You are on page 1of 2

Pananamit ng ika-8 baitang sa Quirino HighSchool

Mananaliksik: Christian Karl Delatina, Ervie Kyle Don, Leira Mae Malibiran, Jezrelle Adrian De Leon,
Aljean Parreno, Fiona Alexa Pabillo, Jordan Danao, Jamaica Labalan

Paaralan: Quirino High School

Petsa ng pagkakasulat: October 21,2022

School uniform hindi required sa face-to-face classes sa Philippines.

Para umano makabawas sa gastusin ng bawat pamilyang Pilipino, hindi raw required ang pagsusuot
ng school uniform sa mga paaralan sa Philippines sa pagbabalik ng face-to-face classes. Ito ang sabi ni VP
at Education Secretary Sara Duterte.

Aniya, kahit naman noong bago pa ang pandemya ay hindi na required ang pagsusuot ng school
uniform sa mga public school in the Philippines. Nakasaad ito sa DepEd Order No. 45 series of 2008.

Bagamat marami ang sumasang-ayon sa balak ni Duterte, marami rin naman ang tumututol sa balak.
Mas maganda raw kung pananatilihin na naka-uniporme ang mga bata sapagkat nakikita ang kaayusan
sa mga mag-aaral. Kung plain clothes lang ang suot araw-araw baka mas magastos pa ito kumpara kung
naka-uniporme. Kailangang mag-produce ng limang plain clothes ang magulang samantalang kung may
dalawang pares ng school uniform ang bata, puwede nang pampasok. Maganda pang tingnan ang mga
bata kung pare-pareho ang suot.

Mas maganda kung naka-proper school attire ang mga bata sapagkat naroon ang respeto sa
institution. Ang school ay dapat binibigyang galang sapagkat dito nag-uugat ang karunungan. Malaking
epekto sa mga bata ang paghukay ng kaalaman kung nasa wasto o tama ang attire.

“The wearing of a school uniform shall not be required in public schools. Students with existing
uniforms may continue using these uniforms, if they so desire, to avoid incurring additional costs for
new attire,” ayon sa DO No. 45.

Iginiit ni Duterte na dapat na mas maging considerate ang kaniyang ahensya sa usaping ito dahil sa
lumalalang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at maging sa epekto ng pandemya.
Matatandaang noong 2016 ay isa rin sa proposal ng ama ni VP Sara Duterte na si dating Pangulong
Rodrigo Duterte ang pagtatanggal ng mandatory na pagsusuot ng school uniforms sa mga public schools
sa Pilipinas. Ngunit sa katunayan ay matagal nang hindi required ang school uniform sa mga public
school.

Samantala, magsisimula ang mandatory face-to-face classes sa November 2, 2022. Layunin umano
nitong m ml.atugunan ang learning loss dulot ng distance learning set-up nitong pandemic.

Ipinaliwanag din ng DepEd na sa pagbabalik ng mga mag-aaral sa face-to-face set-up ay hindi sila
magse-set ng standard size o kung ilan lang ang dapat na estudyante sa kada classroom. Ito raw ay dahil
sa magkakaiba ang laki at kapasidad ng mga classroom sa iba’t ibang paaralan.

Marami parin sa ika-walong baitang sa Quirino HighSchool ay sumasang ayon parin sa pag susuot
ng uniporme sa paaralan.

Maikling paglalarawan ng Pagaaral:

Ang pananamit ay isang importanteng bagay lalo na sa isang paaralan, ngunit hindi lahat ng tao ay
may pera kaya ginagawa nalang nila ang pananamit na civilian.

Buod:

Naglabas ang DepEd ng Order para sa pagsusuot ng uniporme,inilalahad dito na hindi na required
ang pagsusuot ng uniporme sa mga pampublikong paaralan sa layuning matulungan ang mga hindi
makakayang makabili nito,halo naman ang mga pakiramdam ng mga mamamayan dito.

You might also like