You are on page 1of 4

POSISYONG PAPEL SA BOLUNTARYONG PAGSUSUOT NG UNIPORME

SA PAMPUBLIKONG PAARALAN

Ang pagsususot ng uniporme sa mga paaralang pampubliko ay

boluntaryo na lamang. Ipinatupad ang panukalang ito ng Pangalawang

Pangulo ng Pilipinas at DEPED Secretary na si Sara Duterte sa bawat

pampublikong paaralan. Ang boluntaryong pagsusuot ng uniporme ay

ipinatupad upang mabawasan ang gastos ng mga mag aaral at mga

magulang dahil sa pandemya na naranasan ng lahat sa nagdaang panahon.

Upang malimitan ang gastos ng bawat mag aaral at magulang para sa bibilhin

nitong uniporme sa pagpasok nito sa paaralan.

Ang pagsusuot ng uniporme ay dapat boluntaryo. Dahil hindi naman

ito nakakatulong sa pagdagdag ng kaalaman ng mga estudyante. Napipilitan

ang mga magulang na magbayad nang malaking halaga para lamang sa

isang pares ng uniporme na sana ay ilalaan na lamang pandagdag para sa

kanilang kakainin at pandagdag sa baon ng isang mag aaral sa pagpasok nila

sa paaralan. Nagkakaroon ng kakulangan sa oras ang mga estudyante sa

paglalaba ng uniporme para lamang may maisuot kinabukasan. Dahil sa

paghahanda para sa gagamitin na uniporme, ang oras na sana’y

naipagpahinga ng mag-aaral ay nawala dahil sa paghahanda nito sa

gagamiting uniporme para sa pagpasok nito sa eskwelahan.

Ang mga uniporme ay nagbibigay ng pagkakapantay pantay.

Namumukod- tangi ang mga estudyante dahil sa kanilang ugali at hindi sa

kasuotan na nais nilang isuot pagpasok sa eskwelahan. Dapat na panatilihin


na naka uniporme ang mga mag aaral sa pagkat nakikita ang kaayusan sa

mga mag aaral. Kung maayos na damit lang ang suot ng mga mag aaral sa

araw araw nilang pag pasok magiging mas magastos ito kumpara kung naka

uniporme sila. Kailangan mag prodyus ng limang maayos na damit ang

magulang samantalang kung may dalawang pares ng uniporme ang mga

estudyante maari ng makapasok sa eskwelahan. At maayos pang tignan ang

mga mag aaral kung pare pareho silang naka damit ng uniporme sa paag

pasok sa eskwelahan.

Mas mainam kung maayos ang uniporme ng mga mag-aaral sapagkat

nakikita ang pag respeto at galang nito sa institusyon. Sa isang paaralan

magandang pag masdan kung ang bawat mag aaral ay pare-pareho ng

kasuotan tulad ng isang uniporme, na magpapakita ng kalinisan at

pagkakaisa ng bawat mag aaral sa isang paaralan.

Mahalaga ang pagsusuot ng uniporme dahil tinutulungan nila ang

mga bata na magbihis nang maayos sa paaralan, ang uniporme ng mag-aaral

ay makakatulong sa kanila na maging kumpiyansa. Sa pagsusuot ng mga

estudyante ng damit pang eskwela, pakiramdam nila ay kabilang sila sa isang

partikular na organisasyon. Madaling makilala ng mga tagalabas kung aling

paaralan ang kanilang pinapasukan.

Nakasaad sa Deped Order No.46,Series of 2008 na ang bawat

mag-aaral ay kinakailangan naka uniporme tuwing sila ay papasok sa

eskweahan.

Ang pagsunod sa isang alitun-tunin ng isang paaralan tulad ng

pagsuot ng uniporme, ay isang gawain na makakatulong sa isang mag-aaral

upang maging kanais-nais at magandang pagmasdan tuwing sila ay papasok


ng eskwelahan. Ang pagtutol sa boluntaryong pagsususuot ng uniporme sa

bawat paaralan, magkakaroon ng disiplina at paggalang ang estudyante para

sa paaralan na kaniyang pinapasukan at mas maipakilala at maipapakita

nang bawat mag aaral kung ano ang kahalagahan ng pagsunod sa mga

alitun-tunin ng isang paaralan tulad na lang ng tamang pagsunod sa

pagsususot ng pares ng isang uniporme.


PAKSA: BOLUNTARYONG PAG SUSUOT NG UNIFORME

POSISYON: POSISYONG PAPEL SA PAGTUTOL SA BOLUNTARYONG

PAGSUSUOT NG UNIPORME SA PAMPUBLIKONG PAARALAN

MGA MIYEMBRO:

CALUMPIANO JERWIN A

DUDOS RACHELLE MAE

DALIDA JUEM

CAMALLA JAYVEE

CASTRO JUDY ANN

TERAYTAY ANGEL

TERAYTAY CAHTERINE

DEDAL REYNA

DE RAMAS TRISHTAN

VINLUAN ANGEL

CERBAS QUEENCES

You might also like