You are on page 1of 1

K-12 CURRICULUM: Dapat bang amyendahan, tanggalin o palitan?

Noong April 26, 2023, Napabalita sa TV Patrol ang pagsusulong ng panukala para
amyendahan ang K-12 Curriculum. Nilalaman nito ang paghahain ni Rep. Macapagal-Arroyo
ng panukalang batas para amyendahan ang K-12 system. Ayon sa kanya, bigo ang K-12 Basic
Education Program na maibigay ang mga ipinangakong benipisyo sa mga mag-aaral na
nagtapos kapalit ng dalawang dagdag na taon sa high school. Nilalaman din nito ang isang
pag-aaral ng Philippine Institute for Development Studies na nasa higit 20% lamang ng SHS
graduate ang agad na nagtatrabaho at mas marami pa ring mag-aaral ang nagpapatuloy sa
kolehiyo. – Banggitin ang mga pangyayaring nasa likuran ng isang paksa.

Sa kasalukuyang K-12 system sa bansa na ipinatupad sa ilalim ng predecessor ni Arroyo


na si dating Pangulong Benigno Aquino III, idinagdag ang Grades 11 at 12 sa basic education
program ng bansa sa pag-aakalang sa pamamagitan ng karagdagang dalawang taon,
makakapagtrabaho agad o magkaroon ng sariling negosyo ang mga senior high school (SHS)
graduates. Subalit sa kasamaang palad, ang realidad mas nais ng mga pribadong sektor na
mag-hire ng mga college o university graduates kesa sa mga nakapagtapos ng K-12. Katulad
na lamang si Beverly Magno, isa ring K-12 graduate na nakuhanan ng pahayag sa balita,
Inabot ng isa’t kalahating taon bago siya makahanap ng trabaho. Ayon sa kanya, karamihan sa
kanyang naaplayang posisyon, ito ay naghahanap ng mga studyanteng nakatungtong man
lang ng kolehiyo kung kaya’t matagal bago siya magkaroon ng mapagkakitaan.

Sa kabilang dako, maraming mamamayan ang nagpaabot ng kanilang mga opinyon


patungkol sa nasabing balita. Mas matimbang sa kanila na alisin ang nasabing programa
sapagkat ito raw ay mas nagpapahirap sa mga pilipino idagdag mo pa ang nagtataasang
bilihin at pagtaas ng mga college tuition fees na mas lalong nagpapahirap sa mga
mamamayang pilipino. Ang K+2+10 program na inihain ni Rep. Macapagal-Arroyo Ay
gumagana lamang sa mga maunlad na bansa na may mataas na kalidad ng edukasyon. Ang
rason kung bakit ang mga kompanya ay hindi tumatanggap ng mga SHS graduate ay dahil sa
mababang kalidad sa elementarya at sekandaryang edukasyon. Ayon rin sa ibang
mamamayan na dapat mas pagtuunan ng pasin ang pagpapalakas ng TESDA dahil mas higit
na kapaki-pakinabang ito kumpara sa pag-amyenda ng K-12 Curriculum. – Paangulo

Sa huli, ang pag- amyenda ni Rep. Macapagal- Arroyo sa layuning mas maging
epektibo ang k-12 system ay malaking hamon para sa mga mag-aaral at mamamayan dito sa
pilipinas dahil aminado ang ibang SHS graduate na walang kasiguraduhan na sila’y agad na
makakahanap ng mapagtrabahuan kaya’t kahit sila ay nakapagtapos na, ay mas gugustuhin pa
rin nila ang makapagtapos o makapag-aral sa kolehiyo dahil mas makakatiyak sila na
matanggap sa inaaaplayang posisyon at agad na makapagtrabaho. Kaya kung ikaw ang
tatanungin, dapat bang amyendahan ang K-12 system?, tanggalin ang nasabing programa? O
palitan na lamang ng mas epektibong sistema? – Mag-iwan ng ilang tanong.

You might also like