Posisyong Papel

You might also like

You are on page 1of 2

 Posisyong Papel ni April Jasmine E.

Escanilla ng
HUMSS 11-A ng Barcelona National
Comprehensive Highschool kaugnay ng
‘’Wearing Uniform should not be mandatory’’

SCHOOL UNIFORM NARARAPAT PARING


MANDATORY SA PAGSUSUOT

POSISYONG PAPEL NA NAUUKOL SA DEPED


ORDER No.065,s. 2010

Ang pagsusuot ng uniporme ng mga mag-aaral ay isa


sa mga batas ng mga paaralan. Nagpapakita ng pagiging
responsible ng mga estudyante. Ito rin ang sumisimbolo sa
pagiging organisado ng isang paaralan na kinakatawanan
ng mga mag-aaral. Hindi lamang ito basta bastang
tradisyonal na batas ito rin ang naguudyok sa mga
kabataan na maihanda ang sarili at isipan sa paaralan.

Ayon sa DepEd Order No. 065,s. 2010 ang bawat


mag-aaral ay hindi na kailangan sapilitan sa pagsusuot ng
uniporme. Ang pagsusuot ng uniporme ay hindi na
kailangan sapilitan sa mga pampublikong paaralan. Maaari
na man sa mga estudyanteng mayroon ng kasalukuyang
uniporme, iyon ay kung nais nila. Idiniklara ang batas na
ito para sa mga magulang at estudyante na walang
pampaggawa ng uniporme,ID dahil na rin sa hirap ng
pamumuhay lalo na at nagkaroon ng pandemya.

Ngunit ang hindi pa rin pagsusuot ng mga estudyante


ng uniporme lalo na ang pagsusuot ng sibilyan o
pamporma na kasuotan ay hindi pa rin magandang tignan.
Pangit tignan kung makikita sa paaralan. Nagmumukhang
hindi organisado ang isang paaralan. Hindi rin madaling
matukoy ang mga nakakalabas at pasok sa paaralan ay
estudyante ng paaralan. Ito ay magdudulot banta sa
seguridad ng mga mag-aaral.

Ang pagsusuot ng uniporme ay nararapat paring


sapilitan sa mga pampublikong paaralan. Ito ay maaari pa
ring masolusyonan. Gaya nang kung walang pera
pampaggawa ng uniporme maaari naman hingiin sa
kapitbahay o di kaya sa kakilala ang uniporme lalo na kung
ito ay may anak o magkokolehiyo na. Ang pagsusuot ng
uniporme ay hindi lamang nakagaganda ng paaralan ito
din ay nakakataas ng moralidad at seguridad ng isang
estudyante.

You might also like