You are on page 1of 1

Balagunan National High School

Balagunan, Sto.Tomas, Davao del Norte

Posisyong Papel ng Grade 12 Akademik sa DepEd Order No. 49, s. 2022 on Promotion of
Professionalism in the Implementation and Delivery of Basic Education Programs and Services.

Sabi nila ang mga guro ay ating pangalawang magulang , gumagabay upang tayo’y makatayo
sa sariling paa. Subalit, samo’t sari ang naging tugon ng publiko at ng mga estudyante pagkatapos
inilabas ni Vice President at Department of Education Secretary Sara Z. Duterte ang DepEd Order No.
49, s. 2022 on Promotion of Professionalism in the Implementation and Delivery of Basic Education
Programs and Services.

Naglabas ng bagong kautusan ang Department of Education (DepEd) para sa mga teaching
personnel upang mapanatili ang pagiging “propesyunalismo”. Partkular na riyan ang pagkakaroon ng
relasyon sa pagitan ng mga guro at estudyante sa labas ng klase at nakalahad diyan na bukod sa
bawal mag-usap ang mga guro at estudyante sa labas ng klase ay hindi rin sila pwedeng mag-follow
sa social media. Ayon sa lahad ng bagong kautusan “Avoid relationships, interaction, and
communication, including following social media with learners outside of the school setting, if
they are relatives”. Ipinaliwanag ni Vice-Presidente Sara Duterte na ipinatupad nila ito para
maiwasan ang magiging problema sa eskwelahan, “As a teacher, mayroon talagang line between
him or her and the learner. Dapat hindi sila magkaroon ng friendly relations with their learners
outside of the learning institution setting dahil nagkakaroon ng bias ‘yung isang tao kapag nagiging
kaibigan na niya,” aniya. Kasalukuyang sinuspinde ang mga guro na sangkot sa sexual harassment at
tiniyak ni Vice-President Sara Duterte na patuloy nilang tinutulungan ang mga estudyanteng
nagsampa ng reklamo. Samakatuwid, nilinaw rin ni bise presidente na possible pa ring maging
magkaibigan ang mga guro at estudyante kung ito’y nasa loob lamang ng kanilang classroom.

Suportado ako sa inilabas na batas ni bise presidente at sektarya ng departmento ng


edukasyon Sara Duterte sa Promotion of Professionalism in the Implementation and Delivery of
Basic Education Programs and Services, sapagkat ang interaksyon ng mga guro at sa mga estudyante
ay hindi na lalagpas, dapat mananatiling propesyunal ang mga guro. Kahit na may Face-to-face
classes na ngayon ay maaari ng gabayan ang mga guro sa loob ng paaralan at para maiwasan na mas
lumalalim ang interaksyon sa mga estudyante lalo na sa dumaraming kaso ng child abuse.

Ayon pa kay ACT Teachers Rep. France Castro na kung bakit gumawa ang DepEd ng ganon na
Order dahil wala ng freedom of speech, to organize and be able to voice out their grievances ang
mga guro, kahit may punto siya dahil hindi lahat ng estudyante ay naging biktima, pati rin ang mga
guro na wala namang ginagawa ngunit nahulog sa mga patibong ng mga estudyante. Gayunpaman
ay suportado pa rin ako dahil ikakabuti ito ng mga estudyante o ang mga guro.

Pinagtibay ngayong Nobyembre 16, 2022

You might also like