You are on page 1of 1

Irish Gwyneth P.

Habig

Malapit nang maibsan ang kalbaryong dinaranas ng mga estudyante sa araw-araw makapasok lamang sa
paaralan.

Ito ay dahil inaasahang maipapasa na sa ikatlong pagbasa ang panukalang batas ni Senador Sonny
Angara na magbibigay ng dagdag diskuwento sa pasahe ng mga mag-aaral.

Ikinatuwa ito ng karamihan ng mga estudyante sapagkat malaki umano ang kanilang magiging benepisyo
sa ilalim ng naturang ordinansa.

“Makakatulong sa atin yan dahil yung naiipong sukli sa aming mga pamasahe ay maaari na naming itong
magamit upang makabili ng mga bagay na kailangan namin tulad ng gamit sa school at pagkain.
Pamasahe palang ubos na ang baon ko eh.” saad ni Gail Habig, isang mag-aaral sa ika-11 baitang.

Naglalayon ang Senate Bill No.1597 o Student Fare Discount na mapalawig ang sakop nitong
diskwentong pantransportasyon sa lupa, himpapawid at katubigan para sa mga mag-aaral.

“Even with free tuition, we need to help families with daily school expenses. Ang matitipid sa pamasahe
ay makatutulong para sa iba pang pangangailangan ng mga mag-aaral.” Saad ni Angara sa isang pahayag.

Sa ilalim ng panukala, magkakaroon ng 20 porsiyentong diskuwento ang mga mag-aaral sa domestikong


pasahe anumang araw ng taon.

“Ang kailangan natin ay batas para masiguro na ang 20 percent discount para sa mga mag-aaral ay
mananatili kahit sino pa ang nakaupo sa DOTr at LTFRB.” Diin ng senador.

Inaasahan naming siguradong maaprubahan ang panukala sa Senado dahil co-authors nito ang lahat ng
miyembro ng Kamara.

Kinakailangang magpasa ag House Of Representatives ng katumbas na panukala dahil kailangang pag-


isahin ang dalawang bersiyon upang ipasa kay Pangulong Rodrigo Duterte na siyang pipirma ng naturang
panukala.

Matatandaan na noong 2017 ay ipinasa ng Kongreso ang batas na nagbibigay ng libreng tuition fee sa
lahat ng state colleges at universities.

You might also like