You are on page 1of 3

Pananamit ng ika-8 baitang sa Quirino HighSchool

Mananaliksik: Christian Karl Delatina, Ervie Kyle Don, Leira Mae Malibiran, Jezrelle Adrian De Leon,
Aljean Parreno, Fiona Alexa Pabillo, Jordan Danao, Jamaica Labalan

Paaralan: Quirino High School

Petsa ng pagkakasulat: October 21,2022

School uniform hindi required sa face-to-face classes sa Philippines.

Para umano makabawas sa gastusin ng bawat pamilyang Pilipino, hindi raw required ang
pagsusuot ng school uniform sa mga paaralan sa Philippines sa pagbabalik ng face-to-face classes. Ito
ang sabi ni VP at Education Secretary Sara Duterte.

Aniya, kahit naman noong bago pa ang pandemya ay hindi na required ang pagsusuot ng school
uniform sa mga public school in the Philippines. Nakasaad ito sa DepEd Order No. 45 series of 2008.

Bagamat marami ang sumasang-ayon sa balak ni Duterte, marami rin naman ang tumututol
sa balak. Mas maganda raw kung pananatilihin na naka-uniporme ang mga bata sapagkat nakikita ang
kaayusan sa mga mag-aaral. Kung plain clothes lang ang suot araw-araw baka mas magastos pa ito
kumpara kung naka-uniporme. Kailangang mag-produce ng limang plain clothes ang magulang
samantalang kung may dalawang pares ng school uniform ang bata, puwede nang pampasok. Maganda
pang tingnan ang mga bata kung pare-pareho ang suot.

Mas maganda kung naka-proper school attire ang mga bata sapagkat naroon ang respeto sa
institution. Ang school ay dapat binibigyang galang sapagkat dito nag-uugat ang karunungan. Malaking
epekto sa mga bata ang paghukay ng kaalaman kung nasa wasto o tama ang attire.

“The wearing of a school uniform shall not be required in public schools. Students with existing
uniforms may continue using these uniforms, if they so desire, to avoid incurring additional costs for
new attire,” ayon sa DO No. 45.
Iginiit ni Duterte na dapat na mas maging considerate ang kaniyang ahensya sa usaping ito dahil sa
lumalalang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at maging sa epekto ng pandemya.

Matatandaang noong 2016 ay isa rin sa proposal ng ama ni VP Sara Duterte na si dating
Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtatanggal ng mandatory na pagsusuot ng school uniforms sa mga
public schools sa Philippines. Ngunit katunayan ay matagal nang hindi required ang school uniform sa
mga public school.

Samantala, magsisimula ang mandatory face-to-face classes sa November 2, 2022. Layunin umano
nitong matugunan ang learning loss dulot ng distance learning set-up nitong pandemic.

Ipinaliwanag din ng DepEd na sa pagbabalik ng mga mag-aaral sa face-to-face set-up ay hindi


sila magse-set ng standard size o kung ilan lang ang dapat na estudyante sa kada classroom. Ito raw ay
dahil sa magkakaiba ang laki at kapasidad ng mga classroom sa iba’t ibang paaralan.

Marami parin sa ika-walong baitang sa Quirino HighSchool ay sumasang ayon parin sa pag susuot ng
uniporme sa paaralan.

Maikling paglalarawan ng Pagaaral:

Ang pananamit ay isang importanteng bagay lalo na sa isang paaralan, ngunit hindi lahat ng
tao ay may pera kaya ginagawa nalang nila ang pananamit na civilian.

Buod:

Ang pagbibigay ng kalayaan sa pagsusuot ng mga bata ay isang paraan ng DepEd sa pagtulong
sa mga hindi makakayang maka bili ng uniporme,lalo na sa mga panahong itong tumataas na ang presyo
ng mga bilihin.Ayon sa limang istudyanteng aming natanong,tatlo sa kanila ang sumasang-ayon sa pag
require ng pagsusuot ng uniporme sa paaralan,samantalang dalawa naman sa kanila ang tutol sa pag
require ng uniporme sa paaralan ng Quirino Highschool.Ang sabi rin ng ilan sa kanila ay mas maganda
talagang hindi na I-require ang uniporme sa paaralan upang maka tipid narin sa pang araw-araw na
gastusin ang mga mag-aaral, dahil nga sa kakatapos lang na quarantine ang ilan sa mga magulang ng
mga estudyande ay nawalan ng trabaho,kaya’t ang mga ibang estudyante ay hindi kayang bumili ng i-
ilang uniporme.Ganun pa man,pinapayagan naman ng paaralang Quirino Highschool ang pagsusuot ng
civilian.

Sanggunian: Philippine Star


https://www.philstar.com/pang-masa/police-metro/2022/07/19/2196428/public-schools-students-di-
required-mag-uniform-sa-pasukan-vp-sara/amp/

You might also like