You are on page 1of 1

PANGALAN; DESA VILL B.

AGOSTO PETSA; September 14-2019

GR. and SEC. 12- hums p2 MARKA;

LIBRENG MATRIKULA SA KOLEHIYO: MALAKING OPORTUNIDAD SA LAHAT NG MAG-


AARAL, LALO NA SA MGA KAPOS SA PERA.

Paninindigan ni Meg Alea Teñoso na isa ding mag-aaral na magtatapos ng senior high school sa
Metropolitan Medical Center – College of Art, Science and Technology.
Napakagandang regalo sa mga mag-aaral ang pag-aaral ng walang iniintinding bayarin. Ang
sarap mangarap, na sa wakas ay malaki na ang pagkakataon na lahat ay magkakaroon ng
mataas na pinag-aralan na kinakailangan para sa pagbabago at pag-unlad ng bansa.

Sa pagkakalagda ng ating pangulong Rodrigo Duterte sa Republic Act 10931 o ang


Universal Access to Quality Tertiary Education Act , na nagsasaad sa batas na nagbibigay
ng libreng tuition sa kolehiyo. Maraming mahihirap na estudyante ang makakapagpatuloy sa
pag-aaral sa kolehiyo at magkakaroon ng magandang kinabukasan. Hindi na mangangamba
ang mga mag-aaral na maaari silang matigil sa pag-aaral dahil sa kakapusan ng pambayad
ng matrikula sa pag-aaral.

Ngayong libre na ang matrikula sa kolehiyo, ang mga mag-aaral na lamang na hindi
marunong magpahalaga sa pag-aaral ang tiyak na hindi uunlad. Laking pasasalamat natin
sa pangulo sa pagpirma ng batas, na kahit sa kabila ng pag-aalangan ng ilang miyembro ng
economic team niya sa gagastusin ng gobyerno, isinaalang-alang niya ang pang matagalang
epekto at benepisyo na idudulot ng libreng tuition sa publiko.

Ayon kay Bam Aquino, matapos ang ilang dekada, naging isang batas na ang inaasam-
asam ng napakaraming pamilyang pilipino na libreng kolehiyo kung kaya’t mliyun-milyong
pilipino ang panalo sa napakalaking repormang ito sa edukasyon. “Estudyante, magulang at
pamilyang pilipino ang tunay na bida sa batas na ito”. Tiniyak pa ng senador, hahanap ang
senado ng kailangang P25 bilyong pondo para maipatupadang batas. Nangako na umano si
Sen. Loren Legarda, Chairperson ng Committee sa Finance, na isasama ang kailangang
pondo para sa libreng tuition sa 2018 budget.

Sa naturang batas, mabibigyan ang mga estudyante ng libreng edukasyon sa state


universities and colleges, local universities and colleges at vocational schools sa ilalim ng
Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) simula 2017-2018. Maliban
sa tuition, sagot na rin ng pamahalaan ang miscellaneous at iba pang bayarin.

You might also like