You are on page 1of 1

Ano ang kontemporaryong isyung pang edukasyon

Isa ito sa apat na uri ng kontemporaryong isyu, ito ay mga pangyayari, opinyon, o paksa na tunkol sa edukasyon na
nangangailangan ng paglilinaw.

Ano ang k-12

Ang k-12 ay isang programang ipinatupad ng pamahalaan at nang kagawaran ng edukasyon noong school year
2012-2013, nais nitong tulungang makapag handa ang mga mag aaral sa pagpasok sa kolehiyo at para din pantayan
ang Sistema ng ibang bansa. Ito ay nagdag ng bagong gade level na 11 at 12.

Ano ngaba ang layunin nito?

Tulad ng naunang sinabi nais nitong maihanda ang mga mag aaral sa pagpasok ng kolehiyo at para pantayan ang
Sistema ng paaralan sa ibat ibang bansa, Binibigayan nito ng opsiyon ang isang mag-aaral sa paraang pag pili ng
nais nilang kunin na strand tulad ng Stem, Abm, at Humss. Kapag ang isang estudyante ay nakapag desisyon na sa
nais niyang kunin ay maari syang pumili sa mga ito, ngunit kapag naman ang isang estudyante ay wala pang naiisip
o Undecided ay maari nyang kunin ang isang strand ito ay ang Gas o General academic strand upang tulungan ang
isang estudyante makapag pili o mapaghandaan ang kursong nais nilang kunin sa kolehiyo. Isa din sa mga layunin
nito ang pagbigay ng agarang trabaho sa mga grade 12 graduate kung nais nilang mag trabaho upang maka tulong
sa kanilang pamilya.

Ano ano naman ang mga kahinaan at problema ng k-12

Ang pinaka unang problema dito ay isa itong dagdag gastusin sa isang mag-aaral na galing sa isang low income na
pamilya, at isang working student. Pangalawang problema nito ay dinadagdagan nito ang taon ng pagaaral bago ka
makatuntung sa kolehiyo.Pangatlo hindi naging epiktibo ang isang sinasabing layunin nito na makapag bigay ng
agarang trabaho sa mga grade 12 graduate na gustong makapag trabaho.

Mga solusyun sa problemang pang edukasyon at k-12

Ito ang mga niisip naming solusyun para sa problemang ito. Mag karoon ng isang ahensyang tutulong sa gastusin
ng isang mag-aaral hindi lamang hanggang High school ngunit ito ay hanggang sa pag tapos nila ng kolehiyo ngunit
pili lamang ang makakapasok dito ito ay ang mga low income family, working students, at isang mag-aaral na ang
magulang ay walang tiyak na trabaho. Pangalawa kailangan ng gobyerno na ayusin ang ang mga ahensyang may
napakataas o dimakatotohanang standards sa trabaho, kailangan itong mabago upang mabigyan ang mababa ang
tinapos at ang mga walang tinapos. Ang pangatlong problema ay hindi tiyak ang isang mag aaral na grade 12 kung
may makukuha syang trabaho pag katapos nyang grumaduate, ang solusyun dito ay gumawa ang gobyerno ng
ahensyang tutulong sa mga mag aaral humanap ng isang trabo na ukol sakanilang tinapos.

Konklusyon

Ang k-12 ay isa sa mga magandang programang inilunsad ng gobyerno, ngunit hindi pa ito perpekto sa ngayon.
Hindi lamang Isyung pang edukasyon ito ngunit isa din itong isyung pang lipunan, isang dahilan ang kakulangan ng
trabahong ibinibigay sa mga mamamayang Pilipino, dahil dito ay maraming mag-aaral ang hindi makapag aral,
tulad kapag ang isang estudyante ay walang baon, walang pambili ng kagamitan, at iba pa. Napaka dami pang
problemang kailangang masolusyunan ng gobyerno upang ang programang k-12 ay maging 100% porsyentong
epiktibo.

You might also like