You are on page 1of 2

KASUNDUAN NG MAG-AARAL, MAGULANG AT PAMUNUAN NG PAARALAN

Parent’s Copy

A. Mga Patakaran at Polisiya ng Paaralan


1. “CLOSE DOOR POLICY” – Walang mag-aaral ang pahihintulutang makalabas ng paaralan maliban kung tapos na
ang klase o sa sandaling may emergency tulad ng sunog, lindol, o sakuna.
2. “NO ID, NO ENTRY POLICY” – Walang mag-aaral ang pahihintulutang makapasok hanggat hindi isinusuot ang ID
Card. Ito ay dapat laging nakasuot at kailanman di manghihiram at magpapahiram sa iba. Ang mga bisita at
magulang ay kinakailangang magbigay ng abiso bago pumasok sa paaralan at kailangan lumagda sa logbook
bago makapasok. Mahigpit itong ipapatupad isang linggo matapos maibigay lahat ng mga I.D. Card.
3. “NO PROPER ATTIRE/DEPORTMENT, NO ENTRY” – Bukod pa sa ID, walang pahihintulutang makapasok ng
paaralan kapag hindi tumupad sa mga sumusunod:
 Para sa mga lalaki
Pagsusuot ng tamang uniporme, puting polo shirt, itim na pantalon hindi law-law o hiphop style. Pagsusuot ng
itim na t-shirt ay ipinagbabawal maliban lamang kung may pahitulot ito ng guro. Walang hikaw sa tenga, ilong
o dila. Hindi pagpasok ng nakasando, lasing, o nasa impluwensiya ng ipinagbabawal na gamot. ( Sa mga mag-
aaral at magulang). Hindi magdadala ng mga bagay na maaaring makapanakit, o makapinsala at maglagay sa
peligro ng buhay ng sinuman tulad ng kutsilyo, ice pick, baril o anumang mga katulad nito.
 Para sa mga babae
Pagsusuot ng tamang uniporme, pink blouse, checkered na palda, hindi maraming hikaw sa tenga, walang hikaw
sa ilong o dila. Paggamit ng lipstick at lip tint ay ipinagbabawal. Hindi pagpasok ng nakasando o anumang hindi
angkop nakasuotan tulad short-shorts, plunging neckline, tube, spaghetti strap at nakatapis (sa mga mag-aaral at
magulang).
Kung walang uniporme puting t-shirt at pantalon at puting blouse at palda ay maaring gamitin.
4. “NO VICE, BE WISE POLICY” – Ipinagbabawal ang pagnanakaw, pangingikil, pakikipag-away, kalaswaan gayundin
ang anumang uri ng sugal o larong may pustahan ng pera, laruan o anumang bagay, paninigarilyo, paggamit ng
ipinagbabawal na gamot, pag-inom ng alak, pagtatatag o pagsapi sa mga “fraternities” o gang.
5. “HABITUAL TARDINESS AND ABSENTISM POLICY” – Kapag ang mag-aaral ay lumiban sa klase ng higit sa sampu
(10) sa loob ng isang kwarter na walang anumang mabigat na dahilan o “excuse letter” siya ay ituturing nang
“DROPPED”. Ang mag-aaral na paulit-ulit ng nag-dropped sa kanyang klase ay hindi na papayagang mag-enrol
muli sa paaralang ito. Gayundin, ang pagka-cutting classes ay mahigpit na ipinagbabawal. Ang pagbibigay ng
abiso sa guro kung sakaling hindi makakapasok ang mag-aaral sa klase ay mahalaga. Kinakailangang magdadala
ng “Excuse Letter “ na may lagda ng magulang o guardian kapag ito ay puwede ng pumasok.
B. Mga Gawi na Dapat Pairalin sa Loob ng Paaralan
1. Pagpasok ng regular at nasa tamang oras sa klase.
2. Pag-aaral ng mabuti. Paggawa sa mga aralin, takdang-aralin at mga proyektong ipinapagawa ng mga guro.
3. Pakikipag-usap at pakikitungo nang may paggalang sa punong guro, mga guro, kawani ng paaralan mga kamag-
aral at mga magulang.
4. Pagpapanatili ng kalinisan sa loob at labas silid-aralan. Pagtatapon ng basura o kalat sa tamang lagayan.
Sinumang mahuling nagkakalat ay sasailalim sa dalawang (2) oras na community service kasama ang magulang.
5. Pagpapanatili ng kalinisan sa sarili, wastong gupit sa kalalakihan, nakatali o naka-head band sa mga kababaihan.
Bawal ang anumang uri ng “fancy hair style” at kulay ng buhok. Maiksi at malinis na mga kuko. Walang tattoo
permanente man o hindi.
6. Pagiging palakaibigan sa kapwa mag-aaral at pag-iwas sa anumang uri ng away o gulo. Ang pananakit,
pagbabanta at pang-aasar sa kaklase ay isang uri ng pambu-bully, sinumang responsable sa insedente ng
“bullying” ay may karampatang pananagutan at konsekwensiya.
7. Pag-iwas sa “vandalismo”, pagsususlat sa pader at ding-ding o paninira ng mga gamit at pag-aari ng paaralan at
ng guro. Anumang gamit na sinira ay ipapaayos o kaya babayaran sa katumbas nitong halaga.
8. Hindi magdadala ng cellphone o anumang kahalintulad na gadget. Maliban kung may pirmadong pahintulot ng
guro. Sa pagkakataong ninakaw o nawala ang cellphone o gadget walang pananagutan ang paaralan sa
pagkawala nito.
9. Pag-iwas sa mga pisikal na pananakit sa kapwa mag-aaral. Anumang pinsala ang maidulot sa kapwa ay
mananagot sa paraang sasagutin ang anumang gastusin sa pagpapa-ospital o sa mga kakailanganing medikal.
10. Pag-iwas sa pag-popost ng mga paninira, pananakot at pagbabanta sa social media o text messages sa sinumang
kawani ng paaralan, guro, mag-aaral at intitusyong ito ay dapat isaalang-alang. Anumang kalituhan sa isang isyu
ay malugod na hinihikayat na pag-usapan sa Guidance o Principal’s Office upang bigyang linaw. Sinumang
gumawa nito ay papanagutin nang naayon sa batas at sa alituntunin ng paaralan.
Mahalagang paala-ala sa mga guro at magulang:
 Sa panig ng guro, ang mga mag-aaral na idudulog sa Guidance Office ay nangangahulugan na habitual o palagian
na ang pagsuway sa mga polisiya at alituntunin ng paaaralan, marapat lamang na i-presenta ang iyong anecdotal
records.
 Sa mga magulang, magsilbi sana itong paala-ala sa inyong mga anak na sa pagkakataong ito ang inyong anak ay
magkakaroon na ng record sa Guidance Office at mahaharap sa mga sumusunod na konsekwensiya kaya
marapat na baguhin at dapat nang umiwas sa pagsuway sa mga alituntunin at polisiya ng paaralan.

KATAPAT SA PAGSUWAY

1st Offense – Ipatatawag ang magulang para sa Parent-Teacher Conference kasama ang Guidance Teacher at
bibigyan ng warning

2nd Offense – Ipatatawag ang magulang para sa pag-uusap kasama ang Adviser, Guidance Teacher at Principal na
may kaakibat na kondisyon base sa uri o bigat ng nagawang paglabag

3rd Offense – Ipatatawag ang magulang para sa pag-uusap kasama ang Adviser, Guidance Teacher at Principal
upang ipagbigay alam ang pasya ng paaralan na maaring suspension o pagpapalipat sa ibang
paaralan (dismissal)

Guidance Copy

Matapos kong mabasa ang mga nilalamang alituntunin sa KASUNDUAN NG MAG-AARAL, MAGULANG
AT PAMUNUAN NG PAARALAN ako ay nangangakong susundin at tutuparin ang mga ito. Pinatutunayan ko po na
ito ay aking nauunawaan at ipauunawa sa aking anak at ipinapangakong gagawin ang mga ito.

Dahil dito, ako si _____________________________________________________________magulang/guardian


ni ______________________________________________________Baitang______ Pangkat ______________________
ay sumasang-ayon sa kasunduang ito at nangangakong susubaybayan at gagabayan ang aking anak sa kanyang pag-
aaral at dadalo sa anumang patawag o tuwing may Parent-Teacher Conference.

Nauunawaan ko rin na anumang suliraning pampaaralan na kinasangkutan o nagawa ng aking anak ako ay
makikipag-ugnayan at makikipagtulungan sa paaralan para sa kabutihan ng aking anak at sa kalutasan ng isyung
kanyang nagawa.

Bilang pagsang-ayon ako po ay lumagda sa kasunduang ito kasama ang aking anak.

Pangalan at Lagda ng Mag-aaral Pangalan at Lagda ng Magulang Petsa

You might also like