You are on page 1of 2

Kakulangan ng Badyet para sa mga Piling Kalahok ng Campus Journalism

Malaki ang epekto sa mga piling kalahok ng Campus Journalism ang kakulangan ng badyet. Isa ito sa mga
problemang kinakaharap ng estudyanteng mamamahayag at sa mga guro na gumagabay sa kanila.

Kung walng sapat na suportang pinansyal, ang mga mag-aaral ay mahihirapan dahil sa kakulangan ng kagamitan.
Halimbawa nalang ay ang mga photo journalist, dahil walang sapat na badyet ang paaralan upang makabili ng
camera, wala silang ibang magagawa kundi manghiram ng kagamitan ng iba. Maliban nalang kung kaya silang
bilhan ng kanilang mga magulang ng sariling kagamitan. Paano naman yung mga estudyanteng di kayang
mabilhan ng kanilang mga magulang? Hindi lahat ng magulang ay may sapat na kita para sa pangangailangan ng
kanilang anak.

Ang bawat manlalahok ay lubos na nagsusumikap upang manalo sa kompetisyon, ang bawat manlalahok ay
determinado sa kanilang kategorya. Ginagawa nila ang kanilang makakaya upang magtagumpay. Ngunit sa kabila
nito nahihirapan ang mga piling kalahok, maging ang mga coach ay walng wala upang matustusan ang kanilang
pangangailangan. Kaakibat nito ang paghihirap ng mga manlalahok kung walang badyet ang paaralan para sa
kanila, ang tanging sambit na lamang ng mga guro ay “Sana dumating na ang bonus”, bonus na kung saan ito ang
magtatawid sa mga gastusin. Ang mga manlalahok ay umaasa sa tugon ng paaralan, ngunit maging ang paaralan
ay walang-wala rin, ang prinsipal ng paaralan ay magsisikap din na magkaroon ng sapat na badyet sa manlalahok.
Pinapangako ng mga Journalist na gagawin nila ang lahat at di nila sasayangin ang oportunidad na ito sapagkat ito
ay karangalan ng kanilang paaralan.

Arroyo’s ‘K + 10 + 2’ Proposal

Iminungkahi ni House Senior Deput Speaker Gloria Macapagal Arroyo na nais nitong baguhin ang K to 12
education program at gawin itong K + 10 + 2 system sa ilalim ng House Bill No. 7893. Ang layunin nito ay lalong
pahusyain ang sistemang pang edukasyon ng bansa sa pamamagitan ng pagpapakilala ng karagdagang dalawang
taon ng madatoryang edukasyon pagkatapos makumpleto ang 10 taong siklo ng pangunahing edukasyon.
Gayunpaman sa mas malapit na pag susuri lumilitaw na ang panukalang ito ay maaaring isang maling diskarte na
may mga potensyal na kakulangan na kailangan matugunan.

Ang kasalukuyang sistema ng edukasyong sa Pilipinas na ginagamit noong Hunyo 4, 2012, ay binubuo ng
kindergarten at 12 taon ng primaryang edukasyon. Idinagdag ang Grade 11 and 12 sa basic education program ng
bansa upang matulungan nito ang mga Senior High School (SHS) graduates na makapag trabahao, o makapag tayo
ng sariling negosyo, kung sakaling mag pasya silang di na pumasok ng kolehiyo. Ngunit ayon sa mga pag-aaral at
mga analysis sa nakalipas na 10 taon, hindi naman ito nakatulong sa mga estudyanteng nakapag graduate ng
Senior High School. Dahil tila patuloy na pinipili ng mga pribadong sektor ang pagkuha ng mga nakapag tapos sa
kolehiyo o unibersidad kaysa sa mga nakatapos lang ng Senior High School.

Ano nga ba ang pinagkaiba ng K to 12 at K + 10 + 2? Ang pinagkaiba nito ay doon sa dalawang huling taon. Sa K to
12 ay hindi ka pwedi grumaduate hanggat hindi mo natatapos ang Grade 11 at 12 o tinatawag na Senior HIgh.
Samantala sa “K + 10 + 2”, kung ang mag-aaral ay walang planong pumasok ng kolehiyo ay maaari na itong
grumaduate pagkatapos ng 10 taong siklo ng pangunahing edukasyon. Maaari na silang tumulong sa kanilang
mga magulang sa pag sasaka, sa sari-sari store, o sa mga micro business. Sa mga estudyante naman na may
planong pumasok ng kolehiyo o unibersidad ay mag papatuloy sa pag-aaral ng dalawang taon, na tinatawag
nilang post-secondary o pre-university upang mas malaki ang kanilang pagkakataon na mag tagumpay sa kolehiyo
o unibersidad at pasulong sa propesyonal na lisensya. Kinakailangan na sumunod sila sa pamantayan ng
International Education.
Kapag naaprubahan na ang panukala ni House Senior Deputy Speaker Gloria Macapagal Arroyo, ay maaaring mag
resulta ito ng pagdagdag ng bilang ng mga manggagawa na mag-aasam ng trabaho sa ibang bansa. Maaari itong
mag dulot ng posibleng kawalan ng mga kwalipikadong manggagawa na magtratrabaho sa sariling bansa. May
posibilidad rin na bumaba ang bilang ng mga estudyante na pumasok sa kolehiy. Pag bumaba ang bilang ng mga
estudyante na pumapasok sa kolehiyo, ay magkaka meron ng kakulangan ng mga propesyonal na manggagawa
at kakulangan sa serbisyo publiko sa mga institusyon tulad ng ospital, paaralan at iba pa. Sa pangkalahatan ang K
+ 10 + 2 ni Gloria Macapagal Arroyo ay maaaring mag dulot ng positibo o negatibong epekto sa mga mag-aaral at
sa bansa.

Tayo ang magdedesisyon kung ano ang gagawin natin sa ating buhay, kung hihinto tayo sa pag-aaral o itutuloy ba
natin ito upang magka meron ng trabaho na may sapat na suweldo na makakatulong sa ating pamilya at sa ating
sarili. Huwag sumuko at gawin natin ang ating makakaya upang makamit natin ang ating pangarap.

You might also like