You are on page 1of 1

Pagbabawal ng Pagbibigay ng Takdang Aralin tuwing Weekend

Sa loob ng isang linggo, mula lunes hanggang biyernes ay nasa eskwelahan tayong mga
kabataan. Pumupunta tayo sa eskwelahan para matuto sa mga bagay na kailangan nating
matutunan. Kailangan nating mag-aral upang malilang ang ating mga kakayahan sa mga bagay-
bagay at gabayan tayo para sa isang magandang kinabukasan. Ang takdang aralin ay isa sa mga
bagay gawain nating bilang estudyante. Binibigyan tayo ng ating mga guro ng takdang aralin
para malaman nila kung may natutunan o nakikinig tayo sa kanilang tinatalakay sa harap. Ang
unang pumapasok sa isip ko kapag pinaguusapan ang takdang aralin ay ang pagkokopyahan ng
mga estudyante para meron lang silang maisagot. Halos lahat ng estudyante ginagawa ito para
hindi sila mapagalitan ng kanilang guro dahil nakalimutan nila itong gawin.
Subalit di maisasantabi ang pagbibigay ng ating mga guro ng takdang aralin ng sabay-
sabay. Minsan ay hindi na natin alam kung alin ang uunahin sa sobrang dami. Meron din mga
estudyante na hindi na natutulog o kumakain kasi kailangan nilang tapusin ang kanilang
takdang aralin. Kaya imbes na magpahinga sila tuwing weekend ay hindi na nila magagawa kasi
marami pa silang gagawin. Ang weekend ay dapat pahinga ng mga estudyante kasi limang araw
silang nasa paaaralan, kailangan din nilang ipahinga ang kanilang mga utak para hindi sila ma
stress sa kanilang mga gawain. Sa weekend din nagbobonding halos lahat pamilya dito sa
pilipinas dahil alam nila na wala ng pasok ang kanilang mga anak. At dahil diyan ipinagbawal ng
DepEd ang pagbibigay ng takdang aralin tuwing Sabado at Linggo sa mga pre-school hanggang
secondarya.
Sa pangkalahatan, ay hindi naman masama ang magbigay ng takdang sa mga estudyante
dahil parte parin ito ng ating pag-aaral. Sa kabila ng mga di mabubuting naidudulot nito,
masasabing kailangan parin natin itong gawin dahil isa ito sa mga tungkulin natin bilang mag-
aaral.

You might also like