You are on page 1of 4

Estudyante sa elementarya turuan sa

pagtatanim
MANILA, Philippines — Habang maaga ay dapat ng turuan sa kahalagahan ng pagtatanim tulad ng gulay
at mga puno ang mga bata sa elementarya upang sumulong ang agrikultura sa bansa.

Ito ang nilalaman ng House Bill (HB) 6535 na isinusulong ni 3rd District Camarines Sur Rep. Gabriel
Bordado.

Ayon kay Bordado, kailangang maganyak o mahikayat na ang mga kabataan na magtanim ng mga puno,
gulay at iba pa.

Binigyan diin ng kongresista na bilang isang bansang malawak ang lupain ay dapat mapagtanto ng mga
kabataang mag-aaral ang potensyal ng Pilipinas bilang isang agrikulturang bansa.

Aniya, habang bata pa ay dapat ng mahubog ang interes ng mga kabataang mag-aaral sa pagtatanim na
malaki rin ang maitutulong sa pagyabong ng ekonomiya.

Sakaling mapagtibay bilang batas ang HB 6535 ay may mandato sa Department of Education na
magtakda ng klase sa agrikultura sa lahat ng mga estudyante sa mga pampublikong paaralan sa
elementarya.

Bill vs no exam sa mga estudyante


na‘di bayad tuition, pasado na sa
Kamara
MANILA, Philippines — Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang nagbabawal sa mga
paaralan na payagan ang mga estudyante sa pampubliko at pribadong Higher Education Institutions
(HEIs) na kumuha ng pagsusulit kahit hindi pa bayad ang tuition fees o matrikula.

Sa botong 237 pabor ay ganap na napagtibay ang House Bill (HB) 6483 o ang “An Act Allowing College
Students with Unpaid Tuition and Other School Fees to Take the Periodic and Final Examinations on
Good Cause and Justifiable Grounds.”

Ipinunto sa panukala na dapat i-accomodate o intindihin ang kalagayan ng mga mag-aaral na posibleng
nahaharap sa emergencies at iba pang sitwasyon kaya hindi nakabayad ng matrikula gayundin ng iba
pang mga school fees.

Dahil dito, walang sinuman sa mga estudyante sa pampubliko at pribadong HEIs ang pagbabawalan na
makakuha ng periodical o final examinations dahil lamang sa hindi bayad na tuition at iba pang bayarin.
Alinsunod sa HB 6483, bibigyan naman ng karapatan ang eskuwelahan na huwag ibigay ang clearance o
transfer credential ng estudyante hanggang sa mabayaran ng mga ito ang kanilang pagkakautang.

DepEd: Earthquake, fire drills


isasagawa sa mga iskul
MANILA, Philippines — Ipinag-utos ng Department of Education (DepEd) ang pagdaraos ng mga
“unannounced earthquake at fire drills” sa mga paaralan tuwing una at ikatlong linggo ng bawat buwan.

Ito, ayon sa DepEd, ay upang matiyak ang kahandaan ng mga estudyante at mga school personnel,
sakaling magkaroon ng lindol o sunog sa mga paaralan.

“These drills are to ensure that all learners are properly guided on what should be done during and after
an earthquake or occurrences of fire in schools,” atas ng DepEd.

Ang mga paaralan naman sa National Capital Region (NCR), Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal ay inatasan
ding bumuo ng hiwalay at ispesipikong disaster plan para sa mga lindol na nasa magnitude 7 o mas
mataas pa.

Ipinaliwanag pa ng DepEd na bukod sa pagtiyak ng kaligtasan ng mga estudyante at mga school


personnel, ang local drills at simulation exercises ay preventive measures din upang maging pamilyar sila
sa escape routes sa mga paaralan at pagpapatupad ng tamang pamamaraan sakaling magkaroon ng
kalamidad

Nanindigan ang DepEd na ang pagkakaroon ng epektibong kahandaan ay makatutulong upang magligtas
ng buhay.
MANILA, Philippines — Pinayohan ng department of Haelth (DOH) ang publiko na sumailalim sa regullar
na medical checkup lalo na kung may history ng hypertencion sa kanilang pamilya upang ma-iwasan ang
aneurysm

for us to prevent that [aneurysm], we must control the factors we can control, and how do we do that,
primary care is our manage ment for this. People shuold always have themselves checked especially
kung meron silang risk for hypertension in thier family, kung meron silang anhealthy life style like
smoking and all ani DOH Officer-in-Charge Ma. rosario VERGEIRE.

karamihan din sa mga kaso ng aneurysm sa bansa ay hindi naita tala o naido-dokumentong aneurysm
dahilhindi na ito dumaraan sa pruseso kapag cases emergency.

kasi usually kapag dumating sa ospital

its already at that late stage, hindi na nakakagagawa nung scanning na kailangan, ani Vergeire?

Ang pahayag ni Vergeire ay kasunod ng mga olat na ang mga kaso ng aneurysm ay tumataas at pabata
ng pabata ang nasasawi d

“mostly, it would be reported as cerebrovascular incidents & nakikita natin yan sa top laeding causes of
death dito sa ating bansa ” paliwanag niya.

“So, lumalabas na-stroke ‘yung paysente pero ‘di nado-document na anuerysm pala ‘yung nangyari and
not really stroke.”

Ang anurysm ay isang condisyon ng paghina ng mga artery ng isang tao kungsaan ang dugo ay
dumadaloy palayo sa puso papunta sa iba’t ibang katawan bahagi ng.

Nangyayari ito hindi lammang sa utak kundi sa tiyan, poso at binti na ang karaniwang simtomas ay
matinding pananakit ng ulo, pagka hilo at pagco-collapse;

iyong iba masakit na masakit ‘yung dibdib o tiyan nila and eventualy they lose consciousnes, dadalhin na
sila sa ospital kapag ganyan, aniya pa

Mackokontrol naman aniya ang aneurysm gayang hindi Paninigarilyo habang ang factors controllable ay
ang hereditary ilnesses na dahilan opang humina ang mga vessels ngkatawan.

pinakahuling naiulat na kaso ng ANEURYSM ay ang dahilan ng pagkamatay ng singer na si jovit baldivino,
Aneurysm pwedeng maiwasan kung
regular magpapa-chekup - DOH

You might also like