang namin ang katotohanan, at bahala na ang babasa na magbigay ng opinyon tungkol sa nabasa niya. Kapag na-blind item ka dahil sa paggawa mo ng kabalbalan, wag kami ang sisihin mo, kundi ang sarili mo dahil ikaw ang gumawa ng kabulastugan. Aktibista kami agad? Hindi ba puwedeng advocates of truth muna? Mahal namin si Mamita, dahil siya ang reyna naming mga pusit. Pero kinailangan niyang umalis dahil may mga pwersang makulit na paulit -ulit na umaaligid sa trono niya. Spell consistent? Sila ang mga pwersang hiyang-hiya naman kami dahil super kapal ang mukha. Teka, mali ata ang pronoun ko. Parang singular lang ata dapat yung subject ko. Ang isang publikasyong iniipit ay isang pamantasang walang laya. Iniipit nga ba ang Tekno? Wala nga bang laya ang RMTU? Pasensya na, pero liliwanagin ko lang. Hindi kami naiinggit sa mayat mayang alis ng ibang opisyal patungo sa kung saan-saan na parang nagfi-field trip lang pero seminar pala gamit ang pera na sa amin mismo nanggaling. Ang tanong lang namin, karapat-dapat ba yan? Hindi kami kamag-anak ng mga contractual na delayed ang sahod. Ang tinatanong lang namin, hindi kaya makaaapekto sa amin kung ang mga guro ay demotivated dahil walang laman ang sikmura? Sundan sa pahina 13

Opisyal na Pahayagang Pang-Mag-aaral ng Ramon Magsaysay Technological University, San Marcelino Campus

PAMATNUGUTAN
TAONG PANURUAN 2011 - 2012 Bryan Jester S. Balmeo, Punong Patnugot Manuel Q. Garcia Jr., Pangalawang Patnugot Danilo V. Rogayan Jr., Tagapangasiwang Patnugot / Patnugot sa Pagaanyo James E. Robison, Patnugot sa Balita at Isports Luzzel P. Antonio, Patnugot sa Lathalain at Panitikan Jhouven Lyndon M. Rabara, Debuhista Alvin F. Panes, Tagapamahala sa Sirkulasyon Edjohn Harold F. Tomboc, Grace Ann E. Azurin, April Joy D. Valdez, Cindy F. de Asis, Kolumnista Divine Grace Valencia, Krizia de Guzman, Junalyn Gallardo, Tagapagbigay-Ulat Kimberly Nicole Garcia, Verna Morales, Jillian Ragadio, Anjannette Paje, Hazel Joy Espiritu, Iulus Rodolfo Flores, Jocelyn Racoma, Michael Macabulos, Noralyn Jimenez, Jazmene Esguerra, Trisha Aliven, Ronniel John Manahan, Patricia Jane Amiller Tagapangalap-Balita John Michael Fababier, Victor Marvic Bondoc, Christian Dimalaluan, Kartunista James Tabiolo, Ednalyn Arabe, Litratista. Reyna Lyn Angulo - Sahagun Tagapayo

Lumipas ang maraming taon. Nagtapos na ata ako naalala ng aking mgamagulang. Tuakong hayskul bilang balidiktoryan. Kinuha ko makbo ako. Tumakbo nang tumakbo. Isa lang ang kursong Mass Communication ayon na rin sa ang naisip kong gawin. Isa lang ang naisip kong gusto ng aking pamilya. Isa puntahan. Takbo rito takbo roon. kasing Sikat na broadcaster Dahil sa pinakasandali ng Dalaang luhang aking paghihinagang aking ina. Manunulat napis. aking buhay, nakatulong man sa diyaryo ang aking ama. Tumilapon ako. Basag ako sa aking pamilya. Di Angkor sa radio si kuya. ang ulo at wala na ang kanang MANUEL Q. GARCIA JR. man tagapamalita, pero Samantalang si ate grumadurexjan1215_ds@ymail.com braso. Halos di ako makilala. Naiweyt ng summa cum laude sa ako ang laman ng balita. balita ako sa T.V. naipahayag sa Mass Communication din. radyo at nasulat sa diyaryo. NaHindi nga nahuhuli sa matay ako. Ngunit kahit masakitsa kin ang nanbalitaan ang aming pamilya. Sa katunayan gyari, Masaya ako at tinanggap ng maluwag sa Wala akong makita. Wala akong punong-puno ng diyary ang aming sala. Bukas marinig. Wala akong maramdaman. Naninikipanang radio para mapakinggan si kuya, at sa T.V dibdib. Dahil sa pinakasandali ng aking buhay, gaki ng dibdib. Basang-basa ako. Wala akong namay inaabangan si mama. Hindi ko na alam nakatulong ako sa aking pamilya. Di man tagamaalala kundi ang pagluha ng aking mga mata. ang aking gagawin. Sobrang ingay sa amin. Biruin pamalita, pero ako ang laman ng balita. Hindi ko maipaliwanag ang nangyayari kundi ang mo, tinatanong sa akin ang mga balitang biglang pag-ihip ng hangin. Animoy bagyo sa kanilang sinasabi. Nagmimistulan na ring kwadra sobrang lakas na halos tangayin ang lantay kong ang sala, ipagupit ba naman sa aking lahat ng katawan. Walang sambit ang aking narining mga artikulong nilimbag ng aking ama. Kasabay kundi Halika nasa akin namany nakatawag pa nito angpagbabasa sa mga librong ginamit ni pansin. ate. Sabi ng aking Tiya Clarissa, magiging Lagi akong mag-isa sa bahay. Hindi na Sikat na manunulat ako. Pamana sa lahi naming halos makakain sa sobrangpuyat at pagod dala mamamahayag, sa diyaryo man o telebisyon. ng aking walang katapusang pag-aaral ng lekDANILO V. ROGAYAN JR. Pagkat sa halip daw ng umire ang nanay ko syon. Hindi ako komportable sa aking ginagawa. dvrj_07@yahoo.com noon, ay balita ang binibigkas nito. Gusto kong sumigaw. Gusto kong magwala. Siyam na taong gulang ako at nasa ikaHanggang sa nagdilim ang aking isipan. limang baiting sa elementarya. Matalino ako at Umalis ako ng bahay. Ilang Buwan top 1 sa iskul. Larawan ng isang masipag, mabait, akong hindi nagpakita sa aking pamilya. Di ako Nakatutuwang isipin na hawak-hawak ninyo at mapagmahal na anak. Tuwang-tuwa sa kin pumapasok. Palaboy sa lansangan at nalulongsa ngayon ang pahayagang ito na sa hinagap ay ang aking pamilya. At lagi nilang sinasabi na alak at masamang bisyo. Pero wala akong tawag hindi namin inakalang maililimbag. magiging magaling na manunulat daw ako baling na natatanggap galing sa aking mga magulang. Ang buhay naming mga student journalist ay araw. Umuwi ako ng bahay. Walang pinagbago. Hindi kakaiba sa buhay ng nakararaming mag-aaral. Nasabi ko ito sapagkat kami ang inatasang maging mga opisyal na tagapaghatid ng mahahalagang balita at impormasyon hindi lamang tungkol sa pamantasan bagkus maging sa karatig Karamihan sa mga estudyante ay bomoto sa inyo na pamayanan. dahil sa pinagkakatiwalaan nila kayo subalit nangangalaAng hamon ay hindi lamang nakasandig sa hati na ang taon kahit isang hibla ng inyong mga anino ay mga balitang ikakalap kundi sa mas malaki pang hindi makita ng mga estudyante. Umasa kami sa mga usapin - ang usapin ng pondo. mabulaklak na pangako na nagtulak sa amin upang JHOUVEN LYNDON M. RABARA kayoy iboto. Ang RMTU San Marcelino Campus ang isang jhouvenlyndonmanzanorabara@yahoo.com napakaliit na kampus kumpara sa iba kung Minsan na akong nagtanong kayat ang ponsong nailalaan para sa publikassa grupo ng mag-aaral sa ating yon ay hindi rin ganoon kalaki. Tuwing sasapit unibersidad kung kamusta ang ang pagpapalimbag ng diyaryo, una naming SSG, ang kanilang sagot Malay iniisip may pambayad kaya tayo para sa printing ko! press? Sa aking paglilibot, meron Hindi sa pagmamalaki, ngunit ang mga naman akong nakitang dayuhan manunulat ng na bumubuo ng publikasyong ito na galing sa Defend Zambales ay mga manunulat na nagwawagi sa regional, organization na itatago natin sa national at international na mga patimpalak sa pangalang Agent L na nagtanong pagsulat. Sa kabila ng kahusayang ito ay ang sa akin kung kumikilos ba ang aming maalab na hangaring makapaglingkod sa SSG Sumagot ang ilang estudaming mga mambabasa mula pamantasan hangyante sa kanya,, may SSG ba gang sa mga pamayanan. dito? Nakalulungkot lamang sapagkat ang suporta Aking mga kaibigan, isang para sa amin ay hindi ganoon kalaki. Sumusulat semestre na lang ang nalalabi at kami nang walang hinihintay na kapalit kahit umaasa kaming maipakikita ninyo simpleng meryenda o pangkain tuwing may mga na kapaki-pakinabang ang bawat presswork. tinta na nagamit namin noong Gayunpaman... Ito ang aming buhay.... Ang eleksyon. ang maghatid ng aming paglilingkod na walang Hangad kong ang kolum na hinihintay na kapalit kundi ang inyong pasaito ay magmulat sa inyo ng narasalamat! rapat niyong gawin!

best actors and actresses Can I grab a copy?...hehe (ADIK) To Dormitorians: Guys, be aware naman po kayo sa lahat ng ginagawa ninyo.. Sana magkaroon naman kayo kahit konting HIYA!!!! (NAPATINGIN LANG) To whom it may concern: Huwag ninyong gawing freedom wall ang mga benches lalo na kung my pinapatamaan kayo Alam niyo kung sino kayo . yearly ding pinipinturahan tapos yearly ding sinusulatan..?? ( INIZ) To SSG President: Knock-knock!! Hoooooooooy ! Gising ! Imulat mo po ang iyong mga mata ,kumilos ka naman. Huwag pa petiks petiks.. Do your responsibility!! (IRITADO) To RMTU Choir: Naks! Ang gagaling nyo po. Salamat at naibalik na rin ang choir sa school na ito .. Goodluck ! (SMILEY) To all students of RMTU SMC: Study well po tayo.Wag laruin ang pag aaral..Hirap maging TAMBAY (-^^-) To ADMIN: Ang galing po ! First time in history na tumagal ang INTRAMS ng 2 weeks ..sumabay pa ang bagyo.. (OBSERVER) To ADMIn: Kala ko po lumuwag ang OVAL, ang linis po kasi ehFrom forest to clean environment . (LAKAD) To whom it may concern: Napansin ko lang po parang dumami po ata ang class disruption ngayon.. paano na lang po kaya second sem na. (ESTUDYANTE) To all the tricycle drivers: Huwag naman po sanang sumama ang loob niyo sa tuwing naglalakad ang mga estudyante pauwi. Nagiging wais lang po kami !! heheh! (CHORVALOO) Big Library: Sana naman po pakibilisan ang systema ng kalakaran sa library.. Matatapos na po ang 1st sem wala pa rin po kaming library card. (FAIRYPIXIE) AYAN ahh!! Ayaw talaga paawat ng mga etech!. Sa mga hindi naisama dito, pasensya na poNext issue na langSEE YAH! Hangang sa muli tsk!

alvin_27panes@yahoo.com

ALVIN F. PANES

Magandang araw! Narito na ang bagong tagapaghatid ng mensahe sa kolum na ito. Maghahatid sa inyo ng mahihiwagang puri at komento ng mga solid RAMONIANS!! Well try to accommodate all your messages, mind you, limited lang space natin so make the most of it. Kuha niyo? To Educ!! Wow! Ang galing naman po ninyo, Hindi lang kayo mga future teachers, may future na din kayo sa pagtatanim , hahaha!!! Ecologist nga ba o agriculturist? (WONDERER) To SSG: Nasolve na po ng past administration yung about sa ilaw sa humanities, pwede po yung CR naman po, kulang po kasi sa tubig eh.. (HANEP) Para sayo!! Grabe!!! NakakaWOW naman po ang presyo ng CEdAS TShirt niyo OVER PRICE!! (EDUCATORS) To Admin: Sayang naman po yung building sa quadrangle Sana po irepair as soon as possible ng mapakinabangan pa po. (LINTA) To Smokers: Maawa naman po kayo sa amin hihikain po kami dahil sa inyo at makakasama pa sa kalusugan ninyo (DANGER_11) To Boy Sipag: Salamat po sa walang sawa niyong paglilinis sa mga facilities natin paano na po kaya kung wala na kayo?... Salamat po ng marami (IDOL) To SFG: HANEP!! NakakaWOW sa galing ang mga mananayaw ng RMTU SMC lalong-lalo na sa kanilang D.I na si Sir. JIM.. We are proud of you Sir. (R.M_25) To BSED-III: Stay strong!!!! Keep up the good work.isang taon na lang AJA!!!! (MUWAHH) To BSED-IV Success ang Past rizal festival film viewing po sa RET Kayo na po ang

Ang isang pampasaherong jeepney pag may pumara tumitigil. Bawat pagtigil may bumababa at sumasakay. At bawat pagsakay may hangganan kung hanggang saan niya gustong maglakbay. Sa tatlong taon kong naging bahagi ng publikasyon nakamulatan ko na ang nag iisang mamita nito. Kaya nang dumating ang balita na iiwan na niya ito samot saring katanungan ang pumasok sa aking isipan. Kaya naman inihahandog ko ang column na ito sa kanya. Nangalap ako ng sagot para sa tanong na SINO SI LORINA P. BUNDANG SAINYO? Narito ang ilan sa mga sagot ng senior writers. *** Si Mamita ay isang inang gagawin ang lahat para sa kaniyang anak. Ang hindi magregister para sa atspar para ipanggastos ng mga observers, ang magpasaya gamit ang simpleng kape, pagkain, o tinurbo na chicken, ang magbigay inspirasyon sa lahat, magpatibay ng pakpak at masayang tignan sila sa langit habang siyay naiwan sa lupa. Isang inang punong puno ng pagsasakripisyo. Isang inang hindi malilimutan. Siya lang yun. Siya lang! d best sya eh. -Bryan Jester S. Balmeo Siya ang nag iisang Mamita ng Tekno Pusits at walang makakapantay sakanya. Para sa nag iisa naming Mamita salamat po sa halos 4 na taong pagsasama natin sa Technoscribe. Hindi ko makakalimutan yung joke times at lahat ng drama moments natin. Wish ko lang ay patuloy kang magdala ng voice combo sandwich, saging, cookies at stertilize milk (namimiss ko na). pupunta po ako sa bahay nyo para sa paborito kong Cowhead. Pero Mamita, sana po itapon nyo na po yung expired na prunes. -Luzzel P. Antonio Ikaw na ang very Charming Mamita. salamat sa lahat ng inspirasyon, salamat sa pagtyityaga at salamat sa unlimited na bonding at food!(hehe) ikaw ng ng iisa at walang kapantay na mamita sa lahat Christ above all.. love you Maam.. -April Joy D. Valdez Si Mamita ang nag iisang TLC.. salamat sa mga oras na sinasamahan niyo ako sa pagpicture

GRACE A NN E. AZURIN
garah_naruto@yahoo.com

tuwing may program sa iskul. Lalo na po tuwing may accreditation. Masarap sa pakiramdam na tuwing may dokumentasyon, isinaalangalang niyo po kami palagi lagging may meryenda, hehe. Sinisiguradong nakauwi na, grabe po kayo magcare! Mahal po naming kayo! Nag iisa ka talaga! -Arianne P. Eugenio I LOVE YOU MAAM. -Edjohn Harold Tomboc Siya ang nag iisang fashionistang Mamita ng Tekno! Salamat po dahil binigyan mo ako ng pagkakataon na maibahagi ang aking talent sa pagsulat. Mamimiss aming ang kuwentuhan, tawanan, asaran, pati po yung pagkain na binigay niyo samin lalo na pag screening. Salamat pos a suporta. Ikaw na talaga! -Princes Dela Rosa Si Maam Lors ay walang katulad. - Danilo V. Rogayan Jr. At ayan ang mga saloobin nang ilan sa mga pusit na naging malapit sa nag iisang mamita. Maaring nagwakas na ang kaniyang tungkulin ngunit ang bawat aral ay mananatili sa amin. Nang pumara kami upang sumakay sa Tekno, ginabayan niyo kami. At hanggang ngayon nanatili pa rin kami sa pagbagtas sa nais naming marating. Pumara ka man upang bumaba, alam naming tatanawin mu pa rin kami para lalong ibahagi ang tinta na ikaw ang nagpatingkad upang magamit paparoon. Sa Bawat ngiti na nagpapalakas ng aming loob para magmulat ng iba pang pusit, SALAMAT! Sa bawat gabay na nagbibigay inspirasyon upang ipagpatuloy ang pagbibigay ng inpormasyon sa mga kapwa naming mag aaral, SALAMAT! At higit sa lahat SALAMAT sa PAGTITIWALA nung kamiy nag uumpisa pa lamang. Ikaw ang nagpatatag sa kakarampot na tinta ng isang pusit na pag pinagsama sama makakabuo ng isang kasangkapan na maghahatid sa Kalawakan. Sana pumara ka ulit! Mamita Ikaw na talaga!

NI BRYAN JESTER S. BALMEO

NI BRYAN JESTER S. BALMEO

Pinangunahan ng Office of the Student Affairs (OSA) ng RMTU San Marcelino Campus ang pagsasagawa ng kauna-unahang campus planning workshop para sa taong panuruang 2011 2012 na ginanap sa Research, Extension, Training (RET) Center, Hul. 2. Ang araw na ito ay inilaan para pag-usapan ang mga bagay na dapat nating gawin sa kabuuan ng taon, pahayag ni Prof. Luz Corpuz, Direktor ng OSA. Dinaluhan ang nasabing planning workshop ng mga opisyal ng pamantasan kabilang sina Dr. Emma C. Ventura, Chancellor; Prof. Ma. Milmor More, Guidance Counselor; Gng. Reyna Lyn Sahagun, tagapayo ng TECHNOSCRIBE; Gng. Lea Dollete, tagapayo ng Supreme Student Government; Prof. Marietta Romera, Chief ng Student Body Organization; Bb.

Katherine Lara, campus nurse; at Bb. Nerissa Antonio, dorm parent. Nakiisa din sa nasabing workshop si Bryan Jester S. Balmeo at Grace Ann Azurin, kinatawan ng mga mag-aaral. Tinalakay ng mga dumalo ang mga nagawa ng bawat organisasyon ng nakaraang taon gayun din ang mga plano para sa taong kasalukuyan. Ang program of activities ng kanya-kanyang organisasyon ay isa-isang ipinakita ng bawat kinatawan. Layunin nitong maiwasan ang pag-uulit-ulit ng mga gawain na siyang naging posibleng dahilan ng labis-labis na extra-curricular activities ng nakaraang taon. Isa pa sa mga tinalakay sa workshop ay ang pagpapalawig pa lalo ng suporta ng administrasyon sa mga mag-aaral na kumakatawan sa pamantasan sa ibat ibang patimpalak.

Kailangang magkaroon ng pakikipag-ugnayan sa ibat ibang organisasyon para magkaroon tayo ng mga pangalan ng mga mag-aaral na nananalo sa mga patimpalak na inilulunsad nila, mungkahi ni More, makatutulong ito ng malaki para kung sakaling kailanganin ang mga estudyanteng kakatawan sa kampus ay mayroon na tayong makukuha, upang makaiwas sa basta-bastang pagkuha sa mga mag-aaral para lamang may mailaban. Tinalakay rin sa nasabing workshop ang kalagayan ng ibat ibang pasilidad ng pamantasan, kabilang na rin ang seguridad at kalinisan ng dalawang dormitoryo ng kampus na kung saan may ilang kaso na ang naitala hinggil sa mga kaguluhang nagaganap dito. Ang lahat ng mga awtput ay inaasahang makatutulong sa mas maayos na pamamalakad ng kampus sa taong ito.

Kinilala ang mga bagong luklok na opisyal ng Federated Parents Teachers and Community Association (FPTCA) ng RMTU San Marcelino Campus sa ginanap na Oath Taking Rites sa RMTU Covered Court, Ago. 19. Sa pangunguna ni FPTCA President Leopoldo Fabro, ang mga opisyal ay nanumpa sa katungkulan sa pamamagitan ni Prof. Seth O. Binoya na siyang nagsilbing inducting officer. Kasamang nanumpa sina Elyn Francia, Pang. Pangulo; Aurora Florita, Kalihim; Leah Jean Arriola, Pang. Kalihim; Nila Pilien, Ingat-Yaman; Nora Gayos, Pang. Ingat-Yaman; Gilbert Dacayo at Cecilia Asis, Awditor; Florence Raguine, Jovita Ambrosio, Rogelio Cantil, at Ernesto Esteban,Tagapamahala; Merlita Dela Cruz, Emily Abdon, Myrna Reg, at Eugenio Grospe, Jr., Tagapamayapa. Matapos ng panunumpa, nagbigay ng mensahe ang pangulo ng FPTCA kung saan binanggit niya na primera ang kalidad ng edukasyon ng institusyon kung saan nagsilbi rin siyang guro. Nagagalak ako sa mga kaganapan na halos bumuhos ang luha sa aking mata ngunit nakalulungkot rin lamang dahil kahabag-habag ang ating unibersidad pagdating sa pondo, RMTU needs help, kahit maliit na bagay iyan ay tatanawin nating malaking tulong, ayon naman kay Binoya. magturo. Nitong Mayo ay nadala siya sa bagong posisyong University Director for Accreditation, na pinalitan din noong sumunod na BOR meeting at ginawang University Director for Quality AssurESPIRITU ance (QA). Sinisigurado ng QA na ang misyon ng isang institusyon ay natutupad at humahantong sa produktong may nakakaangat na kalidad. It clarifies questions such as: Where do we want to go; what are we doing to get there; How are we doing it,paliwanag ni Espiritu ng tanungin kung ano ang trabaho ng isang Quality Assurance Director, It tries to ensure that graduates are adequately prepared for the world of work. Bago pa ang nasabing designasyon ay kilala ng kritiko ng administrasyon si Espiritu. Katunayan ang liham na ipinasa niya sa Board of Regents sampu ng iba pang faculty, students, at alumni na humihiling pagliliwanag ng search para sa bagong pangulo ng RMTU. Matatandaang ito ay isinulat dahil, maliban sa retired na si Dr. Rosete, natapos na niya ang two terms na itinakda ng RA 8292 para sa paninilbihan ng isang university president. Nang tinanong ng TECHNOSCRIBE kung sa tingin niya ay may kinalaman ba ang nasabing liham sa kanyang designasyon, sinabi niyang maaaring isa nga ito sa naging pangunahing dahilan. Sundan sa pahina 15

NI MICHAEL S. MACABULOS

NI BRYAN JESTER S. BALMEO

OLONGAPO CITY Nagsama-sama ang mga daan-daang iskolar ng unang distrito ng Zambales sa ginanap na prayer rally sa Columban Church dito, Set. 10. Layunin ng nasabing prayer rally na ipagdasal na i-release ni Pang. Noynoy Aquino ang Priority Development Assistance Fund (PDAF) ni Congw. Mitos Magsaysay nang sa ganun ay masuportahan at maipagpatuloy ang pag-aaral ng mga iskolar. Dumalo rin sa nasabing pagtitipon ang ilang pulitiko, kasapi ng simbahan at mga magulang na nakikiisa sa adhikain ng kongresista. Ganap na alas-tres ng hapon nang simulan ang misa kung saan ang mga piling iskolar ay nagbigay ng kanilang mga testimonya. Ayon sa sermon ni Fr. Cris Cacho, sanay mapatawad ng Diyos ang ating pangulo at sanay magsisi siya at maawa sa mga kabataang tinanggalan niya ng pangarap. Binulalas din ng mga iskolar sa nasabing rally ang mga katagang hindi susi sa kahirapan ang magpamudmod ng condom at ng pills ang susi sa kahirapan ay edukasyon. Ang dalawang oras na prayer rally ay pinangunahan ni Bb. Rowena Quejada, Chief-of-Staff ng kongresista. Wag nating hayaang mawala ang pondo na dapat ay nakalaan naman talaga sa mga mamamayan ng unang distrito. Wag niyang hayaang ipagkait sa inyo ang edukasyon na dapat niyong tamasahin, wika ni Quejada sa pagtatapos ng rally.

Alinsunod sa kapangyarihan ng pangulo ng pamantasan na si Dr. Feliciano S. Rosete, umupo bilang kauna-unahang University Director for Quality Assurance si Dr. Jo A. Espiritu, dating Educational Research Coordinator ng San Marcelino Campus. Si Espiritu ay naglilingkod na sa pamantasan taon pang 1980, mula sa pagiging Secondary School Teacher ng nooy Western Luzon Agricultural College (WLAC) hanggang sa mapunta ito sa pagiging guro sa kolehiyo para sa asignaturang Agricultural Economics. Pagkatapos ng 15 taon, naupo naman ito bilang Research Director na tumagal ng limang taon (1994-1999). Hindi naging madali o mabilis ang pag-usad sa bawat baitang, pahayag ni Espiritu. Pinatigil sa paglilingkod bilang Research Director si Espiritu ng kaguluhan sa paglalagak ng bagong pangulo ng nooy katatatag na bagong pamantasan. Iniluklok siya ng nooy bagong upo na University President Rosete bilang Vice President for Research, Extension and Training. Matapos ng isang taon, kinailangan niyang pagtuunan ng buong atensyon ang kanyang pagaaral, kayat napagdesisyunan niyang iwan sumandali ang nasabing posisyon. The position was such a struggle that I felt I was not ready for the position then, amin niya. Habang nag-aaral ay naging Campus Coordinator for Educational Research si Espiritu sa San Marcelino Campus kung saan din siya bumalik

NI BRYAN JESTER S. BALMEO

Ang Pinoy ay masyado ng nalulunod sa mga bagong nangyayari sa kanyang paligid na nakakalimutan na niya ang kanyang sarili.
Ang Pilipino, este Filipino pala, ay hindi rin naiiba sa karamihan ng lahing naglipana sa buong mundo. Sa pagdaan ng panahon, sa halip na tayo ang magbago sa sandamakmak nating paniniwala ay tayo pa ang nababago ng mga herodes na gawi na ipinackage sa atin ng ibang bansa. Kamusta naman daw ang pagkatao ng isang Filipino? (take note the F) Kilala pa ba natin ang ating mga sarili? O biktima na tayo ng sarili nating kaugalian- ang panggagaya puto maya sa ibang bansa? Sa paglipas ng panahon, anu-ano nga ba ang mga nabago at hindi nabago sa atin? Anu-ano ang iniambag ng midya sa mga pagbabagong ito? Magkaroon tayo ng saglit na boso sa kabinet ng pinoy at silipin natin ang kalansay sa loob nito sa pamamagitan ng tatlong magkakaibang isyung yumanig sa sambayanang Filipino. 1. Gumiho vs. Maureen Seo: Ang Drama ng Imported Telenovelas Kamusta naman daw ang mga dramang napapanood mo sa gabi? Isa ka ba sa mga naging adik sa sandamakmak na buntot ni Gumiho? O isa ka sa mga nakiiiyak sa dalamhati ni Congresswoman Maureen Seo? Saan man sa dalawa, adik ka na malamang sa mga imported drama na pinatungan ng wika natin para masaya. Ngayon, hindi pa nakontento dun ang mga TV Network, may remaking na rin ng kung anu-anong drama na nagmula sa ibang bansa. Andyan na si Maria del Barrio, si Marimar at Rosalinda. Ginawa na ring favourite concert place ang bansa natin ng kung anu-anong foreign groups o

artists. Tuwang-tuwa tayong pag iniinterview ng media ang mga linsyak na dayuhang hindi natin maintindihan dahil sa baluktot nilang English na sasamahan pa ng dialog na, Mahal ko kayowgamit ang baluktot na dila. Aliw na aliw tayo sa mga singkit, mapuputi, at mala-goliath na tangkad na mga dayuhang namamasukang artista sa ating bansa. Tuwang-tuwa tayong nagmamasid habang unti-unting nilalamon ng ugaling hindi atin ang ating sistema. Gusto niyo akong tanungin kung hindi naman ako masyadong galit sa lagay kong ito? Hindi naman, nagpapaliwanag lang. 2. Azkals vs. Dragonboat Team PH Azkals: 0 Golds, 0 trophies, 5 TV ads, 20% Pinoy PH Dragonboat team (2011) : 5 Golds, 0 commercials, 90% Pinoy PH Azkals: with sponsors PH Dragon boat team: inutang at KKB pamasahe. PH Azkals: complete outfit PH dragon boat team,; nanghiram pa ng sagwan sa kalaban. Sasagwan ka ba sa KARANGALAN o sisipa sa PAPOGIAN? Ewan ko na lang sa cellphone o facebook account mo kung hindi napadaanan ng mata mo ang mensahe sa itaas. Dragon boat team laban sa Azkals? Sa totoo lang, hindi sila ang magkaaway, kung hindi ang kani-kaniyang mga tagahanga ng bawat isa. Hindi maalis

sa mga purista kung bakit napuno ng sandamakmak na half breeds ang Team Azkals at kung bakit lagi na lang sila

ang inihaharap sa mga interview ng midya at nawala na sa tanglaw ng madla ang mga purong Pilipino. (Dahil ba hindi sila masyadong guwapo?) ODK! (O Diyos Ko!) Isa ba itong malinaw (na naman) na kaso ng labis-labis nating pagmamahal sa itsura at gawi ng ibang bansa? Sabi ng iba, hindi naman tayo dapat magtalo pa dahil parehas naman silang nagdadala ng karangalan sa Pilipinas. Ang mahalaga ay may ritmo pa rin ang Dragonboat Team at nakakapag guest pa rin si Phil Younghusband sa TV habang sinasagot ang isyu sa kanila ni Angel Locsin. Ayiii! Pero teka, nasaan ang football? 3. Pagkatao vs. Pagkatuto: Ang Inarte ni James Soriano Sabi ni Pareng James sa kanyang Language, Learning, Identity, Privilege, he makes gamit lang daw Filipino to make utos to his tsimaaa and driver. He uses daw English in basa, sulat, and salita. Sosyal! Siya na talaga ang inglesero. Siya na ang

may slang! Nakakasira ng utak. Ang wikang Filipino daw ay wikang pangkalsada. Sabi pa niya, it will never be the language of the learned. Nagreact ang buong Pilipinas sa artikulo ni Soriano, karamihan ay kinokondena ang kanyang mga sinabi. Isa daw itong pambabastos at panghahamak sa wikang Filipino. Tinawag pa nilang ipokrito si James dahil hindi raw ito marunong tanggapin ang pagiging Filipino kaya daig pa raw niya ang malansang isda. Ows talaga? Hindi kaya nagagalit sila dahil tinamaan sila sa artikulo ni James? Bakit ba ganun ang kinahinatnan ng wikang Filipino? Hindi bat dahil sa pagpipilit nating makisabay (na naman) sa takbo ng buhay sa buong mundo? Hindi ba dahil hindi natin binigyan ng pagkakataon ang ating wika dahil wala raw itong puwang sa globalized economy? Sino ba talaga ang may kasalanan? Si James na nagsiwalat ng totoo o ang mga Filipinong mas piniling balewalain ang sariling wika para makasabay sa agos ng panahon? Iba-ibang sitwasyon subalit nagpapakita ng iisang mensahe. Ang Pinoy ay masyado ng nalulunod sa mga bagong nangyayari sa kanyang paligid na nakakalimutan na niya ang kanyang sarili. Hindi rin maikakaila ang malaking ambag ng midya sa mga pagbabagong ito. Isang bansang buo ang pagkatao. Hindi ba ito posible? Hindi ba ito maaaring mangyari?

NI KIMBERLY NICOLE O. GARCIA

Its SHOWTIME! Moderno na ang mundo. Hindi lang natin ito napapanood sa TV, napapakinggan sa radyo at nakikita sa paligid. Nasa puso na natin ang pagbabago magandang pagbabago na kahit papaano ay nagpapaunlad sa akin at sa iyo. At unti-unti ay pinapasunod tayo nito. Tulad na lang ngayon. Jose Maria Borja Viceral. Hindi mo kilala? Eh kung sabihin kong Vice Ganda? Malamang hindi ko pa nasasabi nang buo ang kanyang pangalan eh sasabihin mo nang, oo. Kilala mo siya. At sino ba naman ang hindi nakakakilala sa kanya ngayon? Sa kanya na siyang naging dahilan kaya halos wala nang makausap na matino sa ating kabataan. Sa kanya na nagpauso ng mga pambabara sa kalye. Sige na, siya na ang kilala nang buong bayan. Siya na ang sikat. At siyempre kapag sikat na personalidad, iniidolo. Ginagaya. Tinitingala. At di magtatagal ay magiging mukha at salamin ng taong-bayan. At ganun na nga ang nangyayari. Hindi na lang natin namalayan ang pagsikat ni Vice. Isang araw nagising na lang tayo na siya na ang bukambibig ng mga tao bata, matanda, basta kahit sino. Lahat na kilala siya, at lahat gustong gayahin ang mga gingawa niya kung paano siya Paalala: Ang bahaging ito ay di pwede sa mg pikon o sensitibo. Bawal ang maasar at walang personalan. Kaya pasintabi lang sa mga matatamaan. Pansin ko lang, bakit kaya may mga estudyante ng RMTU-SM na 1. Ang taas ng energy level sa pagiingay, tilian, harutan, kantyawan, kwentuhan, sigawan? Pero wag ka! Pag nasa classroom discussion, daig pa ang na-comatose o naparaplegia. Akalain mong halos di makapagsalita at maka-kilos pag tinatanong ng titser/ propesor niya. Hanep ka! 2. Mas gustong magpalipas ng oras sa canteen o kahit sa ibang lugar inside the campus habang humihithit ng sigarilyo? Grabe ha! Mapa-babae man o mapalalaki naninigarilyo. When they smoke, it seems there is no tomorrow anymore. Maawa naman sana kayo sa mga magulang niyo na nagtatrabaho mabigyan lang kayo ng baon, tapos ibibili niyo lang ng sigarilyo (nasaan ang konsensiya niyo?). Para na rin kayong nagsunog ng pera at di man lang binigyang importansiya ang paghihirap ng mga magulang niyo. At saka mahiya rin kayo

magjoke, kung paano siya mamrangka, kung ano ang personalidad niya. To the fact na siya ang kauna-unahang Filipino celebrity na umabot sa isang milyon ang fans in ding social networking site na Facebook. Sa mga oras na ito ay umaabot na sa apat na milyon ang fans niya. Bongga diba? Siya na talaga. Pero bakit nga ba siya tanggap sa isang lipunang Katoliko na hindi pinapaboran ang mga nasa third sex? Paano siya naging sikat sa atin? O mas magandang tanungin, ano ang dahilan bakit napabilang ang isang katulad ni Vice Ganda sa mga taong hinahangaan ng mga nakararaming Pilipino? Hindi lingid sa ating kaalaman na marami sa mga nasa ikatlong dimension ang hindi kayang lumabas. Marami ang takot at hindi kayang lumantad nang ganun-ganun na lang dahil na rin sa uri ng lipunan na meron tayong mga Pilipino. Takot sila sa mapanghusgang mga tao na nagkalat sa tabi-tabi. Sa mga bagay na pwedeng ibato sa kanila. At sa lahat-lahat pa na maaaring makasakit sa kanilang mga damdamin. Pero iba na ngayon. At sino ang kanilang hero? The one and only Vice Ganda! Itinayo niya ang naghihingalong bandera ng mga taong katulad niya. Dahil alam ng mga taong ito na naggaling sa mga katabi niyo na nakakalanghap ng mga binubuga niyong usok at nakaka-amoy ng halitosis galing sa mga bunganga niyo. Yuckness! 3. Ang hilig sa vandalism? Ubusan ng tinta ng pentel pen ang labanan dito kaya ayaw ko ng mag-comment, pero ang maipapayo ko lang sa inyo, pag wala ng space sa mga benches at pader, try niyong sulatan yang mga mukha niyo tapos harap kayo sa salamin. Wow! ganyan karumi ang gawain niyo! 4. Ginagawang upuan ang lamesa at ang upuan ay inaapakan? Defenitely, Im referring to the benches and tables around the campus. Subukan niyo kayang gawin din ito sa hapag kainan niyo sa bahay! Yung tipong pag kakain kayo e nasa lamesa rin kayo nakaupo katabi ng mga ulam, kanin, plato, kutsara, tinidor, kaldero at kung anuano pa. Ahmmm!!! Happy eating na lang sa inyo! 5. Masaya tuwing walang klase? Marahil dahil sa ideya na pag walang klase, wala ring experiments, exercises, assignments, quizzes, etc. Dahil nga walang klase pero may baon, maaaring gamitin ang mahabang oras sa paglalakwatsa, paglalaro, pag-iistambay, panliligaw, pakikipagkuwentuhan, at pakikipagbolahan sa mga manliligaw at pag-uubos ng oras ng mga may boyfriend(s) or girlfriend(s) nang magkasama ang saya diba? Wala naman sigurong masama doon ngunit bilang mga anak na pina-

din siya sa posisyon nila kung saan takot din siyang ilabas ang kanyang totoo at hindi balatkayong katauhan. Ngunit ngayon ay nasaan si Vice? Nasa bantayog ng kasikatan. Na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagmamaliw. Dahil sa pagmamahal sa kanya ng kanyang mga madlang people. Siya ang modernong salamin ng modernong lipunan. Kabilang siya sa ikatlong dimensiyon. Nanggaling sa isang pamilyang hindi masyadong nakaririwasa sa buhay ngunit nagsikap upang umunlad. Mapagmahal sa ina at mga kapatid katulad din ng isang tipikal na Pilipino. Mapagbiro. Palatawa. Paborito at ginagaya natin siya dahil nakikita natin sa kanya ang ating mga sarili. Binabago niya tayo sa paraang maipapahayag natin ang tunay nating mga sarili. At sa kasalukuyang mundo ng press, siya-si Vice Ganda ang mayroong pinakamalaking impluwensiya sa atin. Aminin man natin ito o hindi. Bago pa maniwala ang ibang tao sa inyo, maniwala muna kayo sa sarili niyo.- Jose Maria Borja-Viceral, The National Horse of the Philippines

NI RAMONITA ECHOSERA

pag-aral at iskolar na matatawag dahil sa pagsagot ng gobyerno sa ibang gastusin sa eskwelahan dapat tayong MAHIYA!!! Dahil hirap at pawis ang kapalit ng ating pag-aaral. Kaya naman dapat din nating pahalagahan ang ating pag-aaral. 6. Mahilig sa long distance call? Yung tipong nag-uusap nang super layo. Malayo na nga yung isa e pilit pa ring tinatawag at kinakausap ng pasigaw. Halimbawa, yung isa nasa Rizal park tapos yung isa naman ay nasa Magsaysay park. Imagine! Para tuloy nasa bundok. Nakakahiya. Try niyo kayang mag-usap na iyong isa ay nasa tapat ng vetpark at yung isa naman ay nasa puno ng bangar. Grabeng layo yun ah! Carry nio? Wala naman siguro kayo sa Citizenship Advancement Training (CAT) para kailanganing sumigaw kapag nag-command ang in-charge officer ng sabayang utos diba? In fairness, I cannot deny the fact na natamaan din ako lalo na sa panglima. Pero, meron mang masamang habits tayong mga Ramonian, may mga nagagawa pa rin naman tayong tunay na maipagmamalaki sa iba. Dapat lang nating itama ang mga maling gawain para mas mapabuti ang ating pamantasan. Tandaan, bawat Ramonian ay may tungkuling dapat gampanan. Baboo!

Rampahan ng mga Maiingay at Tumitira ng Umuusbong na damo. Ito na nga ang makabagong pangalan na sumasakto sa ating pinakamamahal na pamantasan. Siguro sa umpisa ay magtataka ang bagong saltang estudyante kung pamantasan ba talaga o pastulan ang pinasok niya. Ngunit sa paglipas ng mga panahon ay masasanay na rin siya at tila hindi na mapapansin ang mga hayop na ito kahit gumawa pa ng milagro ang mga ito sa harapan niya. Subalit, ano nga ba talaga ang misyon ng mga kambing na ito sa ating unibersidad? Sila ba ay isinugo upang mas lalo tayong maging inspirado sa pag-aaral? Wala silang ibang ginawa kundi ikalat ang mga basura at manira ng mga halaman. Nakakadiri pa ang mga dumi nila. Ito ang nagkakaisang reaksyon ng mga estudyante ng RMTU SM Campus kapag tinatanong sila tungkol sa mga kambing. Kontrabida sa kapaligiran at sa mga nagmamalinis. Oo, totoong sinisimot nila ang mga natitirang pagkain mula sa mga plastik ng mga junk foods at sila rin ang salarin sa pagbunot ng mga halamang itinatanim ng mga estudyante

ng NSTP, ngunit mula sa mga aksyon nilang ito ay may itinuturo silang mahalagang bagay. Iyon ay ang pagkakaroon natin ng pokus at pakialam sa ating kapaligiran. Dahil sa kanila, napapansin natin na marumi na pala ang ating kapaligiran at mabubuo sa atin ngayon ang tunay na disiplina sa kalinisan. Mahuhusay din silang supervisors. Mahilig sa paglalakbay sa loob ng campus ang mga kaibigan nating kambing kaya hindi na dapat pang pagtakahan kung pati sa loob ng silid aralan ay matatagpuan sila. Mas mararamdaman pa natin ang kanilang presensya dahil sa mga makabuluhang meee meee meee na kanilang tinuturan. Maaaring masasabi natin na nakasisira sila ng momentum sa pag-aaral at sa klase ngunit sila rin ang mga natatanging nilalang na nagpapaalala sa atin na hindi tayo magtatagumpay kung puro kaseryosohan ang ating ipapairal. Ginigising nila tayo upang maging mahinahon at tinuturuan nila tayong ngumiti sa kabila ng paghihirap sa mga exams, projects at mga bayarin. Supervisors sila upang magpakalat ng aliw at kaligayahan sa mga estudyanteng nawawalan na ng pag-asa at nagiging tulala dahil sa mga problema. Zoo na nga raw na maituturing at hindi na isang unibersidad ang ating campus ngayon. At lahat ng ito ay sinisisi ng ibang estudyante sa mga kambing. Mukha na ngang kagubatan ang

NI CINDY F. DE ASIS

matatanaw sa ating kapaligiran ay nadagdagan pa ng mga hayop. Subalit ang katotohanan ding ito ang siyang nagsisilbing guro natin upang matuto tayong makuntento sa mga bagay bagay na nasa pamantasan natin. Hindi nga ito zoo kaya naman lalo pa nating patunayan na ang campus natin ay sandigan ng karunungan sa pamamagitan ng pag-aaral ng mabuti at hindi ng pamimintas at pagiisa-isa sa mga kakulangang nakikita natin. Hayop sila at tayo ay mga estudyante. Mayroon mang kaunting kaibahan ngunit tayo ay may iisang tinuturing na tahanan. Sa ayaw natin at sa gusto ay sila ang lagi nating kasama sa pagharap sa mga pagsubok na humahamon sa atin sa araw araw. Sila ang nagiging karamay natin sa pag inda sa mga paghihirap na nararanasan ng unibersidad natin ang matinding pagbaha tuwing tag-ulan, ang pagdumi ng kapaligiran at kung anu ano pa. Hindi man sila humaharap sa atin sa klase bilang isang pormal na guro ay hindi naman natin maitatanggi na maraming mga bagay ang maaari nilang maituro sa atin. Kahit ilang beses pa tayo mainis sa kanila at kahit ilang ulit pa nating palitan ang kahulugan ng RMTU dahil sa kanila, hindi natin maiaalis ang katotohanan na ang mga kambing ay parte ng ating unibersidad. At ang Ramon Magsaysay Technological University San Marcelino Campus ay hindi mabubuo ng wala sila. Meee Meee Meee !!! (tama!) ako sa ginawa ni Ms. Goodbye Bahay 2011. Napapaalis ng mga tao sa bahay ng mga bahay dahil gusto niyang tirahan. Amo te? Kawawa naman ang mga little Indian boys and girls, inalisan mo ng shelter. Malakas kay boss huh? Wala namang ganyanan. Ang kay Juan ay kay Juan, ang Pedro kay Juan pa rin ba ang motto mo sa buhay? Naku, delikado yan, bilog ang mundo te. Sila ang ilan lamang sa mga ghost leaders sa kaharian ng Bangar na dapat tapyasan ng ulo, gilingin ang katawan at ipakain sa wild animals. Hindi naman ako masyadong galit. Promise, lagi lang sana nating tandaan na ang posisyon ay hindi lang basta upuan kundi isang pananagutan na dapat gampanan. Na ang mga tao ay hindi bulag at nakikita nila ang mga leader samga nagle-leader-leaderan lang. Na darating ang araw, sa ayaw niyo man o sa hindi, ay babalik din sa inyo ang inyong ginagawa, masama man o masama. Hindi ito ang oras ng takutan. Ilibing 2 million feet under the ground ang mga mumu sa pamantasan at siguruhing hindi na makapamiminsala kaninuman.

NI CASPER WALANG MATA

Ang isang matagumpay na institusyon ay nangangailangan ng mga matatatag at matalinong pinuno. But oh my, momay! Paano kung ang mga leaders ay leader-leaderan lang pala? Kunya-kunyarian, pa cute at pabanjing-banjing lang? Eskwelahan ba tayong matatawag o eskweeskwelahan lang? Ilang alingasngas mula kay Punong Bangar ang nakarating at ito ang itsinika niya sa akin: Leader A: Galit sa Hayop si Honorable Siguradong magagalit at susugod ang lahat ng anti animal abuse groups kapag nalaman nila ang karumal-dumal na ginawa ni Leader A. Haggard-haggardan daw kasi ang drama niya at hindi na niya kinaya ang mga bulong ng mga anghel at demonyo sa tenga niya kaya bonggang pinalo niya si mouse kaya nasira. Tsk. Tsk. Kawawang daga. Hindi na nga Malaya sapagkat

ang buntot ay nakatali sa kahon, pinuntirya pa siya ng ngitngit ni honorable. Infairness, hindi naman na raw nagtaka ang mga kasama niya, wala naman daw talagang good manners si Kuya, ang alam lang niya ngumiti nang bonggang bongga. Leader B: Reyna ng mga hihihi Kapag nakita ninyo siyang pabaliktad maglakad, wag ninyo siyang pagtatawanan o pagtakhan. Intindihin ninyo na lang si Queenie, sa sobra raw kasing mahadera niya, marami na siyang kaaway. Mahilig kasing tumira patalikod, kaya praning ang ateng na gantihan siya sa parehong paraan. But wait a minute, wag palinlang sa itsura niya. Karamihan sa mga witch, rebonded na. Leader C: Doa Bakasyunista

Kamusta naman daw si Dopa, feeling angry bird ang drama kung makalipad at gumala kung saan-saan. Laging wala sa trono at hindi alam kung anong binabantayan sa malaking palasyo. Hala, mag -ingat, tirahan ng aha sang opisina mo sa sobrang hindi mo na na nabibisita. Tsk. Tsk. Uso pa man din ang mga wild animals these past few days. Bakasyunan te? Sa Boracay ka na lang sana nagpunta. Leader D: Sleeping Beauty Hindi na naka recover si Sleeping Beauty, hanggang tumanda, makamasa pa rin ang drama niya, as in masandal tulog. Hala, maiwan ka sa bus la, tulog ka na naman. Matulog daw ba habang nagmimeeting? Ikaw na, the best ka! Leader E: Ms. Goodbye Bahay 2011 Hiyang-hiya naman daw

imperyo
ni M

os ichael Macabul

ang mahiwag

ni Bryan Jest er

ang mensahe
S. Balmeo

uubra Harang ay di um g mga bakterya rin Kayat pasok ya takasan Bantay ay nata ga tiyan. i ang kanilang m Siyempre, malak ndasyoy dukha Bakit nga ba pu ay ay mahina? Dahil ba, patnub obray lundo Kayat yaring ang tagpo. Tuloy sa hukay ag o sadyang matat Mga namumun y tila maluwag mga susi Ngunit kanilang na paraan asilayan angkop Di m bayaan? lang ba nating pa t na Suliraning dapa alinis peryo niyay m Masasabing im mababangis man ay Labas pasok na lang matulis estado marapat Kayat i magmalabis. Upang sila ay d gi na kanyang baha Talim ng pluma ay bibigti kanya Sigaw ng letra sa pagtugon amatay, maling Upang m ng. a ng magpayabo n, hand At sa pagbango di maaninag Turo ng harap ay p g laging sangka Kaya patlang an ritong kulay pabo Itim at puti ang utak ay buhay. makulay, upang Imbis na patong-patong Sistema niyay ubulong el ngayoy bum Kayat mga angh anyo At nag-iiba na ng atang dulot. awang, pikit-m Dahil sa makah puti an lahat itim at Bagkus di nam asidhi akulay at m Meron din ng m unan i ito sapat map Ngunit hind . isang katauhan wan ng Sa uhaw na kata
NI MICHAEL S. MACABULOS

Bulok ang iyon g sistema Ni hindi ka na makatayo sa iyong silya Dahil natatako t ka nab aka m ay sumalisi At maagawan ka ng tronong puno ng sisi. Masyado bang malaki ang iy ong tiyan Kaya kaming tuhod ay di m o na makitat Ang iyong mat ay nakatuon na lamang sa iba? Sinasabi mon g nagbago an g lahat Mula ng ang mundoy mak ontrol mo say ong palad. Dati kamiy ku lang lamang Ngayoy wala na kahit anon g ipagyabang . Maawa ka sa iyong sarili Hindi ginagam it ang ilong bi lang pandinig Kaya wag mon g sabihing pa Kaya di mo m ngo ka arinig ang hina ing ng mga ta ong pwera pa sa iba. Tingnan mo an g aming itsur a Halos luray-lu ray nat di na mapakinaban Pag lumalaban gan sa ibay mistu lang sirkus Kami ang baba eng hinahagisa n ng patalim Habang umiik ot sa walang hanggang pang Wag mong sa anib. bihing nadikit ang iyong pw Kaya ni hindi et mo mapigil an g mga baboy at buwaya sa kusina Na nangingina in ng darak pa ra sa iyong m ga anak. Hindi ka Diyos . May hanggana n ang lahat ng pagpapakasar Wag mong sa ap. bihing kasimba ngo ka ng isan g bulaklak. Sa isang nguy a lang ni kala baw Lupa ang iyon g kasasadlakan . Uungol din si kalabaw, Hintayin mo an g kanyang pa gsuwag.

Bumungad sa akin ang hangin na animoy nagbibigay babala at liwanag na taliwas na nagpapahiwatig na itoy isang hamon. Ump! Sa bukana ng aking paglalakbay, tila isang napakakinang at napakataas na pangarap ng mga bathala ang gusto nila sa amin maging. Isang mithiing kinakailangan ng kalidad at mataas na antas ng pagsasalin ng kaalaman Sa bawat paglubog ng araw at siya namang paglitaw ng buwan Napansin kong lamang ang kadilimang bumabalot sa mga impormasyon na siyang hadlang sa muling paglitaw ng araw oot sa paglitaw ng araw di man gusto ng dilim ay kusa siyang bibitaw. Ngunit papaano kung ang lugar na itoy, sa bawat katanungan na kanilang binibigyan ng liwanag ay uusbong ang mas madami pang katanungang minamabuting lagpasan kasabay ng isang lagda ng kasiyahan na nagpaluha sa isip pagdating ng talastasan

Kung kayat ang puso koy umiiyak sa tuwing ang takdang pagpapamalas naming lahat ay dumating isang resultang lamang ang itim o patlang kesa sa dapat ay napunan. At hanggang sa ngayon may mga tanong na naglalaro sa aking isipan *Nasaan na po ang mga malikhaing proseso na dapat ng nasa inyo? *Nasaan na po ang mataas na antas? upang kamiy di pikit matang nakatitig sa harapan. Kayat papaano na lang ang ilang di makahabol sa liwanag Sila bay dapat na lang iwanan? O tulungan ng mga makapamgyarihan upang muling makabangon at humabol Ngunit itoy nangangailangan na naman ng panibagong responsibilidad Matinding responsibilidad ng mga bathala dahil sa kanila umaasa ang mga nangangarap, na sila lamang ang pinakamabisang daan upang makamtan ang nag niningning na tagumpay Gising na po please Gising na po

NINA KIMBERLY NICOLE GARCIA AT IULUS RODOLFO FLORES

Tsaa para sa makulay na buhay


Sa ating modernong mundo, ang tsaa ang pinakasikat na inuming isinusulong ngayon. At siguro para sa mga taong nahuhumaling sa inuming ito kung saan ang kanilang araw ay hindi mabubuo kung wala ang uri ng inuming ito. Ang tsaa ay maaaring hindi ganoon kakilala dito sa Pilipinas dahil mas pamilyar tayo sa ibang mga inumin katulad ng kape, gatas, atbp., ngunit dahil sa mga kadahilanan at pagbabagong katulad ng pagpapalit ng henerasyon,kolonyalismo at mga impluwensya,ibat ibang uri ng tsaa (green tea,black tea at ang katulad) ang malawakang kumalat sa ating bansa. Gayunpaman,tayo ay mas pamilyar sa black tea na uri kung saan ginawa pa ng iba na pang-araw-araw na gawain ang pag-inom nito. Kung kayat anggreen tea bilang isang uri ng tsaa ay medyo naisanabi-hanggang ito mismo ang humanap ng dan patungo sa atin. Ang Ramon Magsaysay Technological University (RMTU) Campus ng San Marcelino at ang dalubhasaan nito ng Agrikultura at Veretinary Medicine (CAVM) ay nagsagawa ng pagtatanim ng nasabing green tea kamakailan lamang. Ang proyekto ng green tea ang pinakabagong balita mula sa kanila dahil ito ay osang bagong halaman na maaaring itanim at alagaan ng departamento ng Agrikultura ng pamantasan.

sa Rizal, Pangasinan at Zambales sa Pilipinas. Hanggang sa nakarating na rin ito sa mga bayan ng Castillejos, San Marcelino at San Antonio sa Zambales kung saan ang pagtatanim nito ay binibigyan ng kaukulang pansin. Ayon kay Mr. Sanny Babera, isa sa mga tagapangasiwa ng proyektong pagtatannim ng green tea kasama ni Dr. Esther Marias, ang RMTU SM Campus ay nagsimulang magtanim ng green tea (Mesona Chinensis) noong Abril 2010. Sa kasamaang palad, ang mga tanim ay namatay at natuyo dahil na rin sa mainit na panahon. Sa ngayon, ang pamantasan ay muling si-

Sa ating modernong mundo, ang tsaa ang pinakasikat na inuming isinusulong ngayon.

gobyerno. Isa pang layunin ng proyektong ito ay ang pagpapakilala ng mga makabagong tanim sa publiko na magbibigay ng interes sa kanila. Maswerte tayo na makarinig ng sari saring komento tungkol sa magandang resulta ng pagtatanim dito. Ngunit hindi natin ito maipaalam sa mga magsasaka dahil na rin sa uri ng teknolohiya na mayroon tayo sa pagtatanim. Kami sa departamento ng AgriVet ay nais magkaroon ng sapat na halaga na kikitain mula rito para sa hinaharap na pangangailangan. paliwanag ni Mr. Babera sa isang panayam.

Green tea tayo!


Ang pag-inom ng green tea ay hindi gaanong karaniwan kumpara sa mga inuming makikita sa ibabaw ng hapag kainan. Maaari nating tanungin kung ano ang lasa nito na magreresulta sa ating pagtanggi sa pag-inom nito. Ngunit, bakit hindi tayo magumpisa para sa isang mabuting pamumuhay at isipin ang mortalidad ngayon ng mga tao na unti-unting bumabata dahil na rin sa pagsulpot ng ibat ibang sakit tulad ng kanser at mga sakit sa puso. Sino nga ba ang nakakaalam na sa pag inom ng green tea ay nababawasan ang mga nakakatakot na sakit na ito at matatamasa ang kaginhawaan at mabuting pakinabang nito sa tao? Hindi naman masamang subukan at gawin itong makabuluhan. Minsan maiba naman. Tea is one of those rare treasures, enjoyed throughout the world, that actually benefits health. Anonymous

Green Tea? Pakiulit?


Mayroong ibat ibang uri ng green tea ayon sa dahong ginagamit sa pagproseso ng inuming ito. Ang lasa at epektong naidudulot nito ay nakadepende rin sa uri ng dahong itinatanim at ginagamit. Ang green tea na orihinal na nagmula sa bansang China ay mayroon na ring plantasyon

nusubukan ang pagtatanim at umaasa sa isang positibong resulta. Ang produksiyon ng green tea sa ating pamantasan ay may layuning magbigay ng kumikitang kabuhayan dahil na rin sa patok ito sa merkado. Malinaw sa ating lahat na ang mga magsasaka ay mahirap ng magbenta ng produkto dahil na rin sa makalumang paraan ng pagtatanim. Wala ng magagawa pa ang pagsisi natin sa

Upang mapagtibay ang misyong magsagawa ng pananaliksik sa agrikultura, teknolohiya, edukasyon at agham, muling ikinasa ng Ramon Magsaysay Technological University ang 10th Agencu In-House Review na ginanap sa Research Extension and Training (RET) Center noong Hul. 1. Ang taunang palutuntunan ay isinasagawa upang ipakita ang kinalabasan ng mga pananaliksik sa taon ng ebalwasyon ng mga panel of specialists gayundin upang

Technique: Success of Low Bark Grafting Technique ni G. Ferdinand Domingo; Ex-Situ bioremediation of Oil Contaminated Soils and Species Composition at Distribution of Freshwater Fishes in land Water of Zambales ni Rowena Sazon; Chevon Production Under Mango Orchard as Affected by Stocking Rate ni Prof. Mariette S. Romera; Impact Assessment of Aeta Farm Students ni Prof. Susana S. Garcia; Placement Assistance to Graduating Students in Agriculture at RMTU

ject for Slaughter Goat Production ni G. Sanny Babera; STBF for Singkamas Production in San Marcelino, Zambales/ Isabelo Del Rosario ni ReminSardo; STBF for Goat Breading in San Felipe, Zambales ni G. Oscar Sebastian at STBF For Rice Production in Palauig, Zambales ni G. Paterno ay kanila ring iprinisenta.

Nagwaging Best Paper


Ang mga nagwaging Best Paper sa nasa-

NI JILLIAN RAGADIO

magpakalat ng makabagong impormasyon at pag-unlad ng teknolohiya para sa mga g

Ang In-house Review ay isinasagawa ng lahat ng SUCs upang makalikom ng ibat ibang kaalaman na maaaring magpaunlad sa kalidad ng buhay.
umagamit at nakikinabang rito. Ang nasabing aktibidad ay isinasagawa ng lahat ng state universities at colleges upang makalikom ng ibat ibang kaalaman na maaaring magpaunlad sa kalidad ng buhay.

Mga proyektong ibinahagi


Sampung proyekto ang ibinahagi kung saan walo ang natapos at dalawa naman ang kasalukuyang pinag-aaralan at pinagtitibay. Kabilang sa walong nakumpletong pag-aaral sa Research Category ay ang Field Performance of Multi Rootstock Mango in Lahar Areas Reproductive Stage na iprinisinta ni Dr. Ester Marioas; Development of Dwarf Mango Using Low-Bark Grafting

bing in-house review ay magprepresenta sa Central Luzon Agricultural Research and Development Consortium (CLARRDEC) Regional Symposium sa Agosto na gaganapin sa Aurora State College of Technology (ASCOT). Napiling best paper ang research na prinesenta ni G. Ferdinand Domingo na Development of Dwarf Mango Using Low-Bark Grafting Technique: Success of Low Bark Grafting Technique para sa Research Category. Samantala ang paper naman ni G. Sanny Babera na Technopreneurial Learning Project for Slaughter Goat Production ang napili para sa Development Category. Ang naging criteria sa pagpili ng best paper ay creativity, originality and quality of work (30%), significance of findings ject (TLP) for Slaugh- (40%), manuscript/ -preneurial Learning Pro Ang Techno elopment Category sa AFNR GOAT PROJECT. best paper para sa Dev write-up (15%) at duction ang napiling ter Goat Pro , Hul. 1. Agency In-House Review ginanap na 10th Annual presentation (15%).

ni DR. Jo A. Espiritu; at Employability of Agriculture Graduate in Region III ni Dr. Libna Lucas. Ang mga pananaliksik sa Pest Dynamics of Sweet Sorghum under Zambales Condition ni G. Narciso Dacayo at Development of IPM Protocol for the Control of Mango Cecid Fly in Zambales ni Gng. Florida Domingo ay patuloy na pinag-aaralan. Samanatala para naman sa Development Category, ang Technopreneurial Learning Pro-

Mula sa pahina 4
Hindi kami lubusang makikinabang kung pagtutuunan ng pansin ang kampus, dahil aalis din kami rito, at hindi naman kami ang may-ari ng RMTU. Ang tanong lang namin, hindi kaya mas makakahikayat ng mga bagong estudyante kung ang pamantasa ay mas maayos na pasilidad? Marami kaming tanong, hindi ba pwedeng sagutin ng may katotohanan at hindi yung pinaiikot-ikot kami na parang mga batang paslit na walang muwang? Kung gusto ninyo na puro magaganda ang laman ng Tekno, gawin ninyo kaming Official Student BROCHURE ng RMTU San Marcelino Campus. Pero kayo na ang EIC, kayo na rin ang staff, at kayo na rin ang adviser. Kayo na lahat, da best kayo eh! Gawin ninyo na roon lahat ng gusto niyo, isulat ang lahat ng gustong isulat, gawin ninyong parang nangangampanya para sa susunod, hindi niyo na kailanganing mandaya ng suporta, dahil meron na kayong mauuto. Da vah? Oo, umalis si Mamita, pero tandaan ninyong nananatili pa rin ang katotohanan. At sa tulong nun, at ng mga estudyanteng naghihintay malaman ang tunay na nangyayari, magpapatuloy kami, ng taas noo at may prinsipyo. Tuloy ang laban! Nasa Round 1 pa lang tayo kaibigan!

USAPANG ITLOG

Ni Marvic Victor G. Bondoc

BAYAD UTANG

Ni Marvic Victor G.

NINA JHOUVEN LYNDON RABARA AT MARVIC VICTOR BONDOC

KALABAW NI RAMON

Ni Jhouven Lyndon M. Rabara

MAY KASALANAN

Ni Marvic Victor G. Bondoc

SAGALA

Ni Jhouven Lyndon M. Rabara

JAMES E. ROBISON
jamesrobison84@yahoo.com

Naging kaugalian na sa buhay estudyante ang pagkakaroon ng taunang palaro sa palakasan. Ito ay upang malibang at pansamantalang bigyang pansin ang paglinang sa mga angking galing ng mga mag-aaral sa larangan ng isports. Sa bawat panahong iginugugol dito, sa bawat taong panuruan ay kasabay ng mga talentong nahuhubog at nagsisilutangan. Intramurals kung tawagin, sa kaganapang ito marami ang nababago. Ang mga pagbabagong ito ay maaring may dulot na kainaman, pwede rin namang kabalintunaan. Puspusan ang ginagawang paghahanda ng mga punong abala sa tuwing papalapit na ang labanang pampalakasan. Walang pagsidlan ang kasiyahang nararamdaman ng mga estudyante sa ganitong kaganapan. Marahil isa na ito sa mga pinakaaabangan ng karamihan. Pansamantala kasing maiibsan ang pagdurugo ng kanilang isipan mula sa apat na sulok ng kwartong instrumento ng pag-aaral na madibdiban at pahirapan na sa bandang huli ay naghahandog ng tiyak na karunungan. Sa pagkakataong ito rin matutunghayan ng mga nag-aalab na bangayan at salpukan ng mga koponang naggigitgitan. Muli na namang bumuhos ang ulan sa linggo ng Intrams katulad nung nakaraan. Bagaman limang araw ang ginugol sa nakaraang palaro,

ngayoy naging tatlo na lang sapagkat nabawasan ng mga koponang magpapalakasan. Gayunpaman, tinutukan ng punong abala ang pagdaraos ng Intrams upang maiwasan ang hindi kanaisnais na kaganapan. Katunayan, bago ang isports director sa katauhan ni G. Christian S. Romera. Bago rin ang larong soccer sa tampukan ng laro. Ang tanong, may nangyari bang pagbabago sa sistema ng mga laro at sa mga lugar na pinagdausan? Tulad ng dati, nagmistulang swimming track ng mga palaka ang basketball court ng ating unibersidad sapagkat hindi naman ito covered. Ang covered court na sana ay para sa larong ito,

Hindi man natin aminin, tanggapin na nating kulang na kulang sa pasilidad pampalakasan ang RMTU San Marcelino.
naroon at nakatiwangwang at hindi magamit sa wasto nitong pagkakagamitan. Naging kalaban din ang pagpagaspas ng hangin sa bawat paghampas sa shuttlecock sa larong badminton. Indoor game ito at idinaos sa labas kung saan ang hangin ay kaylakas. Samantala, napabilang ang larong soccer sa listahan ng mga laro. Tunay na nakakapagod ito at nakakalumpo. Eh paano ba naman, sa oval nga ginanap ang laro, ang field naman ay puno ng maliliit ng bato at tangkay ng talahib na ang pagkakalinis ay hindi swak at pulido. Nariyan ang posibilidad na magasgasan ka at madapa

hindi dahil sa kalaro kundi sa mga bagay na ito. Wala ring sariling billiard hall ang ating unibersidad kung kayat kinakailangan pang lumabas ng campus para lamang maidaos ang larong nangangailangan ng bangis na taktika. Kailangan ba magkaroon ng ganitong hall sa atin? Hindi na nga muling ginanap ang track and field sa espaltadong daanan bagkus sa oval na. Ngunit gayunpaman, sana sa susunod ay mas maayos at puro ang pagkakalinis nito. Masakit kayang mai-shoot sa mga butas ng field, nakaka sprain ng paa. Hindi malayong matisod ka habang nakikipagkarera. Sa tatlong taong pagsali ng ilan sa mga mananakbo, gasgas na ang paa nilay wala pang medalya o sertipiko. Ngunit salamat sa taong ito, ang paltos na kanilang tinamo ay nasuklian na rin sa wakas ng mga medalya at sertipiko, huwag na lang pansinin na kalahating colored paper ito at animoy hindi ginamitan ng gunting ang paggupit rito. Sa kabilang dako, wag namang pumapel ang labis sa wasto ang ibang tao. Oo ngat silbi iyang serbisyo sa mga kabaro mo, wag namang pati guro ay turuan mo. Binigay na nga ang resulta na may angkop na pirma, ipababalik mo pa ito at sa kanyay ipababago. Sino ba ang in-charge sa laro? Hindi bat siya? Oo, siya nga, at hindi ikaw. Hindi man natin aminin, tanggapin na nating kulang na kulang sa pasilidad pampalakasan ang RMTU San Marcelino. Kapos ng lubos ang pondo para sa pagsasaayos ng mga istruktura. Paano makalalaro nang maayos ang mga manlalaro kung ganito ang takbo ng sistema? Naway maaksyunan kaagad ang ganitong bagay upang ang lahat ay maging organisado. Sanay dulutan ng angkop na atensyon ang mga ganitong sitwasyon upang hindi tayo pahuli sa usaping pampalakasan.

Mula sa pahina 7 Pinag-isipan ko ring mabuti ito bago ko tinanggap. Binalaan ko man ang mga kumausap sa akin na hindi mababago ng alok na yon ang aking paniniwala, madali ring inisip ng ilan na tinanggap ko ito dahil sa mga pansariling dahilan. Sa ganung sitwasyon, naisip ko, di nga kaya mas mabilis ang pagbabago kung manggagaling sa taas pababa imbes na hingin ko pa sa mga guro, magaaral at iba pa na magsakripisyo habang isinusulong ang pagbabago? Mahalaga sa akin na sa lalong madaling panahon ay maisaayos ang Unibersidad structurewise lalo na ang kapakanan ng

kaguruan at kasamang manggagawa dahil sila ang pangunahing yaman sa pagsasagawa ng mandate na ipinagkatiwala sa Unibersidad. Ang Unibersidad ay itinatag upang hasain ang kakayanan ng mga kabataan sa darating na panahon ay siyang magsusulong ng mga kabuhayan sa probinsyang ito at sa mga karatig nito. At kung hindi ito magagawan ng agarang lunas, hindi lang ang mga kaguruan at kasamang manggagawa ang mawawalan kundi ang kabuhayan ng Zambales. Dagdag pa ni Espiritu, Presidents would come and go but the University remains. A good organization will run the University effectively and efficiently, turning

out good graduates whose eventual impact will be on the progress of the local industries and whoever installed it will be remembered. Malaking bagay na makapag-iwan ng maayos na organization ang pangulo lalot halos tatlong termino na ang inilagi niya sa sistema. Sinabi pa nitong patuloy siyang maninindigan para sa kabutihan ng mas nakararaming kaguruan habang nirerespeto ang kakayahan nitong magtuos at manimbang ng kanilang mga pangangailangan. Definitely, the faculty has a right to express opinions on matters that concerns them. At ng tanungin ng Technoscribe kung ano ang mensahe niya sa mga

Ramonian na patuloy na umaasam sa pagbabago, ito ang isinagot niya, Tuloy ang laban para sa pagbabago ng RMTU! However, we should remember that the responsibility of making this University better is in the hands of all of us Alamin din natin, is it a fight for our individual intentions or for a common good? Kailangan nating patunayan ang accountability natin bilang isang publicly funded institution. Siguraduhin din natin na sa araw ng pagtutuos ay di masabing tayo ang may pagkukulang. Let us focus on realizing our mission, and attaining our goals. Otherwise, wed end up losing the University, pagtatapos ni Espiritu.

Naniniwala sa galing ng atletang Pinoy!

NI JAMES E. ROBISON

Nakatakda na ang ikatlong sagupaan ng dalawang magigiting na mandirigma sa boxing arena, MGM Grand, Las Vegas Nevada, Nob. 14. Magliliyab ang puso ng dalawang boksingerong uhaw sa bansag na Best Fighter, sa kanilang karera. Walang duda na all-time favorite ang poundfor-pound king, Manny Pacman Pacquiao sapagkat wala na siyang dapat patunayan dahil pinabagsak niya na ang ilan sa pinakamahuhusay na boksingero sa sulok ng mundo. Ang mga panalong iyon ay kanyang sinungkit mula sa kamay ng mga nakasagupa gamit ang lakas at tapang, sa ibat ibang dibisyon. Pinatikim niya ng batong kamao at lahat ng kalaban ay tinalo. Samanatala, si Juan Manuel El Dinamita Marquez naman ay hindi rin maitatangging isa sa mga kinikilalang mandirigma sa ibabaw ng ring. Magugunita na sa una nilang bakbakan ay tabla ang naging hatol ng mga hurado. Dumanak ang katapangan at sadyang iba-iba ang naging kumbinasyon ng mga emosyong dumampi sa MGM Grand. Nagkaroon ng ikalawang salpukan at nanaig si Pacman via unanimous decision. Hindi kumbinsido si Marquez sa hatol ng mga hurado sapagkat ayon sa kanya ay siya ang tunay na nanalo sa labang iyon. Upang matuldukan na ang katanungang sino ba talaga sa kanilang dalawa ang hari ng ring, heto at ating abangan ang napipintong labanan. Nagkaasaran na ang magkabilang kampo kung kayat ang ating matutunghayan ay personalang laban lang. Pangalan nila ang nakataya rito. Ang dating pitong linggong ginugugol ni Pacman sa ensayo tuwing may laban ay naging siyam na linggo. Hindi galit ang nararamdaman ni Pacman sa mga patutsada ni Marquez kundi ang gigil na itoy pabagsakin. Puntirya ni Pacman ang K.O. (Knock Out) sa kanilang laban. Mimitsahan ba ni Dinamita ang pagsabog ng kanyang pagkapanalo? Magagawa kayang kainin ni Pacman si Marquez gamit ang bilis niyang kamaong bato? Atin na lamang tunghayan nang matuldukan na ang bangayan.

Pulidong hampas ang inihambalosng Unit II sa bolang kasing bilis ng kidlat na siyang sumunog sa kanilang katunggali sa ginanap na Intramural Meet ng Ramon Magsaysay Techno logic al U n ivers ity (RMTU) San Marcelino Campus, Ago. 25. Muling nagtuos ang manlalaro ng Agri at COED (Unit I) sa unang laban na nagsilbing eliminasayong sagupaan sa baseball. Ang dating nag aalab na manlalaro ng Unit I ay mistulang naging abo ng tupukin ng Unit II sa gitgitang labanan na umabot ng dapit-hapon. Pinayuko nag Unit II ang dating kampeon sa kanilang gilas sa pagpalo. Humantong ang panalo ng Unit II sa pakikipaghampasan nila sa bola laban sa Unit III. Ang matitikas na katawan ng mga manlalaro ng Unit II ang nagsilbing susi upang maigpaw ang ginto at

pilayin ang katunggali ng hindi mapagbigyang takbuhin at nasungkit nila ang medalya. Pumalo ng walong puntos ang Unit II samanatalang limang puntos ang hinampas ng Unit III sa unang inning. Hindi na pinapalo pa sa ikalawang inning ang Unit III at ipinako ng Unit II ang marka, walang nagawang puntos ang Unit III sa pangalawang inning. Samantala, muling tinangka ng UNnit I na mapanatili ang trono sa sopbol. Ang gigil na Unit II ang muli nilang nakasagupa. Dahilan sa binaldado na ang pag asang mapanatili ang korona sa baseball, determinado ang Unit I na mailigtas muli ang pagkakanakaw ng kampeonato sa sopbol na kanilang pinaghirapan noong nakraang taon ng palaro. Bagaman buo ang kumpiyansa ng Unit I, nilugmok

sila ng uhaw na koponan sa iskor na 14-6 sa loob ng tatlong innings. Binigo ng Unit II na maidepensa ng Unit I ang kanilang korona. Akala ko ay kaya namin silang pataubin sa sopbol ngunit sadyang malalakas at magigilas maglaro ang mga bago nilang manlalaro, inihayag ni Eric James Abad, Unit I pitcher. Nahihiya tuloy kami kay Sir Rondina kasi hindi namin naidepensa ang titulo sa dalawang larong ito, dagdag ni Abad. Dismayado si Dr. Nestor Z. Rondina, coach ng Unit I sa naging resulta ng laro. Matapos ang mapusok na labanan, nagdiwang at nagbunyi ang mga manlalaro ng Unit II at sa wakas ay nailagpak na nila sa pagkatalo ang mortal nilang katunggali sa mga larong ito.

NI JAMES E. ROBISON NI JAMES E. ROBISON

Hindi hinayaang mag marka ng kahit isang puntos sa scoreboard ng Unit II ang Unit III sa kanilang salpukan para sa kampeonato ng basketbol girls sa bakbakan ng intramural, Ago 23-25. Nagtala ng anim na puntos ang Unit II laban sa nabokyang Unit III sa unang kalahati ng laro. Binirahan ng ace player nilang si Lea Fatima Cadavos ang pagbuslo ng bola upang ang iskor ay maitala. Tinangkang makahabol ng Unit III sa ikalawang kalahati ng laro ngunit silay binigo ng mapusok na depensa ng Unit II. Hindi na pinagbigyan pa ng Unit II ang kalabang koponan matapos na muling magtala ng anim na puntos ang nagliliyab sa kumpiyansang koponan. Kagila-gilalas talagang maglaro si Cadavos, punto ni Simonette Luna ng Unit III. Hindi namin mapaigting ang opensa dahil sa mahigpit nilang depensa, dagdag pa niya. Umuwing luhaan at duguan ang Unit III sa iskor na 12-0.

Walang pakundangang isinubsob ng Unit I ang mga katunggali matapos silang maghari sa ibat-ibang kategorya ng badminton men at women sa ginanap na taunang pampalakasan, Ago 23-25. Itinanghal na kampeon sina Jhon Regie Tagulao at Francis Pabayo matapos nilang butasin ang mga raketa nina Dan Venice Motenegro at Deo Amor Plaza sa Mens Doubles. Inilampaso rin nila Manuel Garcia at Rina Aguillon sa court sina Edward Candelario at Stephanie Gail Pagal ng Unit II sa mixed doubles. Pinalipad din ni Rina Aguillon ang shuttle cock tungo sa tagumpay laban kay Lea Fatima Cadavos ng Unit II sa badminton Single A category. Pinulbos naman ni Jessica Anne Gallardo ang defending champion na si Simonette Luna sa womens Single B category. Nakopo rin ng mabibilis at matutulis na hamapas sa shuttle cock ang gintong medalya sa mens Single B ni Jhon Regie Tagulao at pinagod ng husto si Yannni Glenn Madarang sa pagtakbo a court dahilan sa matitinik na placings. Bumandera rin sa ikalawang pwesto sina Joy Ordillas at Jillian Ragadio buntot sa kampeong sina Shrilyn Lucero at Junalyn Gallardo ng Unit III sa womens doubles category.

You might also like